Share

Chapter 3

Author: Nanami
last update Last Updated: 2025-06-28 12:07:12

Tinapos lang ni Oprah ang meeting niya sa kliyente bago niya napagpasyahang umuwi. Kailangan niyang ihanda ang sarili dahil inanyayahan siya ni Lloyd na mag-date sila mamayang gabi bilang pangbawi nito sa ginawang pag-iwan during their anniversary celebration.

Habang nasa gitna ng daan ay biglang tumawag sa phone niya si Torrie.

"Nakauwi na kami ng hubby ko kanina lang. Hindi ako natulog dahil hindi naman ako napagod sa byahe e. Puntahan na kita," saad kaagad ni Torrie sa kabilang linya.

"Torrie, wala ako sa bahay. Pupunta akong mall to buy some good-looking dress para sa date namin ni Lloyd mamaya," tugon naman ni Oprah.

"Ano?! Magde-date kayo? Oprah naman, 'di ba pinag-usapan na natin 'to? Talagang nasa ilalim ka na ng kapangyarihan ng taong 'yon e, 'no?" bakas ang inis ni Torrie sa tono ng pananalita nito.

"Torrie, thank you for everything but I love Lloyd. I love him so much. I will do everything just to be with him until the rest of my life," paliwanag ni Orpah. Huminga nang malalim si Torrie dahil tila wala naman siyang magagawa pa dahil baliw na baliw ang kaniyang kaibigan sa playboy nitong nobyo.

"Tss! Fine. Wala namang mangyayari kahit na sayangin ko pa ang microorganisms ng laway ko kaka-advice sa 'yo e. Ikaw na ang bahala. Buhay mo 'yan," tugon ni Torrie na sumusuko na sa pagbibigay ng payo sa kaibigan. "Sige na at magprepare ka na para sa date ninyo mamaya."

"Sige, bye," paalam ni Oprah bago nito ibaba ang tawag.

Nang mai-park ng kaniyang driver ang sasakyan ay saka siya umalis para bumili ng magandang dress na isusuot niya mamaya. Gusto niya kapag nag-ayos siya ay yung makukuha niya ang buong atensyon ni Lloyd. Gusto niyang siya ang maging pinakamagandang babae sa mga mata nito kaysa sa mga nilalabas niya.

Nang pumasok si Oprah sa Louis Vuitton store ay agad niyang nilibot ang tingin sa mga dress na nasa mannequin. Habang abala siya sa paghahanap ng pwede niyang maisuot ay marahan na lang siyang napakunot ng noo dahil sa naririnig na pamilyar na boses na nag-uusap.

"It would be more perfect if you wear this. Both are good, but this one is better."

"Honey, can we take both? Gusto ko talaga silang parehas e. Please?"

Sa marahan pang paglapit ni Oprah upang mas marinig ang pag-uusap ng tila magkasintahang 'yon ay mas lalo namang kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Sana hindi siya nagkakamali ng iniisip.

Unti-unting sinilip ni Oprah mula sa likod ng mga nakasabit na dami ang magkasintahang 'yon. Nanlaki ang mga mata niya at para siyang nasimentuhan sa kinatatayuan nang makita ang kaniyang boyfriend na si Lloyd habang nakikipaglambingan sa babaeng pamilyar din kay Oprah. Walang iba kundi si Abigail Sattro.

Panay ang paglunok ng laway ni Oprah habang unti-unting nanginginig ang mga kamay niya sa galit na namumuo sa kaniyang kalooban. Naiipon na rin ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata at nararamdaman ang puso niyang parang sin*ksak nang maraming beses.

"M-Mga h*yop," sambit ni Oprah sa sarili habang unti-unting umiiyak. Ayaw niya itong harapin dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang manghihina kapag hinarap niya ang mga ito.

Pero dahil sa nararamdamang galit ay mas inuna niyang pakinggan ang sinasabi ng isipan na komprontahin si Lloyd at ang babae nito.

Umalis si Oprah sa tinataguan at naglakad patungo sa dalawang naglalambingan. Sa paghinto niya ay nag-cross arms siya at saka binasag ang dalawa.

"Babawi pala, ah?" tanong ni Oprah sa kanila. Napalingon naman sina Lloyd at Abigail.

"O-Oprah? A-Anong ginagawa mo rito?" bakas sa mukha at pananalita ni Lloyd ang pagkagulat.

