Share

CHAPTER 7

Penulis: Kaye Elle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-27 21:12:16

PAGDATING namin sa bahay niya—hindi, bahay namin—pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang lugar kung saan hindi ako nababagay.

Masyadong malaki, masyadong tahimik. Para bang isang rehas na ginintuan—maganda sa panlabas, pero isang bilangguan sa loob. Bigla kong naaalala ang mansion ng lola ko.

Mas malaki ang bahay na ito kumpara roon. Oo nga at doon kami nakatira pero hindi namin kailanman naranasan ang mamuhay ng marangya. Lahat ng bagay na hinahawakan, ginagamit at pagkain na kinakain namin ay limitado.

Bantay-sarado ang bawat galaw namin sa bahay na iyon. Ganoon din kaya rito?

May lumapit sa amin na isang matandang katulong, tantiya ko ay nasa edad sixty na ito. Akmang kukunin niya ang mga bag na dala ko pero pinigilan siya ni Darius.

"Dalhin mo ang sanggol sa kwarto niya." Sabi nito na para bang pinaghandaan niya talaga ang pagdating namin ngayong araw na ito. Kinuha niya si Quila mula sa akin, nagdadalawang-isip pa akong ibigay ang kapatid ko. Kung hindi lang nagsalita si Darius...

"Ibigay mo sa kanya ang bata para madala na niya ito sa kwarto nito."

Hindi ko maiwasan ang mamangha. Si Quila ay may sariling kwarto? Sino pa kaya ang ibang mga kasama niya sa bahay na ito? Ang mga magulang niya, nandito ba?

Tahimik akong sumunod kay Darius habang tinuturo niya ang iba’t ibang parte ng bahay.

“Dito ang kwarto mo.” Tinuro niya ang isang pintuan sa dulo ng hallway sa second floor.

Nanatili akong nakatayo, hinihintay siyang sabihin kung nasaan ang kwarto niya.

Pero hindi niya na sinabi.

Hindi ko alam kung dapat ba akong huminga ng maluwag o mas mataranta sa ideya na matulog kami sa isang kwarto.

'Sana ay hindi!' Pipi kong dasal. 

Palihim kong tinitigan ang likod nito. Hindi ko maitatanggi na maganda ang katawan niya. Isa siyang magandang lalaki na pinagpala ng lahat. Binawi ko agad ang aking mga tingin nang bigla itong lumingon. Labis ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Muntik na! Muntik na niya akong mahuli!

“Ano pang hinihintay mo?” Malamig niyang tanong. “Pumasok ka na.”

Dahan-dahan akong tumango. Wala na akong nagawa kundi sundin siya.

Pagpasok ko sa kwarto, agad kong sinara ang pinto at napasandal sa likod nito.

Napahawak ako sa aking dibdib. Diyos ko… anong ginawa ko?

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa puntong ito.

Ngayon? Isa na akong asawa ng lalaking hindi ko gusto, hindi ko kilala, at hindi ko alam kung paano pakisamahan.

Napayuko ako. Ano na ang mangyayari sa akin?

Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luha. Hindi ko pwedeng ipakita kay Darius na mahina ako.

Pero sa loob-loob ko…

Pakiramdam ko’y unti-unti akong kinakain ng kasunduang ito.

Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto—isang malaking kwarto na sigurado akong hindi ko kailanman magiging komportable.

Akala ko, umalis na siya. Pero hindi.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumukas ang pinto.

Siya, ang pumasok.

Nakasuot pa rin ng itim niyang coat, bahagyang nakabukas ang ilang butones ng kanyang damit. Ang presensya niya ay parang isang bagyong unti-unting lumalapit.

Hindi ako makagalaw.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, hanggang sa maramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Wala siyang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

At iyon ang mas nakakatakot.

Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking mga labi.

Hindi ako huminga.

Diyos ko!

Alam kong may kasunduan kami, pero hindi ko alam kung handa akong harapin ito. Hindi ko alam kung kaya ko—

Hanggang sa dumampi ang labi niya sa akin.

Mainit. Mabigat. Puno ng kontrol.

Nag-init ang buong katawan ko sa paraan ng paghawak niya sa akin—hindi marahas, pero hindi rin banayad. Para bang hindi niya ako binibigyan ng pagpipilian.

Hinawakan niya ang pisngi ko, marahang idiniin ang halik niya, unti-unting sinusubukan kung ano ang gagawin ko.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko kaya.

Ngunit bago ko pa maintindihan ang lahat, bigla siyang bumitaw.

Para akong nahulog sa isang mataas na gusali.

