Home / Romance / He's Gay / CHAPTER 3

Share

CHAPTER 3

Author: ImVictorique
last update publish date: 2021-09-08 07:46:19

Ramdam ni Rhea ang ginaw na unti-unting sumisingaw sa kanyang balat. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang lamig, ngunit pinilit pa rin niyang itaas ang braso upang abutin ang switch ng electric fan at patayin ito. Kahit anong kapâ at hagilap ang gawin niya, wala siyang makapa. Naiinis at nanghihina, pinilit niyang imulat ang mabigat niyang mga talukap kahit labis pa siyang antok. Doon niya lamang napagtanto na hindi siya nasa sariling apartment.

Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang mabilis siyang napabangon mula sa pagkakahiga at pilit inalala ang mga nangyari kinagabihan. Sunod-sunod na bumalik sa kanyang isip ang sandaling muntik na niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa halip na tuluyang mangyari iyon, nawalan lang siya ng malay. Marahil ay hindi pa talaga iyon ang oras niya. Nalunod siya sa matinding kalungkutan matapos ang sunod-sunod na masasamang balitang dumating sa kanyang buhay.

“Nasaan ba ako?” Mahina niyang bulong sa sarili habang nililibot ng tingin ang silid na hindi pamilyar. Napatawa siya nang kabado. Para siyang siraulong kinakausap ang sarili, pero iyon lang ang paraan niya para kumalma.

Tatayo na sana siya nang mapansin ang sarili niyang ayos. Bra at panty lang ang suot niya. Nanlamig siya sa takot. Diyos ko! Sino ang naghubad sa akin? May nangyari ba sa akin? sigaw niya sa isip, hindi magawang sabihin nang malakas baka naroon pa ang may gawa.

Mabilis niyang kinuha ang kumot at binalot ang sarili. Tumayo siya at naglakad papunta sa isang picture frame na nakita niya kanina sa mesa malapit sa pinto. Binuhat niya iyon at napatunayan ang hinala. Isang family portrait ng masayang pamilya. Nakangiti ang lahat, halatang puno ng saya. Napasinghap siya, biglang nakaramdam ng inggit. Kung hindi lang namatay si Papa at Kuya, baka ganito rin kasaya ang pamilya namin ngayon.

“Gising ka na pala!” biglang may baritonong boses na umalingawngaw mula sa likod. Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi lamig ang nagpayanig sa kanya kundi ang tinig ng estranghero.

Dahan-dahan siyang lumingon. Napatulala siya sa lalaki sa harapan niya. Para itong diyos na bumaba mula sa langit. Matangkad, mga anim na talampakan, matangos ang ilong, kayumanggi ang balat, magulo pero bagay na buhok, at mapulang labi na parang nakakaakit halikan. Ano ba itong naiisip ko?! saway niya sa sarili.

Lalo siyang natigilan nang mapansin ang tuwalya lang ang nakatapis dito. Basa pa ang balat, halatang bagong ligo. Imbes na matakot, naisipan pa niyang titigan ang katawan nito.

“Aaaaah! Rape! Tulong! May tao ba riyan?!” sigaw niya habang kumaripas pabalik sa kama. Hindi siya makalabas, hindi niya alam kung saan siya naroroon.

Nabigla rin ang lalaki pero mabilis itong gumalaw. Bago pa siya makabalik sa kama, nahawakan nito ang gilid ng kumot na nakabalot sa kanya. Nagpambuno sila hanggang sa madulas ito, nahawakan ang braso niya, at tuluyang natanggal ang kumot. Pareho silang bumagsak sa kama, balat niya ngayo’y lantad.

“AAAH! IKAW!” sigaw ni Rhea, halos mawalan ng ulirat sa takot. Nasa ibabaw pa ito ng katawan niya.

“Bwisit! Tumigil ka nga sa pagsigaw!” iritadong sabi ng lalaki, tinakpan ang bibig niya ng kamay.

Pero biglang nag-iba ang tono nito, naging mataas at parang sobrang arte.

“Oh my God!” bulalas ni Rhea, halos malaglag ang panga. “Bakla ka?!”

“Ako? Bakla? Excuse me, girl. Babae ako, hello!” sagot nito nang maarte.

Confirmed. Isa pala itong miyembro ng rainbow community, bulong niya sa isip.