"Honey? Kilala mo ang babaeng 'to?" taka namang tanong ni Abigail kay Lloyd. "She's the one I was talking about. Yung epal na babaeng kinuha lahat ng bags na gusto ko," dugtong pa nito. Napangisi naman doon si Oprah.

"Oh yeah, honey? Tss! You're calling me epal but you don't know who's with you right now, Abigail. Well he's my f*cking boyfriend. We've been in a relationship for one f*cking year, b*tch," pahayag ni Oprah sa inis ngunit natawa naman doon si Abigail. Tila hindi ito naniwala sa sinasabi ni Oprah.

"One year? Are you hallucinating, miss?" tanong pa ni Abigail kay Oprah at tinignan si Lloyd. "Ang ibig mo bang sabihin, niloloko ako ng boyfriend ko for one year?" tanong pa niya.

Nagtaka ro'n si Oprah at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Nang balingan niya ng tingin si Lloyd ay para itong napipi habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Niloloko? Kayo ang manloloko!" bulyaw ni Oprah na mas nakapukaw ng pansin sa bawat tao sa loob at labas ng store.

"Kami? Wait lang, ha? Lloyd and I were also in a relationship for three years, miss. Actually, malapit na ang third anniversary naming dalawa. So, anong pinagsasasabi mo?" tanong naman ni Abigail sa kaniya.

Sa nalaman ay parang naestatwa si Oprah sa kinaroroonan habang umiikot sa isipan niya ang sinabi ni Abigail. Kung three years na ang dalawang ito, ibig sabihin ay niloko ito ni Lloyd for one year.

"Are you--Lloyd, tell her that I'm your girlfriend. 'Di ba you promised me na lalabas tayo mamaya para bumawi ka sa anniversary natin last night?" pangungumbinsi ni Oprah sa lalaki ngunit tila takot itong magsalita. "Tell her!"

"O-Oprah, a-ano kasi e... H-Hindi mo naiintindihan. A-Ano e--"

"T*ngina naman e! Sabihin mo na!" bulyaw pa ni Oprah ngunit kaagad namang humarang si Abigail at tinulak ito.

"H'wag mong sisigawan ang boyfriend ko!" saad niya rito. "Hindi ka ba nakakaintindi?! He's my boyfriend! Pwede ba, miss? Umalis ka na dahil ginugulo mo lang kami ng boyfriend ko?!" dugtong pa niya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi sinasabi ni Lloyd na ako ang girlfriend niya!" pagpupumilit pa ni Oprah at tinignan si Lloyd.

"Oprah, I-I'm sorry," ito lang ang naging sambit ni Lloyd at para bang nababahag ang buntot sa takot kay Oprah. "I-I lied."

Halos mag-usok ang ilong ni Oprah sa narinig at kaagad na sinugod ang binata ng suntok, sampal, at sabunot. Hindi na niya inalintana ang mga taong nagkumpulan dahil sa away nila.

"Oh my! Guards! Guards! Help my boyfriend!" sigaw ni Abigail habang paparating na ang mga security guard. Pinigilan nila si Oprah at nilayo naman si Lloyd upang hindi na ito masaktan pa.

Parang isang timba kung umiyak sa dami ng luha si Oprah dahil ngayon ay mas masakit para sa kaniya ang marinig na mas pinipili ni Lloyd si Abigail kaysa sa kaniya.

"Matapos kong ibigay ang lahat sa 'yo, ito pa ang igaganti mo sa 'kin?! How dare you, Lloyd?! I've given everything to you para maging masaya ka. I even gave myself to you para ma-satisfy ka! Pero ganito pa?! Ganito pa?! Ha?!" bulyaw muli ni Oprah sa gitna ng kaniyang paghikbi.

"I'm sorry, Oprah. H-Hindi ko intensyon na saktan ka. B-Balang araw, maiintindihan mo rin ako," paliwanag pa ni Lloyd ngunit iniilingan lang siya ng dalaga.

"Maiintindihan?! F*ck you! I will never ever gonna talk to you again, you b*llsh*t! Magsama kayo ng babaeng 'yan! Simula ngayon, wala na tayo! WA-LA-NA-TA-YO!" huling pahayag ni Oprah sa nobyo at saka tumalikod. "Tabi!" sigaw pa niya sa mga gwardya at tuluyan siyang umalis.

"Hayaan mo na ang babaeng 'yon, honey. Kahit kailan, hindi marunong kumilala ng binabangga," saad lamang ni Abigail habang hinahaplos ang mukha niya. Samantala ay hindi naman nakaimik si Lloyd at nakaramdam ng malaking konsensya sa ginawa niya.

