Share

Chapter 1

KABANATA 1

••••••

“Manang, mano po” 

“Manang, Mag-aaral na po kami ni Ryan sa university” 

“Kung ganoon ay siguradong masayang-masaya kayong dalawa” 

“Sinabi mooo paaaa” 

“Sige po. Punta lang ako sa kwarto ko. Sasabihin ko sa girlfriend ko 'yung balita” 

“Ano nga ulit pangalan nila?” napakamot ako sa batok at kunot noong tinignan ang mga pangalan ng babae sa inbox ko. Ganito na ba ako kababaero. Lahat ng nasa inbox ko ay itinext ko silang lahat.

'Aalis na ako bukas. Mag-aaral na ako sa paaralan. Medyo malayo kaya kailangan na natin mag break, sorry.ʼ text ko sa kanilang lahat. Naglagay na rin ako ng emoji na umiiyak para makatotohanan.

'No wayyy!ʼ

'Omg, no, no, noʼ

'Huhu, babe please don't do thisʼ

'I will punta punta dyanʼ

'Babyyy, I love you so much. Please don't do thisʼ

'Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, hon'

'Bwisit ka! Ba't nasendan na naman ako ng ganito?ʼ-- Ryan

'Ano ba naman yan, apo. Nakalimutan mo na naman mga pangalan ng girlfriend moʼ -- lolo

'Ano pong sinasabi nyo, Sir Ouen?ʼ

'Uh? Oorder po ba kayo ulit ng bagong pizza?ʼ

Hayaan na lang, kung kani-kanino ko na naman nasend yung text. Makatulog na nga muna. Zzzzz

____

“Teka nga! Putspa napaka-ingay nyo!” 

“Hoy! Hindi ba kayo titigil?! Sa harap pa talaga kayo ng bahay nila Ouen, nag aaway!” 

“Huwag ka ngang pakialamero, pogi ka nga pero masyado kang bida bida!” 

“Sabi kasi nila boyfriend daw nila si Ouen” 

“Totoo naman!” 

“Bakit ba kayo nag-aaway, ako ang totoong girlfriend ni Ouen!” 

“Ako nga!!” 

“You slut!” 

“You bitch!” 

“Don't touch my hair” 

“Ouch, I will sumbong sumbong you to my Ouen” 

Potang-- natutulog yung tao ta's ang daming maingay. Lumabas ako sa kwarto at lumabas ng hindi nag-aayos. Gwapo pa rin naman ako kahit di mag ayos.

“Kyaahhhhh!” 

“O the M to the G, he's so hot talaga!!” 

“Ano ba! Ano ba! Ano ba! Tahimik!” napahilamos nalang ako ng mukha sa inis. Kagigising ko lang ta's ito agad bungad, piste.

“Ano bang ginagawa niyo dito?” mahinahon kong tanong sa kanila habang salubong ang kilay.

“Ang hot ng boses niya!” 

“Ohh, I think I'm pregnant!” 

“Ang gwapo ng boses niya” 

“Ano ba!? Tinatanong kayo ng maayos ta's puro ganiyan sinasabi niyo! Ryan, Ikaw nga magpaliwanag sa'kin!” irita kong sigaw ko kay Ryan na kanina pa tumatawa.

“Teka lang, 'wag mo 'kong sigawan. Masyado kang hot, HAHAHAHA” tinignan ko naman siya ng masama. Akala niya ba nakikipagbiruan ako. Napangiwi siya sa naging tingin ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang kamay niya na sinasabing suko na.

“Yung mga girlfriend mo nagsama-sama lahat. Tapos 'di nila alam na babaero ka pala't pinagsasabay-sabay mo silang lahat” paliwanag ni Ryan, tinignan ko naman silang lahat. Puro gulo ang mga buhok nila, ang iba naman sira-sira na mga damit.

“Umalis na kayo bago ko pa maisip na hindi kayo babae” pumasok na ako sa loob at pinukpok ang noo ko sa pader dahil sa katangahang ginawa ko.

“Tsk, is it fun to be a womanizer?” nilingon ko naman kung sino ang nagsalita at nakita ko na naman ang payatot na blanko na naman ang mukha, kainis.

“Oo, kasalanan ko bang gwapo ako kaya nagiging lapitin ako ng mga babae.” 

