MAAGA akong gumising at dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Quila. payapa siyang natutulog sa kanyang crib. Pinakiusapan ko si Darius na sa kwarto na lang siya matutulog pero hindi niya ako pinagbigyan. Masama ang loob ko sa kanya pero wala akong ibang magawa. Hawak niya ako at ang buhay ko—ang buhay namin ni Quila, kaya wala na akong magagawa pa.Bumalik na ako sa kwarto ko para plantsahin ang mga damit ko sa eskwela at ang isusuot niya sa trabaho. Asawa na niya ako at kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya. “Ano’ng ginawa mo?” Isang dumadagundong na boses ang nagsalita sa akin kaya dahil sa gulat. Lumihis ang plantsa at nadaganan ang kamay ko kaya nabitawan ko naman agad ito.Ang sakit!Pero tiniis ko na lamang at dali-daling kinuha ang plantsa na nahulog sa sahig. “Sorry, sorry!” Hinging paumanhin ko sa kanya habang pinulot ang plantsa.“Tss. Clumsy,” komento niya pero hindi na ako nagsalita. Halos ipikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hubad niyang
AGAD kong naramdaman ang dahan-dahang pagtakbo ng sasakyan. Maya-maya lang ay gumilid ito at huminto. Nasa tapat na pala kami ng unibersidad, hindi ko man lang napansin.“I’ll fetch you later. Same spot.” Striktong sabi nito kaya tumango lang ako. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang tawagin niya ang pangalan ko. “Phoebe!”Agad naman akong lumingon sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa pero agad naman akong umiwas. “Ano?” Mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. “Don’t ever mention to anyone that you're married.” Sabi nito, ang mga tono ay may halong pagbabanta, na kung hindi ko sundin ang gusto niya ay may matatanggap akong parusa. “Pero diba ang sabi mo ay hindi ko kailangan magpanggap, dahil asawa mo ako at totoo ang kasal natin?”Ang akala ko ay hindi na siya sasagot kasi bigla siyang tumahimik, pero maya-maya lang ay bigla naman siyang nagsalita.“There are selected people who need to know about you. Ang mga taong iyon ay ang mga taong
Darius' POV"YOU sure about this girl?" Tanong ni Kael, ang matalik kong kaibigan. Alam niya na nagpakasal ako kay Phoebe Concepcion. "No! Isang taon lang naman.""Be careful! You might get hooked at the end." Natatawa na asar pa nito. Matalik na tingin lamang ang aking ibinigay sa kanya. Umiling ako. Imposible yun! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman labis na kilala. Kung tutuusin, wala siya sa kalingkingan ng mga tipo kong babae.“Nai-handa mo na ba ang mga dokumentong kakailanganin ng bagong eskwelahan niya?” Walang gana kong tanong. Kahit papaano, gusto kong may ipagmalaki siya. Ewan ko ba, nangako naman ako sa sarili ko na hinding-hindi siya makatikim ng pera kahit barya mula sa akin, pero ngayon, papaaralin ko pa siya sa private school. Parang may nagsabi sa akin na kailangan niyang lumipat doon, hindi ko alam kung bakit.“Yup! Nagawan ko na ng paraan ang tungkol diyan. Nalaman ko rin pala na galing siya sa unibersidad na yun dati. Ano’ng nangyari at nag-a
Phoebe’s POVTanging ang mga tunog lamang ng aking suot na tsinelas at sapatos niya ang naririnig namin habang papunta kami sa ‘private suite’ niya.Nakasunod lamang ako sa kanya. At habang tinignan ko siya, ramdam ko ang distansya naming dalawa kahit na hindi naman kami ganun kalayo sa isa’t-isa.Strikto ito pero umaasa pa rin ako na mabuti ang puso niya. Umaasa ako na balang araw ay maging isang magkaibigan kaming dalawa. Ang akala ko nga ay magiging brutal na asawa siya kasi iyon ang mga nangyayari sa mga nobelang aking nabasa… pero hindi. Kinokontrol niya ang mga ginagawa ko… pati ang buhay ko pero pakiramdam ko ay maginoo naman siya. Sa tingin ko ay malaki ang respeto niya sa akin bilang babae kahit na hindi niya ito sabihin.Papasok na kami sa elevator pero ako nakatingin lamang sa kabuuan nito habang nasa loob kami. Si daddy Felix ay may pag-aari rin na kompanya pero kahit kailan ay hindi kami nakapunta roon sa loob dahil mahigpit itong ipinagbabawal ni Lolo at Lola. Hindi k
