Home / Romance / He's Gay / CHAPTER 4

Share

CHAPTER 4

Author: ImVictorique
last update Petsa ng paglalathala: 2021-11-12 08:24:35

Magkakasama silang lahat ngayon sa hapag-kainan kasama ang buong pamilya Villarreal. Hindi tulad kanina na masigla ang usapan, ngayon ay napakatahimik kaya hindi maiwasan ni Rhea na kabahan. Para bang nasa gitna siya ng isang seryosong pulong na puro negosyante ang kasama. Alam niyang mahalaga ang unang impresyon dahil wala namang tunay na nakakakilala sa kanya roon.

Tahimik siyang kumakain at naghihintay kung may magsasalita. Ayaw niyang mauna o magsalita nang hindi oras dahil baka may patakaran sila na bawal magsalita habang kumakain, gaya ng nakasanayan sa ilang mayayamang pamilya.

Habang kumakain, biglang umubo si Mrs. Villarreal na agad nakuha ang atensyon ng lahat. Akala ni Rhea ay nabilaukan ito, pero imbes na uminom ng tubig ay diretsong tumingin ito sa kanya. Dahil sa titig na iyon, nakaramdam si Rhea ng kaba at nahihiya bigla.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtitig sa kanya ng babae. Para hindi na siya mapansin pa, dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo.

Alam na rin niya ang pangalan ng lahat ng nasa mesa dahil ipinakilala na sila ni Lucas kanina, na para bang ipinapakilala ang mga empleyado sa bagong kasamahan. Kahit pilit na pinapababa ni Lucas ang boses para magmukhang babae, nanatili pa rin itong pormal at maayos kumilos. Hindi ito nagbihis pambabae o naglagay ng makeup, hindi tulad ng iba na hayagang ipinapakita ang kanilang pagkababae. Napansin lang ni Rhea na medyo maarte ito, pero hindi na niya iyon inisip pa.

"So, dear, what is your name?" sa wakas ay tanong ni Mrs. Villarreal. Nakahinga nang maluwag si Rhea dahil may nagsalita na rin.

Pinunasan niya muna ang bibig bago sumagot. "Rhea Benitez, Ma'am Lucianda."

"Wait, are you related to the late Francisco Benitez, the owner of Benitez Restaurant?" tanong ni Sir Adam, ang ama, na may kakaibang karisma. Gusto sanang ngumiti ni Rhea nang maalala ang biro nito kanina sa kwarto, pero agad nabura ang saya dahil naalala niya ang mabigat na pangyayari dalawang taon na ang nakalipas.

Marahil ay napansin ang pag-aatubili niya kaya bahagyang tinapik siya ni Lucas. "Hoy, Chararat, anong problema mo?" pabulong nitong sabi, pero hindi siya nagpatinag. Hindi naman sila magkaibigan para malaman nito ang sakit na dinadala niya.

Ngumiti siya ng kaunti at tumango. "Opo, siya po ang aking ama," sagot niya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Tahimik siyang nagdasal na sana wala nang magtanong pa tungkol sa pamilya niya. Sariwa pa rin ang sugat kahit dalawang taon na ang lumipas.

"Talaga? Hindi ako makapaniwala!" tuwang-tuwang sagot ni Sir Adam. Hinawakan pa nito ang braso ng asawa na kukuha sana ng pagkain kaya napilitan si Mrs. Villarreal na tapikin ang balikat niya, nagkunwari lang itong nagtatampo at muling humarap kay Rhea.

"Alam mo ba, hinangaan ko ang tatay mo. Napakahusay niyang chef. Dahil sa kanya, hindi ko kailangang matulog sa labas noong buntis ang asawa ko sa bunso namin. Itong babaeng ito," sabay turo niya kay Mrs. Villarreal, "ay sobrang mapili noon sa pagkain. Ayaw niya ng iba kundi yung luto ng tatay mo. Minsan muntik na akong mapalayas sa bahay dahil hindi ko nadala agad ang paborito niyang beef steak. Narinig ko ang nangyari, nakakalungkot. Pero nakaka-inspire na makita kang lumalaban."

"It is okay, sir. I am moving on," pagsisinungaling ni Rhea. Sa totoo lang, hindi pa siya nakakaahon. Ayaw niya ng tingin ng awa mula sa ibang tao, pero alam niyang ganoon talaga.

"Bakit ka ba nagso-sorry, Dad? Ano bang nangyari two years ago?" tanong ni Luciana, ang pangalawang anak pagkatapos ni Lucas.

Umubo si Sir Adam bago sumagot. "Hindi ko kwento iyon para ikwento ko. Kumain ka na lang, Luciana." Napatahimik ang lahat at napasimangot ang dalaga. Samantala, lihim na nagpasalamat si Rhea dahil nailigtas siya sa masakit na paksa.

Natapos ang agahan sa masiglang ingay salamat kay Lucas na panay ang biro sa mga kapatid at sa kanilang magulang, lalo na kay Sir Adam, na nakisama rin. Ang tahimik na umaga ay napalitan ng halakhakan at para kay Rhea, malaking ginhawa iyon. Naiwasan ang mas malalim na usapan tungkol sa kanyang pamilya.

