Share

chapter 3

Tapos na ako kumanta. Kaya nasa labas na lamang ako ng bar ng aking kaibigan.

Habang yakap ang sarili dahil malamig ang simoy ng hangin ng pag gabi magpapasko na rin kaya medyo maginaw na wala pa naman siyang jacket Nakalimutan kong magdala sa kakamadali.

Hinihintay ko na lang na tawagin ako ni Louise, para sa bayad sa akin ni Mamita. Kailangan ko kasi ngayon ng pera pangbili ng gamot nang aking ama.

Lumabas muna ako para mag pahangin ganito naman palagi ang aking ginagawa sa tuwing natatapos na akong kumanta ay lumalabas ako hindi ko kasi gusto ang Amoy ng alak pati usok ng mga sigarilyo.

Kaya kapag tapos na ako talagang lumalabas ako ng bar, tatawagin na lamang ako ni Louise kapag ready na ‘yung bayad sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung meron lang ako perang sapat sa pagbili ng gamot ng aking Ama ay hindi na ako kakanta pa. Kaso wala kaya kailangan kong tiisin dahil kahit paano malaki ang ibinabayad sa akin ni mamita dalawa beses lang naman sa isang linggo kaya okay na rin.

Nahinto ang pag muni-muni ko ng may magsalita sa aking likuran.

“Hanggan dito ba naman, sinusundan mo pa rin ako?!” May galit sa boses ng tao nagsalita at kahit hindi ko na lingunin. Kilalang-kilala ko na kung sino ito.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa lalaki.

Ngumiti ako napaka tamis. “Hi Baby D!” Nakangiti bati ko sa lalaki.

Ngunit para wala na rinig ang lalaki, hindi man lang siya tinugon. Bagkus masamang tingin ang ibinigay nito kung nakakamatay lang ay kanina pa siguro ako walang buhay.

“Kailan mo ba ako titigilan, ah? Ilang beses at ilang ulit ko na ba sasabihin sa'yo hindi kita gusto. May Fiance na ako!” saad nito na may galit na pananalita sa akin.

Pilit kong tinatago ang sakit na akin nararamdaman. At pilit parin ngumiti.

Lumapit ito sa akin sabay haklit ng braso ko. Napangiwi ako sa paraan ng paghawak nito sobrang higpit halos bumaon na ang kuko nito sa aking braso.

“Ganyan ka ba? Desperada ah?!” Galit na wika nito at nagkatitigan kami dalawa sa mata. Kitang-kita ko ang pagkasuklam nito sa akin.

“Habol ka ng habol kahit sinusuka na kita, at pinagtatabuyan.” Hindi kaba napapagod kahit nasaan ako nandoon ka pa rin. Pati kami ng Fiancee ko. Nag aaway dahil sa'yo akala niya niluluko ko siya.” Galit na wika nito sa aking mukha. At lalo pang diniinan ang hawak nito sa akin braso.

Kahit nasasaktan ay pilit ko parin hindi ipinakita rito. Mas masakit ang nasa loob ko ang aking puso. Nasasaktan dahil sa binitawan na masasakit na salita mula sa taong mahal ko.

“H-hindi na—”

“Oh, sino niloko mo? Hindi mo ako sinusundan eh bakit alam mo kung nasaan ako ngayon.

“Kung nasaan palagi ako naroon ka!” Saad pa nito.

“Ano ba ang dapat kong gawin. Para lubayan mo na ako!?”

“Pera ba, ‘yun ba ang gusto mo pera bibigyan kita para mawala ka na sa landas ko. Diba yan naman ang nais mo kaya nga gusto mo makuha ako dah–”

Hindi ko na pinatapos pa ang sabihin nito dahil lumagapak na ang aking palad sa pagmumukha ni Dylan.

Ang akala ko gaganti ito sa ginawa kong pagsampal. Ngunit hinawakan lamang ako sa magkabilang braso.

“Oh bakit totoo naman, diba gusto mo lang ako dahil sa pera!?” Gigil nitong sabi.

