Share

CHAPTER 57

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-06-26 12:59:53

Kinabukasan, magkasama kaming pumunta sa sinabing restaurant. Nakakaramdam ako ng kaba sa totoo lang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala rin akong ideya kung ano nga ba ang kailangan niya sa akin.

Habang pumasok kami sa loob, kitang-kita ko kung paano kami tignan ng mga tao. Si Darius ang kumarga kay Quila ngayon kaya kung sino man ang makakita sa kanya, iisipin na anak niya ang bata. Ako naman ay naunang maglakad dahil hindi ko kinaya ang mga mata ng lahat.

Nakuha ang atensyon ko sa isang lalaking kumakaway. Gwapo ito, maputi saka chinito. Nakangiti siya habang kumakaway kaya agad akong lumapit doon sa kinaroroonan niya. Siya lang ang mag-isang nakaupo.

“Glad you came, Phoebe,” sabi nito. “I’m Carlo Palmi, your cousin.” Ipinaghila niya ako ng upuan, pero hindi na muna ako umupo dahil hinihintay ko si Darius.

Sinundan naman ng tingin ni Carlo kung sino ang tinitingnan ko.

“Who is he?” naririnig kong tanong nito.

“Asawa ko,” simple kong sagot.

Tumango-tango lang siya. “Y
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 57

    Kinabukasan, magkasama kaming pumunta sa sinabing restaurant. Nakakaramdam ako ng kaba sa totoo lang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala rin akong ideya kung ano nga ba ang kailangan niya sa akin.Habang pumasok kami sa loob, kitang-kita ko kung paano kami tignan ng mga tao. Si Darius ang kumarga kay Quila ngayon kaya kung sino man ang makakita sa kanya, iisipin na anak niya ang bata. Ako naman ay naunang maglakad dahil hindi ko kinaya ang mga mata ng lahat. Nakuha ang atensyon ko sa isang lalaking kumakaway. Gwapo ito, maputi saka chinito. Nakangiti siya habang kumakaway kaya agad akong lumapit doon sa kinaroroonan niya. Siya lang ang mag-isang nakaupo.“Glad you came, Phoebe,” sabi nito. “I’m Carlo Palmi, your cousin.” Ipinaghila niya ako ng upuan, pero hindi na muna ako umupo dahil hinihintay ko si Darius. Sinundan naman ng tingin ni Carlo kung sino ang tinitingnan ko.“Who is he?” naririnig kong tanong nito.“Asawa ko,” simple kong sagot.Tumango-tango lang siya. “Y

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 56

    Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking mukha. Marahan, para akong dinuduyan at wala akong ibang magawa kundi ang pumikit. “Darius,”“So, you knew. Why'd you ask me that all of a sudden? Hmm?” “Kasi…” Urgh! Hindi ako makapagsalita ng maayos nito. Masyado akong nadala sa bawat haplos niya.“Kasi, what?” Mabilis niyang tanong. Patuloy lamang siya sa ginawa niyang paghaplos. “Teka lang… huwag mo muna akong hawakan,”Dumukwang siya at ang kanyang mainit na hininga ay nararamdaman ko sa aking tainga. Mas lalo lang akong kinikilabutan. Ito ang epekto niya sa akin. Alam niya kung paano laruin ang pagnanasa na nararamdaman ko.“Are you afraid of me now, kitten? Are you going to cry in front of me or are you going to accept your fate and surrender yourself to me, or beg me to spare your life? Which is which?”Seryoso ba siya?So, totoo nga? Iyon nga ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan? Hindi ito ang panahon para magpakita ako ng takot. Ano

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 55

    Pagdating ko sa bahay. Kitang-kita ko si Darius na nakaupo sa may sofa, para bang may hinihintay. Sino naman kaya ang hinihintay niya? Ako ba? Ang aga niya atang umuwi ngayon? Wala bang masyadong ginagawa sa opisina? Nang makita niya ako ay nakatitig lamang siya sa akin. Ang mga mata niya ay makikita mong pagod na pagod talaga . Saka ko lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko, nang maalala ko ang sinabi ng lola niya sa akin kanina.Dahil sa daddy ko, kaya siya nawalan ng ina. Gusto niyang ipaghiganti ang mommy niya, at sa akin siya gustong maghiganti. To kill me, huh! Tinapunan ko lang siya ng tingin bago ako umakyat sa kwarto ko. Hindi ako dumiretso roon sa kwarto niya, dahil ayaw ko siyang makasama sa loob ng isang kwarto. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Kung meron man akong nararamdaman ngayon, iyon ay ang pagkabigo. Ginawa pa talagang rason ang utang ng ate ko. Kung totoo nga ‘yun, bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ginawa ang plano niya? Bakit, P