“I am also handsome. But, I'm not like you who always hurt a woman's feelings” 

“Ha? Sa tingin ko nabingi ako.” 

Pasikat naman 'to.

Sinong pogi? siya???

“Have you become deaf because I am right?” 

“Talaga ba?” binelatan ko nalang siya at tumakbo. Nasagi ko ang vase ngunit hindi ko nalang pinansin at pumunta ng kwarto.

_______

Ryan POV

“Pasensya na, palaasar lang talaga 'yun” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya, pero nilagpasan niya lang ako. Ampangit ng ugali nito. Buti pa ako. Mabait na nga, pogi pa shet.

“Ryan, may binasag ka na namang bagong vase” patay, naabutan na naman ni lolo ang vase lalo na't ako lang ang mag isa dito.

“Lolo, hindi po ako ang nagbabasag ng mga vase dito, 'yung apo mo po 'yung abnormal” sinubukan kong magpaliwanag pero, wala epek.

“Ginagawa mo na namang palusot ang apo ko, hindi bale na. May pag uusapan tayo, sumunod ka sa akin” ba't ang seseryoso nila palagi. Ako nalang lagi ang kawawa kapag nandito ako sa bahay ni Ouen.

“Ano 'yung pag-uusapan natin, lo?” 

“Gusto kong hilingin sa iyo na habang nandoon kayo sa unibersidad, huwag mong hahayaang makalabas o mawala sa paningin mo si Ouen” sabi niya at nagbuntong hininga. 

Paimportante talaga kahit kailan ang bano kong kaibigan. 

“Hindi mo pa siya ganoon kakilala. Lahat ng sikreto ay nabubunyag, kaya bantayan mo lang siya ng maigi. Ireregalo ko sa 'yo ang pinakagusto mong kotse, bantayan mo lang siya.”  

Bakit ang weweird ng mga tao ngayon, sa tingin ko talaga may mali sa mga nangyayari pero anyways 'yung kotse, sure na talaga 'yun? Walang bawian, bwahaha. Ano palang sikreto ang dapat kong malaman?

Baka may powers talaga si Ouen. Tapos matagal itong sinikreto ni lolo at 'yun pala ay nawawalang prinsipe si Ouen. Sabi na nga ba, kaya pala nakakaakyat sa puno 'yun ng gano'n lang kadali at marami siyang nahuhumaling na babae kahit na sobrang landak niya. Oo tama tama, grabe ang astig. Hindi ko alam na prinsipe pala siya ng mga unggoy.

“Ako po bahala sa apo niyo” 

“Maaasahan ka talaga. Tawagin mo na ang 'abnormal' mong kaibigan, hahaha. Kakain na tayo ng tanghalian” halatang diniinan nya ang pagkakasabi sa abnormal. Sabi na nga ba, tama ang hinala ko.

Di'ba??? di'ba????? 

“Sige po” papunta ako sa kwarto ni Ouen. Nang madaanan ko ang kwarto ni Koshiro may kausap siya. Nagpatuloy  na ako sa pagpunta sa kwarto ni Ouen at pagkapasok ko ay busy siya sa pag-ayos. Kakatapos lang ata maligo.

“Kakain na raw, sabi ni lolo” 

“Mauna ka na, susunod nalang ako” 

Napaka ano talaga nito

“Ano ba?! Masira yung damit ko!” 

“Wala akong naririnig” pag-asar

ko sa kaniya. Habang hinihinila pa rin siya pababa sa dining room. Nakita rin namin na pababa na ang mga bisita. 

“Nandito na ba ang lahat? ” tinignan kami ni lolo isa isa at napangiwi nang makita nyang nakataas ang dalawang paa ng masungit kanina. Napansin niya siguro ang tingin ni lolo kaya binaba nya ang paa niya.

“Mabuti't nandito na kayo. Ryan, magdasal ka na bago tayo kumain” 

“Panginoon, maraming maraming salamat po sa pagkaing nasa aming harapan ngayon. Mapalad kami, dahil nakakakain kami ng maayos at sapat. In Jesus name, Amen.” Tahimik lang kaming kumakain, pawang may malaking bagyo ang dumaan.