“Oo, inaamin ko hinahabol kita sinusundan kung nasaan ka naroon. Wala eh anong magagawa ko kung sayo tumibok ang letsing puso ko kahit naman pigilan ko. Ang hindi umibig sayo wala ako magagawa oo alam ko may fiancee kana hindi naman kita inaagaw ah! May ginagawa ba ako diba wala sumusunod lang ako sa'yo ngunit hindi kita aagawin alam ko naman kung hanggan saan ako sayo at alam na alam kong wala ako diyan sa puso mo. Pero sasabihin mo na pera lang kung kaya kita hinahabol. Ay isang pagkakamali hindi dahil sa pera mo kung bakit kita sinusundan dahil mahal kita. Kahit masakit na sa akin ang ginagawa mo sa loob ng dalawa taon. Okay lang makita lang kita masaya na ako.” Lumuluhang saad ko sa lalaki wala akong makita emotion sa mukha ni Dylan kundi pagkamuhi sa akin.

“Sinungaling, narinig kita noon kaya gusto mo akong makuha para makaalis ka sa kahirapan yan ang hindi mangyayari?! Kahit ikaw at ikaw na lang natitira babae sa mundo gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama ka?!” Galit na galit nitong wika sa akin.

Napamaang naman ako sa sinabi nito.

“Ano'ng pinagsasabi mo? Naguguluhan na tanong ko sa lalaki.

“Bakit hindi mo na ba tanda ang mga sinabi mo? Sabagay dalawang taon na ang nakalipas kaya impossible mo nang maalala pero ako hinding ko makakalimutinan ang mga sinabi mo.”

Lalo pa nito hinigpitan ang pagkapit sa aking braso. At alam kong magkakaroon ng pasa.

“Vee!” Napatingin silang dalawa ni Dylan sa tumawag ng aking pangalan at walang iba kundi si Louise.

“Vee, pinatatawag ka na raw ni Mamita.” Sambit pa nito habang nagtatakang tumingin sa aming dalawa ni Dylan.

Binitawan naman ni Dylan ang kaniyang braso.

Palihim ko itong hinaplos dahil sa nararamdaman kong sakit.

Agad kong inaaya si Louise sa loob ng bara para puntahan si Mamita.

“Sino ‘yun?! Kilala mo ba ang gwapong lalaking ‘yon tila kinikilig na wika ni Louise habang lumilingon kay Dylan.

“Customer nagtatanong lang!” Sagot ko rito habang hindi tumitingin sa aking kaibigan baka makita nito ang pagluha ko.

“Ha, para kasing magkakilala kayo dalawa?!” Pagduda pa nitong tanong sa akin.

“Nako hindi,’no?!” Sambit ko rito.

Lumingon pa nga ito sa gawi ni Dylan kaya hinila ko na ang aking kaibigan papasok sa loob ng bar.

“Bilisan mo gusto ko nang umuwi inaantok na ako.” Saad ko pa sa aking kaibigan.

“Sandali lang huwag mo naman ako kaladkarin. Baka madapa ako.” Reklamo nito sa akin.

“Ang bagal mo kasi!” Saad ko rito.

Tumawa lamang si Louise sa akin.

Para akong nakalutang sa hangin. Habang naglalakad pauwi ng bahay namin. Iniisip ko parin hanggang ngayon ang mga binitawan na salita ni Dylan noong nagdaang gabi.

Paano nito sinasabi na pera lang ang habol ko kaya panay ang sunod at habol ko rito.

Kahit ano gawin ko ay hindi ko maalala at ilang beses kong ibalik sa utak ko wala talaga.

Napapa Sambunot ako sa aking buhok.

“Ay naku, Vee kulang na lang maglakad ka sa labas, tapos yung walang sapin sa paa. Papasa ka nang isang baliw sa kalsada.” Pang aasar ni Nakba sa kaniya.

Masamang tingin naman ang ibinigay ko rito.

Ngunit ngitian lamang ako ng aking kaibigan.

“Baliw na pulubi pa!” Singit naman ni Banak.

Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga sinasabi ng mga ito.

