Home / Romance / He's Gay / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: ImVictorique
last update Last Updated: 2021-12-03 19:38:08

"Hoy, Bakla! Anong ginagawa mo rito?!" gulat na sigaw ni Rhea habang nanlaki ang mga mata at nakatitig sa lalak-esteng baklang nasa harap niya. Unang-una, hindi niya inakalang makikita niya pa ulit si Lucas lalo na ilang oras palang ang nakakalipas matapos siyang umalis nang walang paalam mula sa Mansion nito. Pangalawa, hindi rin niya inasahang hahanapin pa siya nito dahil wala namang dahilan para gawin iyon.

Tahimik lang na nakatingin si Lucas, seryoso at hindi mabasa ang ekspresyon. Kinabahan si Rhea at napalunok habang nararamdaman ang bigat ng titig nito, para bang isa siyang kriminal na may malaking kasalanan. Sa pagkakaalam niya, ang tanging “kasalanan” lang niya ay umalis nang hindi nagpapaalam.

"Hoy! Tigilan mo nga ang titig na ganyan!" naiilang na sabi ni Rhea, sinusubukang basagin ang katahimikan. Ngunit nang hindi pa rin ito gumalaw, napabuntong-hininga siya at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Bigla niyang narinig ang mabagal at maingat na yabag nito papalapit kaya kusa siyang umatras.

Hindi niya namalayang may pader pala sa likod niya. Mabuti na lang at nasalo ni Lucas ang ulo niya bago ito tumama. Ang problema, sobrang lapit nila sa isa’t isa, ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Inaasahan niyang agad itong aatras, lalo na at bakla ito, pero hindi ito gumalaw. Para bang pinaglalaruan siya.

Naiilang sa sobrang lapit, itinulak niya ito nang marahan ngunit hindi ito natitinag. Lalo siyang nainis at tinignan ito nang masama. Imbes na lumayo, inilagay pa nito ang dalawang kamay sa pader sa gilid niya, na para bang kinulong siya sa braso nito. Hindi napigilan ni Rhea ang mapula ang pisngi. Naisip pa niya ang tawag ng mga Hapon dito—Kabedon. Dahil sa hiya, napayuko siya at pilit na tinatago ang nag-aapoy niyang mukha.

'Ano ba itong iniisip ko?!' saway niya sa sarili.

Hindi na siya nakatiis at mariing tumingin dito. "Hoy Lucas! Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba nandidiri sa ganito? Lumayo ka nga! Kung makadikit parang hindi ka bakla."

Itinulak niya ito nang buong lakas, ngunit parang bato ang katawan nito. Wala siyang nagawa. Nakakahiya! Para akong basang papel.

"Wow," sarkastikong sabi ni Lucas. "Ang kapal ng mukha mong sigawan ako, samantalang ikaw itong tumakas. Rhea Benitez, alam mo ba kung anong kasalanan mo sa akin?"

Nang marinig niya ang buong pangalan niya, kinilabutan si Rhea. Hindi niya alam kung galit ba talaga ito o umaarte lang.

"K-kasi... tumakas ako?" pautal niyang sagot.

"At ginawa mo pang parang tanong!" sigaw ni Lucas. "Sige nga, ikamamatay mo ba kung magpaalaman ka man lang bago ka umalis? pati sa pamilya ko?"

Umiling lang si Rhea, nakabusangot.

"Ayan! Kita mo! Alam mo namang mali!" dagdag ni Lucas bago siya tuluyang umatras. Nakahinga si Rhea nang maluwag.

"Eh ano bang problema mo kung tumakas ako? Para ka namang close friend ko kung umasta. Hindi mo naman ako gaanong kakilala. May dahilan naman ako kung bakit ako umalis! Hindi mo ba naiintindihan? Isasara ko na ang restaurant ng pamilya ko. Ang dami kong kailangang ayusin, kailangan ko pang maghanap ng trabaho! Hindi ako kagaya mo na mayaman at may mamanahing kompanya!" depensa ni Rhea.

