Share

Chapter 5

KABANATA 5

••••••

Nandito na kami sa gymnasium. Kasama namin ang mga nakisali kahapon. Mga pakialamero kasi, kaya nadadamay. Mga bunganga pa, walang filter. Sarap nilang banatan sa paa. 

"Hoy, natahimik ka. May naiisip ka na namang kademonyohan no?" umakbay sakin si Leiyh habang tumatawa. 

Ang napansin ko kay leiyh para siyang astig medyo matured mag isip ng konti pero mas lamang pa rin ang kalokohan sa isipan. Ano kayang ipapunishment ng matandang hukluban na 'yon, sanay na rin naman akong maparusahan. Tinatakasan ko kasi lagi nagtuturo sa'kin no'ng homeschooled pa ako.

"Chillax ka lang, hindi mahirap magparusa ang matandang hukluban na iniisip mo ngayon" 

"Ba't ka ba nandito, hindi ka naman kasali kahapon?"

"Hehe, tinapunan ko ng tae ang principal" bulong niya sakin. T-tae? Hindi ko alam na mas sira pa ang utak nito.

"Hello, hello" pagtesting niya sa mic niya at nang makita niyang okay ang tunog nito ay nagsalita na siya.

"Good morning students"

"Good morning Ms. Principal"

"Alam niyo naman siguro ang dahilan kung bakit kayo nandito. Ididivide ko kayo sa lima at may iaatang akong task sa inyo" 

"Ang dami talagang pakulo nito sa b--

"Tumahimik ka nga, Ouen"

"Group 1, Ryan, Leiyh, Dandy, John, at Maverick"

"Group 2, , Ricko, Kleo, Marshall, Ethan at Ruffo"

"At sa pangatlo naman, Jaleb, Kalix, Shawn, Koshiro at Ouen"

"Malas/kainis" napatigil ang matatalim naming titig ni Koshiro ng humarang sa pagitan namin si Jaleb.

"Tara guys, punta tayong garden. Hawak ko na ang mahiwagang papel kung saan nakasulat ang punishment natin" inayos ko muna ang damit ko bago sumunod sa kanila.

__

"Buksan mo na kaya!" kanina pa 'to si Jaleb.

"Ih, kinakabahan ako" bardagulan ko kaya 'to. Inagaw ko ang papel at binasa nang malakas.

"Kailangan niyong pumunta sa palengke at bilhin lahat ito. Pag natapos niyo ito, pumunta kayo sa office at may panibagong utos akong sasabihin sa inyo, Goodluck mwah" agad kong tinapon ang papel ng mabasa ang nakasulat sa dulo. Kitang kita sa kanilang mukha ang pandidiri na ganoon din naman sa akin.

"Palengke? What's that?" Tanong ni Shawn.

"Palengke, puno ng mandurukot, mabaho, masangsang, masikip at basa basa"

"Grabe ka maka insulto sa palengke, Kalix. Galing ka lang namang basurahan"

"Andami niyong drama, akin na 'yong isang papel" kinuha ni Koshiro ang isang papel kay Jaleb. Binuklat niya ito at nando'n na nga ang mga listahan na kailangan naming bilhin.

"Konti lang na--kuso" agad nanlaki ang mata naming lima sa sobrang habang listahan ang nakita namin. Napabuntong hininga nalang kami. 

Nag usap usap na sila Shawn, Koshiro at Jaleb kung paano hahatiin. Para mas maging madali at kami naman ni Kalix mag iisip kung saan kami bibili.

"Kasalanan niyo 'tong dalawa e" sisi sa amin ni Kalix.

"Baka gusto mong lumipad papuntang Mars" banta ko sa kaniya.

"Joke lang, lagi kang galit"

"Hindi ko naman sinabing mag joke ka"

"Alam mo?"

"Hindi pa" maikling tugon ko.

"Ang sama ng ugali mo" 

"Share mo lang?" Pagbara ko sa kanya, sasagot pa sana si Kalix nang magsalita si Koshiro.

"May naisip na ba kayong bibilhan natin at nag aaway na kayo?" Patay.

"Meron! Meron na, sa probinsya namin" buti nalang mabilis mag isip 'to.

"Okay, it's all set. Bukas ng madaling araw tayo aalis. Location, sa parking lot" Pinagsama niya silang tatlo at hinati hati ang kanilang bibilhin. Puro seafoods ang kanila. Sa kamalas malasan, magpartner kami ni Koshiro dahil parehas na veggies ang bibilhin namin.

_

"Musta, Ryan?" 

"Pinagloloko ata tayo. Pinapasok tayo kung kailan kakatapos lang ng exam at aishh, basta" pagrereklamo niya, nasa dorm na kami at nagpapahinga. Nakaupo lang kami sa sofa at kung ano-ano ang ginagawa upang libangin ang sarili. 

"Hayaan mo na. Ano parusa sa inyo?"

"Lilinisin namin 'tong buong school. Sa lawak nito, baka nga pwede kang maligaw. Tapos paglilinisin kami? Kung may motor nga lang ata ako pwede ko ng lib----" tinakpan ko ang bibig nya, masyado na siyang maraming sinasabi.

