Good nigh!
“SA susunod, pagsabihan mo ‘yang half-sister mo, Atlas! Ang hilig niya makialam sa buhay nang may buhay! As if siya ang head ng pamilya na ito para sabihin iyon kay John! Huh!” Hindi na maiwasang ibulalas ni Keana ang galit sa asawa nang tawagan nito ito sa opisina nito. Simula’t sapul, may tensyon na talaga sa pagitan ni Kean at Ramona. Ayaw nito sa kanya dahil hindi raw niya ka-level ang kapatid nito. Samantalang lumaki din ito sa hirap. Sa pagkakaalam niya, later na kinilala ni Atlas ito bago mamatay ang ama nito. Iyon ang kaisa-isang hiling nito kay Atlas bago ito pumanaw. Alam niyang disrespectful sa ama ni Atlas kung i-offend niya ito, pero hindi siya makakapayag na ang kaligayahan ng anak ay matigil.“Love, calm down. Okay?” natatawa si Atlas sa asawa pero hindi natawa si Keana. Kumukulo pa rin talaga ang dugo niya sa bunsong kapatid nito.“Paano ako kakalma kung ginawa niya rin kay John ang ginawa niya sa akin noon! My God! Kaya ayoko talagang nagpupunta ang anak natin sa bah
IMBES na makapokus sa trabaho si Kana, hindi niya magawa. Ukupado ni John ang isip niya. Ilang linggo nang kakaiba ang kinikilos ni John sa kanya. Sa tuwing tinatanong niya kung ano ba ang problema, tatawagin siya nitong hon tapos magiging malambing at sasabihin na wala naman daw. Sumasakit ang ulo niya kakaisip nang dahilan. Tinanong na niya si Simone at ang Mommy niya pero wala namang sinabi ang mga ito. Maging ang mga kasamahan ni John na sumusunod sa kanila lagi ay wala ring idea. Kaya malapit nang sumabog ang isipan niya kakaisip ng dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip nito. Umattend nga siya ng conference, ang ending, panay ang tanong niya kay Maricel ng mga napag-usapan. Mabuti na lang at may minutes ito ng kanilang meeting at doon nito binabase ang mga sagot sa mga naging tanong niya. May time na napapasimangot siya dahil hindi siya sang-ayon sa napag-usapan, and yet, pinaglapas niya. “Sh*t!” aniya na lang. Napatigil na lang si Maricel sa pagsasalita dahil sa sinabi
KITA ni John ang pagtayo ni Kana sa terrace matapos niyang sabihin na wala. Napangiti siya pero hindi man lang umabot sa mata niya. Alam niyang dinig nito ang sinabi niya.‘Tingnan natin kung kung sino ang mapapaso sa laro mo,’ aniya sa loob-loob.Napangisi siya habang nakatingin sa gawi ng dalaga. Nakapamewang na ito at nakatingin na sa gawi nila. Hindi naman kita ang mga mukha nila dahil walang ilaw doon pero alam niyang nainis niya ito. Sinadya niyang doon sila magkuwentuhan para marinig ni Kana. Malakas ang pakiramdam niya na hindi ito makakatulog. Ilang beses na niyang nakikita si Kana na hindi natutulog nang maaga kahit noong nasa condo sila nito. Nahuhuli pa nga niyang sumisilip ito sa silid niya. Minsan kasi galing siya sa labas para makipagkuwentuhan sa mga kasamahan.Naiinis siya kay Kana. Gusto siya nito pero nakikipaglaro lang ito sa kanya. Maybe sex lang ang habol nito sa kanya? Pero hindi, e. Nagseselos ito kay Simone. Kaya imposibleng sex lang talaga ang habol nito sa k
HINDI makatulog si John dahil sa pag-uusap nila na iyon ni Kana. Dinig niya ang pagsigaw pa ni Kana kanina paglabas niya. Parang gusto niya ngang bawiin pero hindi na pwede. Nasabi na niya. Siguro naman may ideya na ito kung bakit bigla siyang nagbago. Tama lang siguro para tumigil na ito sa pakikipaglaro sa kanya. Mas mabuting naiinis ito sa kanya, at kung sakaling magdesisyon ito na ipatanggal siya, tatanggapin niya.Nakausap na niya ang kaibigang si Astin, pwede raw siyang ipasok nito sa kumpanya nito bilang driver o ‘di kaya security guard. Gusto nga nito personal bodyguard ng asawa nito, pero committed pa siya kay chief Palma. Kung gusto nga raw niya, pwede siyang mag-apply din sa mga madrid kung hindi na raw siya makakabalik ng serbisyo. Madali na sa kanya ang training na sinasabi nito. At kung seryoso nga raw siya, ilalakad siya nito sa Daddy Sebastian nito. Tumayo si John at tiningnan ang oras. Ngayon ang schedule ng balik ni Rogando sa bar ni Kana. Sa huling pag-uusap nito a
