Share

Chapter 4

“HINDI po ba sasabay sa atin kumain si Matthew?” nasa hapag kami ngayon ni Papa at kumakain ng breakfast. Sabi niya ay maaga siya gumising at kumain dahil may aasikasuhin din siya sa kompanya nila.

“Baka napagod lang masyado kagabi kaya natutulog pa rin hanggang ngayon. Anong balak mo gawin ngayong araw, hija?”

“Bibisita muna po ako kina Mommy at Daddy at itutuloy ko po ang paghahanap kay Jane.”

“Isn’t this pointless? Hija, mahirap hanapin ang taong pilit nagtatago. I may not know the reason for her sudden disappearance pero ang alam ko ay desisyon niya yun at hindi natin siya pwedeng pigilan.” paliwanag niya at naintindihan ko naman ang point niya.

Hindi lang para pabalikin siya ang rason kung bakit ko siya gustong mahanap. Marami akong katanungan para sa kanya at isa na dun ay ang sinasabi ni Matthew kagabi na ako ang rason kung bakit tinakasan ni Jane ang kasal nilang dalawa. He accused me of things that I’m not aware of.

I don’t want to think negatively of my sister kaya gusto kong marinig ang paliwanag at explanations niya. I’m tired of hearing same things over and over tapos wala manlang akong paliwanag na nakukuha. Para akong nasa isang laro na silang lahat ang nagmamanipula.

“Oo nga pala, hija. Can you give this file to Matthew later. Kailangan ko na kasing umalis at baka ma late ako.” tumango ako nag-ayos na siya ulit bago umalis.

Kinabahan ako nang makita ko siyang bumababa na ng hagdan. Umirap siya nang makita akong nakatingin sa kanya at kumakain mag-isa.

“Where’s my dad?” parang iritado niyang tanong.

“M-may aasikasuhin daw siya sa kompanya niyo.” pinilit kong ikalma ang sarili. “Here, pinabibigay niya.” Inabot ko sa kanya ang envelope at ibinalik ang tingin sa pagkain.

Naging tahimik ang atmosphere at parang lalabas ang puso ko sa kaba nang magtagpo ang mga mata namin. Kanina pa ba siya nakatingin?

“W-what?”

“Aren’t you going to serve me foods?” nagtatakang tanong nito na parang jinujudge ako.

I thought we’re going to act civil. Siya pa ang nagsabi na sa papel lang kami magiging kasal. Kahit nagtataka ay ginawa ko nalang ang gusto niya dahil baka pagsimulan muli ng away.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang pinggan niya at nilagyan ng fried rice bago ito inilapag ulit. Sunod ay binigyan ko na siya ng itlog at bacon, gayundin ay pinagsalin ko siya ng tubig sa baso.

Hindi siya umimik at sinimulan ng kumain. Kakatapos ko lang pero di ko alam kung dapat bang umalis na ako o hintayin siyang matapos.

“If you’re done then you can go upstairs. Nandyan naman si Manang para ayusin to.” tumango ako kahit di ko alam kung nakita niya yun. Mabilis akong tumayo at umalis para pumasok ng kwarto.

Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang napakabilis na tibok ng puso. Sa kaba, takot, o kung sa anumang dahilan. “Ngayon pa nga lang parang ayoko na paano pa ako tatagal ng isang taon?”

Naligo na ako dahil ngayong araw ay balak ko mag stay kina Mommy at Daddy. Hindi rin kasi kami ganoon nakapag-usap after ng kasal dahil napagod agad sila at kailangan na umuwi. Balak ko muna magpunta ngayon sa mall para ibili sila ng regalo at magdala na rin ng pagkain.

I wonder how sad they are especially Dad ngayong wala na kami pareho ni Jane sa bahay. I hope they’re doing well.

“Saan ka pupunta?”

“Bibisitahin ko parents ko pero magpupunta muna ‘ko sa mall to give them some gifts.”

“Inihatid ni Manong si Daddy, saan ka sasakay?” napatingin ako sa labas at wala nga dun ang sasakyan.

