Share

Chapter 4

Penulis: Nanami
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-29 11:04:10

"T*ngina talaga no'ng lalaking 'yon," nanggigigil na sabi ni Torrie nang ikwento ni Oprah ang buong nangyari kanina. Hindi rin mapigilan ni Oprah ang magsalin at uminom pa ng alak dahil ang gusto niya sa gabing ito ay ang malasing siya.

"T-Torrie, I want to forget him. I want to find someone who wants to be mine. Fully mine. Kung magiging mag-isa ako, siguradong mababaliw ako," saad pa ni Oprah.

"Hoy, Oprah, chill. Baka mamaya n'yan makahanap ka nga ng ibang lalaki pero gano'n din. Mahirap na. Dapat mabusisi ka," payo ni Torrie at saka kumain ng pulutan.

"So, kailan ko pa 'yon gagawin? Torrie, baka mawindang na ako. Ang sabi mo, tutulungan mo 'kong makahanap ng bago?" tanong pa ni Oprah nang ipaalala nito sa kaibigan ang sinabi nito sa kaniya.

"Oo, sinabi ko 'yon, pero syempre naman dapat this time, yung mas okay na lalaki. Ikaw kasi e. Masyado kang pihikan sa mga lalaki," pahayag pa ni Torrie.

"Hindi na, promise."

"Tutulungan kita pero ubusin na lang natin 'tong alak. Nag-order ka pa kasi ng isang case e alam mo namang hindi palainom 'tong asawa ko. Kaunti lang iniinom nito dahil magmamaneho pa 'to."

Walang nagawa ang magkaibigang Torrie at Oprah kundi ang ubusin ang in-order nilang case ng alak. Habang abala sila rito ay nasa katabi naman nilang pwesto si Garrett. Lihim niyang pinakinggan ang pinag-usapan ng dalawang ito at ito na ang magandang timing para pumasok ito sa buhay ni Oprah.

"Torrie, saglit lang," paalam ni Oprah nang tumayo ito.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong naman ni Torrie.

"Sa banyo."

"Ha? Susuka ka? Halika. Sasamahan na kita," nag-aalalang tanong nu Torrie.

"Hindi. Kaya ko pa. Titignan ko lang 'tong hitsura ko baka ang pangit ko na e. Babalik ako," tila wala na sa sariling sagot ni Oprah bago ito naglakad paalis.

"Gaga ka, wait!" pahabol naman ni Torrie at akmang tatayo ngunit bigla ay nap*tol ang takong ng kaniyang sapatos. Napairap siya sa ere at huminga nang malalim sa inis. "Kamalas-malasan nga naman, oh!" sambit nito sa sarili. Samantala, lihim na sinundan ng tingin ni Garrett si Oprah bago ito tumayo at sundan ito kung saan man ito pupunta.

Nang makapasok si Oprah sa banyo ay nilapag niya ang bag niya sa tabi at tinignan ang sarili niyang reflection sa salamin. Tila binubusisi niya ang bawat detalye ng mukha niya at bigla siyang napangisi.

"Ang pangit mo pala kapag nalalasing ka," pang-aasar niya sa sarili habang nakangiti, ngunit wala pang ilang minuto ay biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Bigla siyang umiyak habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kamay niya. Naalala na naman niya ang nangyari kanina. "Hay*p ka, Lloyd Fajardo! Bw*set ka sa buhay ko! You're a f*cking two timer and a f*cking coward b*llsh*t! Magsasama kayong dalawa ng Abigail na 'yan sa impyerno!" galit niya pang pahayag habang dinuduro ang sariling reflection sa salamin.

Tumagal lamang ng fifteen minutes sa loob ng banyo si Oprah nang mapagdesisyunan niyang lumabas at bumalik sa pwesto.

Nagtaka na lang siya nang makita na may kinakausap ng lalaki ang mag-asawa. Mukhang masaya pa ang kwentuhan nila dahil buhay na buhay ang usapan nila.

"Oh, she's here. Siya yung sinasabi kong kaibigan ko. Si Oprah Rizario," pagpapakilala ni Torrie sa kaibigan na blangko pa rin ang isipan kung bakit kaagad may iba ng lalaking nakaupo rito.

Tumayo ang lalaki at nakangiting nilahad ang kamay.

"Ako si Garrett. Garrett Rhoden. It's nice to meet you, Oprah," magalang nitong pagpapakilala. Marahang tumaas ang isang kilay ni Oprah at tinignan ang kaibigang si Torrie. Nag-cheer lamang ito na tila sinasabi na makipagkilala na siya sa lalaki.

"Hmm... Oprah," walang gana nitong pagpapakilala at ngumiti nang tipid. Inabot niya ang kamay na 'yon at nakipag-shakehands sa lalaki.

