NAPABALIK si Kana sa sarili nang tumunog ang telepono niya. Agad niyang kinuha iyon sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya nang makita ang pangalan ng caller. Sa isip ni Kana, answer button ang napindot niya, dinala pa niya iyon sa tainga niya. “Grant!” Imbes na may sumagot, tumunog ulit iyon na ikinalayo niya ng telepono sa tainga. Tiningnan niya ang screen. Nawala ba ito sa linya o na-cancel niya? Pinilig na lang muna niya ang ulo, baka sakaling mawala ang kalasingan niya. Dahan-dahan lang ang pag-swipe niya para masagot iyon. “At last!” bungad ni Grant sa kabilang linya. “Where are you?” Napangiti siya sa narinig. “I bet, kakalapag mo lang?” Isa itong piloto kaya bihira niya itong makasama. Pero kababata niya ito at isa na rin sa maituturing niyang bestfriend. Lumabas si Kana sa banyo at tinungo ang labas ng opisina para balikan si Francy Lou. Nakangiti siya noon habang pinapakinggan ang kababata sa kabilang linya. “Oh, yeah. I missed you. Where are y
PAMILYAR na naman ang naramdaman ni Kana nang gumalaw ang labi ni John sa loob niya. Pero mas matindi ang galit na nararamdaman niya para kay John dahil sa nakaraan nila. Kaya naman inipon niya ang lakas niya at tinulak ito palayo sa kanya. Kasunod nga iyon ang mag-asawang sampal na binigay niya dito. Nagulat ito sa ginawa niya. Dumilim pa ang mukha nito. Mukhang siya pa ang may utang rito sa paraan nang tingin nito. Pero sa huli, hindi ito nakaimik.“Get out of the car, John,” aniya sa seryosong himig.“Mabilis lang ang biyahe, tiisin mo na lang muna ang presensya ko,” anito, imbes na sundin siya.“Lumabas ka na sabi, e!” malakas na sigaw niya na ikinatigil ni John. “I. Hate. You!” sigaw niya ulit dito. “I hate you, John! ”Doon na ito natigilan nang matagal. Tumitig din ito sa kanya na puno nang katanungan ang mga mata.“H-hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang init ng dugo mo sa akin, Ma’am,” seryosong sabi nito. Tuluyan nang nawala ang playful na awra nito.Natawa siya nang
HINDI maipinta ang mukha ni Kana hanggang sa makabihis siya. Hindi raw siya nito type, pero pinatulan siya nito way back? Hindi maintindihan ni Kana ang sarili kung bakit naiinis siya. Pero dapat hindi na siya nagulat. Hindi nga rin nito gustong magkaanak sa kanya kaya ano pa ba ang ini-expect niya? Biglang ragasa na naman sa dibdib ni Kana nang maalala ang nakaraan. Nang mabangga siya ng sasakyan na pagmamay-ari nito, ikinamatay ng batang nasa sinapupunan niya. Nang araw na iyon, naipangako niya sa sariling maghihiganti sa taong gumawa no’n. At ngayon, nandito na nga sa harapan niya ang taong iyon pero parang siya ang napapaikot sa mga palad nito. Para bang mas may kapangyarihan ito sa ngayon, na kahit ang ama ay napapaikot nito. Kung alam lang ng ama ang ginawa nito sa kanya, mag-stay pa kaya ito sa buhay niya?Napatitig siya sa nakatalikod na si Serrano. Hindi talaga matatahimik ang puso niya kung hindi makapaghiganti. Ngayong nagpakita na ito sa kanya ulit, hindi ba magandang pag
MAAGANG nagising si John noon para sa oras ng ehersisyo niya. As usual, nilibot niya ang subdivision ng apat na beses bago bumalik sa malaking bahay ng mga Palma. Kalat na ang liwanag noon kaya kailangang punitin na naman ni John ang ngiti para sa apat na kasambahay na araw-araw na bumabati sa kanya sa t’wing babalik siya. “Goodmorning, Sarhento JJ!” kinikilig pa si Angelika na kumaway sa kanya. Ito ang pinakabata sa mga ito. Sa pagkakasabi ng kasamahan niya, 23 years old pa lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya, bakit ganoon na lang kung landiin siya ng mga ito, Sarhento pa rin. Napailing na naman si John. Ilang beses na niyang sinabing hindi na siya sundalo at John na lang ang itawag sa kanya, pero sadyang makulit talaga ang mga ito. “Morning po,” sagot niya pa rin. Hindi naman siya bastos. Saka mga kasamahan pa rin niya itong nagtatrabaho rito sa mga Palma kaya dapat pakisamahan niya nang maayos. Akmang papasok siya sa gate nang makita ang b