Pagkatapos ng pagkain, nag-usap sina Lucas at Sir Adam sa opisina. Hindi alam ni Rhea kung tungkol saan iyon at hindi na siya nakialam pa. Nasa kwarto siya ni Lucas at abala sa pag-iimpake. Handa na siyang umalis. Pakiramdam niya ay hindi na tama kung tatagal pa siya roon dahil isa siyang estranghero. May kailangan pa siyang ayusin, gaya ng pagsasara ng kanilang restaurant at pagdalaw sa ina sa ospital.

Lubos siyang nagpapasalamat kay Lucas kahit na medyo kakaiba ang ugali nito. Tinulungan siya kahit hindi sila magkakilala. Ayaw niyang maging pabigat kaya ito na siguro ang tamang oras para umalis. Sa huli, isa lang naman siyang babaeng muntik nang sumuko sa buhay na nagkataong nadaanan nito sa kalsada.

Huminga siya nang malalim at umupo sa gilid ng kama. Naalala niya kung paanong kagabi ay handa na siyang mamatay, pero ngayon ay buhay pa rin siya. Hindi niya alam kung hindi lang talaga iyon ang oras niya o sadyang masuwerte lang siya. Pero dahil humihinga pa siya, baka nga may pag-asa pa.

Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago tumayo at sumilip sa salamin. Nang makasigurado sa itsura niya, kinuha niya ang gamit at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Iniisip niya na wala namang masama kung aalis siya nang hindi nagpapaalam. Siguradong wala namang maghahanap sa kanya. Tahimik niyang sinuri ang paligid kung may makakakita ba sa kanya. Alam niyang hindi magalang iyon, pero sobra na siyang nahihiya para magpaalam pa. Sa isip niya, hindi naman siya kilala ni Lucas at malabong magtagpo pa sila ulit.

Sa kabutihang palad, iilang kasambahay lang ang nandoon kaya nakalabas siya ng gate nang walang nakakapansin. Pagkalabas, hindi na siya lumingon. Diretso siyang naglakad palayo sa bahay ng mga Villarreal, ang tahanan ng lalaking pansamantala lang nagbigay sa kanya ng masisilungan.

Samantala, pagpasok ni Lucas sa opisina ng kanyang ama, agad niyang napansin ang seryosong mukha nito. Nakaupo si Sir Adam sa swivel chair, samantalang si Lucas ay naupo sa sofa, inaasahan na tungkol sa kumpanya ang pag-uusapan nila, ngunit mali siya.

Mas kinabahan siya nang makita ang tusong ngiti sa labi ng ama. Alam niyang hindi magandang balita ang kasunod niyon.

“Luc, siya ang solusyon,” diretsong sabi ng ama.

Nakapakunot ang noo ni Lucas, hindi agad maintindihan ang ibig sabihin. “Sino yung ‘siya’? At anong solusyon? May math problem ba tayong kailangang sagutan, o may problema ba ang kumpanya na hindi ko alam?” sarkastiko niyang sagot kahit kinakabahan na siya.

“Yung babaeng dinala mo dito! Si Rhea. Gusto kong pakasalan mo siya,” walang paliguy-ligoy na sagot ng ama.

Nanlaki ang mata ni Lucas. Napasubo siya at muntik nang mabilaukan, agad inabot ang baso ng tubig para maligtas ang sarili. “Ako? Pakakasal sa babae?” Itinuro pa niya ang sarili. “Dad, alam mong bakla ako mula ulo hanggang paa! Bakit ko siya pakakasalan? Babae siya, babae rin ako! At kung tutuusin, mas maganda pa ako kaysa sa kanya!”

Tumigas ang mukha ng ama. “Wala akong pakialam. Kailangan mong pakasalan siya, Lucas. Alam mong kapag hindi, hindi ibibigay ng lolo mo ang kumpanya sa iyo at baka mapunta pa ito sa ibang kamag-anak. Ayaw mong mangyari iyon, di ba? Kaya magdesisyon ka na. Nauubos ang oras.”

Natahimik si Lucas. Bigla niyang kinalkula sa isip ang sitwasyon na parang negosyante. Kung hindi siya magpapakasal, baka talaga ngang ibigay ng lolo niya sa iba ang kumpanya. Pero kung papakasal siya, katapusan na iyon ng fabulous niyang buhay.

“Dad, wala na bang ibang paraan?” reklamo niya na parang bata, pamaypay ng kamay sa sarili kahit todo lamig ang aircon.

“Wala na. Kilala mo ang lolo mo, mahilig sa imbestigasyon. Malalaman niya agad kung peke. Hindi mo siya maloloko,” sagot ng ama.

Napairap si Lucas at napabuntong-hininga. “Fine. Kakausapin ko si Rhea.”

Galit siyang lumabas ng opisina at dumiretso sa kuwarto, pero pagdating niya roon, wala na ang babae. Pati gamit nito, dinala na ni Mang Tomas.

“What? Tumakas siya?” nanlaki ang mata ni Lucas. “Bruha! Pag nakita ko siya, sasambunutan ko talaga siya ng 360 degrees! Ganito ba ang sukli sa pagtulong ko?”