“I'm Koshiro” pagpapakilala ng masungit, aha, koshiro pala.

“Nice name, bro!” Feeling close talaga nito.

“Stop calling me bro, we're not friends” 

“Boom basag, HAHAHA” humagalpak ako sa tawa nang makita ang hindi mawaring ekspresyon sa mukha ni Ryan.

“Hi, I'm Akhira” pagpapakilala ni Akhira habang kumakaway, ang ganda ng pangalan niya. Kasing ganda niya.

“Hello po! I'm Kiyoshi 15 years old. Nag aaral ako s---” 

“Stop. We didn't ask your whole bio data” pagbara ni Koshiro kay Kiyoshi, wao ang sama naman nito.

“Magkakapatid kami” napatulala ako ng ilang segundo sa sinabi ni Akhira at napatawa.

“Hindi halata, ampon ka lang siguro, Koshiro, HAHAHA” naramdaman kong tumalim ang titig sa akin ni Koshiro kaya nagpaalam na ako sa kanila.

____

Nandito ako sa garden. Lumalanghap ng sariwang hangin. Mamimiss ko ang lugar na 'to. Simula noong ako'y nagkaisip nandito na ako sa lugar na 'to.

“Nandito ka pala, Ouen” at isa siya sa mamimiss ko ng sobra sobra.

“Lolo, hinahanap mo po ba ako?” 

"Kanina pa, ikaw na bata ka" nang makalapit sa kaniya ay agad niya akong niyakap. Kumalas na si lolo sa yakap at tinignan ako. Halata sa kaniya na nalulungkot siya.

“Aalis na kayo mamaya. It's for your own safety din naman” napanguso ako sa sinabi ni lolo.

“Huwag mo 'kong ganyanan. Alam kong gusto mong mag aral sa paaralan” sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.

Kunyari rin ito minsan si lolo, baka nga kapag wala na ako araw araw magdala ng babae dito si lolo. 

“Mayroon akong mga dahilan, kaya ipinagbawal kong makapasok ka sa paaralan. Ngunit, hindi ko alam na magiging ganito kasama ang kapalaran sa akin. Hindi magtatagal, malalaman mo na ang sikreto” 

Hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ni lolo dahil na rin sa antok ko.

Nabulabog ako sa pagkakatulog ng may kumatok nang malakas sa pintuan ko. Sisirain ba nila pinto ko. Teka, paano ako nakarating dito? Nvm, baka si lolo ang nagdala sa akin dito.

“Anong trip mo, Ryan?” tanong ko, tinignan ko ito ng matalim. Kitang kita sa mukha niya ang halo halong ekspresyon. May pagkairita at 'yong isa, hindi ko mawari.

“Mga chikababes mo, nasa labas na naman. Magbagong buhay ka na nga” mas nangibabaw ang pagkairita sa mukha niya. Nabulabog din siguro 'to.

“Malas naman” bulong ko at sumunod sa kanya. Nakita ko sila sa loob ng sala na nagsisiksikan ang iba naman ay nakatayo lang.

“Bakit kayo nandito? Gabing-gabi na ah?” tanong ko kay Maria, isa sa ex ko.

“Naiintindihan na namin, Ouen. Kaya ka nakipaghiwalay sa'min, dahil wala kang mapili sa'min. Pasensya na kung nasobrahan ang ganda namin..” 

Wao... 

Grabe... 

“So, bakit nga kayo nandito?” 

“Nandito kami para ibigay ang regalo namin. Napasaya mo kami ng lubusan” pekeng ngiti ang ibinigay niya sa akin. Ibinigay nya ang regalo nya sa akin at aalis na sana ng yakapin ko siya.

“Salamat” ngiti nya, alam kong hindi na peke ang ngiti niya ngayon.

“Sino next?” Ngisi kong tanong sa kanila.

“Ohmy, may free hug din.” 

“Huhu, but ang sad pa rin” 

“We'll gonna miss you” 

Napabuntong hininga nalang ako ng matapos kong tanggapin lahat ng regalo nila. Magbabagong buhay na talaga ako.

“Napakajangas pahingi ah” nauna na siyang magbukas ng regalo at napatawa ng makita ang laman nito.