“M-mag tataxi nalang ako.” nakahawak ang dalawang kamay ko sa strap ng sling bag na gamit ko.

Napairap siya. “Tsk. Wait for me at sasamahan kita. May kikitain din ako sa mall.”

Napatigalgal ako sa sinabi niya. Gustong-gusto ko na ngang umalis para makahinga naman ako ng kahit saglit tapos sasama pa siya?

It’s okay, Shane. Ihahatid ka lang naman.

Grabe nanaman ang kaba na naramdaman ko nang makita ko siyang pababa ng hagdan bitbit ang susi at wallet niya. Nakasuot ngayon siya ng simpleng navy blue shirt and jeans. Bakit naka casual lang siya? Wala ba siyang pasok? Akala ko naman ay sa may mahalaga rin siyang gagawin sa kompanya pagkatapos na may kinalaman sa envelope na iniabot ni Papa.

Nauna na akong lumabas at pumasok na rin kaagad ng sasakyan nang marinig ko ang tunog nito. Nakaupo na ako nang ayos nang makita kong bumukas ang pinto sa gilid ko at yumuko si Matthew para sumilip.

“Ano, pagmumukain mo ba ‘kong driver mo?” iritableng tanong nito. Kailan kaya darating ang araw na hindi na niya ako susungitan?

“Huh?”

“Sabi ko lumipat ka sa passenger seat.” hindi kaagad ako nakapag react. Hindi siya umaalis ng pwesto niya at hawak pa rin ang pinto. Napipilitan akong lumabas. Pagkasara niya ay agad naman niya akong inalalayan papasok ng passenger seat. Ano kaya ang nakain niya at parang ang gentleman niya today. Parang kagabi lang ay gusto niya na akong patayin sa galit.

Tahimik lang kami sa byahe. Naglaro ako ng Plants Vs. Zombies sa phone ko para hindi naman ganun ka awkward. Nakikita ko sa pheriperal vision ko na tumitingin tingin din siya sa akin pero ni isang beses sa byahe ay di ko siya binigyan ng tingin.

“Kahit diyan mo nalang ako ibaba.” turo ko sa isang gilid.

Akala ko ay susundin niya ako pero nagtuloy lang siya papunta sa parking lot ng mall. Tumingin ako sa kanya pero parang wala siyang pakielam.

“Don’t think too much. Nag text sa akin yung kaibigan ko at may mahalaga raw siyang gagawin. Since nandito naman na rin ako then I’ll accompany you.”

“P-pero…”

“No buts, Shane. At isa pa, baka may makakita pa sa’yo sabihin na pinababayaan kita.”

Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Mas nauna ako sa kanyang maglakad habang siya ay nakasunod sa akin. Mas nahiya ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Magugulat pa ba ako sa gwapo ng kasama ko? Simula pa naman noon ay kayang kaya niyang kunin ang atensyon ng mga babae sa school na pinapasukan naming tatlo nina Jane.

“Okay lang kahit hintayin mo nalang ako rito sa labas---“ pinutol niya ang sasabihin ko.

“No, I’m going with you.” nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako papasok ng boutique. Agad akong kumawala sa hawak niya nang makapasok at natatarantang nagpunta sa side kung nasaan ang mga scarf.

My Dad told me last week that they are planning to spend one week vacation on South Korea. Nakita ko sa news na sobrang lamig na ng temperature rito sa I want to give them a scarf na magagamit nila. Ang lamig na sa ibang bansa pero sa Pinas ay maglakad ka lang sa loob ng bahay ay pagpapawisan ka na kaagad.

May nakita akong magandang dress na sa tingin ko ay babagay sa akin. Kukunin ko sana pero naisip ko kung saan ko naman ‘to magagamit. It’s a simple white strapless lace summer dress. Ah, nakakamiss ang dagat. It has been a year nung huling beses na nakatapak ako sa mga buhangin ng dagat. Mostly kasi sa travel ng family ay out of town or di kaya naman ay out of the country pero gala lang at hindi bakasyon sa dagat.

