Share

Hating My Possessive Husband
Hating My Possessive Husband
Author: Lianna Jaze Fierra

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-02-14 09:20:37

Malamig ang simoy ng hangin nang tumapat ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng bridal suite. Naka-ayos na ako, suot ang pinakamahal na wedding gown na siguro’y nakita ko sa buong buhay ko—pero kahit gaano ito kaganda, hindi nito kayang itago ang pait sa puso ko.

Kasal ko ngayon.

Pero hindi ko ito ginusto.

“Sam…” Tawag ng boses ni Ivy, ang matalik kong kaibigan. Nakatingin siya sa akin sa salamin, halata ang pag-aalala sa mukha niya. “Sigurado ka ba rito? Pwede pa tayong tumakas.”

Natawa ako nang mapait. Tumakas? Sa tingin ba niya may saysay iyon?

“Tingin mo hahayaan niya akong umalis?” bulong ko, pilit na nilalabanan ang luha sa mga mata ko. “Alam mo kung sino siya, Ivy. Wala akong kawala.”

Krim Kuen Vryzks.

Ang lalaking ipinasok sa buhay ko nang hindi ko kagustuhan. Ang lalaking hindi ko kilala pero kailangang pakasalan.

Alam kong hindi siya isang ordinaryong tao. Sa likod ng apelyido niya ay ang kapangyarihang kayang lumunod sa sinuman na magtatangkang kumontra sa kanya. At ako, isang hamak na babae lamang na walang laban sa kasunduang pinilit sa akin.

“Pero Sam…” Pumunta si Ivy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Hindi mo ba kayang makiusap? Kahit sa pamilya mo?”

Napangiti ako nang mapait. “Akala mo ba hindi ko sinubukan?”

Kung nagawa kong iwasan ito, sana ay noon pa. Pero ang pamilya ko mismo ang nagbenta sa akin. May utang sila kay Krim—at ang utang na iyon ang dahilan kung bakit kailangan kong ibigay ang sarili ko bilang kabayaran.

Walang halong pagmamahal. Walang kahit anong emosyon.

Isang kasal na walang puwang ang puso.

Ang bilis ng pangyayari nakita ko nalang ang sarili kong nasa labas labas na ng simbahan kung saan dinala nila ako sa isang engrandeng simbahan na puno ng taong hindi ko kilala. Ang bawat mata ay nakatutok sa akin, pero wala akong pake. Ang tanging mahalaga lang ay ang lalaking naghihintay sa dulo ng altar.

Si Krim.

Nakatayo siya roon, naka-itim na suit, masyadong matapang at seryoso ang pagkakatayo niya. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya habang papalapit ako.

Para siyang halimaw na nag-aabang ng biktima.

At ako ang kawawang hayop na inialay sa kanya.

Paglapit ko, tinanggap niya ang kamay ko mula sa aking ama—na hindi man lang makatingin sa akin.

Gusto kong isigaw sa lahat na ayaw ko.

Gusto kong tumakbo.

Pero wala akong magawa.

“Hating my possessive husband…” bulong ko sa sarili ko, kasabay ng paghawak ni Krim sa kamay ko nang mas mahigpit.

At nang sabihin ng pari ang linyang, "You may now kiss the bride,” hindi ko na napigilan ang kaba.

Dahan-dahan siyang lumapit, at bago pa ako makaiwas, hinuli niya ang labi ko—ang halik niya ay hindi dahan-dahan, hindi rin malambing, kundi mapangahas at puno ng pang aangkin.

Wala akong kawala at puno ng pang aalinlangan kung ano na ang mangyayari sa buhay ko ngayon.

——

Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya kahit ilang segundo na ang lumipas. Walang halong lambing at walang kahit anong damdamin sa halik na iyon—parang isa lang itong paalala sa isang kasunduan. Tuluyan na akong naging asawa niya, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa isang kasunduan na kahit ako mismo ay hindi ko matatakasan.

Nagpalakpakan ang mga bisita, pero para sa akin, ang tunog na iyon ay parang isang sentensiya.

Tapos na.

Kasal na ako sa lalaking ni minsan ay hindi ko hiniling na makasama.

Pagkatapos ng seremonya, mabilis ang pangyayari. Pinalibutan kami ng mga mayayamang negosyante, mga pulitikong wari ko'y malapit kay Krim, at mga babaeng may paghanga sa kanya. Ang iba sa kanila, halata ang pagkainggit habang nakatingin sa akin.

Alam kong maraming babae ang nagnanais na mapunta sa kalagayan ko ngayon. Krim Kuen Vryzks—isang lalaking nasa listahan ng most powerful and influential businessmen sa bansa. Lahat ng hawakan niyang negosyo ay nagtatagumpay, at kahit sa anong anggulo, hindi maikakailang makapangyarihan siya.

Pero ako? Ni isang porsiyento, hindi ako natutuwa rito.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Vryzks,” bati ng isang lalaking naka-black tuxedo. Alam kong isa siya sa mga business partners ni Krim. “You’re a lucky woman, Mrs. Vryzks.”

Napangiti ako nang tipid, pilit na nilulunok ang pait.

