Share

Kabanata 1

“Ma‘am, kailangan niyo na pong magbihis dahil magagalit po si Lord, kanina pa po niya kayo hinihintay kasama ang kapatid mo,” naiiyak ng sabi nitong katulong na nakatoka sa akin.

Hindi ko parin siya pinansin at mas isinubsob ang mukha ko sa malambot na comforter nitong kama ko. Isang buwan na ako rito sa puder ng halimaw na ‘yon at isang buwan na rin akong hindi nasisikatan ng araw. Hindi niya ako pinapayagan lumabas ng walang kasamang body guard dahil ilang beses na akong tumakas. Si Sabrina lang naman ang parang asong ulol na buntot nang buntot sa kaniya at ako ay walang pakialam sa kanya.

Ngayong gabing ito ang party ng mga mayayaman na kahit kailan ay hindi ko maiintindihan. Hindi rin ako mahilig sa ganoong party dahil puro pangmamata lamang ang matatanggap ko roon. Hindi ko na muling narinig ang boses ng katulong na hindi ko rin naman alam kong anong pangalan niya. Namimiss ko na talaga umuwi sa condo, isang buwan na rin hindi nadidiligan ang mga babies ko dahil sa halimaw na ‘yon.

Hindi ko pinansin ang paglagutok ng pintuan at ang mabibigat na yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Sigurado ay katulong lamang ito at dinadalhan ako ng makakain dahil oras na nang hapunan.

Ngunit kusang bumuklat ang dalawang mata ko ng umalingasaw ang amoy nito.

“Hanggang kailan mo ako paghihintayin sa labas, Savannah? Isang oras akong naghintay tapos ay malalaman kong sarap na sarap ka lang sa pagtulog rito?”

Napabalikwas ako ng pagkakahiga at bago ko pa siya maharapan naramdaman ko na lang ang kamay niyang dumiin sa likod ko.

“Awww!” angil ko dahil sa pag-ipit nito sa katawan ko.

“Bitawan mo nga ako! Ano ba! Nasasaktan ako!”

Pinilit kong manlaban ngunit wala akong magawa dahil sobrang lakas niya.

“Ang tigas ng ulo mo, Savannah! Sobrang tigas ng ulo mo!” singhal niya sa may bandang tainga ko.

“Edi palayain mo na ako!” sigaw ko sa kaniya.

Sa tindi ng pagkakasigaw ko pakiramdam ko ay nagasgas ang lalamunan ko. Idagdag mo pa ang posisyon ko ngayon.

“What the hell! Sa akin kana, bakit kita papalayain?”

“Sinong nagsabi na sayo na ako? Nababaliw kaba? Hindi ako bagay parang angkinin mo!” naiirita kong usal sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawang kamay ko at ipinangko ito sa itaas ng uluhan ko. Nakadapa ako at hindi ko magawang bumaling paharap sa kaniya dahil na sa likuran ko ang lahat ng bigat niya. Naramdaman ko ang malamig niyang palad na nangahas pumasok sa loob ng suot kong hoodie.

“Don't you dare! Huwag mo akong hahawakan! Hendrix!”

“Why? Dahil ayaw mong magbihis, ako ang magbibihis sayo,” That's the cue.

Naramdaman ko ang pagtali niya sa dalawang kamay ko. Walang kahirap-hirap niya akong hinarap sa kaniya. Unang bumungad sa akin ang mga asul niyang mata na may naglalarong titig. Tinawag niya ang katulong na kanina nangungulit sa akin. Inabot sa kaniya ang damit na kulay itim na dapat isusuot ko.

“Hoy! Huwag mong sabihin na… ano…” nauutal kong sambit.

“Na ano? Tell me, Savannah's?”

Parang hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Parang may pinaplano siyang hindi maganda. Sa loob ng isang buwan wala siyang ibang ginawa kong hindi pestihin ang buhay ko. Parang ulol na nga si Sabrina sa kaniya pero mas pinipili niya pa rin bwisitin ang araw ko.

“Savannah, tell me ano sa palagay mo ang gagawin ko? Hmm,” maloko niyang sambit at pinadausdos pa ang malaking kamay sa nakalitaw kong hita.

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko tumawa lang.

“Alisin mo na itong tali sa kamay ko at magbibihis na ako,” saad ko.

“I don't believe you,” hasik niya.

“Magbibihis na nga ako, diba? Alisin mo na!” singhal ko sa kaniya.

“Hindi mo aalisin? O bubungasan kita diyan!”

Ramdam na ramdam ko na talaga ang inis ko sa kaniya. Huling-huli niya kong paano ako inisin. Bakit kasi kailangan ko tumungo sa party na iyon? Naroon naman si Sabrina.

Sinunod niya ang gusto ko at inalis ang tali sa magkabilaang kamay ko. Pinanood ko lang siya kong paano niya muling ibinalik ang necktie na iyon sa leeg niya.

“Labas, magbibihis ako.” utos ko sa kaniya.

Ang akala ko ay tuluyan na siyang lalabas ngunit nagulat ako nang umupo lamang siya sa sofa. Nagdekwatro pa at inilagay sa ibabaw ng sandalan sa sofa ang kamay at mariin tumingin sa akin.

“Anong ginagawa mo? Ang sabi ko lumabas ka dahil magbibihis ako,” pag-uulit ko pa.

Tumaas ang tingin niya sa at pumirmi iyon sa mukha ko.

Ano na naman problema ng demonyong 'to?

“Go, magbihis kana. Dito lang ako dahil hindi ako maniniwala sa sinabi mo,”

May trust issue?

