Share

Chapter 6

KABANATA 6

••••••

"Ano ba 'yon? Teka, Ouen. Okay ka lang ba?" Dali daling pumunta sa tabi ko si Ryan at pinulot ang mga parte ng babasaging baso na nabasag ko ngayon ngayon lang.

"R-ryan, sino naglagay ng ganito dito, hahaha." Nanghihinang sambit ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Alangan, ilalagay talaga 'yan dito. Clinic kaya 'tong pinasukan mo"

"W-what i mean is, t-totoo ba ang nakasulat at n-nakaguhit dyan?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Oo naman no', bata palang tayo tinuro na 'yan. Ano ka ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Ryan. Nakita kong nagsimulang lumikot ang mata n'ya at parang kinakabahan.

Hindi pa tinuro sa akin ang ganiyan. 

"Ha, b---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman kong umikot ang paningin ko at nawalan ng malay.

Ryan POV

Kumapa kapa ako at naramdaman kong wala na sa tabi ko si Ouen. Sa'n na naman ba 'yon nagsuot. Kinabahan ako ng may narinig akong nabasag.

"Ano ba 'yon? Teka, Ouen. Okay ka lang ba?" Kumaripas ako ng takbo papalapit sa kaniya, tinignan ko kung okay lang siya at dinampot ang mga bubog. 

"R-ryan, sino naglagay ng ganito dito, hahaha." Hindi pa ba magaling si Ouen? Namumutla siya, nakikita ko ang buong ekspresyon sa mukha nya dahil na rin sa liwanag ng buwan. 

"Alangan, ilalagay talaga 'yan dito. Clinic kaya 'tong pinasukan mo" minsan iniisip ko na hindi talaga sya prinsipe ng unggoy, kun'di prinsipe ng mga baliw sa kanto.

"W-what i mean is, t-totoo ba ang nakasulat at n-nakaguhit dyan?" tinignan ko ang tinitignan nya kanina pa. 

"Oo naman no', bata palang tayo tinuro na 'yan. Ano ka ba?" nagtataka kong tanong dahil sa pinagsasabi niya. Napatigil ako ng makuha ang gusto niyang iparating. Nagsimulang umakyat ang kaba sa buong sistema ko ng biglang nagsalita si Ouen. 

"Ha, b---" sinalo ko siya ng mahimatay ito.

"Ouen? Ouen! Gising hoi!" Ano bang nangyayari kay Ouen. Binuhat ko siya at pinahiga ng maayos sa kama. Hindi kaya may problema 'to si Ouen at hindi lang nagsasabi.

"Hmm" nakita kong umuungot ungot siya at pinagpapawisan na. Sa pagkataranta ko ay tumakbo agad ako palabas at hinanap ang nurse section. Kinalampag ko ang lahat ng pintuang makikita ko. 

"Sir, tama na po 'yan. Nakaka eskandalo po kayo" nilapitan ako ng isang nurse kaya hinila ko siya papunta sa kwarto ni Ouen.

"Check him, is he okay? Nahimatay siya kanina" natatarantang tanong ko sa kanya, sinunod naman niya ang inutos ko.

"Okay naman po sya, sir. Sa sobrang pagod kaya nahimatay sya and based on his reactions while sleeping. I think nananaginip lang siya" Paliwanag niya sa akin, tumango naman ako at umupo sa tabi ni Ouen.

Ano bang nangyayari sa bakulaw na 'to. Sabi na nga ba hindi magandang pumasok pa kami sa paaralang 'to e'.

"Sir, papunasan nalang po s'ya nito. Para medyo gumaan ang pakiramdam niya." Bilin sa akin ng nurse.

"Okay, you may go out. Thanks for helping me" ngumiti siya sa akin at umalis na sa kwarto ni Ouen. 

Simula bata palang kami, magkaibigan na kami. Nakilala ko siya sa pagiging palaaway. Hinamon niya ako nang suntukan kasi natapakan ko laruan niya dati, hahaha. Pagkatapos ng away namin, kaming dalawa ang umiyak. Sa huli nagkaayos kami at kaming dalawa na ang pinakapogi't siga sa lugar namin. 

Hays, Ouen. Kahit kailan sakit ka sa ulo.

Ouen POV

Nagising ako ng alas tres na ng madaling araw. Nag ayos agad ako kahit na nararamdaman kong nanghihina ako ngayon.  Pupunta pa kaming probinsya nila Kalix.

Tinignan ko si Ryan, kinumutan ko ito at nginitian ng malumanay. Umalis na ako sa kwartong 'yon at pumunta sa parking lot.

Nanghihina pa rin ako sa nakita ko kagabi. Hindi ko muna iisipin 'yon, kapag nakabalik na ulit kami dito 'saka ko nalang iisipin. Ayaw ko muna ma stress.

"Ouen, ang tagal mo naman" iritang sambit ni Koshiro, highblood na naman 'to. 

Pumasok na ako sa loob ng kotse at tumabi sa kanya. Pinikit ko na ang mata ko at akmang matutulog nang maramdaman kong sinisipa ako ni Koshiro.