HINILA niya ako palapit sa kanya at ang mga titig niya sa akin ay matindi. Nanlaki ang mga mata ko, nahihirapan tuloy akong huminga.Nagkakatitigan kaming dalawa…ang mga mata niya, nakikita ko ang matinding pagnanasa.Nanginginig ang mga tuhod ko nang bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at hinaplos ng kanyang hinlalaki ang mga labi ko. Nararamdaman ko na unti-unti akong natutunaw sa mga haplos niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin at sa aking katawan. Dahil ba… siya ang unang lalaki na nakahawak at humalik sa akin?Hindi ako sigurado.“D—Darius,” bulong ko sa kanya sa nanginginig na boses. “A–Ano’ng ginagawa mo?”Sa kaloob-looban ko ay pipi akong nagdasal na sana ay umalis na siya para hindi kami dalhin sa kung saan nitong ginawa niyang paghalik sa akin.Ngunit, wala man lang akong natanggap na sagot mula sa kanya. Mas hinila niya pa ako palapit sa kanya, at nararamdaman ko na lang ang labi nito sa labi ko. Hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon!Nan
NANG magising ako kinabukasan, wala na siya sa aking tabi. Namalayan ko na lang din ang sarili ko na nakasuot na ng coat ni Darius. Siya ba ang nagsuot nito sa akin? Malamang! Alangan naman kung sino. “Ano’ng oras na kaya?” Mahinang tanong ko sa sarili ko. May quiz pa kasi ako mamaya."Alas-nuebe na," matipid na sagot niya na para bang naririnig niya ako, ngunit ang mga tingin ay wala sa akin. At least, hindi bingi.Ang kaharap ko ngayon ay iba... ibang-iba sa Darius na nakilala ko kagabi. Naging malamig na naman ang pakikitungo nito sa akin. Paano ko nasabi? Nararamdaman ko lang... basta ramdam ko lang na naiiba siya sa Darius na nakasama ko kagabi.“Iyong nangyari kagabi…”“It's part of the contract.” Sabi niya, inaabala ang sarili sa pagtingin sa laptop na nasa kanyang harapan. Wala palang halaga sa kanya ang nangyari kagabi. Siya ang unang halik ko… siya ang unang lalaki na umangkin sa akin pero parang wala lang sa kanya. Syempre pinahalagahan ko yun kasi siya ang lalaking naka-
GABI na nang nakapag-desisyon siyang umuwi. Tahimik na rin ang buong building. Ayaw niya talagang malaman ng mga empleyado niya ang tungkol sa pagsasama namin. Sino ba naman ako.Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na kalsada. Ang mga ilaw naman sa may gilid ng kalye ay mabilis na dumaan sa mga bintana. Kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan ang pinaka-dominanteng lalaki sa balat ng lupa.Nag-aalala ako sa quiz ko dahil maaaring magkaroon ako ng mababang grado sa quarter na ito at natatakot ako. Gusto ko pa na mapabilang sa Dean’s Lister pero paano ko pa magagawa ‘yun? May isang quiz na akong hindi ko man lang napuntahan… kahit attendance ko na lang, wala. Tinignan ko si Darius na tahimik lang habang nagmamaneho nitong sasakyan, nakatuon ang mga mata niya sa kalsada, at walang bakas ng pag-aalala o pagkabahala sa kanyang mukha. Hindi ko kayang basahin ang iniisip niya. Napaisip tuloy ako kung bakit kailangan niyang tratuhin ako ng ganito? Hindi naman ako masamang t
KINABUKASAN, wala na si Darius sa tabi ko nang magising ako. Ngunit may napansin akong isang sobre na nakalagay sa maliit ng mesa, agad ko naman itong kinuha.To: PhoebePara sa akin ito.Nagulat na lang ako dahil sa pagbubukas ko, isang blankong papel ang bumungad sa akin. Blangko? Bakit blangko ito?Akala ko ba ay isang revised condition ang ibibigay niya sa akin? Ano ‘to? Nakaalis na kaya siya?Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naroon siya sa mesa naka-upo habang umiinom ng kape. Mayroon na rin na mga pagkain ang nakahanda sa mesa.“M–Morning,” bati ko.Tumango lang siya. Nakasuot na siya ng damit pang-opisina, kaya alam kong aalis na ito pagkatapos niyang kumain. “Have a seat and eat.” Sabi nito. Umupo naman ako at nag-sandok na ng kanin. Nanunuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng ham. Natatakam tuloy ako. “Maaari ba akong magtanong?”“Go ahead,”“Para saan ang blankong papel na naroon sa mesa?” Hindi ko maiwasang itanong.Ang tasa ng kape ay nilapag n
Nakangiti si Myla na sumalubong sa akin. Ang ibang mga estudyante ay sumsayaw pa rin sa gitna. Hinahanap ng mga mata ko si Darius pero nakikita ko siyang kausap ang isa sa mga professor namin. Habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasan ang humanga. Mabuti naman at marunong din pala siyang makisama.Hindi naman pala siya ganun ka-bato. Pero aaminin kong seryoso ang mukha niya at hindi man lang siya tumatawa. Kahit na isang pekeng pagtawa man lang. Ang hirap niya namang pasayahin. Sumasayaw na si Myla sa gitna kasama ang partner niya kanina habang ako naman ay nananatili rito sa mesa. Kumaway pa si Myla at sinenyasan ako na papuntahin doon sa gitna kaya tumayo ako at akmang lalapit na sana nang biglang may tumulak sa akin. Dahilan para madapa ako.Kitang-kita ko ang gulat na reaksyon sa mukha ng kaibigan ko. Unti-unti akong tumayo pero bigla nalang may humila sa buhok ko. Agad kong nararamdaman ang sakit kaya ko sinubukan na pigilan ang mga kamay nitong humila sa buhok ko.“Ano b