“OH, KANA,” anas ni John sa tainga niya. “Hindi ko akalaing mayayakap kita ulit nang ganito. Pakiramdam ko, para akong sinisilaban ngayon dahil sa pagdikit ng mga balat natin.” Kasunod niyon ang masuyong paghalik ni John sa sulok ng labi ni Kana. Bumaba pa iyon hanggang sa mahuli nito ang labi niya. Sabay pa silang napasinghap sa loob nang salubungin iyon ng dalaga.Kahit si Kana, hindi rin niya akalaing mararamdaman ulit ang ganitong pakiramdam. Yakap at mga halik ni John ang isa sa hinahanap niya after nilang maghiwalay ng gabing iyon. Kung nagising lang siyang nasa tabi pa niya si John, baka hindi na niya pinakawalan noon ang binata.Naiyakap ni Kana ang hita sa bewang ni John nang pangkuin siya nito. Hindi man lang bumibitaw ang labi nila habang naglalakad si John. Namnam niya ang masarap at maiiniy nitong halik. Dagdag pa ang posisyon niya rito.Imbes na sa silid niya, sa isang aesthetic na drawer sa sulok ng sala niya siya dinala ni John. Saglit itong bumitaw at inipon nito ang
NAGISING ang diwa ni KANA sa malikot na kamay na naglalaro sa dunggot niya. May ideya na siya kung sino iyon. Nagmulat siya ng mata para tingnan kung tama ba ang nasa isipan niyang nanggigil sa dunggot niya. Bumungad sa kanya ang nakapit pero nakalabi na si John. Nakayakap din ito sa kanya nang mahigpit. Natigilan siya nang maalalang sa sasakyan siya nakatulog. Pinangko siya nito? Pero bakit dito siya natulog? Wala naman siyang sinabi na matulog ito dito.Napangiti siya mayamaya nang muling lumabi ang binata, kasunod niyon ang paglapit ng mukha nito sa kanyang dibdib para halikan siguro. Doon na niya ito pinigil.“Ouch, hon!” Biglang mulat si John ng mata nang hampasin niya ito sa braso. Kasunod din niyon ang pagtanggal nito ng kamay sa dibdib niya.“Ano? Masakit, huh?” Naupo siya kapagkuwan.“Hon?” Ngumiwi pa si John habang sapo ang hinampas niya. “Bakit naman ganoon kalakas?”“Eh kasi, istorbo ka sa pagtulog ko!” Actually, oras na rin naman talaga nang gising niya.“Oh. Akala ko da
“WALA po, Chief,” sagot ni John nang tanungin siya ng chief of staff kung may ibang lalaking kinakausap ang anak nito. Tinitigan siya ng ama ni Kana bago nagsalita. “Sure?” “Yes, Chief.” Nang maalala si Grant ay sinalubong niya ang kakaibang tingin ng ama ng dalaga sa kanya. “S-si Grant po pala, Sir.” Napaangat ng kilay si Atlas sa narinig kay John. “Si Grant. Yeah, right. Si Grant nga pala. Other than him?” Umiling si John. Pero deep inside, kinakabahan siya dahil siya ang kasama recently ni Kana. At hindi lang basta kasama, kinakasama! Napahilot si Atlas ng noo pagkuwa’y bumuntonghininga. Bahagyang napasuntok pa ito sa bubong ng sasakyan nito na ikinalabas ng driver nito Nilingon siya mayamaya nito na frustrated ang mukha. “Alam mo bang dalawang taon nang wala sa amin ang anak namin? I mean, ang dating Kana. ‘Yong lively. Funny. ‘Yong anak kong walang iniisip kung hindi ang magsaya o ‘di kaya gumala. Ngayon, everytime na nakikita ko siya, napapaisip ako. Parang hindi siya an
HINDI pa man nakakaapak si Kana sa hagdan nang makita ang magulang na papalabas ng silid ng mga ito. Bihis na bihis kaya alam niyang sa party ang mga ito pupunta. Hinintay na lang niya na makababa ang mga ito. “Kana, anak!” Masaya si Atlas nang makita ang anak. Kanina pa nito hinihintay si Kana dahil balak niyang isama sa party since wala ngayon si John sa tabi nito. “How have you been these past few days?” “I’m good,” tipid lang na sagot ni Kana. “That’s great, anak.” Tumingin ang ina sa ama kaya nahalata niyang mukhang iniisip siya ng mga ito. Sabagay, always naman. Walang araw na hindi nangungumusta at tumatawag ang ina sa opisina. Ang ama naman niya, text o ‘di kaya audio message. Masaya siya dahil sa concern ng mga ito sa kanya. Though alam niyang may tampo ang mga ito sa kanya. Tumango siya sa ama bago lumapit sa ina para halikan ito sa pisngi. Ayaw lang niyang masira ang dress ng ina kaya hindi na niya “How about me?” ani ng ama ni Kana. “Wala?” Parang nagtatampo kuno a