"Please, take a seat. Pasensya na at naagawan pa kita ng pwesto," sabi ni Garrett nang laanan niya ng daan si Oprah upang makapasok ito at makaupo. Ginawa naman 'yon ni Oprah. Ngayon ay may isang dangkal ang pagitan nila ni Garrett sa pagkakaupo.

"B-Bakit may lalaki? Torrie?" nagtataka niyang tanong sa kaibigan. Para bang nawala ang kalasingan niya dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaki.

"Katabi lang ng pwesto natin si Garrett. D'yan siya, oh. Narinig niya kasi yung pinag-usapan natin kanina. Single naman daw siya and nagpakilala nang maayos. Masarap siyang kausap, 'di ba, sweetheart?" pagkumbinsi pa ni Torrie sa asawang si Steve kaya't tinanguan naman siya nito. "Tapos ayun... Gusto ka raw niyang makilala."

Hindi umimik si Oprah at tinaasan ng kilay ang kaniyang kaibigan. Nang sulyapan niya si Garrett ay nakangiti ito sa kaniya.

"Sorry pero hindi ako interesado e. Kagagaling ko lang ng break up at hindi madaling maka-move on," pagtataray pa ni Oprah.

"I understand. Mahirap talagang kalimutan ang gan'yang bagay," saad ni Garrett dito.

"Iyon naman pala. Thank you, mister Garrett. Makakaalis ka na," ani Oprah.

"Oprah!" mahina ngunit naiinis na tawag ni Torrie. "Ahh... Hindi. Mag-stay ka lang, Garrett. Medyo high blood lang 'yang friend ko pero mabait 'yan," pangungumbinsi naman ni Torrie kay Garrett at pinanlakihan ng mata si Oprah.

Natawa at napatango naman si Garrett dito.

"So, kanina, you were listening habang pinag-uusapan namin ng friend ko ang break up namin ng boyfriend ko? Tsismoso ka rin pala, mister Garrett, kahit na ang lakas-lakas na ng sounds sa paligid," tanong ni Oprah.

"Well, let's just say that I think, this is the perfect time for us to meet? I mean, single ako at brokenhearted ka. We can be friends para makilala natin ang isa't isa," suhestyon ni Garrett ngunit napairap sa ere si Oprah.

"Hindi 'yon gano'n kadali. Torrie, let's go. Masyado na akong maraming nainom. Umalis na tayo sa gabing gabi na," pagyayaya bigla ni Oprah sa kaibigan.

"Ano? Aalis na e--"

"Let's go," huling sabi ni Oprah bago niya bitbitin ang bag at umalis. Kusa naman siyang binigyan ng daan ni Garrett.

"S-Sorry sa ugali ng friend ko, Garrett, ha? 'Di bale, ito yung address and phone number niya para ikaw na ang dumalaw-dalaw sa kaniya. Sige na. Mauuna na kami at baka magliyab na 'yon sa inis. Bye! It's nice meeting you!" mabilisang paalam ni Torrie sa binata at saka niya hinila ang asawa niyang si Steve paalis ng bar.

Mula sa pagkakangiti ay bumalik na sa seryoso ang mukha ni Garrett. Hindi niya inalis ang mat*lim na tingin sa papalayong dalaga hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

NAGLALAKAD nang pabalik-balik si Garrett habang iniisip kung paano niya makukuha ang loob ni Oprah. Hindi umeepekto ang pagbabait-baitan niya. Hindi niya inaakalang ganito pala kamaldita at kataray ang babae.

"Anong iniisip mo, Garrett? Hatinggabi na pero gising ka pa, hijo," tanong ng kaniyang amo na si Eran nang madatnan siya nitong nag-iisip at naglalakad-lakad sa mezzanine.

"I have started my plan, sir, pero maarte siya. Hindi umeepekto ang pagbabait-baitan ko sa kaniya kanina," saad ni Garrett nang harapin niya si Eran.

"Then show her more, Garrett. Ang gusto ng mga babae ngayon ay yung hinahabol sila. Ipakita mo sa kaniya kung sino ka kapag may babae kang gusto. H'wag mo siyang tantanan hanggang sa siya na mismo ang maghahanap sa presensya mo," payo ni Eran sa binata. Doon ay napaisip naman si Garrett at marahang napapatango.

Lumapit si Eran at inakbayan ang binata.

"Just remember, Garrett, you have to make her deeply fall in love with you. Iyan ang gusto mong mangyari. I just want to clarify na hindi dapat ikaw ang mahulog sa kaniya," sabi pa niya rito.

"Sir, that wouldn't happen. I won't fall in love with someone who's involved with my family's case. I will show her the burden life that I experienced. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko 'yon nakikita sa kaniya," pangungumbinsi ni Garrett kay Eran. Bakas sa tono ng pananalita niya ang galit at poot.

