Sorry na kaagad, guys. 'Wag niyo basahin kasi medyo disturbing
“KAILANGAN mo nang pahinga, Ma’am.” Inilapag ni Maricel ang gamot sa mesa niya. “Tawagin ko ho ba si John—” “‘Wag!” pigil ni Kana nang marinig ang sinabi ng secretary niya. Hinilot niya ang braso niya dahil nangangalay din. “O-okay po.” Nagpaalam na sa kanya si Maricel kaya napasandal na siya sa upuan niya. Wala nang aircon pero nilalamig pa rin siya dahil sa lagnat. Hindi niya alam kung dahil sa naging tagpo nila ni John o dahil sa check up niya kanina. Umaalingawngaw pa rin sa isipan niya ang sinabi ng doctor. *** “I’m sorry, Miss Palma. Same pa rin ang diagnose. You have leukemia. Nagsasayang ka lang ng oras, hindi na mababago iyon. Kaya ang sinasabi mo sa akin na chest pain na nararamdaman mo lately ay isa sa symptoms. Hindi lang dahil sa nasasaktan ka sa mga nangyayari sa relasyon niyo ng boyfriend mo, iyon dahil sa sakit mo. Kahit ang pagsusuka mo, isa rin sa sintomas. Kaya dapat harapain na natin ito.” Umiling-iling siya rito. “Tell me, doc? Biro lang ito, ‘di ba?” Naroon
MAAGANG nagising kinabukasan si Kana para puntahan si John. Pero pagdating niya, nag-aayos na ng gamit si John. Lahat na ay isinilid nito sa isang bag. “S-saan ka pupunta?” nauutal niyang tanong. Kahit na alam ni Kana ang problema ng nobyo, nagawa pa rin niyang tanungin ito. Kagabi kahit na sinabi na niyang hahayaan ang nobyo, pero hindi niya pala kaya. Nagpadala siya nang text dito kagabi pero wala siyang reply na natanggap. Sinabi niyang puntahan siya nito sa silid niya, pero namuti lang ang mata ni Kana. Doon siya nagsimulang mag-alala. Hindi niya pala kayang ibigay si John kay Simone. Pero mukhang galit din ang nobyo sa kanya dahil sa pagkakulong nito noon. “Nagpaalam ako sa Daddy mo, may mahalaga lang akong gagawin sa Bicol. Babalik din naman ako kaagad. Baka kasi biglang tumawag din si Simone.” Parang gustong magsisi ni Kana na pumunta siya rito. Sana pala hindi na. Ang aga nitong manakit. “Simone,” bigla na lang inulit ni Kana ang pangalan ng pinsan niya. “S-schedule na b
“HINDI talaga sumasagot ang pinsan ko, John. Kailangan na niyang malaman na ikakasal na tayo.” Halata ang iritasyon sa mukha ni Simone noon. “Ayokong magkaroon ng isyu tungkol dito. B-baka sabihin, inagaw kita sa kanya.”Natigilan si John sa pagtulak ng cart nang marinig ang sinabi ni Simone. Hindi niya alam na tinatawagan nito si Kana. Sabi niya rito, siya na ang bahalang magsabi. Ayaw niya namang biglain ang nobya.“Let me borrow your phone. I’m sure sasagutin niya kapag number mo ang gagamitin natin. Kailangan nating makuha ang blessing mula sa kanya.”Akmang kukunin ni Simone ang bag niya nang ilayo iyon ni John.“Ako na ang bahala sabi!” Ilang beses na rin niyang sinabi kay Simone pero ang hirap nito umintindi. Nagmamagaling. Ayaw niya pa naman pangunahan siya nito sa desisyon.Hindi ba nito alam na mahirap sa kanya ang desisyon na ito? Kung alam lang nito kung gaano kabigat sa kanya.“Sinigawan mo ba ako? Huh?” Nagsimulang sapuin at hilutin ni SIang ulo. “Kabilin-bilinan ng doc
NAGISING si Kana na hilong-hilo. Baka dahil sa gamot at mga naiturok sa kanya nang isugod siya rito. Wala rin siyang lakas ng mga sandaling iyon. Wala naman siyang ideya sa totoong kalagayan niya, basta nagising na lang siya na ganito. Pero alam niyang isa sa nagpahina sa kanya ang huling balita na natanggap niya. Para bang inubos nito ang lakas na natitira sa kanya. Nadala niya rin sa panaginip ang natanggap na text mula kay John kaya naman parang hindi rin siya nakapagpahinga. Paggising niya, halata sa mukha niya. Kaya kung titingnan siya ngayon, parang nadagdagan ang edad niya ng ilang taon. Mabuti na lang at wala rito ang magulang niya. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa nurse na si Harper nang pumasok ito. Tsinek siya nito mayamaya. May mga ni-remind din ito sa kanya. Mamaya rin daw ang rounds ng doctor niya ayon dito. “Have you considered telling your family about your condition?” Mapakla siyang ngumiti sa naging tanong ng nurse. “They said this hospital takes good care of