Tinitigan niya ako ng matagal. May isang bagay sa tingin niya—isang emosyon na hindi ko mabasa.

At pagkatapos, tumalikod siya at lumabas ng kwarto.

Iniwan akong mag-isa, nalilito, naguguluhan, at ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ano iyon?

Ano ang laro niya?

At mas mahalaga…

Bakit parang ako ang talo?

Naiwan akong nakatulala sa malamig na kwarto.

Ramdam ko pa rin sa labi ko ang bigat ng halik niya—isang halik na hindi ko alam kung paano uunawain.

Bakit niya ginawa iyon? 

Bakit siya umalis pagkatapos?

Hawak ang kumot, dahan-dahan akong humiga sa kama. Pero kahit anong pikit ko, kahit anong pilit kong iwaksi ang pakiramdam, hindi ko magawa.

Kahit kailan, hindi ko inisip na darating ako sa puntong ito—na magiging asawa ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.

Isang lalaking hindi ko maintindihan.

Mainit, pero malamig. Malapit, pero parang hindi ko mahawakan.

At ang mas nakakalito—bakit ko iniisip ang tungkol sa kanya?

Huli na para maalala ko na ninakaw niya-ninakaw niya ang unang halik ko!

Kinabukasan ay nagising ako sa katok ng pinto.

“Ma’am Phoebe, handa na po ang almusal.”

Napadilat ako, saglit na nalito kung nasaan ako. Ngunit nang makita ko ang maluwang na kwarto, ang mamahaling kurtina, at ang hindi pamilyar na paligid, bumalik ang reyalidad.

Wala na ako nasa bahay namin.

Nandito na ako… bilang asawa ni Darius Villarosa.

Malalim akong huminga bago bumangon. Sa kabila ng bigat ng pakiramdam ko, kailangan kong panindigan ang desisyong ito.

Pagbaba ko, bumungad sa akin ang isang malaking dining table na puno ng pagkain—mga pagkain na hindi ko man lang kilala. Parang galing sa isang mamahaling restaurant, at hindi ko maiwasang makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Hindi ako sanay sa ganito.

Sa dulo ng mesa, naroon si Darius—nakasuot na ng puting long sleeves, nakasalansan ang manggas hanggang siko, at abala sa pagbabasa ng pahayagan.

Hindi ko maiwasan ang nangyari kagabi. Gusto ko siyang sumbatan pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. 

Hindi niya ako pinansin. At hindi ko rin alam kung paano siya kakausapin.

Siguro, balewala lang sa kanya ang nangyari kagabi. Normal lang siguro iyon para sa kanya. Ilan na kaya ang mga babaeng naikama niya? 

Diyos ko! Bakit ito ang laman ng isip ko ngayon?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 75

    Papasok na kami ng gate nang may madatnan kaming sasakyan sa labas ng bahay. Kilalang-kilala ko ang sasakyang ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, kay daddy ang sasakyan na ‘yan. Pero nakulong na si daddy, nasa police station na siya. Hindi kaya ay sina lolo at lola ang nariyan?Sino ang nagmamaneho niyan ngayon? “T–Teka lang, bababa lang ako. Hintayin mo ako rito Darius.” Sabi ko sa kanya. Dali-dali akong bumaba at dumiretso agad sa sasakyan. Bumukas ito at bumungad nga sa akin ang mukha ng dalawang matanda. “Bakit kayo nandito?” Hindi ko maiwasang tanong. Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto nila akong kainin ng buhay.“Walang hiya kang bruhita ka! Ano’ng ginawa mo sa daddy mo?! Bakit mo siya pinakulong? Kahit kailan wala ka talagang respeto! Katulad ka ng ina at kapatid mo. Mga wala kayong pinag-aralan.” Sigaw ni lola. Pait akong napangiti. Hanggang dito ba baman? At least man lang, bigyan nila ng katahimikan ang ate at mommy ko. “Hindi ko siy

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 74

    Mahal niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na mahal ako ni Darius. Sigurado akong hindi ako nanaginip dahil narito siya sa harap ko ngayon. Totoong-totoo siya. “Let’s end the contract here, kitten. And spend the rest of your life with me.” Sabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Tama ba ito? Hindi niya ba ako jino-joke?Pero siya si Darius, hindi siya mahilig sa jokes kaya may pakiramdam din ako na nagsasabi rin siya ng totoo. Hindi siya nagpapatawa. Hindi siya nagbibiro. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Tanong ko. Gusto kong siyang paniwalaan pero ang hirap maniwala. “Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinabi ko? Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin? I chase you and I’m here. Isn’t it enough?” tanong niya. Pwede pala na magmahalan ang dalawang nagsisimula sa isang magulong kabanata gaya namin. Noong una, ang akala ko ay asawa lang ang gagampanan ko sa buhay niya at ibigay ang physical na pangangailangan