“Kung ako kasi, sa'yo Vee sa iba mo na lamang ituon ang pagtingin at pag-ibig mo?!” Ani ni Banak.

“Marami naman nanliligaw sa'yo? Maganda ka pwede ka nga pang modelo eh, ayaw mo lang subukan.” Anas pa nito.

“Korek, ewan ko ba naman sa'yo Vee kung bakit sa dami ng lalaki kay. Kuya Dylan ka pa nagkagusto eh. May mahal na nga iba ‘yun.”

“Kung may pa games lang sa mga tulad mo marter Vee sasali. Kita at sigurado akong mananalo ka.” Pang iinis pa ni Banak.

“Alam mo, tanging hiling ko Vee magising ka na. Kami ang nasasaktan para sa'yo dahil mahal ka namin kaibigan mo kami. Kaya sinasabi namin ang lahat ng ito.” Wika naman ni Nakba.

Malamlam akong napatingin sa dalawa kung kaibigan.

“Salamat nandyan kayo, palagi!” Saad ko sa mga ito at sabay yakap ng mahigpit.

“Kaibigan mo kami, kahit anong mangyari kasama mo kaming dalawa ni Banka. hindi ka namin pwede pabayaan. Pero please lang Vee magising na ang puso mo. Sa iba mo nalang ilan ang pag-ibig na ibinigay mo kay Dylan dahil kahit kailan ay hindi niya masuklian. Sa huli ikaw pa rin ang talo.” Pangaral nito sa akin.

“Alam ko naman, yun ang pag-ibig ko kay Dylan. Kahit kailan ay hindi masusuklian dahil nagmahal ako ng taong may mahal ng iba. Mali ako sa puntong ‘yun pero hindi ko naman pinagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya eh, mahal ko siya ng nakatanaw lang sa malayo masaya na ako ng makita siya. Hindi ko naman siya aagawin sa kasintahan niya eh!” Saad ko.

“Hayaan ninyo na lamang ako. Magmahal kahit alam kung walang patutunguhan. Siguro hahayaan ko na lang na magising ako isang araw na wala na ang pagmamahal ko sa kanya.” Sabi ko pa.

“Hay nako, pag-ibig nga naman!” Usal na lamang ni Banak.

“Sige ikaw bahala, ilang timba pa ba ang iiyak mo bago ka matauhan.”

“Siguro mga one hundred times pa!” Pagbibiro ko na lamang sa mga ito.

“Luka, baliw!” Panabay na sagot ni Banak at Nakba.

“Tara na nga bilisan ninyo na baka hinihintay na tayo, ni Bhella sa kanila eh!” Saad ko na lamang para maiba ang aming mga usapan.

“Teka na paano ‘ang braso mo bakit mayroong pasa?!” Nagtataka at nag-alala tanong ng mga kaibigan ko.

Napatingin rin ako sa aking braso. Napamura ako ng lihim. “Shit, hindi ko natakpan!” Saad ko.

“Ahh,,,ehh.wala nabangga lang ako kagabi doon sa may poste. Kaya nagkaroon ng pasa huwag ninyo nang pansin yan hindi naman gaano masakit eh!” Sabi ko hindi ko pwede sabihin kagagawan ito ni Dylan.

“Sa susunod kasi mag iingat ka, hindi :’yung sa utak mo puro Dylan kaya nababangga ka eh!” Sermon pa ni banak sa akin.

“Opo!” Natatawa ko na lamang saad rito.

Papunta kami sa bahay nina Bhella dahil birthday ng kambal na anak ng mga ito.

“Ayaw ko sana pumunta dahil sigurado akong naroon si Dylan. panigurado magkikita naman sila at sasabihin man nito sinusundan ko siya.” Saad ko sa aking isipan.

Komen (3)
goodnovel comment avatar
Jaylyn Servallos
grabi ka daylan ang harsh mo kay Vee
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Kasalanan iyan ni Dylan, nagpasa ang paghawak niya sa balikat ni Vee.
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Thank you sa update Ms. A ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status