Share

Chapter 2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-14 18:01:41

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, pero pakiramdam ko, hindi ako makahinga.

Isang linggo.

Iyon ang binigay niyang palugit bago niya ako angkinin nang tuluyan.

Napaupo ako sa gilid ng kama, pilit na iniintindi ang sitwasyon ko. Gusto kong isipin na kaya ko siyang labanan, pero alam kong si Krim Kuen Vryzks ang taong hindi tinatanggihan.

“Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko.

Bakit ko pa ba nilalabanan?

Wala naman akong kawala.

Napatayo ako nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto. Ilang segundo lang, bumukas ito at bumungad ang isang babae—mukhang nasa late thirties, pormal at may matapang na aura.

“Madam, ako po si Amelia. Ako po ang head maid dito sa mansion,” magalang niyang pagpapakilala. “Pinadala ako ni Sir Krim para ipaalala na bumaba kayo para sa hapunan.”

Napakunot ang noo ko.

Gusto niyang kumain kami nang sabay?

Nag-aalangan akong tumayo. Wala akong gana, pero alam kong mas lalala lang ang sitwasyon ko kung lalaban ako ngayon.

“Okay, susunod ako,” tipid kong sagot.

Bahagyang yumuko si Amelia bago lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakatulala bago ako bumuntong-hininga.

Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Ayokong ipakita kay Krim na naaapektuhan niya ako.

Ayokong ipakita na kahit papaano… natatakot ako sa kung anong kayang gawin ng lalaking iyon.

Pagdating ko sa dining area, napanganga ako.

Napakahaba ng lamesa, at sa dulo nito, naroon si Krim, kalmado at parang isang hari sa sariling kaharian. May wine sa baso niya, at ang bawat galaw niya ay kalkukado.

Hindi niya ako nilingon agad. Nakafocus siya sa hawak niyang papeles, parang wala lang ako sa paligid.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

“Umupo ka,” malamig niyang utos.

Napatingin ako sa paligid. Wala kaming ibang kasama sa mesa, pero naroon ang ilang kasambahay sa gilid, tila ba handang sumunod sa kahit anong utos niya.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya, pero sinadya kong panatilihin ang distansya. Ayokong mapalapit sa kanya nang husto.

Saglit siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ang ginawa ko o nainis siya, pero hindi siya nagsalita.

Sa halip, marahan niyang ibinaba ang hawak niyang papeles at inabot ang baso niya. Uminom siya nang dahan-dahan bago nagsalita.

“Simula ngayon, magkasama tayong kakain tuwing gabi.”

Napasinghap ako. “Ano?”

“May problema ba?” Tumagilid ang ulo niya, nakatitig sa akin na parang sinusukat ang bawat reaksyon ko.

Oo, may problema!

Gusto kong isigaw iyon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit kailan, hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya.

“Akala ko ba, hindi mo ako gusto?” sarkastiko kong tanong. “Bakit mo ako gustong kasabay kumain?”

Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa labi niya, pero hindi iyon ngiting masaya.

“Simple lang,” bulong niya, saka inilapit ang mukha niya sa akin. “Gusto kong ipaalala sa’yo na anuman ang gawin mo, Samantha…”

Lalo siyang lumapit, halos magdikit ang ilong namin.

“… asawa na kita. At wala ka nang magagawa para baguhin ‘yon.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko, pero pinilit kong itago ang gulat. Hindi ko siya hahayaang makita kung gaano ako naapektuhan sa presensya niya.

Pero sa totoo lang…

Hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang isang linggong palugit na ibinigay niya.

Gusto kong bumalikwas at isigaw sa kanya kung gaano ko siya kinasusuklaman, pero alam kong walang saysay. Krim Kuen Vryzks ay isang lalaking hindi tinatablan ng galit—at lalong hindi tinatablan ng kahit anong emosyon.

“Wala akong balak baguhin ‘yon,” malamig kong sagot, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko. “Pero hindi ibig sabihin n’on ay susunod ako sa lahat ng gusto mo.”

Muling lumitaw ang mapanganib na ngiti sa labi niya. “Susunod ka, Samantha. Hindi mo lang alam kung kailan.”

Tinitigan ko siya, pero hindi ako umimik. Alam kong hindi ko siya kaya sa ganitong laban.

Lumayo siya sa akin, tila ba sinadya lang niyang ilapit ang sarili para guluhin ako. Kinuha niya ang kutsilyo at marahang hiniwa ang steak sa harapan niya, walang pakialam kung anong epekto ng presensya niya sa akin.

