Share

Hanggan kailan kita mamahalin
Hanggan kailan kita mamahalin
Author: Tiraycute062

Chapter 1

Vee pov

“Hoy,, Vee para ka naman sira Diyan?!” Nakairap na saad ni Banak sa kaibigan na nakatulala naman kasi ito habang hawak-hawak ang picture ng lalaking kinababaliwan nito.

“Vee!” Muli tawag ni Banak sa kaibigan. Marahan itong hinampas sa may braso.

“Aray,,, bakit ba bakla? Naiinis na sagot ni Vee sabay harap sa dalawa kaibigan.

“Yan, mabuti at narinig mo na ako kailangan pa talaga hampasin para humarap eh!” usal pa nito.

“Ano ba kasi ‘yun!” Napakamot na tugon ko rito.

“Ng istorbo ka!” Saad ko pa at muli kong tinitingnan ang picture ni Kuya Dylan na kinuha ko pa noon sa picture frame na naka display sa Mansyon ng mga ito dalawang taon na ang nakararaan.

“Nawawala naman ang utak, mo Vee?! Saad naman ni Nakba.

“Kaya nga, Luka ka hanggan kailan mo pa pinagpapantasyahan. Si kuya Dylan. Dalawang taon na hindi ka pa rin ba susuko?

“Dalawang taon ka nang nanliligaw ngunit lagi ka naman tinataboy.” Saad naman ni Banak sa akin.

“Oo–nga hindi ka ba nagsasawa? Tanong muki nito.

“Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Halos pinagtatabuyan ka na ni kuya Dylan na lumayo ka sa kaniya pero ang tibay mo?” Sambit pa ni Banak.

“Alam mo naman at sinabihan ka na ni Kuya Dylan an may mahal siyang iba ang ‘yun ang kababata niyang Si Lorraine at Long time girlfriend niya. At ano mang oras ay babalik na ‘yun galing sa Paris.” Saad naman ni Nakba.

“Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Nakasimangot na sabi ko sa mga ito.

“Hindi ninyo naman ako suportahan sa kaligayahan ko! Panay kayo kontrabida.” Turan ko pa.

“Kaibigan mo kami, Vee kaya nga ginigising ka na namin sa katotohanan hanggan kailan ka magtitiis at ilang taon pa ang hihintayin mo para lang mapansin ka ni kuya Dylan. umpisa pa lang sinabihan ka na niya diba. Ngunit ngapatuloy ka pa rin hanggan ngayon.” Sermon ni Banak sa akin.

“Ikaw din ang masasaktan sa huli kapag pinagpatuloy mo pa ang kabaliwan mo ‘yan Vee!” Wika naman ni Nakba.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga sinasabi ng aking mga kaibigan.

Nagtatanong din ako sa aking sarili bakit si Dylan pa ang aking gusto o minahal. Na alam ko naman sa umpisa palang ay may mahal ng iba. Ngunit ganun yata ang pag ibig nagiging martir o tanga pagdating sa taong mahal.

“Ano ba naman kayo, hindi ninyo na lamang ako suportahan.” Nakasimangot kong tugon sa aking mga kaibigan at tinago ko na ang hawak kong picture sa aking wallet na dalawang taon na nakatago.

“Sinusuportahan ka namin, ngunit kami na ang naaawa sayo. Ilan taon kana kasi habol at nagtitiis ngunit para ka lamang hangin sa paningin ni kuya Dylan.” malungkot na saad ni Banak.

Sunod-sunod naman siyang umiling sa dalawa. “Hanggan wala pa naman ang kababata niya may pag asa pa akong mahalin rin ni Dylan.” Sagot ko na lamang sa aking mga kaibigan.

“Ewan sayo, bahala ka na nga kung ayaw mong makinig sa amin.” Naiinis na sagot na lamang ni Nakba.

Hindi na lamang ako sumagot. Nanatili na lang akong tahimik. Kahit ano kasi paliwanag ang gawin ko sa aking mga kaibigan ay wala. Mahirap talaga magmahal ng one side lang.’yung ikaw lang ang nagmamahal at ang iniibig ko ay may mahal ng iba. Marahas na lamang akong napabuntong-hininga at tumanaw sa malayo.

“Hi Baby, Dylan!” Nakangiti kong bati sa lalaki. Sa wakas nakita ko ulit ang binata halos ilang linggo ko ito hindi nakita dahil sobrang busy nito sa trabaho.

