“S-SAAN mo ako dadalhin, John?” Kinakabahang tanong ni Kana kay John. Sinagot lang naman niya ang tanong nito kung totoo bang kasal siya kay Grant. Oo ang sagot niya. Wala namang masama. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Saka mas mabuti na nga ito, ang malaman nitong kasal na siya. Para hindi na ito maghabol. Tatawagan na lang niya ulit ang ama na uuwi din siya, basta pauwiin nito si John kaagad. Hindi kayang itago ni Kana ang sakit kay John sa totoo lang. Ngayon pa bang palala na nang palala ang sakit niya. Kusa nang lumalabas ang sintomas. Minsan, sa mga hindi inaasahang pagkakataon ayon sa doctor. Ibig sabihin, hindi niya hawak. Kaya mas safe na nasa ospital siya. Kesa madagdagan pa ang stress niya.“Sakay,” ani ni John, matapos na pumara ng taxi. Tinakasan nilang dalawa si Grant at Simone. Pero nakita rin sila nito nang papalabas na sila ng restaurant.“John, ano ba! Balikan mo si Simone.” Humabol pa talaga ito sa kanila habang sapo ang tiyan. Kahit naman naiinis siya sa pinsan, a
WALANG ginawa si Kana nang araw na iyon kung hindi ang mahiga nang mahiga. Ramdam niya rin ang pagod. Lately talaga, konting activities lang hinihingal na siya. Saka umiiwas siya kay John dahil sa panaka-nakang pag-bleed niya sa ilong. Hindi naman ganoon kadami kaya hindi siya naalarma. Kaya nahiga siya para ipahinga ang sarili. Hinihintay niya rin si Maricel dahil kailangan niyang bumalik ng ospital ngayon.Ang dami niyang pwedeng itatanong sa doctor tungkol sa sakit ng anak niya. Gusto niyang marinig ang opinyon nito. Kilala na niya si Kenjie kaya hindi siya nagmamadali ngayon. Ang paghahanap ng lunas sa sakit nito ang priority ng isipan niya. Pero sa tingin niya, nakuha ng anak ang sakit nito sa kanya. Matagal na siguro ang sakit niya. At ang mga nararamdaman niya dati ay konektado sa kanyang sakit ngayon. Tapos nabuntis siya at nakuha ng anak niya? Hindi kaya? Pero hindi siya expose sa chemo noon. Saka bihira siya sa factory nila kung saan may chemical na tinatawag na benzene. Is
MATINDING pagod para kay Kana at John nitong nagdaan kaya nagpasyang magpahinga silang dalawa. Sa wakas ay may nag-match na rin para sa anak niya. Kahit ang mag-asawang Atlas at Keana ay ganoon din. Isang linggo din ang hiningi ni Atlas na leave, na agad namang inaprubahan.Kasama si Kenjie nang magpasyang mag bakasyon ang pamilya nila Kana sa Caramoan. At para makasama na rin ang pamilya ni John na siyang tumulong din sa paghahanap ng donor. Kaya ilan cabin at suite din ang inupahan ng mga Palma para sa isang linggong bakasyon na iyon.Dalawang doctor at tatlong nurse din ang kasama nila para sa anak. May naka-antabay din na chopper sakaling magkaroon ng problema. Maliban dyan, may isang chopper din mula sa Hotel De Astin— mismong si Astin ang nag-talaga no’n para umantabay din.Halata ang saya sa mukha ni Kenjie nang dalhin ni Kana at John sa dalampasigan. Mukhang gustong magtampisaw nito sa dagat kaya gumamit sila ng speedboat para makapag-tampisaw ito bandang ilalim. Para hindi ni
“May oras ka pa para umatras, Kana.” Sabay padulas nito ng daliri sa hita niya. Malapit iyon sa pagitan ng hita niya kaya bahagyang napaawang ang labi niya.“Ngayon pang naramdaman ko ang mga haplos mo, Serrano, aatras ako?” Umiling siya sa binata. “Hindi. Kaya ituloy mo na, please? Gusto kong maramdaman kung paano ang angkinin ng isang kagaya mo, Serrano.”***Chapter 1“MS. RAMIREZ, you have only three months left to live.” Parang guguho ang mundo ni Kana nang marinig ang sinabi ng doctor sa kanya.Oh God, simpleng hilo at kirot lang, ‘yon na kaagad ang hatol sa kanya? Aba’y talagang gugunaw talaga ang mundo ng kung sino man ang bigyan nang ganitong hatol. Dapat rin ba niyang sisihin ang ina niya? Naikuwento kasi ng Mommy niya na minsan na siyang nahulog sa kama. Teka nga, baka nakadagdag iyon sa sakit niya?Parang gusto niyang sumigaw ng mga sandaling iyon.Wala sa sariling napatayo siya at iniwan ang doktor. Tinawag pa siya nito pero lumusot lang sa tainga niya. Ayaw na niyang mar