SA PAGPUNTA ni Oprah sa sasakyan ay nagtataka siyang tinignan ng kaniyang driver dahil umiiyak ito at medyo magulo ang ayos. Pinagbuksan nito ng pinto ang kaniyang amo at hindi na tinanong dahil baka sa kaniya pa bumaling ang galit nito.

"I-I wanna go home," sambit lang ng dalaga kaya't agad namang sumunod ang driver.

Matapos lang ng ilang minutong pagbyahe ay nakarating na ang dalaga sa mansion. Agad umakyat si Oprah sa silid at nagkulong habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Ang sama-sama mo! Magsama kayong dalawa sa impyerno!" sambit pa ng dalaga dahil sa pananatili ng galit sa kaniyang puso.

Dahil dito ay agad niyang tinawagan ang kaibigang si Torrie. Ilang beses lang nag-ring ang phone nito at sinagot na nito ang tawag.

"Oprah? Napatawag ka ulit?" bungad ni Torrie.

"T-Torrie..." sambit naman ni Oprah sa pangalan ng kaibigan habang patuloy na umiiyak. Doon ay nagtaka at nag-alala ang kaniyang matalik na kaibigan sa nangyayari sa kaniya.

"Oprah? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" sunod-sunod nitong tanong.

"S-Si Lloyd... I-I caught him together with another g-girl, Torrie. H-He's with Abigail S-Sattro," sumbong ni Oprah sa kaibigan.

"Abigail Sattro? You mean the supermodel?" paninigurado ni Torrie at tanging hum ang naging sagot ni Oprah dito. "What the f*ck?! Talagang playboy 'yang g*gong Lloyd na 'yan e, 'no?! Napakakapal ng mukha. Nanggigigil ako sa hayop na 'yan. Gusto kong p*tulin yung t*te niya!" galit na galit na pahayag ni Torrie.

"B-But Abigail said na t-three years na silang in relationship. T-That means na he's a two timer," paliwanag pa ni Oprah kaya mas lalong nag-init ang dugo ng kaniyang kaibigan.

"Kita mo na?! Kita mo na?! 'Yan ang g*gong Lloyd na sinasabi ko sa 'yo matagal na. You knew that he's a playboy pero pinursige mo pa rin, Oprah. Sinuko mo na rin pati tahong mo sa g*gong 'yan. Dinaan ka sa matatamis na salita at kaunting tira, bumibigay ka na. Nanggigigil din ako sa 'yo e," panenermon ni Torrie sa kaibigan.

"T-Torrie, gusto ko na siyang makalimutan. Please help me. G-Gusto kong uminom. Gusto kong ilabas sa harapan mo ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Torrie, samahan mo naman ako, oh?" pakiusap pa ni Oprah habang si Torrie ay napairap naman sa ere.

"Oprah, hindi naman makakatulong sa 'yo ang alak e. Puntahan na lang kita d'yan para--"

"Ayoko. Gusto ko sa club. Gusto kong makipagkilala sa ibang lalaki. Gusto kong pasayahin ang sarili ko," paliwanag ni Oprah. "Sige na, Torrie. Samahan mo lang ako. Kahit bayaran kita basta samahan mo lang akong uminom. Kung ayaw mong uminom, kahit ako na lang," pagpipilit pa niya.

"Tse! Kahit hindi mo na ako bayaran. Sige na. Sasamahan na kita. Pasalamat ka at kaibigan kita, Oprah. At sa pagsama ko sa 'yo mamaya, asahan mong tatadtarin kita ng sermon," tugon naman nito sa kaibigan.

"S-Salamat, Torrie, maaasahan ka talaga."

"Sige. Magpapaalam lang ako sa asawa ko. For sure, sasama rin 'yon. Sasakyan na lang din namin ang gagamitin para masundo ka namin, okay? Sige na," paalam ni Torrie kaya ibinaba naman 'yon ni Oprah matapos niya itong pasalamatan.

ALAS SIETE pa lang ng gabi nang sunduin si Oprah nina Torrie kasama ng asawang si Steve. Kaagad silang nagtungo sa malapit na club. Ayaw ni Torrie na masyadong lumayo dahil baka mapaano pa sila sakali sa kalsada.

Nang makababa ay dali-daling hinila ni Oprah ang kaibigan sa isang seats at naupo.

