Share

Introduction

PANIMULA

••••••

“Ouen!” napaayos ako sa pagkatatayo ng akbayan ako ni Ryan---Adryan Xaivery, kaibigan ko.

Adryan Xaivery, ang sabi ng iba ay gwapo ang isang ito, pero hindi ko makita. Dahil para sa akin, isa lang siyang tuko na pabebe. Since his father is from a different race, his last name is unusual para sa isang Filipino. Matangos ang ilong niya, his lips are heart-shaped and a lil bit pinkish, his complexion is medium, his hair is very black and shines when the sun touches it, he has an oval face, and his eyes are upturned.

Bago ko siya pagtuunan ng pansin ay sinagot ko muna ang text ni Maria--chicks ko sa kabilang baranggay at anak ng yorme.

“Bakit?” tumingkayad ako ng kaunti at tumingala upang gawing salamin ang mata niya at inayos ang nagulong buhok ko dahil sa hangin. Napakatangkad na niya, dati mas matangkad pa ako dito.

“May dayo sa lugar natin. Kung tama ang pagkaririnig ko, maganda raw ang babae”

“Saan sila nag iistay ngayon?” tanong ko at napangisi sa kadahilanang alam kong sa susunod na linggo magiging akin ang babaeng 'yun. Pagkatapos niyang sabihin ang lokasyon kung nasaan ang babaeng tinutukoy niya ay kumaripas na ako ng takbo. Mahirap na, baka maunahan pa ako ng mukhang tuko.

“Basta talaga babae, ang bilis mo” hinihingal niyang aniya habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya. Iiwan ko na sana siya sa labas ng may napansin akong dalawang lalaki na parating sa direksyon namin kaya agad ko na siyang hinila.

“Ang ingay mo, shut up” bulong ko at palihim na sumilip sa direksyon kung saan ko nakita ang dalawang lalaki. Nang makitang wala na ang dalawang lalaki na sumilip silip sa bahay ay humarap na ako kay Ryan. Napatagilid ako ng ulo ng malansin ang reaksyon niya, nakatulala at parang mauubusan ng hangin sa sobrang lapit ng mukha namin.

“Anong reaksyon 'yan?”

“Ano ba! Tulak nang tulak” napahawak ako sa baba ko ay napangisi. Nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawa niyang braso at tumingkayad para bumulong sa kaniya.

“Nababakla ka na naman” sinadya kong gawing seductive ang boses ko. Napatawa ako ng malakas habang nakaturo ang isang kamay sa kanya at nakahawak naman ang isang kamay ko sa tiyan ko nang nakita ko kung gaano tumaas ang mga balahibo niya.

`Ang ingay kasi ng bunganga niya, kaya dapat patigilin.ʼ

“BWAHAHAHA, MUKHA KA TALAGA BAKLA!”

“Kadiri ka, 'wag mo ng uulitin 'yun ah! Kinikilabutan ako sa `yo” sabi niya at nanginginig-nginig pa sa harap ko. Kitang kita ang pandidiri sa mukha niya. Mas napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

“Apo, Ryan? Ba't nandiyan pa kayo? Tara na sa loob at may mga bisita tayo” sumunod kaming dalawa kay lolo at pinagpag ang damit bago pumasok.

“Ayun `yung babaeng sinasabi ko” nguso ni Ryan sa babaeng nasa kanan, naka bestida itong pula kaya naman mas lumitaw ang kaputian niya.

Nang mapatingin siya sa amin ay agad siyang ngumiti at kumaway. Wait, mauubusan na ata ako ng hininga, waah ngumiti siya.

“Ngiting-ngiti ka diyan, maupo ka na”

Tinignan ko nang palihim ang babae, habang patagal nang patagal mas lalo akong namamangha sa kagandahan nya. Habang sinusuri ang maamo niyanh mukha ay bigla akong siniko ni Ryan kaya bigla kong nahigop ang laway ko.

