“Sinasabi mong napatumba mo ang tatlong lalaking kidnappers niya?” tanong ni Eliot na nakakunot pa rin ang noo.
“Opo sir. Pero hindi ko po aakalain na si Miss Elise yung batang niligtas ko noon. Hindi ko po kasi nakita ng maayos ang mukha niya dahil nanlalabo na rin ang paningin ko saka gabi pa no'ng oras na yun."“Hindi nagtutugma ang kwento mo. Pagpunta namin doon, nakita namin si Elise sa—" hindi pinatapos ni Meldy si Eliot.“Sa loob ng drum sir.” Sabi ni Meldy.Nanlaki ang mata ni Eliot at Mr. Sy.“Paano mo nalaman?”(Continuation of flashbacks)Hingal na hingal si Meldy matapos niyang mapatumba ang tatlong lalaki. Nadaplisan pa siya ng bala ng baril kanina kaya mahapdi ang braso niya at nawawalan na rin siya ng lakas.Agad niyang binalikan si Elise na tulog na sa kinauupuan nito. Nanlalabo na ang paningin niya dahil pagod na rin siya kaya hindi niya makita ng maayos ang itsura ng batang dala niya.Gusto sana niyang isama si Elise paalis pero nakita niya ang bulto no’ng driver na hinahanap pa rin siya hanggang ngayon.“Nasaan kang babae ka. Lumabas ka!”Agad siyang bumalik sa nilakaran niya at nilagay si Elise sa isang drum na wala pa ring malay at nagmamadali siyang umalis sa warehouse, nasaktuhan namang nakarinig siya ng sirena mula sa sasakyan ng pulis kaya naging kampante ang kalooban niya na maliligtas ang bata.Pinilit niyang maglakad palayo sa warehouse, hanggang sa matumba siya at nawalan ng malay.(End of flashbacks)"Yun po ang ang nangyari sir."Tumayo si Eliot. “Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi mo. Pagdating namin doon, si Elise nalang ang nakita namin sa loob ng drum at wala na iyong mga lalaking sinasabi mong napatumba mo.”“Pero sir, maniwala po kayo sa'kin. Nawalan po ng malay ang tatlong yun. H-Hindi ko po alam bakit hindi niyo sila nakita. K-Kaya rin po siguro ako tinatawag na mama—" natigilan siya ng sinamaan siya ng tingin ni Eliot.“I mean iyon po, baka po pamilyar ako kay Miss Elise at napagkamalan niya ako ng ganoon, na mama niya, lalo't prinotektahan ko po siya.”“Sir,” pagkuha ni Mr. Sy ng attention ni Eliot. “Malapit po sa lugar na yun ay may nakitang pepper spray.""Akin po yun!" sabi ni Meldy at agad na itinikom ang bibig sa malamig na titig ni Mr. Sy."Baka po kailangan nating e consider ang sinasabi ni Ms. Penuela dahil kung nagkataon na niligtas niya si Miss Elise, malaki po ang utang na loob natin sa kaniya.”Hindi nagreact si Eliot sa pahayag ng assistant niya. Sa mukha niya ay hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ni Meldy.“No. Baka mamaya ay kasabwat niya ang kidnappers na yun.”Parang nanlumo si Meldy sa kinatatayuan niya. Siya na nga ang tumulong, siya pa ang naging masama."S-Sir, pwede ko p-pong ituro sa inyo kung sino ang mga taong yun ng sa ganoon ay mapatunayan ko rin na wala talaga akong kasalanan at tumulong lang ako."Nakuha niya ang attention ni Eliot. "Anong sabi mo?" saad nito."G-Gamitin niyo po ako sir. Natatandaan ko pa ang mukha nila. Pwede ko silang ituro sa inyo oras na makita ko sila." Seryoso at desididong sabi ni Meldy kay Eliot."Paano kung nalaman kong niloloko mo lang ako? Paano kung nilalayo mo lang kami sa totoong salarin? Paano kung kasamahan ka nila?"Agad na itinuro ni Meldy ang sarili niya."Hindi ko po gagawin yun sir. Itong buhay ko, kahit inyo na po oras na malaman niyong niloloko ko lang kayo. Habang buhay ko kayong pagsisilbihan.""Wala namang halaga ang buhay mo. Not worth it to bet." Parang naiiyak na si Meldy na pabalang siyang sinasagot ni Eliot."Ipakulong niyo po ako sir kung sakali mang ako talaga."Tumitig si Eliot sa kaniya, ng biglang umalingawngaw ang boses ni Elise."Mama, you're here." Maligayang sabi ni Elise dala ang manika niya.Biglang kumibot ang labi ni Eliot. Puro nalang si Meldy kasi ang nilalapitan ni Elise mula ng tumuntong ito sa bahay nila."Meldy anak," pagtawag ni Eliot sa pansin ng anak niya. Tumitig si Elise sa papa niya, nagtataka kung anong sasabihin nito."Where did you meet this lady?" itinuro ni Eliot si Meldy. "Why did you