BAGO matapos ang event ay pinasayaw muna kaming lahat sa gitna. Maraming lalaki ang lumapit sa akin para makipag-sayaw pero hindi ako pumayag. Pero kahit na tinanggihan ko sila, lumalapit pa rin sila sa akin. Halos ng mga estudyante ay nag-eenjoy at sumasayaw hanggang sa kanilang makakaya. Naiihi na lang ako bigla kaya nakapag-desisyon akong pumunta muna sa comfort room. Pagkatapos umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago naglagay ng alcohol. Lalabas na sana ako pero biglang may humarang sa akin para hindi ako makalabas. Mga grupo ito ng mga kababaihan. Unti-unti nilang tinanggal ang kanilang mga maskara. Nagugulat ako pero hindi ko pinahalata. Hindi na ako magtataka kung ako ang inaabangan nila. Si Glyzza at Glydel ang aking nakikita kasama ang apat na babaeng sa tingin ko ay mga kaibigan nilang dalawa. Ano kaya ang plano nito?Sa wakas ay nagkikita na kaming muli. Hindi ko akalaing sa pagkakataon pa na ito, nasa loob ako ng comfort room. Isang naunuya na ngiti ang kanyang igi
Kumain muna kaming lahat. “Good evening, ladies and gentlemen! I hope you’ve all enjoyed the dinner and the company of your wonderful peers. But now, it’s time for a very special moment.As part of our tradition, we’ll now be calling our Belle of the Night, the one who captivated us all with her elegance. She will be invited to the stage for a very special dance with one of our distinguished sponsors, Mr. Darius Villarosa.Let’s give a round of applause as we welcome our Belle of the Night–Miss Phoebe Concepcion, to the stage for this unforgettable moment." sabi ng host.Hindi ko kaya, nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba at takot.“Go, bes! Chance mo na ito,” ramdam ko ang excitement sa boses ni Myla.Hindi. Ayoko. Andaming tao! Natatakot ako. Pero huli na dahil hinila na ako ni Myla papunta sa harapan. Ang babaeng ito talaga! Wala akong choice kundi ang umakyat sa stage at lumapit ako kay Darius. Kahit na nakamaskara ay ramdam ko pa rin ang lamig dahil sa mga titig na ibinigay
“Oh my god, nakatingin sila sa’yo.” Ramdam ko ang pagkurot ni Myla sa balat ko.Hindi ako komportable sa mga mata na nakatingin sa akin. “Magandang gabi sa inyong lahat, and welcome to our most enchanting night of the year. Tonight is not just any ordinary evening. It’s a celebration of elegance and unforgettable memories. To our dear guests, thank you for coming tonight. And to our generous sponsors, this night wouldn’t be possible without you. Thank you very much. Students, this is your moment to shine, to dance, and to enjoy the night with friends, classmates, and new faces. Welcome, and may this Masquerade Ball be a night to remember.” Anunsyo ng host.Nagpalakpakan naman ang lahat.Naglalakad kami patungo sa table namin habang nagpapatuloy sa pagsasalita ang host. Kinakabahan ako ng sobra. Biglang may lumapit sa table namin, isang lalaki at kinausap ako. Ang akala ko ay makikipagsayaw pero hindi pala. Sa halip ay kinuha nito ang kanyang cellphone para hingin ang cellphone number
ANG akala ko ay mag-shopping kami ng damit na susuotin niya pero hindi pala. Lahat ng mga binili niya ay para sa akin. Sandals, jewelries, bags at marami pang ibang dresses. “Oh heto pa, sa’yo lahat ng ito.” Sabi niya.“Hindi mo na ako kailangan na bilhan pa nito,” reklamo ko sa kanya.Umiling siya. “No, No! Gusto ko lang makasigurado na present ka sa araw na ‘yun. Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa’yo sa araw na ‘yon.” “Bakit kailangan mo pa akong bilhan ng damit?”Pilay siyang ngumiti. “Dahil ang mga sponsor ng unibersidad at ang ibang importanteng bisita ay dadalo sa ball na ‘yon tulad noong mga nakaraang taon. Baka matipuhan ka ng isa sa kanila, di’ba?”Napailing na lang ako dahil sa lawak ng imahinasyon niya. Ano naman ngayon kung bibisita sila? Paanong magkakagusto sa akin ang isa sa kanila? Ang dami kasing binili nitong si Myla. Higit kasi sa sampo ang mga pinamili niya. Lahat ng ito ay para sa akin. Ngayon, kung uuwi ako ng bahay at makikita ako ni Darius dala ang