"Bakit?" 

"Doon ka sa likod. Ayaw kitang katabi"

"Sino ba nagsabing gusto kong tumabi sa'yo?"

"Tsk, umupo ka lang naman sa tabi ko"

"Ito nalang kasi ang available na upuan" tinignan niya ang likod at nakita niyang nagsisiksikan ang tatlo doon. Ang dalawa ay natutulog at ang isa naman ay nag seselpon.

"Kainis" hinampas ni Koshiro ang manibela at sinimulan ng paandarin ang kotse.

Tahimik lang akong tumitingin sa daan nang magsalita si Shawn.

"Guys, I have a suggestion" nakangiting pagkakasabi ni Shawn habang nakataas ang kamay na parang nagrerecite.

"What is it?" Si Koshiro

"What if sa states nalang tayo mamalengke?" Nakangiting suhestiyon ni Shawn. Napatulala na lamang kami ni Koshiro dahil sa naging suhestiyon niya.

"Nakakagulat right? I know, only genius can think like that" mayabang niyang pagkakasabi habang pumapalakpak.

"Ang talino mo nga" pag sang ayon ko pa habang tumatawa at may kasamang palakpak para sa kaabnormalan niya.

"Masisiraan na talaga ako ng utak sa inyo. Matulog na nga kayo, gisingin ko nalang kayo kapag nandiyan na" sabi ni Koshiro at nagbuntong hininga. Inayos ko na ang pagkakaupo ko para makatulog ulit ng maayos. Zzzzz

_____

"Kuya Ouen, gumising ka na" unti unti kong binuksan ang mata ko at halos masipa ang nasa harapan ko sa gulat.  Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Aba't talaga naman.

Sino ba namang hindi magugulat kung 'yong mukha ng kaharap mo ay parang bangkay, may panis na laway at muta pa.

"Akala ko nasa horror movie na ako" napabuntong hininga ako at lumabas sa kotse.

Bumulaga sa akin ang sariwang hangin at ang magandang pasikat na araw. Napakaganda talaga sa probinsya.

"Tara kain!" Rinig kong sigawan at tawanan ng mga tao. Hinanap ko kung saan 'yon at nakita ko silang kumakain sa dahon ng saging.

Sakto, gutom na ako.

Pumunta na ako sa kanila at masayang nakikain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may humigit sa akin.

"Bakit ka nakikikain d'yan?" Bulong sa akin ni Koshiro.

"Niyaya nila ako eh" magpoprotesta pa sana siya ng marinig kong tumunog ang tyan niya.

Gutom na rin pala ang loko.

"Punta ka na do'n, tawagin ko lang sila Shawn" pupunta na sana ako sa kotse ng hinawakan ni Koshiro ang braso ko.

"No need to do that, look" tinuro niya ang mga ulupong na nakikipagtawanan at masayang kumakain.

Hinila ko na siya papunta sa direksyon na iyon at nagkamay habang kumakain.

Nakita ko pang nandiri si Koshiro sa ginawa ko pero siguro dahil sa gutom ay sinubukan niya ito. Nakita kong nanlaki ang mata nito pagkatapos isubo ang kanin na may kasamang ulam. Hindi nagtagal ay sumunod sunod na ang subo nito, habang ako natatawa nalang at hindi makakain ng maayos.

Napatingin sa akin si Koshiro at nang mapansin niya akong tumatawa ay napatigil siya at kumuha nalang ng kutsara at kumain ng mahinhin.

"Kuya Ouen, say ahh" napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Jaleb na nakanganga habang nakaharal sa akin para isubo ang kaning hawak niya. Agad ko naman itong sinubo at napa thumbs up sa harap niya.

__

"Nabusog ako do'n ang sarap ng pagkakaluto nila" pag puri ko sa pagkaing kinain namin kanina.

"Masarap talaga 'yon. Lalo na't ang tatay ko ang nagluto no'n" pagmamayabang ni Kalix.

"Yeah, it tastes good. But, how you can eat using hands, gross" sabi ni Shawn habang nag aalcohol.

"Napaka arte naman nito, palibhasa galing America. Paliparin ko na ba 'to papunta sa nasyon niya?" Tumango naman kaming lahat senyales na sumasang ayon kami sa sinabi niya.

"Ouch, you dumbass!" Sigaw ni Shawn ng sakalin siya ni Kalix at pilit na kumakawala.

"Why did you choke me?" Iritang tanong ni Shawn habang umuubo ng makawala siya sa pagkakasakal ni Kalix.

"Lilipad ka lang naman sa nasyon mo kapag patay ka na" napatawa naman kami sa naging sagot ni Kalix kay Shawn.

"Ayos yan, tol! HAHAHAHA" masayang pagkakasabi ni Jaleb habang tumatawa at nakipag apir pa kay Kalix.

"Mukhang may iaambag ka na sa lipunan, Kalix HAHAHA" sabi ko habang hinahampas ang kinauupuan ko.