Biglang may naisip siyang plano. Mayabang siyang ngumiti, dinampot ang cellphone at nag-dial ng kilalang numero.

“Hello, Sir—este Miss Lucy?” Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya. Ito ang kanilang pinagkakatiwalaang imbestigador.

“Hanapin mo si Rhea Benitez at i-email mo agad lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. At gusto ko rin ng eksaktong lokasyon niya ngayon,” Utos ni Lucas habang pumipili ng damit sa closet.

“Noted, Miss. Ipapadala ko po sa loob ng limang minuto,” Agarang aksyon ng lalaki.

“Good, I’ll be waiting then.” Anya ni Lucas bago binaba ang tawag. Ngumisi siya, iniisip kung gaano kagulat ang mukha ni Rhea kapag nakita siya ulit. May utang ito sa kanya at kailangan nitong panindigan iyon. Hindi niya ito palalampasin lalo na ngayong kailangan niya ito.

Ilang minuto lang, nag-vibrate ang cellphone niya.

One message received

From: XXXX 9:15 AM

Current location: Benitez Restaurant near Central Park.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kinuha niya agad ang susi ng kotse at tumakbo papunta sa garahe.

“Maghanda ka sa akin, Chararat,” bulong niya bago pinaandar ang sasakyan.

Samantala, sa Benitez Restaurant, kausap ni Rhea ang mga empleyado niya sa huling pagkakataon.

“Ms. Rhea, wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas ang restaurant?” malungkot na tanong ni Julie, isa sa mga pinakamatagal nang waitress doon.

Umiling si Rhea, mabigat ang boses. “Kung may paraan lang sana… pero kailangan ko na itong isara. Pasensya na, mawawalan kayo ng trabaho. Marami nang nangyari, at kailangan ko na ring humanap ng ibang pagkakakitaan. Sana maintindihan ninyo.”

Hindi siya chef at hindi rin marunong sa negosyo. Dalawang taon na niyang sinubukan buhayin ang restaurant, pero palaging bigo. Dapat sana ay ang kuya niya ang humawak nito, pero dahil bigla itong nawala pati na ang kanilang ama, napunta lahat sa kanya. Ayaw man niyang aminin, sarili niya ang sinisisi niya sa pagkabagsak at ngayon pati mga tauhan niya ay apektado.

“Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo, Ma’am,” Sabi ni Kate, isa sa mga staff, para maibsan ang bigat na nararamdaman ni Rhea.

Napangiti siya nang mahina. “Salamat. Pero hanggang dito na lang talaga. Umalis na kayo, ako na ang bahala dito. Pupunta rin ako sa ospital mamaya. Salamat sa lahat.”

Isa-isa niyang niyakap ang mga ito bago sila tuluyang umalis. Pagkatapos, nagsimula na siyang mag-impake ng gamit sa katahimikan.

Biglang tumunog ang chime ng pinto, hudyat na may pumasok. Akala niya ay customer na nagkamali ng pasok, kaya nilapitan niya ang pintuan.

“Closed na po—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nanlaki ang mata niya.

Nakatayo doon ang taong huling inaasahan niyang makita—si Lucas, ang baklang apo ng Villarreal tycoon. Matulis ang tingin nito sa kanya, para bang may utang siyang hindi mababayaran.

“Found you,” Madiin na sabi nito.

Napatakip si Rhea ng bibig, gulat na gulat. Ano ang ginagawa nito rito?

ImVictorique

After editing this, I'll be posting book 2! Stay tuned.

| 1
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • He's Gay   CHAPER 37: LAST

    Makalipas ang tatlong buwan,Pumasok ang banayad na liwanag ng hapon sa manipis na kurtina ng bahay ng mga Villarreal, nagbibigay ng malambot na kulay ginto at rosas sa buong sala. Dahan-dahang lumilipad sa hangin ang mga alikabok, para bang sumasabay sa payapang takbo ng buhay na meron sila ngayon. Ang dating tahimik at maluwang na bahay ay napalitan ng mga tunog na puno ng buhay, ang mahihinang iyak ng sanggol, ang mga yapak ng pagod ngunit masayang mga paa, at ang sintunadong awit ng isang amang ngayon pa lang natutong mag-alaga ng anak.Nakaupo si Lucas sa sofa, gusot ang polo, walang medyas sa isang paa, at may lampin na nakasabit sa balikat. Nakakalat lang kung saan ang kurbata niya, at magulo ang buhok na halatang hindi na inayos. Pero kahit ganoon, may ngiti sa labi niya. Sa kanyang mga bisig, si baby Louis ay unti-unting nilalabanan ang antok. Nang marinig ng bata ang mababa at paos na awit ng ama, dahan-dahan itong kumalma hanggang sa tuluyang makatulog. Mali-mali man ang ton

  • He's Gay   CHAPTER 36

    THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali. How dare him! Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa. May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawal

  • He's Gay   CHAPTER 35

    RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo

  • He's Gay   CHAPTER 34

    RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin

  • He's Gay   CHAPTER 33

    RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir

  • He's Gay   CHAPTER 32

    LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status