Share

Chapter 64

Penulis: Chocolate
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 07:53:53

Isang Gabi, pumunta si Knight sa harap ng bahay ng lola ni Lily. Nag usap kasi silang dalawa ng dalaga na magdedate. Sumama naman si Lily kay Knight at nag punta sila sa isang Private Resort na pagmamay ari ng binata. Namana niya iyon sa ama na si Oliverio. Makalipas ang mahabang biyahe, nakarating sila sa K Paradise beach Resort.

"We're here." saad ng binata. Tumango naman si Lily at sabay silang bumaba. Hindi mapigilang mamangha ng dalaga nang makita ang kabuohan ng paligid. Nag mistulan iyong fairytale style na venue sa ganda.

"Kanino ito?" takang tanong naman ni Lily.

"Mine.." tipid na sagot ni Knight. Nanlaki ang mga mata ni Lily sa gulat at kalaunan napagtanto niya na hindi na bago iyon dahil mayaman naman talaga ang pamilya ng binata.

Nag lakad sila papasok sa loob na magkahawak kamay. Binati naman sila ng mga staff.

"Good evening, Sir." saad ng Branch Manager.

Tumango lang si Knight at hinayaan na silang pumasok sa loob.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ng binata.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 65

    [Warning SPG]Nagkayakagan silang maligo dahil may dala naman si Lily na extra na damit dahil iyon ang bilin ng nobyo. Lumusong sila sa tubig at naligo, hinila naman ni Knight si Lily at niyakap. "Gusto ko lang ngayon, ang mag tagal tayo." nakangiting pahayag ng binata. "Mag ta-tagal tayo, basta walang siraan ng tiwala. Tapat palagi at huwag magsisinungaling." saad naman ni Lily. Ihinarap siya ni Knight at dahan-dahang siniil ng mainit na halik. Habang tumatagal mas lalo silang nag iinit kasabay ng pag haplos ni Knight at ang pagsasalo nila sa malalim na halik ang kanilang mga pusong malakas na tumitibok para sa isa't-isa. Nakadagdag pa ang maliwanag na sinag mula sa buwan at ang malamig na simoy ng hangin. Pero sa kabila ng gabing malamig. Parehong nag iinit ang kanilang mga puso. Tumigil naman sila sa halikan makalipas ang ilang minuto. "Ang sarap sa pakiramdam na may Quality Time tayong ganito. Yung tayo lang dalawa habang sinusulit ang mga sandali." nakangiting saad ni Lily

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 64

    Isang Gabi, pumunta si Knight sa harap ng bahay ng lola ni Lily. Nag usap kasi silang dalawa ng dalaga na magdedate. Sumama naman si Lily kay Knight at nag punta sila sa isang Private Resort na pagmamay ari ng binata. Namana niya iyon sa ama na si Oliverio. Makalipas ang mahabang biyahe, nakarating sila sa K Paradise beach Resort. "We're here." saad ng binata. Tumango naman si Lily at sabay silang bumaba. Hindi mapigilang mamangha ng dalaga nang makita ang kabuohan ng paligid. Nag mistulan iyong fairytale style na venue sa ganda. "Kanino ito?" takang tanong naman ni Lily. "Mine.." tipid na sagot ni Knight. Nanlaki ang mga mata ni Lily sa gulat at kalaunan napagtanto niya na hindi na bago iyon dahil mayaman naman talaga ang pamilya ng binata. Nag lakad sila papasok sa loob na magkahawak kamay. Binati naman sila ng mga staff. "Good evening, Sir." saad ng Branch Manager. Tumango lang si Knight at hinayaan na silang pumasok sa loob. "Nagugutom ka na ba?" tanong ng binata.

