“I saw the baby shower party invitation card on your desk,” ani ko kay Sire habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa conference room, bitbit ko ang mga papeles at laptop na gagamitin niya para sa board meeting.
“Henry sent it to me,” sagot niya. “I see…” halos pabulong kong sabi. Napahinto siya kaya huminto na rin ako. “Binigyan ka rin ba niya ng imbitasyon?” medyo nakataas ang kilay niyang tanong. Mapait akong napangiti. "My mom gave it to me personally, but I know he’s the one who requested her to give it to me," sagot ko. Pero alam kong hindi naman talaga nila inaasahang dumalo ako sa party na ‘yon. “Pupunta ka ba?” tanong niya. Napabuga ako ng hangin. “Me not showing up at their party is exactly what they want. Pinadalhan nila ako ng imbitasyon para inisin lang ako. But I don’t want them to think they’re winning. I want to attend to show them that I’m not weak. To show them that I’m not affected—even if the truth is, it hurts so much," diretsong pahayag ko habang nakatingin sa malayo, mahigpit ang pagkakayukom ng kamao ko. Napatingin ako sa kanya nang maramdaman ko ang pagdapo ng palad niya sa ulo ko. "If you're going, I'm coming with you," aniya. “Sasamahan kita sa party. Gusto kitang alalayan,” dagdag niya habang marahang hinaplos ang buhok ko. Sandali akong napatitig sa kanya. “Hindi mo kailangang gawin ’yon,” mahina kong sagot, pilit na ngumingiti. “This is my battle.” "Exactly. That’s my point," sagot niya, seryoso ang tono. “"And you’re no longer alone now, Yeon Na. Ever since you asked me to be your babymaker, I decided to support you in your fight. Huwag kang mahiyang humingi sa’kin ng kahit ano, dahil handa akong ibigay ‘yon sa’yo,” dagdag pa niya. Hindi ko alam kung bakit muling bumigat ang dibdib ko, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa isang bagay na matagal ko nang hindi naramdaman—ang pagkalinga, ang magkaroon ng kakampi. Matagal na akong binalewala ng mga taong mahalaga sa akin. Walang kumakampi sa akin. Kaya makarinig ng isang taong handang lumaban kasama ko ay nakakatuwa, at sa parehong pagkakataon, nakakagulat. Hindi naman talaga kami close ni Sire kahit anim na buwan na akong nagtatrabaho sa kompanya niya. Nag-uusap lang kami tungkol sa trabaho, pero hindi ko akalaing ganito siya magrereact. “So, let’s go. Baka ma-late tayo sa meeting,” aya niya. Napangiti na lang ako. Tahimik naming tinahak ang natitirang distansya papunta sa conference room. --- BABY SHOWER PARTY... Pagkabukas ng pinto, agad kaming sinalubong ng magagarang dekorasyon. Magkasabay kaming pumasok ni Sire sa function hall ng hotel. Sa gitna ng hall, kapansin-pansin na kami ni Sire ang mga bisitang hindi nila inaasahang darating—lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin, puno ng pagkabigla at pagtataka. Naka-distansya man kami ni Sire sa isa’t isa, sapat na ang presensya niya para maramdaman kong hindi ako nag-iisa. “Ito ang unang pagkakataon na dumalo ako sa party ni Henry. My mom never liked me attending any event that has anything to do with my father’s illegitimate son,” wika ni Sire habang magkasabay kaming naglalakad. “Kaya pala labis ang pagtataka ng mga tao nang makita tayo rito,” tugon ko naman. Ako kasi, expected nilang may matinding hidwaan pa rin sa pagitan namin ni Henry, kaya’t hindi nila maiwasang magtaka kung bakit ako narito. Sinabayan ko ang kumpiyansa ni Sire habang pinagtitinginan kami sa gitna ng hall. Suot ko ang isang fitted red bodycon dress na may patong na puting blazer. Litaw na litaw ang suot ko, lalo na’t ako lang ang naka-pula sa isang event na blue ang motif. Lalaki kasi ang dinadala ni Yeon Ji Elaine kaya blue ang