“Puro brief 'to ah, HAHAHA” 

“Hindi ko naman madadala lahat 'yan” 

“Naayos mo na ba mga gamit mo para mamaya?” tanong ko, habang namimili siya ng kukunin sa mga regalo ko.

“Oo, kanina pa. 'yun oh" turo niya sa isang maleta at tatlong bag.

“Lumayas ka nalang kaya” 

“Hindi naman 'yan masyadong marami” 

“Nahiya dala kong bag sa 'yo” 

“Tara na nga, matulog na tayo..” Papunta na sana kami sa kwarto nang mag ring ang cellphone ko. 

“[Hello?]” 

“Aalis ka nang hindi man lang nagpapaalam sa akin” 

“Aalis na ako”

“G-gusto kita” napatigil ako ng ilang segundo at napabuntong hininga. 

“Yesha, alam mo namang--” 

“Hindi, gusto ko lang malaman mo.” aniya at pinatay ang tawag. Aakyat na sana ako ng may maramdaman ako sa likuran kong may nakatitig sa akin. 

Lumingon ako at nakita ko si Ryan na masamang tingin ang ipinupukol sa akin.

“Alam mo namang crush ko siya.” 

“Hindi ko naman siya gusto, hindi ko rin naman inaagaw” sagot ko, pagharap ko sa lalakaran ko ay nakita kong pababa na ang mga bisita namin habang may bag na suot suot. 

“Lah? Aalis na tayo?” 

“Oo, alas dose na. Kailangan nating makarating sa eskwelahan. May mga exam pa kasi ang mga baby brother ko” 

“baby, pft.” Bulong ko

“Pwede ba magtanong?” 

“You are already asking, stupid” 

“Koshiro! Oo naman, Ouen” akhira

“Pwede ba magdala ng pagkain?” 

“Oo” 

“Pwede ba magdala ng papel?” 

“Bahala nga kayo. Tara na sa kotse, ignorante, tsk” koshiro

“Narinig mo 'yung huli niyang sinabi?” Tanong ko kay Ryan

“Hindi nga e', tara na” pumunta muna ako kay lolo na nakaabang na sa pintuan.

“Lo, aalis na kami. Mamimiss kita” 

“Magkikita pa rin naman tayo” 

“Puntahan mo ko, lolo ah” 

“Oo naman, sige na sige na” 

Pagkasakay ko ay kumaway ako kay lolo na nangingilid na ang luha. Lolo naman eh, 'wag kang iiyak. Nagulat ako ng biglang pinaandar ng mabilis ni Koshiro ang kotse. Bastos na bata, kitang nagmomoment pa kami ni lolo.

“Anong oras tayo makakarating?” Tanong ko kay Koshiro na busy sa pagmaneho.

“3 am” antipid naman nito magsalita.

“Pst pre” bulong sa akin ni Ryan. Ano na naman kayang katarantulahan naiisip nito?

“Oh, bakit?” 

“May pagkain ka ba diyan?” Nagmamakaawa n'yang bulong.

“Oo, teka lang” kinuha ko naman ang chichiryang kanina pa nasa pwet ko.

“Sa pwet mo talaga galing 'to?” 

“Kainin mo nalang, para ka talagang bakla andaldal mo” inis kong sinalpak sa bunganga niya ang chichirya.

“Hello, Kuya Ouen” nakangiting pagtawag sa akin ni? Sino nga 'to. Pinagigitnaan pala ako ni Ryan at nito.

“Hello? Ano ulit pangalan mo?” 

“Kiyoshi po, pwede po bang sumandal sayo inaantok na po kasi ako” nakanguso niyang pagkakasabi. Bakit kapag si Ryan ngumunguso mukhang bibeng naglilihi?

“Sige lang” sinandal niya na ang ulo niya sa balikat ko. Nakakaantok din pala, matulog na rin ako. Zzzzzzz

____

“Hoy, tanga gising kakain tayo” unti-unti kong minulat ang mata ko at sinalubong ang tingin nya.

“Nasaan sila?” Medyo paos kong tanong sa kaniya at nilingon-lingon ang tabi ko.

“Woi” pagtawag ko sa kanya ng hindi pa rin siya sumasagot at nanatiling nakatingin sa akin.

“A-ah, they're already in the restaurant. Tayo nalang hinihintay nila” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status