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 63

    Napangiti na lang si Knight nang makita ang pamumula ng pisngi ni Lily. "S-Salamat.." nahihiyang saad ng dalaga. "Kumain ka lang." aniya sa matamis na tinig. Nag patuloy naman si Lily sa pagkain. "Sa company mo ba talaga ako mag wo-work? Hindi ba tayo masisita ng Daddy mo?" tanong ni Lily habang nakain. "Hindi. Alam no'n kung ano ang gusto ko at ni minsan hindi ako kinontra. Lalo na at kakampi ko si Mommy." nakangiting tugon ni Knight. Marahang tumango si Lily at nang matapos silang kumain binayaran na ni Knight ang bill saka sila sabay umalis roon. Ihinatid na ng binata ang dalaga sa harap ng bahay ng lola ni Lily. "Kita na lang tayo bukas sa school. Ilang buwan na lang graduate na rin naman tayo. Mas mapapadalas na kasama kita." sambit ni Knight. "Kaya nga. Sige na, ingat ka pauwi. Thank you sa treat." nakangiting sagot naman ni Lily. Tumango naman si Knight at pinaandar na ang sasakyan paalis.Kinabukasan, maagang sinundo ni Knight ang nobya kaya nanlaki ang mga mata ni

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 62

    Habang nanonood sila ng natugtog na banda, hinawakan ni Knight ang kamay ng dalaga. Kilig na kilig naman si Lily. "Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko, hindi kaya magkaproblema tayo kasi mayaman ka tapos mahirap lang ako?" takang tanong ni Lily. "May Mom likes you. Kagaya mo rin pati siya kaya balewala sa kaniya iyon. Ganoon rin si Daddy Oliverio, kagaya ko rin siya na umibig sayo at siya kay Mommy. Wala namang masama sa pagmamahal eh. Nasa dalawang taong nagmamahalan 'yan. Kung paano nila ipaglalaban ang kanilang relasyon. Sa kaso natin wala namang sagabal sa pamilya ko." pahayag ni Knight kaya nabawasan ng tinik ang dibdib ni Lily. "Sa bagay. Ang galing ni Lucas kumanta at mag gitara." manghang komento ni Lily. Hinapit naman ni Knight ang bewang niya saka inakbayan. "You're not allowed to like any other men before me. Compliment them and talk about them." mariin na saad ng binata. "K-Knight? Are you jealous?" nangingiting tanong ng dalaga. "What if I am? Paano k

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 61

    "Ano ba itong ginagawa natin?" nahihiyang tanong ni Lily. "I am marrying you." diretsong sagot ni Knight na nakapag patibok lalo ng puso ng dalaga. "Bakit?" kunot noo namang tanong ni Lily. "Because I like you, since the night that I saved you, my heart fall for you." makabuluhang pag amin ni Knight kaya lalong nag wala ang puso ni Lily. Pakiramdam niya silang dalawa na lang ang naroon. Bumilis ang oras at ang mga tao ay parang dumadaan lang. "Gusto mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Oo, gusto kita. Now, can you marry me Lilianne?" mas lalong kumabog ang dibdib ni Lily nang marinig ang tanong ni Knight at halos mamula ang buo niyang mukha sa sobrang kilig. "Y-Yes?" hindi siguradong sagot ni Lily pero sobrang saya ni Knight. Sabay silang humarap sa estudyante na nagpapanggap na Pari at sinimulan ng lalaki ang seremonyas ng kasal. Sa bawat salitang binibitawan ng Pari sabay na tumitibok ng malakas ang puso nila Knight at Lily. Hanggang sa magpalitan sila ng

  • Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]   Chapter 60

    Matapos nilang kumain, binayaran na ni Knight ang mga kinain nila. Ramdam ni Lily na nabusog talaga siya kaya naman nagpasalamat siya sa binata. "Thank you so much, Knight. Busog na busog ako." nakangiting saad ng dalaga. "Walang anuman. Kapag naging sekretarya kita lagi kitang bubusugin. At Kapag naging tayo, bubusugin kita sa pagmamahal." pahabol pa ng binata. Nanlaki naman ang mga mata ni Lily sa gulat kasabay ng malakas na tibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na babanggitin iyon bigla ng binata. "H-Huh?" kabado niyang sagot. "Wala. Halika na, gumala na tayo." hinawakan ulit ni Knight ang kamay ni Lily kaya naman halos mag wala na talaga ang puso niya sa kilig. "Alam kaya ng lalaking ito na ganito kalakas ang epekto niya sa akin? Pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib ko." bulong ni Lily. "May sinasabi ka ba?" tanong ni Knight nang mapansin ang pag galaw ng kilay ng dalaga. "Ah wala. Saan tayo pupunta?" tanong ni Knight. "Library. Check na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status