Share

Chapter 10

"Why would I be jealous? He's not even mine," saad ni Sayne habang diretsong nakatingin kay Trick na nasa kabilang side lang ng pinapalibutan nilang bonfire. Eksakto din na tumingin ito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang sa malamang ulit ay iiwas na naman siya ng tingin ngunit nang pagkakataon na iyon ay hindi niya ginawa.

"Of course, you'll be jealous kasi may nararamdaman ka na." Konklusyon ulit nito.

"Wala akong nararamdaman, Mia."

"Gaga ka! Kung wala ba't umiba itsura mo nang buhatin ni Doc Trick kanina si Clarisse."

Hindi siya sumagot dito. Hinuhuli talaga siya ni Mia upang umamin siya sa nararamdamang kahit siya ay 'di niya alam.

"Alam mo, ikaw ha. Unang dating pa lang ni Doc Trick sa ospital alam ko nang may namamagitan sa inyong dalawa."

"Namamagitan? Ang sagwa pakinggan Mia. Ano ba?!" Dinadala na lamang niya sa tawa ang mga pinagsasabi ng kaibigan. She knows her best friend. Hindi ito titigil hanggang 'di siya nito napapaamin sa totoo. Kung hindi man siya mapaamin nito ngayon ay maghahanap at maghahanap ito ng pagkakataon na interbyuhin siya at paaminin.

"Siya ang rason nang pagkawala mo sa bar, ano?"

Nanlaki ang mga mata niya sa lumabas na salita sa bibig ng kaibigan. Magtatangka sana siyang ilagay ang kamay sa bibig nito upang itikom nito ang bibig nang lumayo ito sa kanya kaya nagkagulo pa silang dalawa sa upuan at tawang-tawa naman si Mia.

"Hoy! Hoy! Ano 'yan ha? Sabihin mo sa 'kin Mia kung ano 'yang ayaw ipasabi ni Sayne," saad ni Dijoon at tumabing naupo kay Mia.

Pinanlakihan niya naman ng tingin ang kaibigan na umiba ang mood nang makitang lumapit si Dijoon.

"Ba't nandito ka?" Malditang saad nito at inismiran pa.

"Wala. Gusto kong maki-chismis." Walang epekto ang pagsusungit ni Mia rito at ngumiti pa.

"Chismoso! Bumalik ka na nga do'n. Usapang babae 'to."

"Nagiging babae rin naman ako pagdating sa chismis." Hindi pa rin nagpapatalong saad ni Dijoon at tinaas-taas pa ang kilay.

"Chismosong bading!" Singhal ni Mia rito kaya natawang tiningnan siya ni Dijoon. Tumayo si Mia at tinalikuran silang dalawa.

"Ba't ang init ng ulo ni Mia sayo?" Natatawang tanong niya.

"Hindi ko alam. Palagi naman 'yang galit sa 'kin. Palagay ko kapag malapit ako sa kanya nagre-react siguro uterus niya at bigla-bigla nalang 'ata siyang nireregla," biro ni Dijoon.

"Ewan ko sayo," Natatawa na lamang saad niya rito.

"Parang ikaw lang no'n kay Doc Trick. 'Yon nga lang naiinis ka dahil natatalo ka niya. Normal lang na mas matalino siya kaysa sayo dahil prof natin siya." Pagpapaalala nito sa nakaraang ugali niya.

"Ewan ko ba sa 'kin dati. Probably because of competency and pride."

"Pero umiba ka naman nang dumating si Doc eh. Natuto ka ng makinig sa iba. Hindi naman kita masisisi sa ugali mo dati. Sabi nila ang ugali raw ng tao ay may koneksyon sa nakaraan nila."

Napangiti siya sa sinabi ni Dijoon. Naalala niya ang Bonsai plant na binigay ni Trick sa kanya. Or should she say binargain ni Trick sa kanya. Kapalit ng Bonsai na iyon ay ang pakikinig niya sa sasabihin ni Trick and she should minimize her pride at katigasan ng ulo.

Hindi naman siya umuo at hindi rin naman humindi. Hindi niya mapigilan dahil ang bagay na kapalit ng favor na iyon ay ang pinakamaganda at pinakamatandang Bonsai sa bakuran ni Trick. Ayos lang naman sa kanya dahil ang sabi ni Trick makikinig lang hindi niya naman sinabi na sumunod.

Gaga ka talaga!

Naloko siya ng kagandahang taglay ng Bonsai pero ang pinagtataka niya ay ang walang alinlangang pagbigay ng Bonsai ni Trick sa kanya. Mahal iyon at isa sa mga rare na klase ng Bonsai.

"Doc Trick sige na! Isang shot lang naman."

Natuon ang atensyon nila sa gawi nina Trick kung saan pinipilit ni Jion na uminom ito ng alak. Naroon rin ang mayor at ang iba pa nilang naging kasama sa outreach program.