`L-laway?ʼ

“Ano ba!?” inis na sigaw ko at sinamaan ng tingin si Ryan na ngayon ay tawang tawa sa tabi ko.

Bwisit.

“Nakita ko 'yun, balahura ka talaga HAHAHA” napalingon sa amin ang mga bisita kaya sinubukan kong takpan ang bibig niya, pero sadyang malaki talaga ang bunganga nito.

“Tss, too noisy.” singhal ng isang bisita at umalis. Napatigil kami ni Ryan at umayos ng upo.

“Tsk, tsk.. Ryan, puntahan mo nga sa labas baka maligaw ang bisita natin” tumayo kaming dalawa ni Ryan para sundin ang utos ni lolo. 

“Ouen, maiwan ka rito at hintayin nalang natin si Ryan” umupo nalang ulit ako at tinanguhan si Ryan.

Tinignan ko ang babae at sakto namang nakatingin sya sa akin at ngumiti. Napaiwas ako nang tingin at lihim na kinilig sa loob-looban ko. Napaayos ako nang upo ng biglang pumasok si Ryan at `yung lalaking nag walk out.

“So, let`s start. We're to---”

“Ouen,`wag nga kayong maligalig ni Ryan” napatungo nalang ako at tinigil ang hagikgikan naming dalawa ni Ryan.

“Shut up, Victor.” walang emosyong aniya ng lalaki. Nainis ako ng tawagin niyang  `Victorʼ ang lolo ko. Hinawakan ko ang kwelyo ng suot niya at sinigawan siya sa harap.

“Tarantado ka?! anong sabi mo?! Victor?!” sumilip ang maikling pag ngisi niya at agad namang bumalik sa walang emosyon ang reaksyon niya na parang sinasabi niya na, wala siyang pake sa sinasabi ko at isa lang akong kulangot na pwede niyang pitikin.

Napahawak siya sa labi niya pagkatapos kong sapakin ang b****a niyang mukha.

Lumingon naman ako kay Ryan na seryoso lang na nakatingin sa akin kaya sinenyasan ko sya at umupo na sa upuan para magrelax. 

Tumayo naman si Ryan at kunwaring binabali ang leeg at pinatunog ang mga daliri. Agad namang naalarma ang bisita at pumunta sa harap ng walang modong tingting.

“Ayusin mo naman, Ryan. Ilang beses na nating ginagawa `to” iritableng aniya ko sa kaniya habang parang tangang minamasahe ang balikat ko.

“Sinadya mo lang ata mag galit-galitan para mamasahe kita” pagmamaktol ni Ryan sa likod ko habang minamasahe ang likod ko.

Sa aming dalawa, ako ang boss.

“Sa pangit mong magmasahe, walang mag gagalit-galitan para lang masahiin mo, boplaks HAHAHA”

Naiimagine ko itsura niya ngayon, nakabusangot ang mukha, nakakunot ang ulo at namumula na naman sa inis. Humarap ako sa kanya para sana makita ang mukha niyang ganoon, pero nakangiting aso siya ngayon.

Parang tanga talaga `to.

Ano na naman kaya nginingiti-ngiti nito? Tsk, nagpapapogi na naman siguro 'to at ayaw makita ang napakapangit niyang mukha sa bisita. Lumingon nalang ako sa mga bisita na nakanganga ngayon. Ginagawa ng mga `to? Napa buntong hininga naman sila at bumalik sa kaniya-kaniya nilang upuan.

“Sorry, may tumawag lang sa telepono. Ano nang nangyayari dito?” nakangiting tanong ni lolo, napangiwi nalang ako sa naging tanong ni lolo.

“Edi ginawa na naman akong alila ng apo mo, lo” sumbong ni Ryan habang nakanguso na naging dahilan ng pagtawa ni lolo, panguso nguso pa mukha namang bibeng naglilihi. 

“Ano pala ang sadya nyo rito, mga apo?”

“The campus battle is about to start. We need your grandson to help us to win the game. I heard that he`s great in all sports and various fields, we need that.”