“Sa totoo lang, hindi mo dapat siya iniiwasan,” naririnig kong sabi ni Myla. Halata sa boses niya na naiinis siya.“Hindi ko naman siya iniiwasan, ikaw itong nagtulak sa akin na sa kabila na lang tayo dadaan.” Sabi ko. Bigla siyang napakamot sa ulo niya.“Basta next time, huwag kang huminto. Tila naestatwa ka kasi kanina, kaya ang akala ko ay hindi ka pa handa na makita siya.”Handa nga ba akong haraping muli sina Glyzza at Glydel?Siguro ay hindi ko pa siya kayang harapin. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magtagpo ang landas namin. “The uniform she’s wearing… it was mine.”“I know! Dahil pinalitan na niya kayo ng ate mo. Her twin sister was also wearing your ate Ophelia’s dresses.”Kuyom ang aking kamay dahil sa galit na naramdaman ko. Hindi matanggap ang salitang aking narinig. “Alam ko. Dati pa, inaagaw na nila ang mga bagay na para sa amin. Iyan din ang isa sa mga rason kung bakit kami pinalayas ng bahay,”Kung sana… naging mabuti lang din ang ama ko at ang mga
Maya’s POVMAAGA akong gumising kinabukasan. Gusto kong ipaghanda ng agahan si Darius. Hindi ko naman ito karaniwang ginagawa pero… kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya.Ilang linggo na rin akong nagpapaturo kay Manang Lita tungkol sa mga paboritong pagkain ni Darius. Nahihiya lang akong magluto para sa kanya at baka hindi pa ako masyadong magaling. Baka hindi niya magustohan ang luto ko.Pinuntahan ko na muna si Quila at kinarga saka pinupuno ng halik ang buong mukha. Maya-maya lang ay ibinalik ko na siya sa kanyang crib pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina.“Maaga ka ngayon, anak,”“Ipagluto ko po sana si Darius… para makakain po siya ng maayos, manang.”Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin pero binalewala ko na lang. Sinamahan ako ni Manang Lita sa pagluluto ngunit ako lang ang gumagawa ng lahat. Gusto kong subukan na ako lang. Ang niluluto ko ay ginataang kalabasa. Hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang lasa nito dahil hindi naman tala
Darius’s POVSHE’S peacefully sleeping in my bed. Hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang makinis na mukha. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti dahil sa nangyari sa amin sa private suite ko. At nasundan pa ang pangyayaring iyon. Ako ang unang halik niya. Ako ang unang lalaking kumuha sa kanyang pagkabirhen. Tungkol naman sa pag-angkin ko sa kanya, hindi ko inaakalang inaalagaan pa niya ang kanyang puri gayong nagmula siya sa isang galanteng angkan. Ang akala ko ay hindi ako ang una.Iyon talaga ang inaasahan ko noong unang gabing pagkatapos naming ikasal. Ang akala ko ay isa siyang liberated na babae tulad na lang ng ibang nakilala ko. But I was her first… in everything.Yun ang dahilan kung bakit ako nagalit noong makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Gusto ko siyang saktan gamit ang mga masasakit na salita mula sa aking bibig. Iyon ang parusa ko sa kanya dahil hinawakan siya ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit kahit na narinig ko naman ang pinag-u
PAGKAUWI ko ay agad kong naramdaman ang bigat dahil sa katahimikan sa loob ng bahay. Walang akong narinig na kahit anong tunog—maliban na lang sa mahinang tunog ng orasan sa may dingding.Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bumungad sa akin.Si Darius.Nakaupo habang nakasandal siya sa may sofa, hawak ang isang baso ng whiskey. Hindi siya agad tumingin sa akin, pero alam kong alam niyang naroon na ako. Tahimik lang siyang tumungga, saka dahan-dahang inilapag ang baso sa mesa.Kinapa ko ang aking dibdib. Mabilis ang pagtibok nito, halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis.“Anong oras na?” malamig niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot. Hinubad ko na muna ang suot kong sapatos saka ako dumiretso sa sofa at umupo. Galit siya!Nararamdaman kong galit siya. Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong magpaliwanag, pero natatakot ako at baka mas lalo pa siyang magalit. Alam kong kahit anong sabihin ko, may mali pa rin ako.Hindi man lang ako nagpaalam sa kanya kung saan ako pupunta. Pero ku