“Magsimula ka nang kumain,” utos niya, hindi man lang ako tiningnan.

At dahil ayaw kong magmukhang rebelde sa harap ng mga kasambahay, napilitan akong kuhanin ang kubyertos at sundin siya.

Tahimik kaming kumain. Sobrang tahimik na ang tanging naririnig ko lang ay ang mahihinang tunog ng kutsara’t tinidor. Pero kahit anong pilit kong ituon ang isip sa pagkain, hindi ko magawa.

Sa bawat galaw ni Krim, sa bawat malalim niyang paghinga, ramdam ko ang presensya niya. Parang kahit saan ako lumingon, naroon lang siya—kahit pa hindi siya tumitingin sa akin.

Hanggang sa nagsalita ulit siya.

“Simula bukas, may bodyguard ka.”

Napakurap ako. “Anong sabi mo?”

Sa unang pagkakataon, tumingin siya sa akin nang diretso. “Simula bukas, may nakadikit sa’yo. Kahit saan ka magpunta, hindi ka mag-iisa.”

Napatigil ako sa pagkain. Hindi ko alam kung matatawa ako o mas magagalit.

“Para saan?”

“Para hindi ka na magtangkang tumakas.”

Nagtagis ang bagang ko. “At bakit mo iniisip na tatakas ako?”

Muling sumilay ang matigas na ngiti sa labi niya. “Kasi ikaw si Samantha Sky Smith.” Bumaba ang tingin niya sa labi ko, saglit lang, pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ko. “At alam kong hindi ka titigil sa paghahanap ng paraan para makalayo sa’kin.”

Napalunok ako.

Damn it.

Mas kilala niya ako kaysa sa inaakala ko.

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang kubyertos. Wala na akong gana.

“Kung tapos ka nang mangonkontrol, aalis na ako,” malamig kong sabi bago ako tumayo.

Pero bago pa ako makalayo, nagsalita ulit siya—isang huling babala na nagpatigil sa akin.

“Huwag mo akong pilitin na paikliin ang isang linggong palugit mo, Samantha.”

Mabagal akong lumingon. Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o isa lang sa madalas niyang larong panggigipit. Pero sa anyo niyang parang hindi natitinag, alam kong hindi lang iyon simpleng babala.

Nang makita niyang hindi ako sumagot, muling lumitaw ang ngiti niya.

“Dahil kapag naubos na ang pasensya ko…” Bumaba ang tono niya, halos paos. “Hindi mo na kailangang maghintay ng isang linggo.”

Parang tinakasan ako ng lakas.

At sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi lang galit ang nararamdaman ko kay Krim..

Nandito rin ang takot.

At ang mas malala?

Ang takot na baka hindi lang galit ang maramdaman ko sa kanya sa mga susunod na araw.

Pagkaalis ko sa dining area, dumiretso ako sa kwarto ko at inilock ang pinto. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matanggal ang boses niya sa isip ko.

“Huwag mo akong pilitin na paikliin ang isang linggong palugit mo, Samantha.”

Napakuyom ako ng kamao.

Ano bang pinasok ko?

Wala naman akong choice, ‘di ba? Wala akong ibang magagawa kundi sundin ang kasunduang ito. Pero habang lumilipas ang oras, habang mas nakikilala ko si Krim… mas lalo akong natatakot.

Natakot na baka hindi lang buhay ko ang kontrolado niya.

Pati na rin ako.

Napatingin ako sa malaking kwarto. Sobrang elegante—mamahaling furniture, malambot na kama, malaking walk-in closet. Para akong nasa hotel na pangmayaman.

Pero kahit gaano kaganda ang paligid, hindi nito matatanggal ang katotohanang isa lang itong hawla.

Damn it!

Kinuha ko ang unan at itinapon iyon sa kama. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Pero anong silbi? Wala akong ibang pagpipilian kundi manatili rito.

Hanggang sa biglang may kumatok.

“Madam?”

Boses iyon ni Amelia, ang head maid.

“Anong kailangan mo?” tanong ko, hindi naitago ang inis sa boses ko.

“Sabi po ni Sir Krim, siguraduhin kong nasa maayos kayong kondisyon bago kayo matulog.”

Napairap ako.

Pati ba naman ang pagtulog ko, kailangang bantayan niya?

“Huwag kang mag-alala, buhay pa ako,” sarkastiko kong sagot. “Maaari ka nang umalis.”

Sandaling katahimikan.

“Sige po, madam. Magandang gabi.”

Nang marinig kong lumayo na ang mga yabag niya, napabuntong-hininga ako.