SAMANTALA, napakamot na lang ang sundalong si John Serrano sa noo nang marinig ang sinabi ng kasamahan na pupunta sila sa bar. May misyon sila rito at hindi ang pag-bar hopping ang dapat sa kanila. Magtrabaho. Pero masyadong makulit ang mga kasamahan niya.“Ano ka ba, Sarhento, pinagtatabuyan na nga tayo ni Heneral na mag-enjoy ngayong gabi dahil ganoon din siya,” papalatak ni Rogando."Sigurado ka bang hindi tatayo hahanapin ni General?" Nilingon pa niya ang kanyang kasamahan na nagbabantay ng seguridad din ni General. Nandito sila ngayon sa Malaysia. Hindi niya alam ang pakay ng Heneral dito, pero sa tingin niya, may kinalaman sa ilang isyu na nangyayari sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao."May private meeting siya, at hindi tayo kasama, kaya ang sabi niya, enjoy na lang natin ang gabi," nakangiting sagot ni Corporal Rogando. “Eh ‘di, e-enjoy natin!”Tama, may private meeting ito ngayon sa tinutuluyang bahay dito sa Malaysia. Hindi niya rin alam kung bakit hindi sila kasama sa
“KUMUSTA ang bakasyon, anak?” nakangiting tanong kay Kana ng inang si Keana.Naitago tuloy ni Kana ang ngiti sa labi niya. Inaalala pa niya ang gabi na iyon ng mga sandaling iyon. Nasa sun lounger siya noon at kakatapos lang niyang mag-swimming. Gusto niyang matulog mamaya, at makakatulog lang siya kapag sobrang pagod. Epekto ni Serrano kaya hirap siyang kumuha ng tulog nitong nagdaan sa Malaysia. Hindi niya maikuwento sa ina ang lahat dahil pagagalitan siya nito. Ang alam pa naman nito gala lang ang pinunta nilang magkakaibigan.“Okay naman po, Mom. Masaya.” Tumingin siya sa likod nito, hindi nito kasama ang ama. “Si Daddy po?”Bumuntonghininga ang ina. “As usual, nasa trabaho.” Well, saan pa nga ba ito naglalagi? Kung hindi sa trabaho nito. Minsan lang umuwi ang ama dahil sa trabaho nito sa gobyerno. Isang sundalo kasi ang ama na may mataas na katungkulan kaya ganoon na lang ang responsibilidad nito sa bansa.Napatitig siya sa ina kapagkuwan. “Mom,” tawag niya rito.“Yes, anak?”
NAPAPIKIT SI JOHN nang marinig ang hatol sa kanya sa araw ng court-martial na iyon. Hudyat na tapos na ang iniingatang dangal. Nahatulan na siya ngayon ng habang buhay na pagkakulong dahil sa krimeng hindi niya naman ginawa. Pero anong magagawa niya? Walang katarungan para sa kagaya niyang mahirap at walang koneksyon sa gobyerno. Sino lang ba siya? Siya lang naman si John Serrano, isang sundalo na mula sa mahirap na pamilya. Kaya niyang lumaban gamit ang baril, pero wala siyang kakayahang lumaban gamit ang pera at kapangyarihan. 'Yan ang masaklap na katotohanan sa kagaya niyang mahirap lamang. Malungkot siyang napatingin sa kanyang ina na noo'y hilam na ng luha. Inuusal nito ang kanyang pangalan habang sapo ang dibdib kaya parang may tumatarak na itak sa kanyang dibdib habang tinitingnan ang ina. Pangarap niya lang na mapasaya ang pamilya niya kaya siya nagsundalo. Ah, isa na rin pala, para makalimot. Pero hindi niya akalaing ito rin ang magdudulot ng kalungkutan sa kanyang pamil
NAPABALIKWAS nang bangon si Kana nang mapagtanto na nasa hospital siya. Pagmulat niya kasi kanina, napasinghot siya dahil parang iba nga sa pang-amoy niya ang kinaroroonan. Halos puti kaya mabilis na gumana ang ulo niya. “Hospital?! Sh*t!” Sabay talon mula sa kama. At akmang huhubarin niya ang hospital gown nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang magulang niya kasama si Cassandra at Lily.“Oh, girl, gising ka na!” bulalas ng dalawa.“Y-yeah. What are you two doing here? Where are France and Mera?”“Umuwi lang saglit, friend.” Tumango siya kay Lily.Tumingin siya sa ina na maga ang mata. “M-Mom, what happened?”“Why didn’t you tell us about your—”“Mrs. Palma.” Hindi na natuloy ng ina ang sasabihin nang putulin iyon nang isang pamilyar na boses.Nanlaki ang mata niya nang makilala ito. Ang doctor niya na tumingin sa kanya at nag-diagnose na may cancer siya!Anong ginagawa nito dito? Nasabi na ba nito sa magulang niya kaya ganoon na lang ka-maga ang mata ng ina? Wala siyang makita na