"Kailan ba ako hindi makakasalamuha ng may sira sa utak, hays" napatigil kami sa pagtawa ng magsalita si Koshiro. Aba't talaga namang panira 'to ng kaligayahan. Nagkatinginan kaming tatlo at napatango sa naiisip namin ngayon. Para kaming may iisang utak sa naiisip naming katarantulahan.

"Fire in the hole!"sigaw naming tatlo habang nakapormang baril na nakaturo sa itaas at dinaganan si Koshiro.

"A-aray, umalis kayo!"

"HAHAHAHA"

"Put--- sino 'yong umutot?!" sigaw ni Koshiro habang kumakawala. Inalis ko ang sarili sa pagkakadaganan at tumayo ng maayos.

"Gags kayo, may nalanghap nga ako. Mga hampas utot kayo, kadiri. Mga balahura ampots" sabi ko habang tinatakpan ang ilong.

"Who smelled it first?" Tanong ni Shawn. Tinuro namin si Koshiro na pulang pula habang tinatakpan ang ilong.

"He's the one who fart" pagkasabing pagkasabi ni Shawn no'n ay nanlaki ang mata ni Koshiro at tanging pandidiri sa mukha ang pinakita namin sa kanya at lumabas ng bahay.

"Hey! It's not me! Hindi ako 'yon maniwala kayo!" Rinig kong sigaw ni Koshiro sa loob ng bahay.

__

"Gising na!"

"Wake up!"

"Bakit po?"

"Bwisit ka talagang amerikanong hilaw ka"

Nagising ang diwa ko sa ingay na narinig ko. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ng may tumapon ng tubig sa mukha ko. Hinanap ko kung sino ang nagtapon sa akin no'n at nakita kong hawak 'yon ni Koshiro habang nakangisi sa akin.

"Woopsss, mga kuya. Tama na muna ang away" pagpigil agad sa amin ni Jaleb. Tumayo na ako sa pagkakahiga at kumuha ng gamit sa sasakyan para maligo. 

"Sa'n ka punta?" Tanong ni Kalix.

"Cr." Maikling sambit ko at nagsimula ulit papuntang cr. Ngunit bumalik ulit ako kay Kalix nang matantong hindi ko pala alam kung nasaan ang cr.

"Do'n sa gilid" turo niya sa de kahoy na pintuan. Mukhang masisira na, pero pwede nang pagtyagaan. Pumasok ako sa loob ng cr at naghubad.

Hindi mayaman sila Kalix. Maliit lang ang bahay nila at kung titignan mo ay parang bibigay na. Kahit na gano'n ay binusog siya ng magulang niya sa pagmamahal. Hindi ko lang alam kung bakit naging tarantula 'yon.

"Hindi lang ikaw ang maliligo, dalian mo!" Rinig kong sigaw nila sa labas. Binilisan ko na ang pagligo at nagbihis. Lumabas na ako sa banyo at nakita ko silang nakahilera habang nakakunot ang mga noo.

'Mukhang hindi ito ang tamang timing para mang inis'

"Pagkatapos niyong maligo, bibili na tayo ng kailangan nating bilhin sa palengke" sabi ni Koshiro habang nag seselpon. Tumabi ako sa kanya habang pinupunas ang twalya sa ulo ko.

"Ba't kayo may selpon?" tanong ko sa kanya habang hindi maalis ang tingin sa kasangkapan na iyon.

"Akal---" napatigil ako sa pagsasalita ng may hinagis siya sa akin. Ibabato ko sana ito pabalik nang malaman kung ano ito.

"Ayos, buti dinala mo" tuwang tuwa kong pagkakasabi habang kinakalikot ang selpon.

Ryan

121 missed calls

35 texts

Lolo

231 missed calls

50 texts

'Hala, ang daming tawag ni lolo' agad king dinial ang number ni lolo at tinawagan.

"Apo?" 

"Ako nga, lo!"

"Ay grabeng bata ka! Ba't hindi mo sinasagot mga tawag ko sa'yo. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo!" Sigaw ni lolo sa akin at rinig ko sa kabilang linya na nagsimula na siyang umiyak.

"Tama na po 'yan, lo. Ayos lang naman ako dito. Pinagbabawal kasi ang gadgets sa Leiven" pagpaliwanang ko kung bakit hindi niya ako tinawagan.

"Bakit ka nakatawag kung bawal. Susmaryosep kang bata ka."

"U-uhmm" kapag nalaman ni lolo na wala ako sa Leiven patay ako.

"Tumawag pala si Ryan sa akin" Ryan, ryan, ryan.....

Patay.

Baka sinabi niyang wala ako sa Leiven ngayon.

"Ang sabi niya okay lang naman daw kayo. Namiss ko lang talaga ang boses at naninigurado lang ako na nasa mabuti kang kalagayan" nakahinga ako ng maluwag at napangiti.

"Huwag ka mag-alala, lolo. Ayos lang talaga ako dito" 

"Hmm, apo may alam ka na ba?" tanong ni lolo. Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa naging tanong niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status