"Then do the thing. I know, you can do it. Bring justice to your dad with your own hands," saad pa ni Eran habang tinatapik-tapik ang balikat ni Garrett.

KINABUKASAN, dinaluhan ni Oprah ang appointment meeting niya bago napagpasyahang umuwi. Wala pa rin siyang gana dahil sa pagmumukmok niya sa sakit sa galit sa ex-boyfriend niyang si Lloyd.

Pati sa pagkain ay wala siyang gana. Halos tatlong beses lang siyang sumubo ng kaunting kanin at ulam dahil ang pakiramdam niya ay busog na busog pa siya.

"Nakakabw*set ka, Lloyd. Argh!" inis pa niyang sabi sa sarili nang maalala na naman ang nasaksihan niyang panloloko nito. Napakuyom ang kamao niya sa gigil at napasuntok siya nang marahan sa ibabaw ng mesa.

Inis siyang tumayo upang magbihis nang maka-receive naman siya ng isang tawag. Sa pagtataka ay tinignan niya ang phone niya at nakita ang unknown number.

Ayaw niyang sagutin ito dahil hindi niya alam kung kaninong phone number ito, pero dahil sa kuryosidad ay ni-swipe niya ang screen ng phone niya upang sagutin ito.

"Hello? Who's this?" may pagkamalditang tanong ni Oprah sa nasa kabilang linya. Mas lalo siyang nagtaka nang makarinig siya ng pagngisi ng isang lalaki.

"Hi, Oprah," pagbati ng lalaki mula sa kabilang linya. Malalim ang tono ng boses nito na nakapagpataas ng balahibo sa dalaga.

"Hello? Who's this?" nagtataka namang tanong ni Oprah.

"It's me, the guy you met last night," sabi lang ng lalaki kaya nag-isip naman si Oprah. Inalala niya ang lahat ng nangyari hanggang sa matandaan niya ito.

"Garrett?" tanong niya bilang paninigurado sa kausap.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • He's Her Nightmare   Chapter 62

    Nag-set ng dinner si Oprah dahil pinangakuan siya na babalik si Garrett, ngunit alas onse na ng gabi pero wala pa ito. Nakailang texts na rin siya sa binata ngunit hindi siya nito nire-reply-an. Iniisip ni Oprah na baka kung ano na ang nangyari dito dahil sa underground business nito.Samantala, nakahiga si Garrett sa kaniyang kama habang may hubo't hubad na babaeng nakapatong sa ibabaw niya. Abala ang babae sa pagtaas-baba sa pagkalalaki ni Garrett habang nakapikit na dinadama ang init ng katawan.Kita ni Garrett ang sunod-sunod na pag-ilaw ng kaniyang phone at alam niyang galing ang mga text na 'yon kay Oprah. Hindi niya ito pinansin bagaman labag sa kaniyang kalooban. Kailangan niyang mailayo ang puso mula sa dalaga para hindi siya mahulog dito.KINAUMAGAHAN, sa paggising pa lang ni Oprah ay agad niyang tinignan ang phone upang makita kung nag-reply na ba si Garrett.From 09*********: Sorry, I didn't reply back. I was so busy doing my business. I'm sorry, I didn't make it to have t

  • He's Her Nightmare   Chapter 61

    Tatlong araw ang nakalipas, sabay na kumakain ng umagahan sina Oprah at Garrett sa condo ng dalaga."I have to go now. I'll be back later," pagpapaalam ni Garrett matapos niyang punasan ang kaniyang bibig at hinalikan ang dalaga sa labi."Okay. Bye. I love you," saad ng dalaga. Tila hindi na ito narinig ni Garrett dahil tuloy-tuloy lamang ito sa paglabas.Samantala, hindi na nagsalita pa pabalik si Garrett kahit na narinig niya ang sinabing iyon ni Oprah. Itinanim niya sa isipan na hindi niya ito mahal, at dahil din sa salitang iyon ay lumakas ang kumpyansa niyang malapit na niyang magawa ang kaniyang plano.Nang mapunta sa parking lot ay sumakay si Garrett sa kaniyang sasakyan at pinaandar iyon kaagad. Importanteng importante ang lakad niya ngayon dahil meron siyang meeting kay Blue Clifford. Pinaghandaan niya ang araw na 'to dahil nais niya itong makita nang personal.Nagtungo siya sa Solaire Worlds and Resorts kung saan gaganapin ang meeting. Hindi nagtagal ay nakarating siya at do