Hindi pa siya nakakabawi nang biglang bumukas ang pinto nang malakas. Isang matandang lalaki ang pumasok na may hawak na kutsilyo. Kasunod ang isang babaeng nakapose na parang si Darna, taas ang isang kamay at ang isa ay nasa bewang.

“Saan ang salarin?! Sino ang rapist?!” Sigaw ng matanda, handa nang makipagpatayan.

Ano ito? Papatahimikin ba nila ako o siya?! naguluhan si Rhea.

“Wag kang mag-alala! Narito si Darna!” drama ng babae.

Pumasok din ang tatlong dalagitang may dalang arnis. Kahit maliit ang mga ito, handang-handa ang itsura. Napaisip si Rhea, high schoolers ba ito? Pero dahil pandak din siya, wala siyang karapatang manghusga.

“Kuya slash Ate! Nandito na kami para iligtas ka sa rapist!” sigaw ng tatlo.

Kuya slash Ate? Nagdikit ang kilay ni Rhea. Napatingin siya sa lalaking nasa ibabaw niya, tapos balik sa mga bagong dating. Doon lang niya napansin, sila ang nasa family portrait. Sigurado na siya, nasa bahay siya ng pamilyang ito.

Nagkatitigan silang dalawa. Pareho nilang narealize na parehong half naked ang ayos nila. Kaya pala ramdam niya ang bigat sa ibabaw. Nagpikit na lang si Rhea sa sobrang hiya.

Pagmulat niya, natigilan ang lahat. Nakahulog na sa sahig ang kutsilyo at arnis, at nakatingin lang ang mga ito sa kanila, gulat na gulat.

Unang nagsalita ang matanda. “I’m proud of you, son! Akala ko may masama, pero aba, nag-uwi ka ng babae! Ang lolo mo’y matutuwa!”

Ano raw?! nanlaki ang mata ni Rhea.

“Lucas Villarreal! Ano itong ginagawa mo sa harap ng babae?! Ni-rape mo ba siya?!” singhal ng babaeng naka-Darna pose.

Lucas Villarreal. Napakunot-noo si Rhea. Pamilyar ang apelyidong iyon, pero hindi niya naituloy ang pag-iisip dahil nag-umpisa na ang gulo.

“OMG! Si Kuya slash Ate straight na!” sigaw ng tatlong dalagita, nagtatatalon pa.

“Of course not, Ma! Ano ba pinagsasabi n’yo?!” balik-sigaw ni Lucas, halatang naiinis.

“Oh talaga? Eh bakit half naked ka at nasa ibabaw niya?!” tugon ng nanay niya.

Nagkatinginan si Lucas at Rhea, parehong pulang-pula. Mabilis na tumayo si Lucas at hinigpitan ang hawak sa tuwalya.

Si Rhea naman ay agad kinuha ang kumot at muling nagbalot, sabay tapon ng masamang tingin kay Lucas.

“Tsk, manyak na bakla,” bulong niya sa sarili.

Huminga nang malalim si Lucas. “Hindi ‘yan ang iniisip n’yo, Ma. Bakla pa rin ako, sirena, badaf, kung ano pa. Nahanap namin siya ni Mang Tomas na walang malay sa highway kagabi. Since mabuting anak ako at philanthropic queen, dinala ko siya rito para tulungan. Pero teka, bakit nandito kayo? Akala ko nasa abroad pa kayo at Sabado pa ang balik ninyo?”

Lumingon siya sa tatlong kapatid. “At kayo, bakit nandito na? Hindi ba Biyernes pa lang?”

Umirap si Lucia. “Excuse me, Mr. Straight, Sabado na ngayon. Dumating kami kahapon. Ikaw lang ang walang alam.”

“Ha? Sabado na?” halos mapatid sa gulat si Lucas. Tumango silang lahat.

Patay! May meeting ako kay Lolo mamayang hapon! Akala ko bukas pa! sigaw niya sa isip.

“Lucas Villarreal, ayusin mo ang sarili mo at pumunta sa opisina ko pagkatapos,” malamig na utos ng ama bago sila umalis ng ina.

Kanina nakangiti pa ito. Bakit biglang seryoso? Naalala niya tuloy ang kumpanya.