“Tss, ayoko lolo. Bahala sila dyan” nakasimangot kong pagtanggi sa kanila. Ayaw kong makasalamuha ng ganiyang ugali baka madamay pa ako.

“Paano ba `yan? Ayaw ng apo ko?”

“The campus battle will be held in MY school. come with us.” Nakangisi nyang alok sa akin, nakakatempt ang offer niya kaso kung siya ang magiging kasama ko sa loob ng paaralan ay  huwag nalang, marami pa akong pangarap sa buhay.

Hindi ko alam kung bakit ang init init ng ulo ko sa lalaking ito. 

Lumaki akong homeschooled lang, dahil na rin siguro pinoprotektahan ako ni lolo. Magiging magandang oportunidad `to sa akin, kanina ko pa niloloko ang sarili ko na ayaw kong mag aral sa paaralan.

“Ayaw ko pa rin” pagtanggi ko ulit habang nakangisi. Trip ko lang siyang asarin.

“HAHAHAHA” nagulat ako ng biglang tumawa si lolo, lah may nakakatawa ba?

“HAHAHAHA” tumawa na rin ako para may kasabay naman si lolo. Minsan kasi may topak itong si lolo.

“HAHAHAHA” sinamaan ko ng tingin ang katabi kong nakitawa rin.

“Hoy, ba't ka nakikisabay!”

“Para kasing masaya tumawa ngayon”

“Alam kong walang paligsahan sa paaralan niyo ngayon. Sabihin niyo na ang totoong pakay ninyo, mga apo”

“Aishh, My grandpa send us here to convince Ouen. He wants Ouen to be part of his students” halatang iritang irita siya dahil sa sinabi niya, nagpapadyak pa sya sa inis.  

“Hmm, I`m sorry” paghingi niya ng paumanhin at umalis. Susundan ko sana si lolo para sabihing okay lang kahit na hindi siya pumayag ngunit mahinhin na hinawakan ng babae ang braso ko habang nakangiti. Mas matangkad siya, dahil sa taas ng takong niya. 

Maputi siya, manipis ang labi ngunit mamula mula, maliit ngunit matangos ang ilong niya at bumagay ito sa maamo niyang mukha.

“Maganda ang university namin, Ouen. I heard na hindi ka pa nakakapasok sa paaralan. This will be a great opportunity for you to know more about inside the school. Lalo na`t alam kong may pagkaistrikto ang lolo mo, pagdating sa mga ganito.”

“Oo, marahil ay tama ka. Ngunit, hindi ko maaaring suwayin ang lolo kk” nakita ko ang paghanga sa mata niya ngunit may bahid itong kalungkutan tila may kapalit ang hindi ko pagpayag sa kanila. 

“Huwag mong sabihing sasama ka sa kanila?” singit ni Ryan. 

Uso talaga mga singitero dito. 

Panira ng moment.

“Oo naman, Ryan. Alam mo namang gustong-gusto kong makapag aral sa eskwelahan di`ba? Chance ko na `to" pagkunwari ko, ngunit tumaas lang ang kilay nito at padabog na umalis sa bahay. 

Ano bang nangyayari sa mundo.

Gaya gaya talaga `to si Ryan. 

“Sundan ko muna sila ah?” nakangiting pagpapaalam ko sa kanila at sinundan ang tukong pabebe. Sa'n na naman ba nagsuot 'yun. Nakita ko si Ryan na nakaupo sa gilid at kitang kita sa kaniya na nalulungkot, sumisinghot kasi si tanga.

“Tol, may problema ka ba? ichicks nalang natin `yan” napabuntong hininga nalang ako ng hindi siya sumagot.

“Kapag sumama ka sa kanila, hindi na kita makakasama mag-aral, mawawalan na ako ng kaibigan. Alam mo namang wala rin akong hilig sa mga babae” malungkot talaga sya, seryoso? Pwede naman syang sumama sa university kung sakaling papayagan ako ni lolo.

Wala talagang utak `to kahit kailan.