"Ang kinaiinisan ko, ni hindi ka man lang nagpaalam kahit sa pamilya ko! Hindi mo ba naisip na baka isipin kong may nangyari na sa’yo?!" galit na sagot ni Lucas.

"Excuse me, may nagpaalam na ba habang tumatakas? Common sense! At saka, ayusin mo nga boses mo. Hindi ka na pumipiyok, baka ma-in love pa ako sa’yo," sarkastikong kontra ni Rhea.

Nanlaki ang mga mata ni Lucas at mabilis na tinakpan ang bibig bago kunwaring umubo. Pagkatapos ay bumalik sa matinis niyang boses. "Ehem! Anyway, Chararat, huwag mo nang uulitin iyon ha. Next time, magpaalam ka muna and don't ever fall in love with me. Hindi tayo talo."

"Grabe! Hindi ko nga akalaing susundan mo pa ako. At saka, bakit ka nga ba nandito? Kanina pa ako tanong nang tanong, hindi ka sumasagot. Huwag mong sabihing nagpunta ka lang para sermunan ako. Kung ganoon, sige, hindi ko na uulitin. Pwede ka nang umalis. Sayang oras ko," iritang sabi ni Rhea.

"Ay oo nga pala! Buti pinaalala mo. May hihingin akong pabor sa’yo." Kumindat pa ito bago mabilis na hinawakan ang kamay niya.

"Chararat, please! Tulungan mo ako. Sige na, oooh?" Nag-puppy eyes pa ito.

Kadiri! Napangiwi si Rhea. Anong klaseng bakla ito? Ano bang drama ng lalaking ito?

"Hoy, bago ka magdrama, sabihin mo muna kung ano iyon! At tigilan mo ang puppy eyes na iyan, nakakadiri! Hindi bagay sa’yo!" asar niyang sabi, sinamantala ang pagkakataon para insultuhin ito.

"Awww, Chararat! Ang sakit naman!" drama ni Lucas, hawak pa ang dibdib na para bang nasugatan ang puso.

"By the way, hindi ka ba nagko-cross-dress?" biglang tanong ni Rhea. Napansin niya kasi na simula pa kanina, palaging panglalaki ang suot nito. Gwapo nga, pero kapag bumuka ang bibig at narinig ang matinis na boses, nakaka-disappoint.

"Nope!" sagot ni Lucas, diin pa sa salita. "Bakla ako, pero hindi ako mahilig sa girly na damit. Babae ako, char! Pero hindi ibig sabihin na kailangan kong magdamit pambabae. Iba-iba rin kami."

Tumango si Rhea. Mabuti na lang. Hindi niya kasi ma-imagine kung magsusuot ito ng damit pambabae. Gwapo ito, oo, pero halatang maskulado at lalaking-lalaki ang katawan. Kung mag-cross-dress ito, sigurado, disaster.

"Anyway, tungkol sa pabor na sinasabi ko—" putol ni Lucas nang biglang tumunog ang cellphone ni Rhea.

Pinatigil niya ito at sinagot ang tawag. Napakunot siya ng noo nang makitang unregistered number, pero sinagot pa rin.

"Hello? Ah, Doctor Mike. Good morning, po. Ano pong meron?" magalang niyang bati.

Tahimik na pinanood ni Lucas mula sa sofa. Sino kaya ang kausap nito? Boyfriend kaya? Kung meron, malamang hindi papayag sa pabor na balak niyang hingin.

Pero bigla siyang kinabahan nang makita itong mapaluha at sumigaw ng, "Ano?!" Habang tumutulo ang luha, agad siyang lumapit.

"Oo, Doc! Pupunta po ako agad. Salamat sa pag-inform," nanginginig ang boses ni Rhea bago ibinaba ang tawag.

Nataranta siyang nag-impake ng gamit, nanginginig ang mga kamay. Agad siyang hinawakan ni Lucas sa balikat.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"M-mom ko... Kailangan niya ako," hikbi ni Rhea, pilit pinupunasan ang luha. "Sorry, pupunta muna ako sa ospital."