call her mama nang makita mo siya dito?""Si mama po?"Kumunot ang noo ni Eliot pero hindi sumagot. Tumingin si Elise kay Meldy na napapalunok nalang sa kaba. Every time Elise calls her mama, kinakabahan siya."I met mama in my dream, papa. She saved me from monsters." Masayang tugon ni Elise at parang nakahinga ng maluwag doon si Meldy."Really? She saved you from the monsters?"Inosenteng tumango si Elise. "And papa said, that all parents in the world ay sini-save ang baby nila and since mama saved me from the monsters so she's my mama."Napatanga silang lahat sa narinig mula kay Elise. Now they know why Elise kept on calling Meldy mama."Why are you here? Do you have something to say to papa?"Agad na umiling si Elise at hinawakan ang kamay ni Meldy. "Wala po papa. Hinahanap ko lang si mama." Tapos lumingon ito kay Meldy. "Mama, can you sing for me? I want to sleep with you."Alanganing tumingin si Meldy kay Eliot. Humihingi ng tulong."Meldy will go to your room. But can you wait for her there, baby? Papa needs to talk to her first."Tumingin si Eliot kay Mr. Sy at agad na naintindihan nito ang gusto niyang sabihin dahil nilapitan nito si Elise para akayin papuntang kwarto nito."Mama, sunod ka ah?" sabi ni Elise na taimtim na nakatitig kay Meldy.Ngayon na alam na ni Meldy na si Elise ang batang umiiyak noon na niligtas niya, para siyang nakahinga ng maluwag.Agad siyang lumapit kay Elise para yakapin ito. "Promise ko ulit, susunod ako sa'yo sa kwarto mo Miss Elise."Nakampante si Elise at siya na mismo ang humila kay Mr. Sy paalis sa kwarto ng papa niya.Nang sila nalang ni Eliot ang natira, biglang bumalik ang kaba sa puso ni Meldy."You said you'll help me. You said matatandaan mo ang mukha nila."Napatingin si Meldy sa mata ni Eliot."Yes sir. Kaya ko po. Tandang tanda ko pa po ang itsura nila..""Then I'll change the contract. Will you be Elise's nanny until her kidnappers get caught?"Nanlaki ang mata ni Meldy at agad na tumango. "Yes sir. Magiging nanny po ako ni Miss Elise hanggang mahuli ang kidnappers niya."Matapos mag-usap ni Meldy at ng papa niya, saka pa siya naglakas loob na sulyapan si Melody. Sobra itong payat ngayon. Namumutla at maraming sugat sa katawan. Mariin siyang napapikit. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kaniya at sa mga anak niya pero hindi rin niya maiwasang masaktan habang nakatingin sa sinapit nito. Napansin ni Meliciano ang mga tingin ni Meldy kay Melody. Nauunawaan niya ang anak niya kung bakit tila nag iwas ito ng tingin, kaya pinili na rin niya ang tumahimik. “Honey,” pumasok si Eliot at tumingin sa kanila. Yumuko pa ito para magbigay galang kay Meliciano. “Good evening po sir,” saad ni Eliot. Tumayo si Meldy at lumapit kay Eliot. Kita nila kung paano ito yumakap kay Eliot na para bang gawain niya ito lagi. “Uwi na tayo.” Sabi ni Eliot sa kaniya. Tumango siya at tumingin siya sa papa niya. Hinila niya si Eliot palapit dito. “Pa, ito po pala si Eliot. Siya po ang fiancé ko.” Nakita ni Meldy na hindi na nagulat ang papa niya kaya naba
“Stop sulking!” Bulong ni Meldy kay Eliot. Nasa sasakyan na sila at pauwi na. Si Mr. Sy ang nagmamaneho. “I’m not.” Pagdi-deny ni Eliot sabay tingin kay Mr. Sy na pinapakiramdaman lang sila sa likuran. “Sus. Hindi daw.” Umirap si Eliot at tumingin sa labas. Hindi tuloy maiwasan ni Meldy ang matawa. She finds him cute acting that way. “I can’t wait to go home.” Sabi ni Meldy at ngumiti. Namiss na niya ang mga anak niya. Hindi naman makapagsalita si Eliot dahil hindi niya alam kung anong madadatnan nila pagbalik ng San Lazaro. Tumingin siya kay Mr. Sy na nasa driver’s seat. Nakita niya itong nakatingin rin sa kaniya sa pamamagitan ng salamin. Sa tinginan nila, alam na ng isa’t-isa kung ano ang gusto nilang sabihin. Pagdating nila ng San Lazaro, nagulat si Meldy nang mapansin ang mga tao na nagkukumpulan na tila may pinag-uusapan. Tumingin siya kay Eliot. "Anong meron?" puno ng pagtataka na tanong niya. "I don't know, hon." "Ganito talaga ang Pilipinas. Hindi nawawalan ng chismi