“Kuya, magbihis ka na. Naghihintay ang breakfast,” sabi ni Luciana, sabay sulyap kay Rhea. “At sis, lock mo palagi ang pinto ng banyo. Mahilig manilip ‘yan kahit bakla.” Kumindat pa bago tumakbo palabas, humahalakhak.

“LUCIANA!” sigaw ni Lucas, nag-iinit ang tenga. Ilang beses ko bang sasabihin, babae ako! Fifty-fifty woman pero babae pa rin!

Galit siyang kumalabog papasok ng walk-in closet, iniwan si Rhea sa kama, naguguluhan at parang kinain ng mundo sa lahat ng nangyari.

Pagkaraan ng ilang sandali matapos pumasok si Lucas sa kanyang walk-in closet ay agaran namang tinungo ni Rhea ang mga gamit niyang mukhang naulanan kinagabihan. Umaasa siyang hindi basa ang mga ito, ngunit sa kasamaang palad, halos lahat ng laman ng kanyang backpack ay nabasa maliban sa mga gamit na nasa loob ng kanyang maleta. Ang problema, karamihan sa kanyang mga damit ay naroon sa backpack kaya ngayon, hindi niya alam kung ano ang isusuot.

“Bahala na,” bulong niya sa sarili. Ang mahalaga ay makapasok na siya agad sa banyo habang wala pa si Lucas. Ayaw niyang maulit ang pagkakataong masilipan siya. Mahirap na, kahit lalaki iyon, may espada pa rin sa gitna.

Pagkapasok niya sa banyo, napanganga si Rhea sa kanyang nakita. “Whoa! Banyo ba talaga ito?” mahinang sabi niya. Napakalaki, halos kasinglaki na ng kalahati ng kanyang apartment. May malaking bathtub, shower, sink, at cabinet kung saan nakalagay ang iba’t ibang shampoo, body wash, at conditioner.

“Owemgee! Sila na talaga ang mayaman,” namamanghang sambit niya habang iniisa-isa ang mga gamit. Napangiti siya nang makita ang strawberry-scented body wash. “Tutal tinulungan naman niya ako, makikigamit na rin ako. Kaunti lang naman, hindi naman siguro magagalit si Lucas. Mamaya na lang ako magpapaalam,” bulong niya habang sinisimulan ang kanyang pagligo.

Matapos ang halos dalawampung minuto, natapos na rin siya. Ayaw niyang magtagal dahil baka hinihintay na siya sa labas. Mabuti na lang at may malinis na tuwalya sa isa sa mga cabinet; kinuha niya iyon at itinapis muna sa kanyang katawan.

Ilang sandali pa, may marahang katok na narinig si Rhea mula sa pinto ng banyo. Sunod na bumungad ang boses ni Lucas na halatang naiinip. “Hoy, chararat! Gusto mo bang bilisan diyan? Kanina pa kita hinihintay! Baka magalit na si Mama. Tom Jones na rin ako. Kailan ka ba lalabas, aber?”

Bahagyang binuksan ni Rhea ang pinto at sumilip. “A-ano kasi, L-Lucas…” nauutal niyang sabi, hindi alam kung paano ipaliwanag na wala siyang maisuot.

“Hoy, babae! Ano bang arte mo? Lumabas ka na nga riyan!” inis na saad ni Lucas sabay hila sa braso ni Rhea palabas ng banyo.

“Aray naman, Lucas!” reklamo ni Rhea habang marahang hinaplos ang kanyang braso na agad namula sa lakas ng pagkakahila. Naiinis niyang tinitigan si Lucas at handa na sanang sumigaw sa inis, ngunit napansin niyang tulala ito at namumula ang leeg.

“Hoy, Lucas! Ano bang problema mo? Kung makahila ka, akala mo wala kang sariling kamay!” saway niya. Akala niya ay gaganti si Lucas, ngunit nanatili itong tulala at namumula. Dahil dito, marahan niyang tinapik ang pisngi ng lalaki upang mahimasmasan.

“O to the M to the G! My virgin eyes! Please forgive me! Our Father who art in heaven—bakit hindi ka nakadamit?!” biglang sigaw ni Lucas habang tinatakpan ng dalawang kamay ang mukha.