Kitang-kita ni Lucas ang kaba at pagmamadali nito. Nang matapos si Rhea sa pagpipick-up ng gamit, nagmamadali na itong lumabas.

"Sandali! Hatid na kita. Tingnan mo nga ang itsura mo, parang multo. Baka makasagasa ka pa ng tao," biro niya kahit seryoso ang sitwasyon.

Napangiti si Rhea kahit umiiyak pa. "Grabe ka! May feelings din ako."

Umirap si Lucas pero bahagyang ngumiti.

Pagdating nila sa ospital, halos tumakbo si Rhea papasok. Sinundan siya ni Lucas hanggang sa ward kung saan nakaratay ang ina. Nakita niya ang pangalan sa pintuan: Mrs. Carmella Benitez.

Narinig niyang nanginginig na tanong ni Rhea, "Doc, anong nangyari kay Mom?"

"Pasensya na, Rhea," sagot ng doktor. "Nag-shock siya. Ang mga makina na lang ang bumubuhay sa kanya ngayon. Kailangan na lang natin ng himala para magising siya."

Lalong umiyak si Rhea at halos matumba, buti na lang at nasalo siya ni Lucas.

Naiwan silang dalawa sa silid. Hawak ni Rhea ang kamay ng kanyang ina habang umiiyak. "Mom, huwag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat, mabuhay ka lang. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala. Please, Mom."

Dahan-dahang lumapit si Lucas at marahang nagsalita. "May paraan."

Tumingala si Rhea, namumula ang mga mata.

"T-tutulungan kita. Ako na ang bahala. Pero kailangan ko rin ang tulong mo pabalik," sabi ni Lucas.

"Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Rhea.

Lumuhod ito sa harap niya, seryosong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Pakakasalan mo ako, Rhea. Pakasalan mo ako, at ako na ang bahala sa lahat."

Napatulala si Rhea. Inisip kung nagbibiro ba ito. Pero wala. Walang halong biro ang tingin ni Lucas.

"Pakasalan mo ako, Rhea. Pakasalan mo lang ako," ulit nito, diretsong-diretso.

ImVictorique

If you like this story, please subscribe for more updates. Godbless!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
miLkYwHiTe
ate pa update pls!
goodnovel comment avatar
Grace Mae Oliveros
bakit 5 chapters nalng po to nong una Kong Kita more than pato eh gusto ko nang magbasa...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He's Gay   CHAPER 37: LAST

    After five months...THIRD PERSON's POV. PAGOD na nagkatinginan sina Kaley at 'yong iba pang kaibigan ni Lucas sa kanya. Maging sina Luciana, Lucia at Luca ay nayayamot na habang pinagmamasdan ang kapatid na palakad-lakad sa harapan nila."Kuya, Can you just sit?! I'm feeling dizzy because of you!" Reklamo ni Lucia kay Lucas na napakagat na lang sa sariling kuko dala ng nerbyos. "She's right Lucas. Walang mangyayaring masama kay Rhea okay?" Paninigurado naman ni Rave. "I can't." Iling ni Lucas. "I did some research online and it says, masakit daw ang manganak. Baka nasasaktan ang asawa ko." Nag-aalalang dagdag pa nito. Nanggigigil na napatayo naman si Ruffa sa upuan at hinawakan ang magkabilang balikat ni Lucas."Calm down, Mars. She will be okay." Anya pa ng beki. Pagkaraan ay siya na rin mismo ang nagpaupo kay Lucas sa inupuan niya kanina. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin ang Midwife na nagpaanak kay Rhea kaya agad na dinalungan ito ni Lucas. "Kamusta ang lagay ng a

  • He's Gay   CHAPTER 36

    THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali. How dare him! Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa. May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawal

  • He's Gay   CHAPTER 35

    RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo

  • He's Gay   CHAPTER 34

    RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin

  • He's Gay   CHAPTER 33

    RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir

  • He's Gay   CHAPTER 32

    LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status