“H-HINDI na ba halata?” tanong ni Kana kay Maricel. Nasa loob pa sila ng sasakyan noon.Kapag wala siyang make up, halata sa mukha niya ang kaputlaan niya. ‘Wag lang tumingin sa balat niya sa braso at kamay si John. Siguradong mahahalata siya.“Hindi naman na. Basta ba ngumiti ka lang lagi.”Napasimangot si Kana.“Seriously, Ma! How can I smile kung tungkol sa kasal niya kay Simone ang topic? Huh? Tell me!”“Okay. Okay.” Tumitig ito sa kanya mayamaya. “Sabihin mo na nga kasi ang totoo. Malay mo, iwan niya ang feelingera mong pinsan.”Mapaklang ngumiti si Kana sa secretary. “Ano ka ba, sasayangin lang ni John ang sarili niya sa akin ‘pag nagkataon. Dapat na rin siyang magsimula na bumuo ng sariling pamilya. Alam mo namang walang kasiguruhan kung ako ang pipiliin niya. Sobra na nga nag paghihirap niya sa kulungan dahil sa pamilya ko. Tapos itatali ko pa siya sa akin?”Mapait na ngiti pa ang sunod na ginawa ni Kana.“Saka… hindi ko siya mabibigyan ng anak.”“Sa ngayon hindi. Pero darati
“May oras ka pa para umatras, Kana.” Sabay padulas nito ng daliri sa hita niya. Malapit iyon sa pagitan ng hita niya kaya bahagyang napaawang ang labi niya.“Ngayon pang naramdaman ko ang mga haplos mo, Serrano, aatras ako?” Umiling siya sa binata. “Hindi. Kaya ituloy mo na, please? Gusto kong maramdaman kung paano ang angkinin ng isang kagaya mo, Serrano.”***Chapter 1“MS. RAMIREZ, you have only three months left to live.” Parang guguho ang mundo ni Kana nang marinig ang sinabi ng doctor sa kanya.Oh God, simpleng hilo at kirot lang, ‘yon na kaagad ang hatol sa kanya? Aba’y talagang gugunaw talaga ang mundo ng kung sino man ang bigyan nang ganitong hatol. Dapat rin ba niyang sisihin ang ina niya? Naikuwento kasi ng Mommy niya na minsan na siyang nahulog sa kama. Teka nga, baka nakadagdag iyon sa sakit niya?Parang gusto niyang sumigaw ng mga sandaling iyon.Wala sa sariling napatayo siya at iniwan ang doktor. Tinawag pa siya nito pero lumusot lang sa tainga niya. Ayaw na niyang mar
SAMANTALA, napakamot na lang ang sundalong si John Serrano sa noo nang marinig ang sinabi ng kasamahan na pupunta sila sa bar. May misyon sila rito at hindi ang pag-bar hopping ang dapat sa kanila. Magtrabaho. Pero masyadong makulit ang mga kasamahan niya.“Ano ka ba, Sarhento, pinagtatabuyan na nga tayo ni Heneral na mag-enjoy ngayong gabi dahil ganoon din siya,” papalatak ni Rogando."Sigurado ka bang hindi tatayo hahanapin ni General?" Nilingon pa niya ang kanyang kasamahan na nagbabantay ng seguridad din ni General. Nandito sila ngayon sa Malaysia. Hindi niya alam ang pakay ng Heneral dito, pero sa tingin niya, may kinalaman sa ilang isyu na nangyayari sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao."May private meeting siya, at hindi tayo kasama, kaya ang sabi niya, enjoy na lang natin ang gabi," nakangiting sagot ni Corporal Rogando. “Eh ‘di, e-enjoy natin!”Tama, may private meeting ito ngayon sa tinutuluyang bahay dito sa Malaysia. Hindi niya rin alam kung bakit hindi sila kasama sa
“KUMUSTA ang bakasyon, anak?” nakangiting tanong kay Kana ng inang si Keana.Naitago tuloy ni Kana ang ngiti sa labi niya. Inaalala pa niya ang gabi na iyon ng mga sandaling iyon. Nasa sun lounger siya noon at kakatapos lang niyang mag-swimming. Gusto niyang matulog mamaya, at makakatulog lang siya kapag sobrang pagod. Epekto ni Serrano kaya hirap siyang kumuha ng tulog nitong nagdaan sa Malaysia. Hindi niya maikuwento sa ina ang lahat dahil pagagalitan siya nito. Ang alam pa naman nito gala lang ang pinunta nilang magkakaibigan.“Okay naman po, Mom. Masaya.” Tumingin siya sa likod nito, hindi nito kasama ang ama. “Si Daddy po?”Bumuntonghininga ang ina. “As usual, nasa trabaho.” Well, saan pa nga ba ito naglalagi? Kung hindi sa trabaho nito. Minsan lang umuwi ang ama dahil sa trabaho nito sa gobyerno. Isang sundalo kasi ang ama na may mataas na katungkulan kaya ganoon na lang ang responsibilidad nito sa bansa.Napatitig siya sa ina kapagkuwan. “Mom,” tawag niya rito.“Yes, anak?”