Panay lang naman ayaw ni Trick at lingo-lingo ngunit 'di ito nagsasalita at panay ngiti lang. Alam nito na ang mga kasama niya ay may tama na ng alak kaya kita sa paraan ng paggalaw at pagsagot nito ang respeto at hinhin para 'di maka-offend sa mga kasama.

Hindi ba talaga siya umiinom? That's so rare for a man to decline such thing.

"C'mon Doc Trick!" Sigaw rin naman ni Dijoon kaya taas kilay niya itong tiningnan at natawa.

"Cheer for him. C'mon!" Kalabit naman sa kanya nito.

"No, she's not the type na umiinom ng alak at may bisyo," sagot niya naman.

Naalala niya ang katawan nito. He has perfectly built body kaya siguro ayaw nitong uminom. Pinoprotektahan niya ang figure at image niya.

He's probably a fitness freak.

Natawa siya dahil from clean freak to workaholic at ngayon naman ay may bago na naman siyang tatawagin dito. She's wondering kung this time ay tatama na ba siya.

"C'mon, Doc Mañego! Just one glass!" Segunda niya na lamang sa pagsisigaw ng mga kasama nila which made the crowd goes in silence after hearing her.

Diretso naman siyang tiningnan ni Trick at ngumiti which made the crowd to start teasing them.

"I'm sorry. I don't drink," saad nito.

Kung hindi siya umiinom, anong ginagawa niya sa bar noong unang pagkikita nila? Did he just go there to find someone na maka-sex? To victimized a woman who's drunk enough to surrender herself on him?

Ang gwapo naman nito at competent para ito pa ang maghanap ng babaeng sasalo rito sa kama. Woman would kneel in front of Trick kung gugustuhin lang nito. Kung oo rin ang sagot ng mga iyon ay malamang sa malamang siya na ang naging biktima nito ng gabing iyon.

What's his reason anyway noong nasa hotel siya ng bar?

Para namang nagtampo ang lahat sa sagot nito pero wala pa rin itong naramdamang ilang sa naging sagot.

He really knows how to handle his "NO's".

"Sayne ikaw nalang uminom para kay Doc Trick."

"Pangit naman 'ata sa babae ang umiinom Kuya Jion," saad ni Jolina. Panay lang ito kain ng kain ng pulutan nila.

"Hindi siya pangit, Jolina. Kumain ka na lang d'yan pero h'wag mo naman ubusin 'yong pulutan namin."

Jolina is 19 years old at napalaki ito ng mga magulang na taliwas sa mga wordly na gawain kaya ang inosente nito sa mga bagay-bagay.

"Ikaw na lang po uminom niyan Kuya." Hindi pa rin pagsang-ayon ng bata kay Jion.

"Eto, sarili kong opinyon ha. Di naman pangit tingnan ang babae kapag umiinom eh basta hindi lang sobra kung makalaklak. 'Yong iba nga dyan, hindi pa umiinom pangit na." Pagbibirong pagpaparinig nito kay Jolina kaya natawa ang huli at hinampas ito. 'Di rin naman maiwasan ng lahat na matawa sa dalawa.

Lumapit si Sayne kay Jion at tinanggap ang baso.

"H'wag mo 'tong gayahin Jolina ha, this is wrong," pagbabala niya at pagkatapos ay tinungga ang laman ng baso.

Tumango naman si Jolina. Pagkatapos inumin ni Sayne ang laman ng baso ay napatingin siya kay Trick. Trick is giving her a deep stare at ayaw niyang malunod sa tingin nito kaya bumalik siya sa kinauupuan niya.

After their talks and gathering ay pumasok na sila sa kanilang mga kubo upang makapagpahinga dahil maaga pa sila bukas babalik ng Maynila.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Trick sa kanya nang makita nitong umekis ang paa niya bago siya tuluyang makaupo sa kama.

"Ayos lang," sagot niya. Medyo umiikot na ng konti ang paningin niya.

"Are you sure? Marami-rami pa naman ang nainom mo." Nagdadalawang isip na sabi ni Trick habang inaayos ang sariling higaan at naupo sa edge ng kama nito.

"I'm ok. By the way, ba't 'di ka umiinom?" Her curiosity triggers her again at sana naman ay sasagot na ito ng totoo.

Pinasok niya na talaga ang pag-interview dito. Dahil ayaw niyang mag-conclude na naman siya ng kung ano-ano na kesyo fitness freak ito o ano pang pumapasok sa utak niyang pwedeng itawag kay Trick dahil sa mga bagay na hindi niya alam tungkol dito.

"I just don't," plain nitong sagot.

"You just don't," pang-uulit niya. "That's rare. C'mon, what's your reason?" Nakangising saad niya at curious na curious sa kung ano mang isasagot ni Trick.