Lumapit ako sa bintana at tinignan ang labas. Tahimik ang paligid, may iilang ilaw lang na nakabukas sa malawak na hardin.

Kahit gusto kong lumabas, alam kong may mga nakabantay.

Hinawakan ko ang kwintas na suot ko—ang huling alaala na mayroon ako mula sa buhay na iniwan ko.

Isang linggo.

Dapat kong gamitin ang isang linggong palugit para makahanap ng paraan.

Dahil hindi ko hahayaang maging laruan lang ako ng isang lalaking tulad niya.

Kinabukasan, nagising ako sa mahinang tunog ng pagkatok sa pinto.

“Madam, may naghihintay po sa inyo sa ibaba.”

Napakurap ako at bumangon mula sa kama. Masyado pang maaga para sa kahit anong gulo, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Amelia. Katulad kagabi, pormal at walang emosyon ang mukha niya.

“Sino?” tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmadong tono ng boses ko.

“Ang personal bodyguard niyo po, madam.”

Napasinghap ako.

Akala ko biro lang ni Krim ang sinabi niyang may magbabantay sa akin 24/7—pero hindi pala.

So he’s really serious about this?

Hindi ako nagsalita at dumiretso na lang sa banyo para maghilamos. Ilang minuto lang, bumaba na ako sa sala, at doon ko siya nakita.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo roon—matipuno ang katawan, mukhang sanay sa laban, at may matalim na mga mata. Halata sa tindig niya na hindi lang siya basta ordinaryong bodyguard.

Pagdating ko sa tapat niya, agad niyang ibinaba ang ulo bilang pagbibigay-galang.

“Madam, ako po si Logan,” mahinahon niyang sabi. “Ako po ang inatasan ni Sir Krim na bantayan kayo simula ngayon.”

Hindi ako agad nakasagot.

Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakali na nandoon si Krim, pero wala siya. Alam kong siya ang may pakana nito, pero hindi ko alam kung iniiwasan niya akong makita o talagang wala lang siyang pakialam.

Binalik ko ang tingin kay Logan. “Hindi mo na kailangang gawin ‘to.”

Nanatili siyang nakayuko. “Patawad po, madam, pero hindi po ako pwedeng sumuway sa utos ng amo ko.”

Napangisi ako nang mapait.

“Amo mo?”

Siyempre. Ano pa bang aasahan ko? Lahat ng tao sa bahay na ito, parang robot na sumusunod sa bawat utos ni Krim.

Bago pa ako makapagsalita ulit, biglang lumitaw si Amelia at marahang yumuko.

“Madam, inutusan po ako ni Sir Krim na ihatid kayo sa opisina niya. May gusto raw po siyang pag-usapan.”

Napatigil ako.

Pag-usapan?

Alam kong wala akong choice kundi pumunta, kaya kahit mabigat ang loob ko, sumunod ako. At habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Krim, ramdam ko ang presensya ni Logan sa likuran ko.

Sa bawat hakbang, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Krim kagabi.

"Huwag mo akong pilitin na paikliin ang isang linggong palugit mo, Samantha."

Nag-aalab pa rin ang galit sa loob ko, pero alam kong kailangan kong maging maingat.

Dahil kapag nakaharap ko na siya, siguradong isa na namang mapanganib na laro ang kailangan kong lampasan.

Habang papalapit ako sa opisina ni Krim, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. Alam kong hindi ako pinapatawag para sa isang simpleng usapan.

Pagdating namin sa harap ng pinto, marahan itong binuksan ni Amelia.

“Sir, narito na po siya,” aniya bago siya lumabas at iniwan ako kasama si Krim.

Tahimik akong pumasok. Nandoon siya sa harap ng isang malaking mesa, nakasandal sa upuan habang may hawak na baso ng alak. Sa tabi niya, may ilang dokumentong halatang may kinalaman sa negosyo niya.

Hindi niya ako agad tinignan.

“Umupo ka.”

Malamig ang boses niya, gaya ng dati.

Napalunok ako pero hindi ako nagpakita ng pag-aalinlangan. Lumapit ako at naupo sa upuang nasa tapat niya.

Ilang segundo siyang tahimik, parang sinasadya niyang patagalin ang tensyon sa pagitan namin. Hanggang sa inilapag niya ang baso at tuluyang ibinaling ang tingin sa akin.

“May gusto akong linawin,” panimula niya.

Hindi ako nagsalita, hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

“Simula ngayon, wala ka nang ibang gagawin kundi manatili rito,” madiin niyang sabi. “Hindi ka lalabas nang mag-isa, at kung may kailangan kang gawin, sasama ang bodyguard mo.”