napili nilang kulay. Pagtingin ko sa harap, tanaw ko kaagad si Elaine. I saw her glowing smile lately habang abala siya sa pakikipag-usap sa mga bisita, pero noong nakita niya ako kasama si Sire, naglaho ang saya sa kanyang mga mata. Ganoon rin si Henry, naputol rin ang ngiti niya. Halata ang gulat. Hindi niya inakalang dadalo talaga ako sa baby shower party na pinaghandaan nila. Lalong tumalim ang mga mata niya nang mapansin niya kung sino ang kasabay ko sa pagdating. Isa si Sire sa mga pinagselosan niyang lalaki noon. Noong bago pa lang ako sa Vemeer Company, madalas kasi noong tuwing day off ko ay may mga discussion kami via Zoom na kaming dalawa lang ni Sire, pero wala ‘yong ibang kahulugan. Baguhan pa lang kasi ako bilang executive assistant at kailangan kong matuto, kaya palagi kaming may meeting lalo na kapag may lapses ako sa trabaho ko bilang sekretarya. Pero ang pagseselos ni Henry noon ay paraan niya lang para hindi ko siya paghinalaan sa pagtataksil niya. Lahat talaga ng lalaking nakakatrabaho ko noon, lalo na ‘yung napapansin niyang malapit sa akin, ay pinagselosan niya. Pinagbintangan niya akong nakikipaglandian sa ibang lalaki, pero ang totoo, siya pala ang may tinatagong kalandiang iba. “Glad you came, Sire,” seryosong saad ni Henry sa kapatid niya bago muling ibinaling ang tingin sa akin. Pinasaringan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pero nanatili pa rin ang pag-igting ng kanyang mga panga. “And you too. I thought you won't come,” sabi niya sa akin, pilit nilulunok ang inis niya. “Bakit naman hindi, Henry? Imbitado naman ako, ’di ba? At kapatid ko si Elaine. Pamangkin ko ang dinadala niya,” nakangiti kong sagot, diretso ang tingin sa tiyan ng kapatid ko. Ayaw kong ipahalata sa kanila na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako—na nagtatapang-tapangan lang ako ngayon. Pero paninindigan ko ito dahil ayokong magmukhang mahina sa harapan nilang lahat.“Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon. “Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso. “Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone. “I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga. Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa
“Walang supply ng tubig,” ika ni Sire pagkabalik niya sa sala, seryoso ang mukha. Grabe naman ang taong ito, pati tubig, tiningnan talaga. “Water is only available early in the morning. Iyon ang sabi ng may-ari ng apartment. Kailangan kong magising nang maaga para makapag-ipon ako ng tubig,” paliwanag ko sa kanya. Napa-"ah" naman siya bago sabihing, “Ang pangit nitong apartment na ’to,” walang pag-aalinlangang husga niya. Tingnan mo 'tong tao na 'to, walang preno kung magsalita. Natahimik na lamang ako sa kinauupuan. Dahil totoo naman. Pangit talaga ang apartment na ito dahil masikip, pahirapan ang supply ng tubig, at malayo rin sa pinagtatrabahuan ko. Pero wala akong choice. Kailangan kong magtipid kaya humanap ako ng murang apartment. Sandali niya akong muling tinitigan. “You should stay in my condo unit. Hindi kita hahayaan na tumira sa ganitong klaseng apartment, Yeon Na. This is a fvcking terrible room. Ang init. Ang sikip-sikip. Ang dami kong napansin na ipis,” pagpapatul