“Tanga talaga” bulong ko sa hangin

“Anong sabi mo” aniya habang masama ang tingin sa akin. Piningot nya ako nang madiin sa tainga.

“Aray! Ano ba masakit!” mangiyak ngiyak kong pagpigil sa kaniya. Sinipa  ko ang paa niya ngunit mas napadiin lang ang pagpingot niya sa akin dahil doon siya kumuha ng lakas para hindi mapahiga. 

Tarantula talaga ang isang ito.

“Lolo! Si Ryan niaaway ako!” pagsumbong ko, binitawan niya naman ang tainga ko. 

Huhu, ansakit.

“Tama na `yan, bumalik na tayo sa loob" sabi ni lolo

“Hala ka, Ryan. Bad mood ata si lolo patay ka” pananakot ko kay Ryan

“Anong ako? Ikaw kaya nagsimula!”

“Tanga, ikaw kaya unang nanakit dyan”

“Sino ba nagsabing tan----”

“That's enough, hindi ba nangangalay ang mga bibig niyo kadadaldal?” napayuko kami dahil sa sinabi ni lolo, dinagdagan pa namin ang problema niya, kitang kita sa mukha ni lolo ang pagkabalisa. 

“Hi, miss?” tanong ko sa babaeng katabi ko.

Ngumiti naman sya sa akin bago sumagot “Akhira, Akhira Tanaka. Nice to meet you” pakilala niya at inilahad ang kamay nya sa akin na agad ko namang tinanggap.

“Ouen”  

“Ouen, bakit namumula yung tenga mo?” tanong ni Akhira at mas nilapit ang mukha sa akin para makita ng maayos ang tainga ko.

“Ahh, `yan ba piningot kasi ako kanina” naamoy ko naman ang pabango niya, ito na ata ang pinakamabangong pabango na naamoy ko, ah heaven.

“Ate! Manahimik ka na nga, namumula na si Kuya Ouen” sigaw ng isa nilang kasama, tatlo pala silang nandito. Nakatingin silang lahat sa amin. Sino ba namang hindi makakatingin sa amin, eʼ bagay na bagay kami ni Miss Akhira hehe. 

“Ouen, tumabi ka nga rito kay Ryan, at `wag mong pagdiskitahan si Ms. Akhira” utos ni lolo, sinamaan ko naman ng tingin si Ryan na hindi pala nakatingin sa akin, bwisit.

“Let's not prolong this conversation. We have to go home. Will you come with us” lumingon ako kay lolo na seryoso lang na nakatingin kay tingting. Napabuntong hininga na muna ako bago sumagot.

“Nakabase ang pasya ko kay lolo.”  

“Okay, let's go ate and kiyoshi, we are just wasting our time. He's not that special, tss.” hinintay niya munang mag ayos ang mga kasama niya bago tumayo.

“Umupo kayo, ulit” seryosong utos ni lolo sa tatlo. Napabuga nalang ng hangin si tingting at naupo ulit. 

“Papayag lang ako kung isasama si Ryan” sabi ni lolo at tumingin sa aming dalawa ni Ryan kaya sinuklian namin ng malaking ngiti si lolo.

“Oh, okay” sabi ni payatot at tumingin sa mga kasama niya at sabay na silang pumunta sa mga kwarto nila. Umalis na rin si lolo at pumunta sa kwarto niya para makapag pahinga.

“BWAHAHAHAHA” tawa namin ni Ryan habang niyayakap ang isa't isa.

“Narinig mo yun, tol!”

“Narinig ko, hindi ako bingi!”

“Papayag lang ako kung isasama si Ryan” pag gaya ni Ryan sa boses ni lolo.

“Matutupad na pangarap natin, Ryan” nakangiting aniya ko kay Ryan at iniimagine na kung ano ang mangyayari sa amin sa university na papasukan namin.

“Ano na naman ba `yan Ouen, ang ingay niyo na namang dalawa ni Ryan” bungad sa amin ni manang laurene na galing kusina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status