Share

Chapter 3

Sa mga bisita ay ilang kaibigan ko lang ang nakita ko. Si Jellie and Sam lang din ang nakapunta sa mismong kasal dahil hindi pa naman daw nakapamigay ng invitation si Jane bago siya umalis at walang nakakaalam sa kasal na to sa mga kaibigan niya maliban sa dalawa.

Bago pa ang kasal ay nasabihan na namin silang dalawa tungkol sa naging plano.

“How about you, ayos ka lang ba?” nakakatuwa dahil kahit hindi naman kami ganoong magkakakilala ay ramdam ko pa rin ang concern sa kanila. Dalawang beses lang sila nagpunta sa bahay before dahil kadalasan ay sa labas sila nagbobonding magkakaibigan kaya never ko sila nakilala nang lubusan.

“Oo naman. Wala rin naman akong magagawa dahil ayoko mapahiya sina Mommy at Daddy ganon na rin sina Matthew.” tumango sila.

“O sige punta na kami dun sa loob ha. Medyo nagugutom na ‘ko eh.” natatawang sabi ni Sam.

Natapos na sa wakas ang picture taking. Gusto ko na rin maupo dahil masakit na ang tuhod at binti ko. Medyo nagugutom na rin ako dahil hindi ko naman nagawang mag breakfast kanina dahil wala akong gana. May kung anong umiikot siya tiyan ko kaya di ko gaanong hinanap ang pagkain.

“Nasaan ang asawa mo?”

“Asawa mo.” ang sarap pakinggan pero alam kong may kaakibat na sakit.

“Nag excuse po sila saglit ni Tito Arthur at mag-uusap lang daw po sila saglit.” tumango si mommy at sinamahan ako na maghintay. Hindi kasi pwede na hindi kami sabay papasok ni Matthew sa reception.

“How are you?” mahinahong tanong ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. “Sorry. I’m sorry if we pushed you to do this.”

Nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan na bigla nalang kami magkakaseryosohan ng pag-uusap ni Mommy.

“Hay, ang Shane namin dalaga na.”

Di ko mapigilan na maluha. “Mommy naman eh wag mo sirain make-up ko.” Kunwaring nagrereklamo kong sabi. “I’m okay, Mom. Isa pa, I just need to wait for Jane to come back or one year at makakalaya na rin ako sa kasal namin kaya don’t worry, okay? Lilipat lang naman ako ng bahay at dadalawin ko pa rin kayong dalawa ni Daddy.” sabi ko at hindi na siya nakasagot dahil dumating na si Matthew at Tito Arthur.

Hinayaan ako ni Matthew na iangkla ang mga braso ko sa mga braso niya.

“Punasan moa ng luha mo baka akala nila ay pinaiyak kita.” tumango ako at agad na sinunod ang utos niya.

Pagkapasok namin ay narinig na namin ang malakas na palakpakan at sigawan ng mga tao. Ang iba ay pinatunog pa ang mga baso nila gamit ang kutsara. May iba rin akong nakikita na iwinawagayway ang bimbo na nakalagay sa tabi ng bawat pinggan. Nahihiya akong kumaway sa iba pero patuloy pa rin na naglalakad patungo sa harap.

The program continues. Message ng parents naming, ng ilang piling guests at kung sino pa.

“Una na kami ah.” isa-isa nang nag-alisan ang mga bisita at sa huli ay pamilya na lang namin ang natira.

Sabi ni Tito Arthur ay sa mansion muna nila ako tutuloy sa ngayon dahil di pa rin tapos ang bahay na pinapagawa ni Matthew. Ilang buwan pa bago ito mas maging maayos at matirahan. Okay lang naman sa akin kahit saan. Mabuti nalang at mabait sa akin si Tito Arthur kahit ganon ang ugali sa akin ng anak niya. I should be thankful dahil hindi ako totally na magiging mag-isa kung sakali.

“Alagaan mo ang anak ko. Mabalitaan kong pagbuhatan mo siya ng kamay ay ako ang makakalaban mo.” sabi ni Daddy na ikinagulat namin pare-pareho. “Alam kong labag sa loob mo ang mga bagay na ‘to, Matthew at kahit kami ay walang magagawa. Hindi ko lang ‘to nasabi kanina dahil baka may makarinig pa at malintikan pa tayo pare-pareho.” tumingin naman siya kay Tito Arthur at tumango sila sa isa’t-isa.

Huli ay sa akin siya tumingin at muli akong niyakap. “Be happy, anak.” yumakap din sa akin si Mommy pero walang sinabi. Umalis na rin sila kalaunan dahil medyo pagod na si Mommy dahil sa ganap ngayon.

“Puntahan ko lang ang driver. Sumunod na kaagad kayo sa akin.” lumabas na siya.