Nag chat sa akin si Bhella na narito na raw ulit sa pinas si Dylan.

Kaya kahit may racket akong pupuntahan ay hindi ako tumuloy at sa bahay ng aking kaibigan ako pumunta dahil narito ang lalaking aking iniibig.

Nasa garden ito kasama at binabantayan si Deringer ang aking inaanak.

Hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin.

“Mmm ang suplado talaga, pero bakit lalo ko siyang minahal.” Saad ko sa aking isipan.

Nasa tabi na ako ng mag tito.

“Na miss mo ba ako, Baby D ko!” Nakangiti wika ko pa at nilapit ko pa ang aking mukha para masilayan ko lang ang gwapo mukha ng lalaki.

“Ilang beses ko bang sinabi sa'yo huwag mo akong tawagin ng ganyan.” Naiiritang sagot ng binata sa akin at bahagya itong lumayo. Na para bang may malubha akong sakit.

Ngunit hindi ko na lamang pinansin pa kahit nasaktan ako sa mga kilos nito. Ay pilit kong tinatago.

“Siguro mga one hundred times na kita tinatawag ng Baby D.” Sagot ko rito.

“Bakut bagay naman sayo ang tawagin kita Baby D.” Nakangiti ko pang wika.

Sumimangot lamang ang lalaki sa akin. Ngunit sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti.

“Hi, Baby Deringer, ang sungit talaga ng tito mo? Mabuti ka pa palagi nakangiti samantalang ‘yung isa ‘dyan para pinaglihi yata sa sama ng loob.” Pasaring ko pang wika.

Masama tingin lamang ang ibinigay ng binata sa akin.

Nag fly kiss naman ang sinagot ko rito.

“Baliw!” Sabi ni Dylan.

“Sa'yo.” Sagot ko naman.

Lalo naman ng isang linya ang mga kilay ng binata habang nakatingin sa akin.

Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang cellphone ng binata. Agad naman nito kinuha sa suot na pantalon ang telephone para makita kung sino ang tumatawag. At hindi nakaligtas sa mga mata niya ang matamis na ngiti ng lalaki. Habang nakatingin sa Cellphone.

Bahagya naman ito tumingin sa akin na ngayon ay wala kangiti-ngiti sa labi.

“Bantayan, mo muna Si Deringer. Huwag mong iiwanan ah!” Bilin ni Dylan sa akin pagkatapos bumaling muli sa pamangkin at nag paalam rito.

“Baby wait lang ah, kakausapin ko lang si Tita Lorraine mo?” Madiin pang wika ng binata at sinadya iparinig pa sa akin ang huling sinabi nito.

Napairap na lamang ako sa hangin dahil sa sinabi ng lalaki.

“Mmmm, walang forever sa LDR!” Pabulong kung wika ngunit narinig yata ng hudyo lalaki ang aking nasabi.

“May sinasabi ka ba?” Inis na tanong ni Dylan sa akin.

“Wala po, ang sabi ko babantayan kong mabiti si Den.” Sagot ko na lamang rito.

Hindi na nagsalita ito at naglakad palayo sa kaniya. Para hindi ko siguro marinig ang pag uusapan nila.

“Ikaw naman kasi puso ka bakit sa dami- raming lalaki sa mundo bakit sa isang ‘yun ka pa nag mahal?” Tanong ko sa aking sarili.

Marahan kong hinampas ang aking dibdib “Hay nako, bakit naman kasi lord ang ibinigay ninyo sa akin ni Kupido may mahal ng iba!” reklamo ko pa habang nilalaro ang dakiro ng aking inaanak na Deringer. Na ngayon ay nakangiti na sa akin.

“Mabuti pa itong inaanak ko palagi masaya!” Usal ko sa akin sarili.

Hanggan kailan kaya kita mamahalin.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jaylyn Servallos
thank you po miss a sa update ... andito na ako...
goodnovel comment avatar
JjArt❤️💜
Laban lng vee sabi nila pag may buhay may pag asa kaya kung di mo pa mkitang kasal na c Dylan may pag asa ka pa ...
goodnovel comment avatar
Jekk'41
Laban lng Vee hanggat kaya pa.. kung ok pa.. pag dina ok.. pakawalan mona..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status