  • He's Her Nightmare   Chapter 60

    Nagpapa-meeting si Oprah upang pag-usapan at gawan ng paraan ang bumabagsak niyang kumpanya. Kani-kaniyang bigay sila ng kanilang mga idea hanggang sa pumasok sa isipan niya ang isa sa mga nakikita niyang solusyon.Si Garrett.Kung tutuusin ay nais niyang humingi ng tulong dito ngunit nag-aalangan siya. Ayaw niyang makapagbigay ng perwisyo sa buhay ni Garrett."Good evening."Agad binalingan ng tingin ni Oprah kung saan nanggaling ang boses na 'yon."G-Garrett, how's your day?" tanong ni Oprah at mabilis niyang sinara ang laptop. Tumayo siya at sinalubong ng halik sa labi si Garrett. "How's your day?" tanong niya."Good. You?" tanong naman nito sa kaniya pabalik."Good," pagsisinungaling niya. "Napaaga ka yata ng uwi? 5 o'clock pa lang ng hapon, ah? Hindi ba naging busy sa business mo?" tanong ni Oprah."Everything's good," tugon naman ni Garrett at muli ay siniil ito ng halik sa labi."Teka," pag-iwas ni Oprah. "Kagabi lang—""I don't care. I want you now," pagputol ni Garrett at mul

  • He's Her Nightmare   Chapter 59

    "Oh! Fuck!" daing ni Garrett habang nasa kalagitnaan siya ng init ng katawan.Nakahawak siya sa balakang ni Oprah habang padapa itong binibigyan ng kasiyahan."O-Oh! I-I'm c-c—Oh! Ugh!" daing naman ni Oprah nang maramdaman na niya ang mainit sa kaniyang loob. Namamawis siyang bumagsak sa kama sa panghihina sa sarap.Tumabi sa kaniya si Garrett habang parehas silang hingal na hingal sa mainit na gabing ito. Kinumutan at niyakap ni Garrett ang dalaga dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ito.UNTI-UNTING minulat ni Oprah ang kaniyang mga mata at napagtantong nakaharap siya sa binatang si Garrett. Halos nakasuksok ito sa katawan ng binata habang parehas silang hubo't hubad na natatakpan ng kanilang kumot.Dahan-dahan itong tinignan ni Oprah. Sinilayan niya ang tulog na si Garrett habang iniisip na hindi niya aakalain na may mararamdaman siya para sa lalaking ito.Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Bukod sa gwapo, macho at mayaman ay ilang beses siya nitong niligtas sa kapahamakan.

  • He's Her Nightmare   Chapter 58

    Makalipas ang isang linggo, naging maayos at walang dumating na gulo sa buhay nina Oprah at Garrett. Matapos rin'g mailibing si Steve ay unti-unti itong tinatanggap ni Torrie."Did you enjoy the food?" tanong ni Garrett habang naglalakad sila ni Oprah palabas ng restaurant."Yes. Thank you for bringing me here," sagot naman dito ng dalaga habang nakangiti nang malapad.Sa bawat araw rin na nakalipas, bagaman problemado pa rin si Oprah sa kaniyang kumpanya ay hindi pa niya maaalis na si Garrett ang nagbibigay saya sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay safe na safe siya.Pinagbuksan ng pinto ni Garrett si Oprah upang makasakay sa passenger's seat at saka siya sumakay sa driver's seat."Garrett, mag I ask you something?" tanong ni Oprah."Go ahead.""Hmm... Pwede bang... Umalis ka na kung saan ka nagtatrabaho? I mean sa underground business na sinabi mo sa 'kin noon," tanong ni Oprah."Bakit mo 'ko gustong umalis?" tanong naman pabalik ni G

  • He's Her Nightmare   Chapter 57

    "Oh my gosh," sambit ni Oprah habang binabasa ang report na nanggaling mula sa pulis sa pagkamatay ng kaniyang secretary.Nakita niya na ang sanhi nito ay ang bala na nasa noo ni Ely. Wala pa rin silang lead kung kanino ito galing dahil hindi rehistrado ang baril na ginamit."Oh my gosh..." tanging sambit ni Oprah habang nakatakip ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Naluluha siya sa lungkot dahil sa pagkawala ng sekretarya niya. Kahit na wala pang isang taon na nakasama ito, aminado siyang magaling ito sa trabaho.Sa kalagitnaan ng kaniyang 'di makapaniwalang nararamdaman, nag-ring ang phone niya at nakita ang name at number ni Torrie."Hello, To—""O-Oprah... Oprah, s-si Steve..." humihikbing sambit ni Torrie sa kabilang linya."A-Anong nangyari? Torrie, bakit?" kinakabahang tanong ni Oprah habang nag-aalala sa kaniyang kaibigan."S-Si Steve, p-patay na siya."SA SOBRANG pag-aalala ay agad nagtungo si Oprah sa bahay ni Torrie. Nadatnan niya itong nakatulala habang patuloy na um

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status