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 73

    Phoebe’s POVKarga ko si Quila ngayon. Alas otso na nang makaalis ang barko. Nakahinga ako ng maluwag, pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Hindi ko rin alam kung bakit. Kasalukuyang natutulog si Quila sa mga bisig ko. Matapos na akong kumain habang si Quila naman ay pinadede ko na rin ng gatas. Ayaw kasing kumain ng kanin. Sinubukan kong subuan pero ayaw niya. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto kong matulog muna pero hindi pwede dahil walang magbabantay kay Quila.Kumusta na kaya si Darius ngayon?Siguro hinahanap na niya kami ngayon sa bahay. Hay, bakit ko ba siya iniisip ngayon?Mabuti na lang at hindi siya nagising kanina pag-alis ko ng kama. Mabuti na rin at walang nakapansin pag-alis namin ni Myla kanina. Mabuti at hindi rin nagdududa si Kael sa kanya, o baka sinabihan niya sa plano ko. Basta, siya lang ang naghatid sa akin kanina.Hindi na ako babalik sa lugar na ‘yun. Which means, hindi na rin ako mag-aaral doon. Siguro maghahanap na lang ako ng trabah

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 72

    Darius' POV“MAN, you have to calm down!” Sabi sa akin ni Kael. “Baka may binili lang sila.” Sabi ni Kael. I’ve been telling that to myself too. I’ve been comforting myself with those words. Na baka may binili lang sila. Na baka may pinuntahan lang. Pero ang totoo, iba na rin ang iniisip ko. For the few months that I lived with Phoebe, I learned a lot about her. She’s not the kind of person who walks out at a time like this. I shook my head. “No! They’re leaving me! Bakit ang aga nilang umalis at hindi man lang ako pinagsabihan? Hindi man lang nila ako ginising. Kung kailangan nilang lumabas, pwede ko naman silang samahan lalo na at sa ganitong oras. But no, they just went out without me. What do you think that means?” I asked. Minsan ay hindi ‘yun nagpapaalam sa akin, pero ‘yun ay kung bibisitahin lang niya si Myla. Wala rin akong ibang maisip na lugar na pwede niyang mapuntahan sa mga oras na ito. And now, she’s not only gone. She also brought Quila with her. Ano ba ang dapat

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 71

    Darius’ POV“If you can’t accept what you felt yet then just go on a vacation so you’ll find out what you really feel towards your contract wife.” Sabi ni kael.Nag-usap kami tungkol sa nararamdaman ko para sa asawa ko. Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman ko ang mga pagbabago. Actually, hindi bago sa akin ang mga pagbabagong ito. It happened once she entered my dark and messy life. “I’ll just go with this feeling. Whatever it wants, I’ll go with it.” Sabi ko sa kanya. “And then what? What if you realize your feelings for her, too late?” tanong nito. Honestly, I already know what this feeling is. I can’t just accept it. Not now that everything around us is still messy. Her father just surrendered and I need to clean that one up. I need to talk to my family about that matter so that I can focus on my life with her.I can’t even believe myself right now!I can’t let her go. I wanted to keep her under my care. I closed my eyes and massage my head. “It’s totally giving me a heada

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 70

    “POOH! It’s not a good idea. Akala mo ba, hindi ka hahanapin ng asawa mo?” tanong nito.Bakit naman ako hahanapin ni Darius?‘Syempre, dahil asawa ka niya!’ sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko. Sa bagay, tama naman. Hahanapin niya ako lalo na at hindi pa tapos ang kontrata naming dalawa. Dahil may obligasyon pa ako sa kanya. Pero kung hahayaan kong manatili ako ng matgal rito, masasaktan at masasaktan lang ako. Sana hindi ko na lang inamin sa sarili ko na gusto ko siya.Sana hindi ko na lang tinanggap na mahal ko na pala siya.Kung pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag mahulog, baka hindi ako aabot sa ganitong klase ng desisyon.“Hindi naman ako magpapakita. Basta ay tulungan mo akong makapagtago mula sa kanya.” Buong loob na sabi ko sa kanya. “He’s powerful and has a lot of sources all over the world. Akala mo ba, ganoon lang kadali ang pag-taguan siya? He will search for you in every place… including the tiniest hole where only a rat can hide.” Sabi nito.“Lilipat ako ng lu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status