"Ang oa mo, wala nga ako makitang kalat dito sa eskwelahan natin" inis na sabi ko sa kanya. Nahiya kaming pupunta pa ng palengke.

"Ano ng plano?" tanong n'ya. 

"Staring contest, para malibang tayo. Ang unang pipikit manglilibre ng isang balot ng hansel at tiger na biskwit" napangiwi at napakamot siya sa batok niya sa naging sagot ko.

"Game" nabigla ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin. Ako naman ay napapahiga na sa sofa. Ano bang ginagawa nito sa buhay. Sana hindi siya tumitira ng shabu.

"Napakadaya mo, pero hindi ako matatalo. Palaging nagwawagi ang hansel ko" mas tinitigan ko pa siya ng matagal. Konti nalang mapapapikit na ako, ansakit sa mata. Grabe naman titig nito sa'kin. Natulak ko siya ng biglang kumalabog ang pinto at nagsipasukan silang lahat.

"Uyy, kayo ah" si Jaleb

"Ang puso ko sa aking paa ay tumitibok" si Leiyh

"Magsesex kayo?" si Marshall. Nabato ko ng unan si Marshal, dahil sa sinabi niya.

"Tsk" si Koshiro

"Bunganga mo. Ubo niyo may utak, mga gm" inayos ko na ang pagkakaupo ko at hinanap si Ryan. Nakita ko siyang namimilipit sa sakit, nilapitan ko sya at tinulungan makaupo sa sofa.

"G-gagawin mo ba akong baog?" Pag inda ni Ryan.

"Sorry. Upo na kayo sa sahig guys" utos ko sa kanila at umupo ulit sa sofa. Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin sila umuupo hanggang ngayon.

"Ba't 'di pa kayo umuupo?"

"Ang kapal naman ng mukha mong paupuin ako sa sahig" walang emosyong sambit niya. Tumabi siya sa akin at sinandal ang balikat niya sa sofa. Sumunod naman ang tatlo, para na kaming sardinas dito. 

"A-ano ba ang sikippp" nahihirapan kong sambit, ba't pa kasi sila sumingit.

"Ryan, doon ka sa lapag" utos ni Koshiro. Na sinang ayunan naman ng tatlo.

"Oo nga do'n ka na" sabi nila at tinulak si Ryan sa lapag.

"Huwag sana kayo mamatay" inis na sabi ni Ryan, umalis na ako sa sofa at tumabi sa kaniya. Ang sikip pa rin, ba't kasi sila nandito.

"Ba't ka nandiyan?" tanong ni Koshiro

"Ang sikip kaya, mga singiterong bayot" binulong ko ang huli kong sinabi baka marape pa ako dito. Nabigla ako nang bumaba sila at tumabi sa akin.

"Ba't ba kayo nandito?"

"Oh, i forgot maglalaro pala tayo ng volleyball" sabi ni Marshall at tumayo. Nag sitayuan na rin sila.

"Ha?" Pumunta lang sila dito para sa ganoon? Sinayang lang nila hansel ko.

"Let's go! Come on." Hila-hila ako ngayon ni Marshall sa sobrang pagkahila niya nabunggo ako sa pinto.

"A-aray!" Sinamaan ko ng tingin si Marshall at hinawakan ang ilong ko. Hindi nila pinansin ang sinabi ko at tinulak lang ako ni Koshiro.

"Tag tatlo tayo, Marshall, Koshiro at Ryan. Jaleb, Ouen at ako gets?" Agad naman kaming tumango at pumwesto kung saan kami maglalaro.

Sa kalagitnaan ng laro, napapansin kong lumalakas ang tira ni Koshiro. Paano ko nalaman? Sa direksyon ko lang naman laging napupunta ang bola. Pulang-pula na ang kamay ko. Gusto ko na tumigil, kaso sasabihin ko palang na ayoko na biglang titira ng malakas si Koshiro.

"Ouen!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ryan na nag aalalang pumunta sa direksyon ko. Ngayon ko lang nalaman na sa mukha ko pala ang nahampas ng bola. Nanlalambot ang tuhod ko at nahihilo sa lakas ng impact ng pagtama sa akin ng bola. 

Nagising ako ng may naamoy akong adobo. Inayos ko muna ang paningin ko. Unti-unti akong bumangon at hinanap kung sa'n nanggaling ang amoy na 'yon. Nakita ko silang tahimik na kumakain. Adobong baboy, dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanila at umupo sa lapag.

"Yo, ba't 'di nyo ko ginising. Ang sarap naman nito" kinuha ko ang styrofoam na may lamang pagkain at nilantakan ang pagkain.

"Hinay-hinay lang. Ito, water baka makita mo na halaga mo" sambit ni leiyh at binigyan ako ng tubig. Nakangiti ko naman itong tinanggap at ininom.

"Salamat, kuya Leiyh" 

"Welcome"

Natapos kaming lahat sa pag kain at ngayon ko lang napansin ang nabubuong tensyon sa loob ng clinic.

"May nangyari ba sa inyo?"