NAGISING si John na wala na sa tabi niya si Kana. Napamura siya nang makita ang posas sa side table. Paano naman nito natanggal ang posas? Ang susi ay nasa loob ng wallet niya. Napailing na lang si John. Pero hindi niya maiwasang mainis sa sarili. Hindi na naman niya namalayan na kinain siya nang selos kagabi hanggang kanina. Sana hindi siya i-take advantage ni Kana. Mukhang hindi naman yata dahil sa galit nito nang patulan niya ang kaibigan nito.Tumingin siya sa labas, madilim na. Sa pag-aalalang baka maabutan siya ng mag-asawa na nasa loob ng silid ni Kana, iginiya niya ang sarili na palabas, pero natigilan siya nang makita ang ama ni Kana. Saktong kakalabas lang din nito ng master’s bedroom, inaayos nito ang pagkakabutones ng uniporme nito.“Oh, mabuti at lumabas ka na, John. Nakita mo na ba ang pinapahanap ni Kana?”“S-sir,” nauutal na sabi ni John. Hindi malaman ni John kung paano sumagot dito. Ano kaya ang sinasabi nito na pinapakuha nito sa kanya? Hindi kaya kararating lang n
BAGO kumatok ulit si John sa opisina ni Kana, tumingin muna siya sa orasan. Matagal pala siya bago bumalik. Kaya naman pala nawala na sa mood si Kana Ayaw na siya nitong pagbuksan. Maraming beses na siyang kumatok pero hindi man lang ito tumayo. Kahit nga salita ay wala siyang narinig dito.Bumaba siya at hinanap ang manager.“Wala ka bang susi ng opisina ni Kana?”“Naku! Si Ma’am lang po ang may hawak ng susi niya. Bakit ba?”“Sa tingin ko, mag-isa siyang umiinom. Ang dami no’n, a,” aniya rito. Kaya nga siya nito niyaya kanina dahil sa dami. Kaso ngayon, nagbago na ng isip ito. At nag-aalala siya para sa dalaga.“Ayon lang.” Napaisip ito mayamaya. “Sandali at tawagan ko sa number niya.”Sumang-ayon siya rito at hinintay kung sasagot ang dalaga. Pero wala ring response dito. Kaya naman bumalik siya at muling kumatok.“Kana, buksan mo ‘to!” Pinakinggan niya kung merong yabag na papalapit, ngunit wala pa rin. Hinintay niyang umabot pa ng dalawang minuto bago ulit kumatok. “Kapag hindi m
“SERIOUSLY? Meron agad?” Tiningnan pa niya nang masama si Ian at Callen na parehas natatawa. Ano ba ang nakakatawa sa kanya?“What? Wala ka bang bilib sa akin?” ani ni Ian kay Kana. Tinapik pa nito ang folder na nasa harapan nito.“Wala. Sa tawa mo pa lang, hindi na kapani-paniwala. Saka, bakit ang bilis? Hindi kaya irrelevant ang nakalagay dyan?”“Fine. Natatawa kami dahil nasa tabi mo naman si John, hindi mo pa tinanong.”Tinaasan niya ito ng kilay. “Eh, sa gusto kong sa inyo malaman, e. C’mon, bigyan mo nga ako ng magaling mong tauhan at—”“Okay. Hindi lang ikaw ang nag-request niyan,” putol nito sa sasabihin pa niya. “Si Astin din kaya ganoon kabilis. Alam mo naman na parang kapatid na ni Astin ang bodyguard mo. Okay na ba, Miss Palma?”“I-I see,” aniya. “Pero accurate ba ‘to?”“Pinagduduhan mo ba ang kakayahan namin?”“O-of course not. I-it’s just… hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan ko agad. P-pero dahil sabi mo nga ni-request din ni Astin, naniniwala na ako. Alright?” N
PAGDATING sa loob ng unit ni Danilo, hindi naman magawang magsalita ni Kana dahil sa nadatnan malapit sa elevator. Wala siyang ginawa doon kung hindi ang maupo at ipikit ang mata. Masuyo namang nag-aabang si Danilo sa kanya.“May problema ba?” untag ni Danilo kay Kana.Nagmulat ng mata si Kana at diretsong tumingin kay Danilo. Parang hindi pa niya kayang harapin pala ito. Nawala na siya sa mood. Literal na nasira ang mood niya.Ngumiti si Kana kay Danilo. “Oh, dumaan lang ako para pag-usapan ang tungkol sa project natin sa Cebu.” At ‘yon nga ang nangyari. At least, nabago kahit papaano ang mood niya. Nakalimutan niya ang nakita sa labas. Mahigit tatlong oras na nag-stay si Kana sa unit ni Danilo. Sa sala lang siya tumambay. Ayaw pa niyang lumabas dahil baka makita niya ang dalawa doon. Siguro, sa ibang elevator siya mamaya dadaan, kung pwede maglakad siya, maglalakad gamit ang hagdan.Pero hindi akalain ni Kana na nasa labas ng unit ni Danilo si John. Masuyong nagbabantay at naghihin