Napasinghap si Rhea at agad hinigpitan ang hawak sa tuwalyang nakatapis sa kanya. “Eh ikaw kasi! Basta-basta ka na lang nanghihila!” mariing sagot ni Rhea nang mapagtanto ang dahilan ng reaksyon ni Lucas.

“Ay, kalurkey! Akala ko nakadamit ka na! Hindi ba tinuro ko na sa iyo kung nasaan ang mga gamit mo?” sagot ni Lucas na halatang naguguluhan pa rin.

“Eh kasi nga, basa ang mga gamit ko. Manghihiram nga sana ako ng damit sa’yo, kaso bigla mo akong hinila,” sarkastikong tugon ni Rhea.

“Hay naku, ikaw talagang mujerjer ka. Maghintay ka diyan, manghihiram ako ng masusuot mo kay Luciana. My gosh, kung alam ko lang, hindi na sana nagkasala pa ang mga mata ko,” iritadong sabi ni Lucas bago kumaripas ng takbo palabas ng kwarto.

“Hmph… As if naman lalabas akong nakatapis lang,” bulong ni Rhea habang umiiling.

Makalipas ang limang minuto, bumalik si Lucas, hingal na hingal. “Oh, heto! Suotin mo muna. Nanghingi ako ng bagong underwear kay Luciana. Hindi ko lang alam kung kasya, pero sige na, dali. Naiilang na ako sa katawan mo,” sabi ni Lucas habang inaabot sa kanya ang isang mahabang T-shirt at boxer shorts.

“Kaninong T-shirt ito? Pati boxer? May kapatid ka bang nagsusuot ng ganito?” tanong ni Rhea habang tinitingnan ang mga ito.

“Aysh! Huwag ka nang tanong nang tanong. Bilisan mo na dahil naghihintay na si Ermats sa baba!” sagot ni Lucas habang marahang tinutulak si Rhea pabalik sa banyo.

Napailing si Rhea at napangiti. “Oo na, magbibihis na. Salamat sa damit,” sabi niya bago tuluyang pumasok muli sa loob ng banyo upang magbihis.

ImVictorique

After editing this, I'll be posting book 2! Stay tuned.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • He's Gay   CHAPER 37: LAST

    Makalipas ang tatlong buwan,Pumasok ang banayad na liwanag ng hapon sa manipis na kurtina ng bahay ng mga Villarreal, nagbibigay ng malambot na kulay ginto at rosas sa buong sala. Dahan-dahang lumilipad sa hangin ang mga alikabok, para bang sumasabay sa payapang takbo ng buhay na meron sila ngayon. Ang dating tahimik at maluwang na bahay ay napalitan ng mga tunog na puno ng buhay, ang mahihinang iyak ng sanggol, ang mga yapak ng pagod ngunit masayang mga paa, at ang sintunadong awit ng isang amang ngayon pa lang natutong mag-alaga ng anak.Nakaupo si Lucas sa sofa, gusot ang polo, walang medyas sa isang paa, at may lampin na nakasabit sa balikat. Nakakalat lang kung saan ang kurbata niya, at magulo ang buhok na halatang hindi na inayos. Pero kahit ganoon, may ngiti sa labi niya. Sa kanyang mga bisig, si baby Louis ay unti-unting nilalabanan ang antok. Nang marinig ng bata ang mababa at paos na awit ng ama, dahan-dahan itong kumalma hanggang sa tuluyang makatulog. Mali-mali man ang ton

  • He's Gay   CHAPTER 36

    THIRD PERSON's POV. PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol. "Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa. Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali. How dare him! Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa. May inis na tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa. "Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawal

  • He's Gay   CHAPTER 35

    RHEA'sNANDITO kami ngayon sa Condo ni Lucas. Hinahakot niya kasi iyong mga ibang gamit niya. Mga alas-dyis na rin mahigit dahil late rin kami nagising. "Hoy, Bilisan mo ngang mag-ayos diyan daig mo pa ko sa pagiging mahinhin mo eh." Reklamo ko. Paano ba naman magtiklop lang ng damit inaabot pa tatlong minuto bago matapos. In the end, nalulukot pa rinkapag ilalagay niya na sa maleta.At ang walang hiya, imbis na bilisan ang kilos, nginisian lang ako ng pang-asar."Edi mas maganda! Wala rin naman akong gagawin kaya standby muna tayo." Boses batang sabi niya.Umarko naman ang isang kilay ko."Ikaw Lucas! Tigil-tigilan mo ako ah! Namumuro kana kahapon ka pa sa mga kapilyuhan mo. Pasakan ko ng bulak yung bibig mo makikita mo." Inis kong saway sa kanya habang pinapakita ang malaking bulak na hawak ko. Hindi man lang siya natakot at pinagpatuloy lang ang pagtitiklop.Nanatili kaming tahimik hanggang sa putulin ito ng tumutunog na cellphone ni Lucas. Saglit na tiningnan niya ako bago tumayo