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 54

    “Ang tahimik mo ngayon, may nangyari ba?” Biglang tanong ni Myla isang umaga. Nasa loob kami ng classroom habang nagre-report ang kaklase namin sa harapan. “May iniisip lang,” “Ano? O sino? Husband mo?” Well, natumpak niya.“Napaisip lang ako… kasi bumisita sa bahay ‘yung ex niya. Ang katulong niya ang nagsabi sa akin na ex niya raw ang babaeng ‘yun. Siguro para makipagbalikan sa asawa ko,”“Oh my, nagseselos ka?” Tanong niya. “Bakit naman ako magseselos?” tanong nito. “Hindi ko naman siya gusto.”Lumaki ang mga mata niya sa gulat. “Hala siya! Ang gwapo-gwapo ng asawa mo tapos hindi mo gusto?”Napailing na lang ako.Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan naming magpunta sa plaza. May mga tindang street foods doon kaya bumili kami, tig-isa. “Pooh, may aaminin nga pala ako sa’yo,” sabi niya. “Ano ‘yun?” tanong ko sa kanya. “Boyfriend ko na si Kael.” Sabi niya. “Kaya pala naghahalikan na kayo,”“Hihi. Ipapakilala na niya ako sa parents niya.” Sabi nito. “Congratulations.” Tangin

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 53

    HINDI ko alam kung paano ako nakalabas sa lugar na ‘yun. Nagpapasalamat na lang din ako at sampal lang ang aking natanggap.Iniisip ko ang mga titig na ‘yun ni Darius. Ang akala ko ay nagbago na siya, pero hindi pala. Isang malaking akala. Naglalakad na lang ako sa gilid ng kalsada. Ayaw ko na munang makita ang pagmumukha ni Darius.Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Kay Darius, dahil ‘yan ang sinasakyan namin papunta rito kanina. Hindi na ako nagpatuloy sa paglalakad at bumalik sa dati kong dinaanan. Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko. Siya namang pagkarinig ko sa pagsara ng pinto ng sasakyan. “Phoebe!” Naririnig kong tawag ni Darius ngunit hindi ko siya niligon. Ayaw ko na muna siyang makausap. Ma binilisan ko pa ang paglakad ko hanggang sa tinanggal ko na ang heels na suot ko at tumakbo na. Bahala ka diyan! Pipi akong nagdasal na sana makakita ako ng pwedeng mapagtaguan ngunit wala akong nakita. “Phoebe, stop running!” Naririnig

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 52

    Habang papasok kami sa loob ng venue, hindi ko maiwasan ang kabahan. Nakahawak lamang ako sa braso ni Darius. Lahat ng mga mata ay nakatuon lamang sa aming dalawa, kasabay no’n ay ang mga bulong-bulungan.Pinilit kong huwag sila bigyan ng pansin pero hindi talaga maalis sa isipan ko ang mga imahinasyon na baka hindi ako tanggap ng mga tao rito. Masyado silang marangya, at ang mga kasuotan ay lahat maganda at bongga kung tingnan.“Are you alright?” naririnig kong tanong ni Darius. “Don’t forget about what we talked about earlier. Alright? It’s for your own good.” Pagpapaalala niya.Sabi kasi niya kanina na kailangan kong magpanggap na buntis dahil ‘yun ang sinabi niya sa buo niyang pamilya. Hindi na ako magtataka kung sinabi na ni Darius sa kanila ang tungkol sa akin. Baka nga, noong unang araw ng kasal pa niya sinabi ang tungkol sa akin. Nararamdaman ko ang marahan niyang paghawak sa mga kamay ko. Habang papalapit kami sa mesa, isang grupo ng mga babae at lalaki ang sumalubong sa am

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status