Naningkit ang mga mata ko. “Ano ‘to, pagkakakulong?”

Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa labi niya. “Hindi. Proteksyon.”

Napatawa ako nang bahagya. “Proteksyon? O paraan mo lang para tiyakin na hindi ako makakatakas?”

Umangat ang isang kilay niya. “Kung gusto kong ikulong ka, Samantha, hindi kita bibigyan ng bodyguard—diretso na kita sanang inilagay sa isang silid kung saan wala kang ibang magagawa kundi hintayin ang isang linggong palugit mo.”

Nanigas ako sa upuan ko.

Alam kong hindi lang siya basta nagbibiro. Kaya kong makita sa mga mata niya na kaya niya talaga ‘yung gawin kung gugustuhin niya.

“Wala akong balak tumakas,” malamig kong sagot.

Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang ngumisi. “Talaga?”

Hindi ko na siya sinagot. Ayokong bigyan siya ng dahilan para lalo akong gipitin.

Tumayo siya at lumapit sa akin, mabagal ang bawat hakbang. Nang tumigil siya sa harapan ko, dahan-dahan niyang itinukod ang dalawang kamay sa mesa, ibinaba ang mukha niya para magpantay ang mga mata namin.

Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko, at para akong natuka ng ahas, hindi makagalaw.

“Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?” bulong niya, bahagyang tumatagilid ang ulo niya.

Napalunok ako. “Bakit?”

Hinaplos niya ng isang daliri ang gilid ng mukha ko—isang malambot pero nakakapaso at nakakakilabot na galaw.

“Dahil gusto kong ipaalala sa’yo…” Bumaba ang tono niya, halos paos. “… na habang lumilipas ang mga araw, mas lalo lang kitang gustong angkinin.”

Namilog ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng takot, may kung anong init na gumapang sa katawan ko.

At iyon ang kinakatakot ko.

Dahil hindi lang ako dapat matakot kay Krim

Mas delikado kung magsimula akong maapektuhan sa kanya.

Nanatiling magkalapit ang mga mukha namin. Para akong napako sa kinauupuan ko, hindi makagalaw habang ang mga mata niya ay para bang binabasa ang bawat reaksyon ko.

"Hindi ka ba natatakot, Samantha?" mahina pero matalim ang tanong niya.

Napakuyom ako ng kamao, pilit itinatago ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ayokong makita niyang naaapektuhan ako—dahil sa sandaling makita niya ang kahinaan ko, siguradong gagamitin niya iyon laban sa akin.

Hindi ako umatras. Sa halip, tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

"Bakit ako matatakot?" sagot ko, pilit pinapanatili ang matatag na tono ng boses ko. "Ikaw lang ‘to, Krim. Isa kang kontroladong tao, hindi mo gagawin ang anumang bagay nang hindi mo pinag-iisipan."

Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya, para bang natutuwa siya sa sagot ko.

"Kontrolado, hmm?" Kumunot ang noo niya, tila ba natutukso. "Sinasabi mong kaya kong kontrolin ang sarili ko?"

Bago ko pa maunawaan ang ibig niyang sabihin, bigla siyang yumuko, mas inilapit pa ang sarili sa akin. Ang ilong niya ay halos dumikit sa pisngi ko, at ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi siya tumatama sa akin.

Napalunok ako, pero hindi ako umatras.

"Bakit? Susubukan mo bang patunayan na mali ako?" matapang kong tugon, kahit pa ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog na.

Saglit siyang natahimik, pero hindi niya inalis ang titig niya sa akin. At sa isang iglap, lumayo siya, bumalik sa pagkakatayo at humakbang palayo na parang wala lang nangyari.

"Makakaalis ka na," malamig niyang sabi, saka dinampot ulit ang baso ng alak niya. "Pero tandaan mo ‘to, Samantha…"

Huminto siya at nilingon ako.

"Wala akong pakialam kung natatakot ka o hindi. Sa huli, sa loob ng isang linggo, magiging akin ka rin."

Mas lalo akong nanlamig sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung anong kinatatakutan ko—ang banta niya, o ang posibilidad na baka… may parte ng sarili kong hindi na lumalaban gaya ng dati.

Kailangan kong makahanap ng paraan bago mahuli ang lahat.

Dahil kung hindi… baka tuluyan na akong lamunin ng mundong ginagalawan ni Krim Kuen Vryzks.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mc Mchoronicles
yes love it ...‍♀️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 45

    Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 44

    Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 43

    Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma

  • Hating My Possessive Husband    Authors Note

    Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status