Ngunit wala itong isinagot sa kanya. "Go to sleep. Maaga pa tayo bukas."

"Ba't 'di mo tinanggap 'yong baso kanina? Nang nasa isla naman tayo you received the offer of Clarisse's father na isang shot lang ng alak."

"Yes. But Clarisse change the glass bago 'yon dumating sa mga kamay ko," pangtatanggol nito sa sarili.

Hindi alam ni Sayne na 'yon pala ang nangyari. Baka nga tama ito at naging busy sila sa kwentuhan kanina. Ilang beses niya rin namang ninanakawan ng tingin ang mga ito pero hindi niya nahagip ng mga mata ang nangyari.

"So, she knows n-na hindi ka umiinom?" Para siyang nagdadalawang isip. Parang gusto niyang matawa sa sarili. Si Clarisse ay bago pa lamang sa buhay ni Trick pero alam na ang bagay na iyon samantalang siya ay hindi.

"Yes. Tinanong niya kasi muna sa 'kin kung umiinom ba ko before she gave me the glass. Hindi rin naman nila napansin na pinalitan ni Clarisse ang baso dahil pareho naman kayong lahat busy sa pagkwe-kwentuhan. Unlike kanina, no one asked first before offering me a shot but still thanks to you. Hindi na sa 'kin natuon ang buong atensyon nila dahil tinggap mo ang baso."

"Ganon ba..." Parang may gusto pang idagdag si Sayne sa sasabihin niya. Kahit maganda ang panghuling sinabi nito ay nanaig pa rin sa isipan niya ang ginawa ni Clarisse para rito.

"Go to sleep. You're starting to get talkative. Natamaan ka na siguro sa nainom mo," saad nito at humiga na sa kama.

Hindi pa rin naman humiga si Sayne at patuloy lang ang diretsong pagtingin sa lalakeng nasa harapan niya. Marami siyang tanong sa isipan niya. Parang gusto niyang itanong lahat rito ang mga nasa isip dahil siguro sa tama ng alak sa katawan.

"Nagustuhan mo ba si Clarisse, Doc Mañego?"

"No." diretsang sagot nito sa tanong niya.

"What if she happened to like you?" Makulit pa ring tanong ni Sayne at wala siyang planong tumigil sa kakatanong dito hanggang hindi niya ito nainis o napasagot. Gusto niyang ma-satisfy ang sarili sa lalabas na salita mula sa bibig nito.

"Hindi niya ko gusto, Sayne. Matulog ka na."

Hindi niya mapigilan mapangiti sa sinabi nito. At last! Narinig niya mula sa labi nito na banggitin ang first name niya at nagmistula iyong magandang salita sa kanyang pandinig.  

Her name sounds different kapag si Trick ang sumasambit.

"Are you this talkative when you're drunk? Hindi ka naman ganito noong dinala kita sa bahay dahil sa kalasingan mo." Natatawa itong nagtanong sa kanya at lumingon. Natawa na rin lamang siya rito.

Ang close naman 'ata namin ngayon.

Parang bigla na lang umiba ang ihip ng hangin. Ayaw niya itong makausap kanina pero ngayon ay para silang mga bata kung mag-usap.

"Parang kanina lang ay gusto mo na akong hampasin ng kung anong mahahawakan mo pero ngayon ay kung makapag-usap ka sa 'kin ay parang wala ng bukas. You're mood is weird and you probably has multiple personality disorder, should I make a diagnosis on you?" Trick smirk after asking her.

"No. Don't bother, Doc Mañego because I can handle myself. I, myself is a doctor incase you forgot." Proud na proud na saad niya at nagtaas-taas pa ng kilay.

Gusto niyang tanungin rito ang tungkol sa pagkikita nila sa hotel ng bar pero ayaw niya ng halungkatin ulit ang isyung 'yon.

"Doc Mañego?" Pormal na pormal ang pagsabi niya sa pangalan nito at tinitigan lang naman siya nito. May gusto siyang sabihin dito.

There he goes again. He's staring at you like he's reading your entire being. Ang lalim nitong tumingin at ayaw niya man aminin pero malapit na siyang malunod dito. Pinipigilan niya na lamang ang sarili. Bago niya sabihin ang gustong sabihin ay nagsalita si Trick.

"Let's start again, Doc Ricamonte. You should clear your misconceptions about me para 'di ka nang parang galit palagi at ayaw magtiwala sa 'kin." Bumangon ito mula sa pagkakahiga at naupo ulit sa edge ng kama nito.

"I'm Yohan Xailtrick Mañego. Una kitang nakita sa bar kung saan lango ka ng alak at nakainom ng Flibanserin, a medicine which triggers your libido. Muntik kitang ma-angkin ng gabing 'yon."

Sayne caught of guard. Napanganga siya sa lumabas na mga salita sa bibig nito.

Tama ba ang narinig niya mula kay Trick?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status