Yllana Subdivision...“Dito ka na lang, Mr. Vemeer,” pigil ko sa kanya. Akmang papasok na sana siya sa masikip na gate ng apartment, pero hinarang ko talaga ang katawan ko para hindi siya makatuloy.Napaayos naman siya ng tayo, bahagyang umangat ang kilay at napakunot ang noo, parang naguguluhan sa pagpigil ko.“Kailangan ba ng gate pass? O may entrance fee bago makapasok?” interesado niyang tanong.“Wala naman. Gabi na rin kasi. Malayo pa biyahe niyo,” palusot ko. Ayaw ko talaga siyang papasukin sa loob. Maigi niya akong tinitigan sa mga mata, kaya parang may namumuong ideya sa isipan niya.“You hiding someone inside?” usisa niya, tuluyan nang napaarko ang kilay.“Someone? Of course not. Tama naman ang sinabi ko. Malayo pa ang biyahe ninyo,” sagot ko, pilit na kalmado. Marahas siyang napabuga ng hangin.“I want to see your unit, Yeon Na,” mahinahong saad niya, sabay bahagyang silip sa loob. Napaatras ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyong masilip ang loob.“This place doesn’t
Muling sumugod si Sire, kahit nakahandusay na si Nathan sa malamig na semento ay naisapan niyang daganan ito. Hindi man lang siya nag-atubili. Sunod-sunod niyang ginawaran ng mabibigat na suntok si Nathan sa mukha, tila ba gusto niyang durugin ang lalaki. Labis ang panggigigil niya, nanginginig ang mga kamay, nanlilisik ang mga mata, at bawat bigwas ay may kasamang puot na matagal nang kinimkim. Kung hindi ko siya agad aawatin, baka tuluyan na niyang mapatay si Nathan sa sobrang galit. “S-Sire, tama na!” saway ko sa kanya at agad ko siyang inawat, baka mapatay niya pa si Nathan. Nag-aapoy pa rin sa galit ang mga mata ni Sire habang nakataas ang isang kamao, handang dumapo sa pisngi ng lalaki. Samantalang ako naman ay nakahawak sa kamay niya para pigilan siya. Marahas siyang napabuga ng hangin, na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili sa gitna ng bumubulusok na galit. Sandali siyang napatitig sa duguang mukha ni Nathan, saka dahan-dahang tumayo. Akala ko'y sisipain niya si Natha
Papauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Napasilip ako sa suot kong relo. It’s already 6:35 pero hindi pa rin ako nakakasakay ng bus pauwi. Ang dami kasing pasahero, punuan ang bus, at kanina pa ako rito sa waiting station. Kanina pang alas-singko ang time-out ko, pero hanggang ngayon ay narito pa rin ako, nag-aantay na may dumaan na bus na may bakante pa. Hindi ko mapigilang mapatingala sa langit. Makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan pa yata. Sana hindi ako maabutan ng ulan. Marahan naman akong napalingon noong may naramdaman akong taong papalapit sa kinaroroonan ko. Si Nathan. Ang taong ayaw kong makasabay pag-uwi. “Hindi ka pa rin nakakasakay?” tanong niya. Medyo napa-distansiya ako mula sa kanya. Masyado naman yata siyang makadikit sa akin. Saglit siyang napangiti sa akin noong napansin niya ang paggalaw ko palayo. Nathan was my classmate. Kaklase ko siya noong college at isa rin sa mga manliligaw na binasted ko noon. Kaya nakakailang talaga, dahil simula noong bina
Ilang beses ko na rin siyang pinaalalahanan, pero heto na naman kami.“You should button your shirt, at ayusin mo rin ang damit mo—masyadong lukot,” sabi ko habang nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya nang walang pag-aalinlangan. Baka kasi may biglang pumasok sa opisina niya at makita siyang ganito ang ayos. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong isyu tungkol sa amin.Pero hindi siya gumalaw. Sa halip, tamad siyang nakasandal sa swivel chair niya, hawak ang kalahating baso ng alak sa isang kamay. Inubos niya ang laman nito“Ang aga-aga, umiinom ka na ng alak,” pagpapatuloy ko habang sinisimulan kong i-button ang damit niya.“You don't need to button my shirt. I feel hot and sweaty,” saway niya sa akin kaya napahinto ako saglit.“Yeah, I know you're hot,” sabi ko naman, halos pabulong lang. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa akin while I continued buttoning up his shirt.“You too. You're fvcking hot,” puri niya sa akin sa isang namamalat na boses bago siya napakagat sa kanyang pa