"Wala naman, may pakialamerong lalaki lang kasing nangingialam sa relasyon ng iba" walang emosyon sambit ni Koshiro. Wala syang sinabing pangalan pero alam kong may natamaan sa kanilang apat.

"Kasalanan ko bang hinalikan ako ng girlfriend mo? Ang sarap ng labi ng girlfriend mo, pwede bang matikman ulit?" Nabigla ako sa naging sagot ni Ryan. Halatang sarkastiko at may halong diin ang mga sinasabi niya. 

Hindi niya ugaling makipagsagutan lalo na kapag mali siya. Siguro nga may dahilan si Ryan. Hindi ko naman alam ang buong istorya para manghusga.

"Tarantado ka?!" Susugod sana si Koshiro ng agad kaming lumapit sa kaniya at pumigil.

"Pre, tama na 'yan" si Leiyh

"Uyy, Koshiro. Huwag kayong mag away please please" si Jaleb

"You two, stop acting like a child. Calm yourself and talk in a nice way." si Marshall

Kinalas niya ang pagkakahawak namin sa kanya at padabog na umalis sa clinic. Sinundan naman siya ng tatlo. Napatawa si Ryan nang umalis si Koshiro.

"Hoy, Ryan. Ba't naman ginano'n mo si Koshiro?" Umupo na ako sa tabi niya. 

"Hindi ko kasalanan 'yon. Papunta sana ako sa garden para magmuni-muni muna kagabi. Tapos nagulat ako ng may humalik sa akin. Tapos, 'yon na nga, nakita kami ni Koshiro." Napabuntong hininga ako sa pinaliwanag niya.

"Still, dapat hindi mo sinabi 'yung masarap ang labi ng gf niya"

"Totoo naman kasi" sinamaan ko siya ng tingin.

"Jk lang, 'to naman 'di mabiro, HAHAHA" 

"Pero, masarap ba talaga?" Bulong ko sa kaniya.

"Oo, hehe. Kahit na gano'n, dapat hiwalayan na ni Koshiro gf niya. Malandi gf niya sa totoo lang. May binulong pa nga sa'kin 'yon e'. Magkita raw kami ngayong gabi ta's alam mo na, hehe. Pero, 'di naman ako sumipot"

"Ako nalang sisipot, dali. Sa'n ba?"

"Manahimik ka nga, Ouen. Btw, may utang ka sa'kin."

"Kailan ako nag ka utang. Wala ako maaalala, imbento ka na naman" 

"May palipad kayang ipis sa direksyon mo kanina. Pasalamat ka hinarang ko sarili ko" pagmamalaki niya sa ginawa niya, kaya pala ginawa niya 'yon kanina sa sofa. Mabuti, kung hindi niya 'yon ginawa baka masakal ko siya ng wala sa oras.

"Magaling ka na ba?" Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Medyo nahihilo pa ako ng konti at medyo masakit ang mukha ko.

"Medyo okay naman"

"Ang bobo mo kasi maglaro. Tatawa sana ako kanina, kasi 'yong mukha mo parang nag slow mo ta's gumalaw 'yong buong mukha mo parang niyanig, HAHAHA" napahampas siya sa'kin habang tumatawa, tawang-tawa wala na bang bukas?

"Isa pang hampas, babardagulan na kita" napanguso na naman siya dahil sa sinabi ko. Sawang-sawa na ako makakita ng bibeng naglilihi.

"Puntahan kaya natin 'yong lugar na pagkikitaan niyo sana ng babae?" Suhestiyon ko sa kanya. 

Para makita ko rin 'yong babaeng pinag aawayan ng dalawang 'to. Kaya pala hindi ako pinapansin ni Koshiro kanina, kapag papansinin naman ako parang labag pa sa loob. Tapos grabe makapaghampas sa bola, sa sobrang lakas niya kanina halos kaming dalawa nalang ang naglaro. Iyong mga kasama namin nanonood nalang sa'min.

"Huwag na, masyado ng malalim ang gabi." Napaisip naman ako sa sinabi niya, ibig sabihin ang tagal ko na sa clinic. Buti tumagal ako dito, ang sabi pa naman ng iba maraming multo sa lugar na ganito.

"Matulog nalang tayo, tatabi nalang ako sa'yo" tumango ako sa sinabi niya at umusog ng konti. 

Medyo malaki naman ang espasyo kaya kasya kaming dalawa. Ang sosyal dito, parang nasa loob ka lang ng kwarto, pero may kung ano anong nakadikit---- kanina ko pa napapansin 'yong isa. System? Reproductive system? Sa pagkakaalam ko, walang tinurong ganiyan ang guro ko. 

"Matulog ka na" 

"Ha? Sige sige" pinagsawalang bahala ko na muna ang nakita ko at sinubukang matulog. 

Nagising ako ng maramdaman ko ang uhaw. Umalis na ako sa higaan ko at kumuha ng tubig sa ref. Habang umiinom ng tubig, napansin ko na naman ang karatulang nasa gilid ng divider. Lumapit ako ro'n habang hawak ang basong may lamang tubig.

"Male and female reproductive system" basa ko sa nakasulat.

'Parang nakita ko na 'to'

Nabitawan ko ang hawak kong baso sa nalaman ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status