“Mauna ka umuwi. May pupuntahan ako. May nakapag sabi na nakita raw nila si Jane so I need to go.” malamig niyang sabi at umalis na rin kaya naiwan akong mag-isa sa malawak na event hall.

Lumabas na ako at sumakay na sa van. “O nasaan ang asawa mo, hija?”

“May nakakita raw po kay Jane kaya po pupunta siya dun sa lugar kung saan siya nakita.” kahit malungkot ay pinilit kong pasayahin ang boses ko. Of course, Shane, ano ang ineexpect mo, uunahin ka niya porket kasal kayo?

Tumingin ako sa labas ng sasakyan at kinabisa ang daan papunta sa kanila. Nakapunta na ako ng dalawang beses sa bahay nila noong kasama ko si Jane pero di ko ganoon tinandaan kung nasaan ito.

“Hija, giniginaw ka ba?” tumango ako at iniabot niya sa akin ang suit na suot niya kanina. Hininaan niya rin ang aircon para mas di ako ginawin. “Pasensya ka na sa anak ko ha. Wag ka mag-alala at pagsasabihan ko.”

“Tito…”

“Papa. Call me Papa, hija.”

“Ah, okay po, Papa. Can I ask something? May alam po ba kayo kung bakit galit sa akin si Matthew? I don’t have any idea po talaga kung ano yung mali kong ginawa. It’s just that, a week after po mamatay ni Tita Olivia ay bigla nalang po siyang naging cold sa akin at nagalit. Did something happened po ba?”

Siguro ay hindi niya inaasahan ang tanong ko. Alam kong may alam siya at alam ko rin na sinusubukan niya lang itong itago sa akin o kaya naman ay ayaw niyang pangunahan si Matthew. Pero, hindi ko ba deserve malaman? Afterall, ako ang receiving end ng galit niya kaya hindi ba dapat ay alam ko kung bakit siya galit sa akin.

“Wala rin akong idea, hija.” tinapos na namin ang usapan at alam ko na wala rin akong sagot na makukuha sa kanya.

Narating na namin ang mansion. It felt like only yesterday nung huling beses na tumapak ako rito. Walang gaanong nagbago. Pati ang hardin na inaalagaan ni Tita Olivia noong buhay pa siya ay nandito pa rin at walang nabago sa ayos.

“Nothing has changed.” binalingan ko si Tito Arthur. “Ang ganda pa rin po ng hardin ni Tita. Sino na po ang nag-aalaga sa mga ‘to ngayon?”

“Naku, hija. Marami ang nag-aalaga sa mga bulaklak na ‘yan. Pero mas madalas ay si Matthew ang nagdidilig. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya masyadong naasikaso dahil busy siya sa paghahanap sa kapatid mo.”

“Pwede po bang ako na ang magdidilig nito simula bukas, Papa? Ako rin kasi yung nagdidilig ng garden ni Mommy and sobrang nae-enjoy ko po.” sobrang saya ko nang tumango siya at nakangiti akong pinayagan sa gusto ko.

At least, I have something to look forward to.

“Nga pala, hija. I’m really sorry but Matthew requested to have your rooms separated. Nasa parehong dulo ang mga kwarto niyo. Pinadala na rin ng mommy mo ang ilan sa mga gamit mo. Galing na rin siya kahapon dito para personal na ayusin ang kwarto mo gaya ng ayos ng kwarto mo dati.”

“It’s okay, Papa. Ineexpect ko naman din po yun. Sige po at aakyat na ako.” sinamahan ako ng isang kasambahay na pumasok ng kwarto and true to his words ay parehong-pareho ang ayos ng loob sa kwarto ko dati.

It means hindi na ganito ang maaabutan ko sa bahay kapag bumalik ako dahil nandito na rin pati mahahahalagang gamit ko. Even my favorite teady bear.

“How was it, anak?” palabas na sana ako pero narinig ko ang boses na nanggagaling sa ibaba. “Did you find her?”

“Yes.” nagulat ako at agad na lumabas para makibalita dahil gusto ko na ring makita si Jane at makausap.

“Uuwi na raw ba siya?” I know it’s rude to intervene.

“No. She refused to go home because of you.” galit niyang sabi sa akin. “Sabihin mo nga sa akin kung ano bang pagbabanta ang ginagawa mo o sinasabi mo sa kanya, huh?!” madiin niyang hinawakan ang braso ko at panigurado na magkakaroon ito ng pasa o di kaya ay mamumula.

“Bakit ba lagi mo nalang akong inaakusahan? I don’t know what you’re talking about, okay? Wala akong ideya kung bakit siya umalis, wala akong ideya kung bakit ka galit, wala akong ideya kung bakit parang lahat kayo ay may tinatago sa’kin!” di ko na napigilan ang sigawan siya. Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at matalim siyang tinitigan.

“I’ll make you confess your crimes one day, bitch!” sabi niya na tuluyang nagwasak sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status