“Papa,” malalaki ang luha sa mga mata ni Melody habang nakatingin kay Meliciano na umiiyak habang nakatingin rin sa kaniya.Nakita siya ni Jose na nakatayo nalang habang nakaharap sa lalaking nakatingin rin sa kaniya. Kumuyom ang kamao niya at tatakbo sana palapit dito nang biglang may bala ng baril ang biglang tumama sa tuhod niya dahilan kung bakit napaluhod siya sa lupa. “MELODY!” Sigaw niya pero hindi na siya naririnig pa ni Melody.Ang buong attention nito e nakatuon kay Meliciano at tila ba hindi na napapansin pa ang nasa paligid niya.Nawala nga rin sa isipan niya na hinahabol siya ni Jose. 'Kilala pa ba iya ako? Alam ba ni papa na ako ito? Na nagpalit lang ako ng mukha?' mga nasa isipan nalang niya. Gusto niyang sabihin at isigaw na siya si Melody pero hindi niya mahanap ang boses niya. Gusto niyang sabihin na saan ka galing papa? Bakit ngayon ka lang umuwi? Pero hindi niya magawa. Marami siyang gustong sabihin at itanong sa ama niya pero nauunahan lahat iyon ng luha niya
Umuwi sila sa apartment ni Pacio matapos silang hindi papasukun ni Elmira sa mansion ng mga Santisas. Kasama pa rin niya sina Meliciano at Butchoy.Mahigit dalawang oras na sila sa sala. Nakatingin lang si Butchoy sa kaniya habang siya ay kunot ang noo habang kausap ang ama sa cellphone niya.“Dad, please… Alam kong alam mo kung nasaan sila Melody ngayon. Saan sila nagtatago ni Jose?”“Hindi ko alam kung nasaan sila. I didn’t bother to find them.”“Then help me, dad.. I know you can help me.”Patrio sighed. “I don’t want you to get involved with this pero dahil mapilit ka, wala na akong magagawa. Just make sure Patrick na hindi ka mapapahamak dahil oras na may mangyaring masama sayo, si Melody ang sisingilin ko.”Tuso si Patrio at alam iyon ni Pacio. Alam ng ama niya kung paano siya pasunurin at kung paano siya takutin.“I promise.. Hindi ako mapapahamak.” Aniya dahil ayaw rin niyang mapahamak si Melody.“Give me 2 days. Gagawin ko ang lahat para mahanap sila.” Sabi ni Patrio.Nabuhaya
“Jose,” mahinang tawag ni Melody kay Jose para magpatulong ito sa pagtayo. “Pwedeng magbanyo?” tanong niya.“P-Pangako, hindi ako tatakas. S-Sayo lang ako.” Aniya, sinusubukang huwag kabahan.Tumayo si Jose at lumapit sa kaniya para alalayan siya. Puno ng pasa ang katawan niya at halos magkasugat sugat ang labi.Hindi niya kayang itayo ang mga paa niya ng ilang araw pero ramdam pa naman ang mga ito. Nanginginig rin ang mga binti niya dahil ilang araw siyang nakaratay sa kama at nakagapos. Binasag ni Jose ang pagkatao at ispiritu niya kaya ngayon ay halos hindi na siya makatayo.Para na siyang lantang gulay sa sobrang pagkapayat.Hindi siya nagsalita ng lapitan siya ni Jose para alalayan. Ang totoo e malakas ang kabog ng dibdib niya.Naigagalaw naman niya ang daliri niya sa mga paa. Kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa na makaalis pa siya.Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang tumakas.Dinala siya ni Jose sa kagubatan. Walang banyo sa bahay kubong ginawa ni Jose. Gumawa lang ito maliit na
“Mama! Kailan kayo uuwi?” nakangusong tanong ni Therese. Isang linggo ng nasa barko sina Meldy at Eliot.Agad nilayo ni Meldy ang mukha ni Eliot nang haIikan na naman siya nito sa dibdib. Wala silang saplot panloob, tanging bathrobe lang ang suot nila. Hindi naman sila makaalis sa cabin nila dahil sumapit na ang gabi at alam niyang simula na ng walang sawang kant*tan sa labas.Hindi na siya nagulat pa sa ganoong protocol sa barko pero every time may mangyari sa kanila ni Eliot e mas gusto niyang gawin iyon sa cabin dahil solo nila ang lugar.And Eliot doesn’t want her too to expose sa ibang lalaki. Kaya hindi rin niya gusto na mags3x sila ni Meldy sa labas ng cabin nila.“This Saturday, uuwi na kami ni papa diyan.” Saad niya sabay tingin kay Eliot na nakanguso dahil gusto pang umisa.“Nasaan si papa, mama?” tanong ni Therese dahil hindi niya nakita si Eliot sa tabi ni Meldy.“Hanap ka,” mahinang saad niya at binigay kay Eliot ang phone niya.Kinuha iyon ni Eliot at binuksan ang bintana