“Bakit nagdadalawang isip ka pang bilhin?” tanong niya nang makalapit sa akin. Hobby yata niya na gulatin ako.

“Uh, next time nalang siguro kapag naisipan ko na magbakasyon.” ibinalik ko na ang tingin ko sa cashier at binayaran ang mga binili ko.

Nagtaka ako ng may isulat siya sa isang papel at iniabot ito sa isa pang babae. Medyo malayo siya sa akin at mahina rin siya magsalita kaya hindi ko rin marinig at maintindihan. Sa huli ay hindi ko nalang pinansin at nauna na akong lumabas. He must bought something for himself or maybe… for Jane.

Napabuntong hininga ako. I should get used to it dahil matagal pa kaming magkakasama ni Matthew.

“Saan ka naman susunod na pupunta?” nahihiya tuloy ako kahit hindi ko naman siya pinilit na samahan ako.

“Dederetso na ako kina Daddy. If pagod ka na, okay lang talaga. Marami namang available na taxi sa labas.”

Nakita kong bumulong siya pero hindi ko alam kung ano ang sinabi niya. Hindi naman ako si Dolores Madrigal para marinig kahit sa malayuan ang sasabihin niya.

He gave me another annoyed smile before getting the paper bags that I’m holding. “Ihahatid na kita at baka sabihin pa ng parents mo pinapabayaan kita.”

I really don’t understand him. Alam naman naming lahat kung ano ang totoong namamagitan sa amin pero bakit kailangan niya pang mag kunwari sa parents ko. He doesn’t need to pretend to be a good husband. I know how much he hates me.

Pagkahatid niya sa akin ay bumati lang siya sa parents ko at umalis na. Sinabi rin niya na magpupunta siya ng bar dahil biglang nagyaya ang mga kaibigan niya. Tumango lang ako at sinabing mag-ingat siya.

Wala naman gaano nangyari sa bahay. Nakipag kwentuhan lang sila sa akin. I also stayed in my room.

From: Unknown number

Here’s Manong Dan’s number. If magpapahatid ka, tawagan mo lang siya. This is Matthew, by the way.

Agad kong sinave ang number niya at nag reply.

To: Matthew

I will. Thank you!

Bandang four o’clock ng hapon na rin nang maisipan kong umuwi. Tinawagan ko si Manong Dan at maaga naman niya agad ako sinundo.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan makikita si Jane. Sabi ni Matthew ay nakita na niya ang kapatid ko but she refused to go home. Napakarami ko gustong itanong sa kanya pero mayroon din sa akin na ayaw siyang makausap dahil natatakot ako sa kung anong malalaman ko.

Seven o’clock ng gabi nang marinig ko ang kung anong ingay sa labas. Sumilip ako at nagulat ako nang makita si Matthew na inaalalayan ng dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.

“Salamat.” sabi ko sa kanila. Tumango lang sila at lumabas na pareho. Humingi ako ng pabor na kung pwede ay ihatid si Matthew sa kwarto nito at di naman sila nagdalawang-isip na gawin ito.

Tinititigan ko ang mukha niya. Mukha siyang maamo kahit kaunting nakakunot ang mga noo nito. Medyo namumula na rin ang mga pisngi niya dahil siguro sa labis na kalasingan. Bakit ka ba kasi nagpakalasing ng ganito?

Iminulat niya ng bahagya ang kanyang mga mata at tumitig sa akin. “Shane?”

Tumango lang ako at hindi nagsalita sa kanya. Nagulat ako nang may tumulong luha sa mga mata niya.

“B-bakit?” tinakpan niya ang mga mata niya gamit ang braso at bigla nalang mas lumakas ang iyak niya. “Bakit? Bakit ikaw pa?”

“W-what?”

“I… I hate you so much, Shane. I hate you.”

Pagak akong napangiti. I know. I know how much you hates me. Matagal mo nang ipinaparamdam sa akin.

“I hate you so much.” mahina niyang sabi at nakatulog din kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status