"Ano ka ba?! Atat na atat ka namang uminom e," pagrereklamo ni Torrie.

"Sorry. E alam mo naman na gusto ko ng maglabas ng sama ng loob e," tugon naman ni Oprah.

Naupo ito sa isang pwesto at sa kabila naman sina Torrie at ang asawa nito.

"Wait lang. Sweetheart, magpakuha ka na ng maiinom natin tsaka pulutan. Order-an mo 'ko ng dalawang rice kung meron sila. Hindi ako kumain sa bahay kamamadali dahil sa babaitang 'to e, ha?" paglalambing ni Torrie sa mister.

"Of course," tugon nito at hinalikan sa labi si Torrie.

Dahil sa nakita ay tila nakaramdam ng inggit si Oprah at doon ay biglang bumuhos ang kaniyang mga luha.

"Oh?! Bakit?!" nagtataka at nabiglang tanong ni Torrie sa kaibigan.

"You guys are so cruel! Alam niyong brokenhearted ako tapos magki-kiss kayo sa harapan ko? Torrie, bastusan naman," humihikbi nitong reklamo sa kaibigan habang nagpupunas ng luha. Samantala ay nagtinginan naman sina Steve at Torrie na para bang hindi makapaniwala na ang isang babaeng mayaman, confident at nasa marangyang buhay ay magre-react ng ganito ka-OA sa harapan nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • He's Her Nightmare   Chapter 62

    Nag-set ng dinner si Oprah dahil pinangakuan siya na babalik si Garrett, ngunit alas onse na ng gabi pero wala pa ito. Nakailang texts na rin siya sa binata ngunit hindi siya nito nire-reply-an. Iniisip ni Oprah na baka kung ano na ang nangyari dito dahil sa underground business nito.Samantala, nakahiga si Garrett sa kaniyang kama habang may hubo't hubad na babaeng nakapatong sa ibabaw niya. Abala ang babae sa pagtaas-baba sa pagkalalaki ni Garrett habang nakapikit na dinadama ang init ng katawan.Kita ni Garrett ang sunod-sunod na pag-ilaw ng kaniyang phone at alam niyang galing ang mga text na 'yon kay Oprah. Hindi niya ito pinansin bagaman labag sa kaniyang kalooban. Kailangan niyang mailayo ang puso mula sa dalaga para hindi siya mahulog dito.KINAUMAGAHAN, sa paggising pa lang ni Oprah ay agad niyang tinignan ang phone upang makita kung nag-reply na ba si Garrett.From 09*********: Sorry, I didn't reply back. I was so busy doing my business. I'm sorry, I didn't make it to have t

  • He's Her Nightmare   Chapter 61

    Tatlong araw ang nakalipas, sabay na kumakain ng umagahan sina Oprah at Garrett sa condo ng dalaga."I have to go now. I'll be back later," pagpapaalam ni Garrett matapos niyang punasan ang kaniyang bibig at hinalikan ang dalaga sa labi."Okay. Bye. I love you," saad ng dalaga. Tila hindi na ito narinig ni Garrett dahil tuloy-tuloy lamang ito sa paglabas.Samantala, hindi na nagsalita pa pabalik si Garrett kahit na narinig niya ang sinabing iyon ni Oprah. Itinanim niya sa isipan na hindi niya ito mahal, at dahil din sa salitang iyon ay lumakas ang kumpyansa niyang malapit na niyang magawa ang kaniyang plano.Nang mapunta sa parking lot ay sumakay si Garrett sa kaniyang sasakyan at pinaandar iyon kaagad. Importanteng importante ang lakad niya ngayon dahil meron siyang meeting kay Blue Clifford. Pinaghandaan niya ang araw na 'to dahil nais niya itong makita nang personal.Nagtungo siya sa Solaire Worlds and Resorts kung saan gaganapin ang meeting. Hindi nagtagal ay nakarating siya at do