Hindi ko na siya pinansin basta na lamang akong tumungo sa banyo at roon nagbihis. Isang sexy body con dress ang hawak ko. Nang tuluyan ko ng maisukat ito humanga ako sa ganda ng katawan ko. Kulay puti ito na may mga iilang dyamante. Talagang bumagay sa kutis morena kong balat. Hindi ko lamang gusto ang slit sa kanang hita ko at ang nakaluwa kong dibdib.

Inilugay ko na lamang ang alon-alon kong buhok at naglagay ng kaunting lipstick sa labi dahil walang kakulay-kulay ang mukha ko. Nagwisik na rin ako ng pabango.

“Bilisan mo, Savannah! Late na tayo dahil sa kaartehan mo!” bugnot nitong sigaw mula sa labas.

Napairap na lamang ako dahil sa pagiging walang pasensiya niya. Lumabas na ako sa kwarto at bumulaga ako sa kaniya. Umawang sandali ang labi niya habang pinagmamasdan ang buong katawan ko.

“Dahan-dahan sa pagtitig dahil baka malusaw ako,” biro ko sa kaniya.

Pero ang loko kumunot lang ang dalawang makapal niyang kilay.

“Problema mo?” hindi ko na napigilan pang itanong.

“I don't like your dress,” may halong iritasiyong sambit niya.

Anong ayaw niya sa damit ko? Siya ang nagbigay nito.

“Diretsuhin mo na lang ako. Kong pangit ako sa damit na 'to,” walang gana kong sambit.

Dami pang sinasabi.

“F*ck! Of course not! You're f*cking beautiful kaya nga ayoko sa damit na 'yan! Your body is for my eyes only!” sigaw niya na nagpalundag sa akin.

“Ikaw ang nagbigay nito sa akin tapos magrereklamo ka na parang kasalanan ko pa!” sigaw ko rin pabalik sa kaniya.

Padaskol siyang tumayo at nagmartsa palabas ng silid ko. Sinundan ko naman siya dahil nakabihis na rin naman ako. Pagtapak ko palang sa living room agad kong nakita si Sabrina na suot ang disenting damit.

Nagulat pa ako dahil para siyang kagalang-galang na babae sa suot niya. Paano ba naman hanggang ibabaw ng tuhod ang haba nito at may mangas pa. Mukha talaga siyang kagalang-galang. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.

Respetado na medyo makati ang peg niya.

“Savannah.” mahinhin niya ring tawag sa pangalan ko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at ngumiwi dahil sa inaakto niya. Anong nakain ng isang ito? Simula ng tumira kami rito ay naging ibang tao na siya.

“Savannah, kausapin mo naman ako,”

Tumigil ako sa paglalakad dahil pinigilan ako nito sa pagtangka kong paglagpas sana sa kaniya.

“Wala tayong dapat pag-usapan, Sabrina. Bitawan mo ako pakiusap,”

“Galit ka ba sa akin?” naluluhang tanong niya.

Nagtaka ako sa inakto niya dahil bigla na lamang itong parang inaalila.

“Baliw kaba?” pranka ko.

Nagbago ang mukha niya at dumilim ito. Sinamaan pa ako ng tingin.

“Know your place, Savannah.” mariing bulong niya.

Pinaspas ko ang braso kong hawak niya dahil sa pagbaon ng mga kuko niya kaya napabitaw siya rito. Ang hindi ko inaakala ay ng bigla siyang masubsob sa lapag.

“S-Savannah… s-sorry… p-please huwag mo akong saktan…” iyak nito at tila takot na takot sa akin.

Dismaya, iyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kaniya.

“Baliw kana ba? Para kang tanga! Sinasaktan ba kita? Para kang nakatakas sa mental!” bulyaw ko sa kaniya at tinalikuran siya.

Ngunit sa pagtalikod ko sumalubong sa akin si Hendrix na masama ang tingin. Nagkatitigan kami ngunit ng maglakad ito patungo sa akin bigla niya akong nilagpasan. Dumiretso ito kay Sabrina na tahimik na umiiyak. Pinanood ko siya kong paano niya buhatin si Sabrina papuntang sofa.

“What the f*ck did you do? Iniwan lang kita saglit nasaktan mo na agad ang kapatid mo?” dissapointed ang tono niya.

Hindi ko man aminin pero nanikip ang dibdib ko sa inakusa niya sa akin. So ganoon pala ang gustong laro ni Sabrina? Ang maging anghel siya sa paningin niya tapos ako masama?

“Wala akong ginawa sa kaniya,” madiin kong sagot.

“I saw you. Tinulak mo siya dahil lang sa gusto ka niyang kausapin—”

“T*ngina! Nakita mo pala eh, kung totoong nakita mo. Sana nakita mo na hindi ko siya tinulak! Sino bang nagsabi kasi na gusto ko rito sa p*tanginang pamamahay mo?! Kong mahalaga na pala siya sayo edi aalis na ako rito!” sumambulat na ako sa galit.

Tinalikuran ko silang dalawa at mabilis na naglakad palayo sa kanila.

“Savannah!” dumagundong ang boses niya sa buong mansion pero hindi ako humarap.

Kahit naririnig ko ang mga pagbabanta niya ay hindi ako natakot. Bumalik akong muli sa kwarto kung saan niya ako ikinulong. Ibinato ko sa pader ang heels na dapat ay susuotin ko. Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko gustong narito, hindi ko siya gusto pero bakit nalulungkot ako? Oo mabait siya pero palagi na lang akong mali rito.

“Savannah, open this door mag-uusap tayo.” dinig kong sabi niya.

Pero hindi ako tumayo para buksan iyon. Ayoko muna siyang makita. Ano bang ginagawa ko sa lugar na ito? Bakit niya pa ako kinukulong rito kong napili na niya si Sabrina? Ano ako reserba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status