Licky? Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako.

Napansin kong hindi man lang ako nilingon ni Krim. Nakatayo lang siya sa tabi ko, diretso ang tayo na nakikipag-usap sa ibang mga negosyante. Para bang wala akong halaga sa kanya.

Sa totoo lang, mas gusto ko ito. Mas mabuti nang hindi niya ako pansinin kaysa sa bigyan niya ako ng atensyon na hindi ko kailangan.

“Aalis na tayo.”

Halos mapatalon ako nang marinig ang malamig niyang boses sa tabi ko. Nang lumingon ako, nakatingin siya sa akin—seryoso, walang bakas ng emosyon sa mukha niya.

“Tapos na tayo sa reception.”

“H-Ha?” Nagulat ako. “Pero—”

“Sumakay ka na sa sasakyan,” putol niya sa sasabihin ko.

Alam kong wala akong laban. Kahit gusto kong manatili pa kasama ang pamilya at iilang kaibigan ko, alam kong wala akong boses sa bagay na ‘to.

Kaya kahit ayaw ko, sinunod ko siya.

———

Tahimik ang biyahe pabalik sa bahay niya—o dapat ko bang sabihing bahay namin.

Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng mamahaling sasakyan niya, pilit nilulunod ang bumibigat na pakiramdam sa loob ko. Ni hindi ko siya tiningnan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero sa sobrang tahimik niya, parang hindi ko siya kasama.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong niya bigla.

Nilingon ko siya. Nakatukod ang siko niya sa gilid ng bintana, habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa hita niya. Tumaas ang is niyang kilay —tila ba iniinspeksyon niya ang reaksyon ko.

“Wala,” sagot ko nang matipid.

“Sigurado ka?” May bahagyang pagngisi sa labi niya, pero hindi ito umabot sa mga mata niya. “Akala ko’y magagalit ka. Magwawala. O baka susubukan mo pang tumakas.”

Hindi ko siya sinagot.

Hindi ko kailangan.

Dahil ang totoo? Alam kong wala nang saysay kahit anong gawin ko.

Ikinas na ako sa kanya, at kahit anong pilit kong paglaban, hindi niya ako pakakawalan.

Iyon ang nakakatakot sa lahat.

———

Pagdating namin sa isang napakalaking mansion, hindi ko maiwasang mamangha. Kahit hindi ko ginusto ang kasal na ito, hindi ko maikakailang mala-palasyong bahay ang uuwian ko.

Malalaki ang haligi, ang bawat sulok ay gawa sa mamahaling marmol, at kahit saan ako lumingon, halatang pinag-isipan ang disenyo. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, pakiramdam ko’y isang hawla ito—isang kulungan na hindi ko matatakasan.

Hindi ko na napansin na bumaba na pala si Krim mula sa sasakyan. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng bahay, hindi man lang ako hinintay. Para bang wala siyang pakialam kung susunod ako o hindi.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko, mas lalong lumala ang pakiramdam kong hindi ako kabilang dito. Masyadong malaki ang lugar, masyadong tahimik, masyadong malamig. Ilang maids ang nakatayo sa tabi, nakayuko, parang sinanay na huwag magpakita ng kahit anong emosyon.

“Madam, ihahatid ko na po kayo sa kwarto ninyo,” sabi ng isang babae na halatang isa sa mga kasambahay.

Napakurap ako. Kwarto ko?

Lumingon ako kay Krim, na kasalukuyang tinatanggal ang coat niya.

“Magkahiwalay tayo ng kwarto?” tanong ko, hindi ko mapigilang magulat.

Saglit siyang natigilan bago ako hinarap. May kung anong mapanganib na ningning sa mga mata niya.

“Akala mo ba matutulog ka nang malayo sa akin?” Mabagal pero madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. “Ikaw ang asawa ko, Samantha.”

Napalunok ako.

Lumapit siya sa akin, mabagal, parang isang predator na papalapit sa biktima niya. Hindi ako umatras, pero naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pagdating niya sa harapan ko, dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa labi ko bago siya muling tumingin sa mata ko.

“Pero dahil mukhang hindi ka pa handa…” bumaba ang boses niya, halos paos na. “Bibigyan kita ng panahon. Isang linggo.”

Nagtagis ang bagang ko. “Ano ‘yun? trial?”

Ngumisi siya—isang ngising walang halong saya.

“Hindi. Isang patikim lang ng kung anong mangyayari sa’yo pagkatapos ng isang linggo.”

At bago pa ako makapagsalita, lumapit siya sa tenga ko at bumulong nang malamig.

“Dahil sa oras na matapos ang palugit na ‘yan…” Pinatagal niya ang katahimikan, parang sinasadya niyang patagalin ang kaba sa dibdib ko. “Gagawin na kitang tunay na asawa.”

Hindi ko alam kung bakit, pero ang banta niyang iyon ay nagbigay sa akin ng kilabot—hindi lang dahil sa takot… kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na kiliting gumapang sa katawan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rica Hipolito
nice story ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 45

    Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 44

    Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 43

    Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma

  • Hating My Possessive Husband    Authors Note

    Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status