  • He's Her Nightmare   Chapter 60

    Nagpapa-meeting si Oprah upang pag-usapan at gawan ng paraan ang bumabagsak niyang kumpanya. Kani-kaniyang bigay sila ng kanilang mga idea hanggang sa pumasok sa isipan niya ang isa sa mga nakikita niyang solusyon.Si Garrett.Kung tutuusin ay nais niyang humingi ng tulong dito ngunit nag-aalangan siya. Ayaw niyang makapagbigay ng perwisyo sa buhay ni Garrett."Good evening."Agad binalingan ng tingin ni Oprah kung saan nanggaling ang boses na 'yon."G-Garrett, how's your day?" tanong ni Oprah at mabilis niyang sinara ang laptop. Tumayo siya at sinalubong ng halik sa labi si Garrett. "How's your day?" tanong niya."Good. You?" tanong naman nito sa kaniya pabalik."Good," pagsisinungaling niya. "Napaaga ka yata ng uwi? 5 o'clock pa lang ng hapon, ah? Hindi ba naging busy sa business mo?" tanong ni Oprah."Everything's good," tugon naman ni Garrett at muli ay siniil ito ng halik sa labi."Teka," pag-iwas ni Oprah. "Kagabi lang—""I don't care. I want you now," pagputol ni Garrett at mul

  • He's Her Nightmare   Chapter 59

    "Oh! Fuck!" daing ni Garrett habang nasa kalagitnaan siya ng init ng katawan.Nakahawak siya sa balakang ni Oprah habang padapa itong binibigyan ng kasiyahan."O-Oh! I-I'm c-c—Oh! Ugh!" daing naman ni Oprah nang maramdaman na niya ang mainit sa kaniyang loob. Namamawis siyang bumagsak sa kama sa panghihina sa sarap.Tumabi sa kaniya si Garrett habang parehas silang hingal na hingal sa mainit na gabing ito. Kinumutan at niyakap ni Garrett ang dalaga dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ito.UNTI-UNTING minulat ni Oprah ang kaniyang mga mata at napagtantong nakaharap siya sa binatang si Garrett. Halos nakasuksok ito sa katawan ng binata habang parehas silang hubo't hubad na natatakpan ng kanilang kumot.Dahan-dahan itong tinignan ni Oprah. Sinilayan niya ang tulog na si Garrett habang iniisip na hindi niya aakalain na may mararamdaman siya para sa lalaking ito.Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? Bukod sa gwapo, macho at mayaman ay ilang beses siya nitong niligtas sa kapahamakan.

  • He's Her Nightmare   Chapter 58

    Makalipas ang isang linggo, naging maayos at walang dumating na gulo sa buhay nina Oprah at Garrett. Matapos rin'g mailibing si Steve ay unti-unti itong tinatanggap ni Torrie."Did you enjoy the food?" tanong ni Garrett habang naglalakad sila ni Oprah palabas ng restaurant."Yes. Thank you for bringing me here," sagot naman dito ng dalaga habang nakangiti nang malapad.Sa bawat araw rin na nakalipas, bagaman problemado pa rin si Oprah sa kaniyang kumpanya ay hindi pa niya maaalis na si Garrett ang nagbibigay saya sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay safe na safe siya.Pinagbuksan ng pinto ni Garrett si Oprah upang makasakay sa passenger's seat at saka siya sumakay sa driver's seat."Garrett, mag I ask you something?" tanong ni Oprah."Go ahead.""Hmm... Pwede bang... Umalis ka na kung saan ka nagtatrabaho? I mean sa underground business na sinabi mo sa 'kin noon," tanong ni Oprah."Bakit mo 'ko gustong umalis?" tanong naman pabalik ni G

  • He's Her Nightmare   Chapter 57

    "Oh my gosh," sambit ni Oprah habang binabasa ang report na nanggaling mula sa pulis sa pagkamatay ng kaniyang secretary.Nakita niya na ang sanhi nito ay ang bala na nasa noo ni Ely. Wala pa rin silang lead kung kanino ito galing dahil hindi rehistrado ang baril na ginamit."Oh my gosh..." tanging sambit ni Oprah habang nakatakip ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Naluluha siya sa lungkot dahil sa pagkawala ng sekretarya niya. Kahit na wala pang isang taon na nakasama ito, aminado siyang magaling ito sa trabaho.Sa kalagitnaan ng kaniyang 'di makapaniwalang nararamdaman, nag-ring ang phone niya at nakita ang name at number ni Torrie."Hello, To—""O-Oprah... Oprah, s-si Steve..." humihikbing sambit ni Torrie sa kabilang linya."A-Anong nangyari? Torrie, bakit?" kinakabahang tanong ni Oprah habang nag-aalala sa kaniyang kaibigan."S-Si Steve, p-patay na siya."SA SOBRANG pag-aalala ay agad nagtungo si Oprah sa bahay ni Torrie. Nadatnan niya itong nakatulala habang patuloy na um

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status