  • He's Gay   CHAPTER 34

    RHEA's"Ano na?" Maang kong tanong kay Lucas. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sofa habang nanonood ng TV. Akbay-akbay niya ako habang nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib niya. Habang si Mama naman ay kasalukuyang nang nagpapahinga sa kwarto niya. Alas-otso na rin kasi ng gabi at masamang magpuyat lalo na at kaga-galing niya lang."Anong ano na?" Takang tanong niya pabalik. "Iyong about sa bahay, hindi naman ako pwedeng bumalik sa Condo mo at ayaw kong iwan ang Mama ko hanggang hindi pa siya fully recovered." Turan ko. "About that, I think itong bahay mo na lang ang maging official house natin but sumama muna kayo sa akin sa Condo. Gusto ko kasing ipa-renovate itong bahay mo at palakihan since magkakaroon na tayo ng anak." Atat na wika niya saka tumayo kaya napaayos ako ng upo. "Where are you going?" Tanong ko ng akmang aakyat siya ng hagdan patungo sa second floor. "To your room." Payak niyang saad at umakyat na. Naiwan naman akong nagtataka. Sa room ko? Ano namang gagawin

  • He's Gay   CHAPTER 33

    RHEA'sDAHIL nga sa sinabi ni Mama no'ng isang linggo napagdesisyunan ko na magpa-check up ngayon. Kung bakit ngayon lang? Ewan ko. Kinakabahan din kasi ako sa magiging resulta at medyo naging busy sa work. Si Lucas, ayon kay Mama ay palagi raw dumadalaw sa bahay. May dala-dalang mga flowers and gifts na si Mama lagi ang tumatanggap. At nang dahil sa kanya, nagmistulang garden na ang bahay namin. Hindi naman makatanggi si Mama kasi sayang naman daw. If I know, nasuhulan na 'yan. Obviously, hindi pa rin kami nagkakaayos. Sa tuwing pumupunta kasi siya, timing na wala talaga ako sa bahay kaya ang lagi niyang nakikita si Mama. It's a good thing though, wala pa rin kasi akong lakas ng loob para kausapin siya. Anyways, kasalukuyan akong nandito ngayon sa opisina ni Doctor Rachelle, ang aking OB-gynecologist. Tapos niya na akong chineck kaya ang hinihintay ko na lang ay iyong resulta ng PT na pinagamit niya sa akin kanina. Medyo kinakabahan pa nga ako pero ganito talaga siguro kapag fir

  • He's Gay   CHAPTER 32

    LUCAS'MARIING napalunok ako nang tuluyang makaupo si Papa at Lolo sa upuang nasa harapan ko. Feeling ko para akong kriminal na kailangan parusahan."What the hell is this?" Walang paligoy-ligoy na panimula ni Lolo sabay bato sa akin ng isang sobre. Kinakabahang inabot ko naman iyon at dahang-dahang binuksan. Pagkakita ko ay literal na namutla na lang ako sa takot at sabay na napasinghap dahil bumungad sa akin ang mga picture namin ni Cristoff na magka-holding hands at meron pang iba. Mukhang kinuha ito noong time na active pa kaming dalawa sa pag-d-date."Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo ang pagigiging bakla mo ha? Bakit hindi ka marunong makinig. Where's your wife I need to talk to her! Bakit pinabayaan ka niyang magloko? Alam niya ba ito?" Galit nitong bulyaw na nagpatahimik na lang talaga sa akin. Si Papa naman tahimik lang sa tabi, hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong pati siya tiklop kapag si Lolo na ang nagsalita. Batas kasi si Lolo at lalo lang lalaki ang probl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status