“I am excited to see my nephew, Elaine. May pangalan na ba kayo para sa kanya?” tila interesado kong tanong sa kapatid ko.
Dumikit si Elaine kay Henry, napakapit sa braso nito. Kanina, ang tingin niya sa akin ay parang nayayamot sa presensya ko. Ngayon naman, napalitan ng isang matamis na ngiti na parang nang-iinggit. Ramdam kong hindi siya magpapatalo sa akin. Gamay ko na ang ugali ng kapatid ko. Isa siyang mainggiting kapatid. “Mayroon na. Dahil lalaki ang anak namin ni Henry, mas mabuti na isunod sa pangalan niya. Henry Jr.—‘yon ang ipapangalan namin sa anak namin. Hindi ba, honey?” aniya na may malambing na boses, halatang proud ang tono habang nagpapaka-bebe kay Henry. Napatango naman si Henry. Kitang-kita rin sa mukha niya ang pagiging proud. At kapansin-pansin na tila wala siyang kahit katiting na pagsisisi sa nangyari sa relasyon namin. Hindi ko makita sa kanya ang kahit anong senyales ng guilt o panghihinayang sa pagtataksil niya sa akin. Wala nga ba talaga? O baka ngayon lang siya ganito? Kung wala man ni kahit kaunti, gagawa ako ng paraan para pagsisihan niya ang naging desisyon niyang ipagpalit ako sa kapatid ko. Hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakaganti sa kanilang dalawa. “Parang wala pa rin namang nagbago sa’yo, Elise?” ani Elaine sa akin, habang kapit na kapit pa rin kay Henry. She already dropped calling me Ate simula noong nagkabukuhan na kami. Hindi ko makakalimutan ang gabing nahuli ko silang dalawa sa kusina habang nagse-sex. That was four months ago. Elaine is now seven months pregnant. Just two months away, isisilang na niya ang unang anak ni Henry. Kaya pala noong tinanong ko siya kung sino ang ama ng dinadala niya, hindi siya makasagot-sagot dahil si Henry pala ang tatay. “Kahit baguhin mo pa ang pananamit mo, mula sa pagiging manang at badoy hanggang sa pagsusuot ng isang branded na damit, you’re still the same woman—boring as hell, especially in bed,” dagdag niyang komento, inuinsulto na naman ako pero pansin ko ang pait sa boses niya. Naisipan kong tanggalin ang suot kong Dolçe & Gàbbana white double-breasted blazer na pino ang tahi at elegante ang porma, para ipasilay ang makinis kong balat. Ang suot kong fitted red bodycon dress ay may manipis na strap at off-shoulder sleeves, tamang-tama para i-highlight ang feminine kong balikat at magandang hubog ng katawan. Hindi ko naman napigilan na ibaling ang aking paningin kay Henry. Tinitigan ko siya. Alam kong umiiwas siya sa tingin ko, pero kahit gano’n, napapansin ko pa rin ang pasimpleng sulyap niya sa postura ko ngayon. Pansin ko rin sa gilid ng mga mata ko ang tingin ni Elaine, ang inggit sa kanyang mga mata kahit hindi niya aminin. Alam kong mas lamang talaga ako sa ganda kumpara sa kanya. She may have that wild and daring side I could never compete with, but when it comes to elegance and class, she doesn’t even come close. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Henry, at sa wakas ay napadako iyon sa dibdib ko. Napahalukipkip ako pero baon ko pa rin ang isang ngiti. Sinadya ko talaga ang humalukipkip para naman mas lalong kong maitaas ang malusog kong dibdib. Napangisi ako sa isip ko noong hindi niya naiwasang mapalunok ng laway. “Ikaw. Ang laki ng pinagbago mo, Elaine. Tumaba ka na. Sana pagkatapos mong manganak, magpapayat ka agad,” payo ko sa kanya bago ko muling ibinaling ang tingin kay Henry but this time nakaiwas na siya ng tingin. “Kasi itong si Henry, nasa dugo niya ang pagiging obsessed sa mga babaeng slim at seksi ang katawan,” dagdag ko pa, medyo umarko ang isang kilay ko bago bahagyang ngumiti. “Tumaba man ako ngayon, at least dahil sa pagbubuntis. Samantalang ikaw, wala ka nang pag-asang magbuntis dahil isa kang baog. Tama ba, hon?” ani Elaine na may ngising mapanukso. Napatango na lamang si Henry, bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Elaine. Hindi naman ako nagpatalo. “Akala n’yo lang ‘yon,” ani ko. Saglit na naningkit ang mga mata ni Elaine, at medyo napataas ang isa niyang kilay. “There’s nothing wrong with my reproductive system, Elaine. I’ve had plenty of check-ups and tests. I can assure you—I am not infertile. My OB-Gyne has confirmed that multiple times,” mariin kong sabi. “Maybe Henry is the infertile—maybe the child isn’t even his—” “Shut up!” hiyaw naman sa akin ni Henry, halata nagpantig ang kanyang tainga sa sinabi ko kaya gayon na lamang ang kanyang reaksiyon. “Huwag mo akong akusahan na ako ang baog sa ating dalawa, Elise! Alam kong ikaw ang baog. Ikaw ang walang silbi—’yang matres mo ang walang silbi!” galit na galit niyang pagtatanggol sa sarili. Mahina akong natawa, isang pagak na tawa na lalo lang nagpainit sa ulo nilang dalawa. “Ba’t masyado kang defensive, Henry? Hindi ba ikaw ang palaging ayaw magpa-check-up? Bakit? Dahil takot kang malaman na ikaw talaga ang baog sa atin?” mahinahong sabi ko, pero bakas ang pang-iirita sa boses ko. Akmang sasampalin niya ako pero mabilis na humarang ang kamay ni Sire, pinigilan niya na dumapo ang palad nito sa pisngi ko. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ng kapatid niya.“Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon. “Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso. “Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone. “I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga. Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa
“Walang supply ng tubig,” ika ni Sire pagkabalik niya sa sala, seryoso ang mukha. Grabe naman ang taong ito, pati tubig, tiningnan talaga. “Water is only available early in the morning. Iyon ang sabi ng may-ari ng apartment. Kailangan kong magising nang maaga para makapag-ipon ako ng tubig,” paliwanag ko sa kanya. Napa-"ah" naman siya bago sabihing, “Ang pangit nitong apartment na ’to,” walang pag-aalinlangang husga niya. Tingnan mo 'tong tao na 'to, walang preno kung magsalita. Natahimik na lamang ako sa kinauupuan. Dahil totoo naman. Pangit talaga ang apartment na ito dahil masikip, pahirapan ang supply ng tubig, at malayo rin sa pinagtatrabahuan ko. Pero wala akong choice. Kailangan kong magtipid kaya humanap ako ng murang apartment. Sandali niya akong muling tinitigan. “You should stay in my condo unit. Hindi kita hahayaan na tumira sa ganitong klaseng apartment, Yeon Na. This is a fvcking terrible room. Ang init. Ang sikip-sikip. Ang dami kong napansin na ipis,” pagpapatul
Yllana Subdivision...“Dito ka na lang, Mr. Vemeer,” pigil ko sa kanya. Akmang papasok na sana siya sa masikip na gate ng apartment, pero hinarang ko talaga ang katawan ko para hindi siya makatuloy.Napaayos naman siya ng tayo, bahagyang umangat ang kilay at napakunot ang noo, parang naguguluhan sa pagpigil ko.“Kailangan ba ng gate pass? O may entrance fee bago makapasok?” interesado niyang tanong.“Wala naman. Gabi na rin kasi. Malayo pa biyahe niyo,” palusot ko. Ayaw ko talaga siyang papasukin sa loob. Maigi niya akong tinitigan sa mga mata, kaya parang may namumuong ideya sa isipan niya.“You hiding someone inside?” usisa niya, tuluyan nang napaarko ang kilay.“Someone? Of course not. Tama naman ang sinabi ko. Malayo pa ang biyahe ninyo,” sagot ko, pilit na kalmado. Marahas siyang napabuga ng hangin.“I want to see your unit, Yeon Na,” mahinahong saad niya, sabay bahagyang silip sa loob. Napaatras ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyong masilip ang loob.“This place doesn’t
Muling sumugod si Sire, kahit nakahandusay na si Nathan sa malamig na semento ay naisapan niyang daganan ito. Hindi man lang siya nag-atubili. Sunod-sunod niyang ginawaran ng mabibigat na suntok si Nathan sa mukha, tila ba gusto niyang durugin ang lalaki. Labis ang panggigigil niya, nanginginig ang mga kamay, nanlilisik ang mga mata, at bawat bigwas ay may kasamang puot na matagal nang kinimkim. Kung hindi ko siya agad aawatin, baka tuluyan na niyang mapatay si Nathan sa sobrang galit. “S-Sire, tama na!” saway ko sa kanya at agad ko siyang inawat, baka mapatay niya pa si Nathan. Nag-aapoy pa rin sa galit ang mga mata ni Sire habang nakataas ang isang kamao, handang dumapo sa pisngi ng lalaki. Samantalang ako naman ay nakahawak sa kamay niya para pigilan siya. Marahas siyang napabuga ng hangin, na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili sa gitna ng bumubulusok na galit. Sandali siyang napatitig sa duguang mukha ni Nathan, saka dahan-dahang tumayo. Akala ko'y sisipain niya si Natha
Papauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Napasilip ako sa suot kong relo. It’s already 6:35 pero hindi pa rin ako nakakasakay ng bus pauwi. Ang dami kasing pasahero, punuan ang bus, at kanina pa ako rito sa waiting station. Kanina pang alas-singko ang time-out ko, pero hanggang ngayon ay narito pa rin ako, nag-aantay na may dumaan na bus na may bakante pa. Hindi ko mapigilang mapatingala sa langit. Makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan pa yata. Sana hindi ako maabutan ng ulan. Marahan naman akong napalingon noong may naramdaman akong taong papalapit sa kinaroroonan ko. Si Nathan. Ang taong ayaw kong makasabay pag-uwi. “Hindi ka pa rin nakakasakay?” tanong niya. Medyo napa-distansiya ako mula sa kanya. Masyado naman yata siyang makadikit sa akin. Saglit siyang napangiti sa akin noong napansin niya ang paggalaw ko palayo. Nathan was my classmate. Kaklase ko siya noong college at isa rin sa mga manliligaw na binasted ko noon. Kaya nakakailang talaga, dahil simula noong bina
Ilang beses ko na rin siyang pinaalalahanan, pero heto na naman kami.“You should button your shirt, at ayusin mo rin ang damit mo—masyadong lukot,” sabi ko habang nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya nang walang pag-aalinlangan. Baka kasi may biglang pumasok sa opisina niya at makita siyang ganito ang ayos. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong isyu tungkol sa amin.Pero hindi siya gumalaw. Sa halip, tamad siyang nakasandal sa swivel chair niya, hawak ang kalahating baso ng alak sa isang kamay. Inubos niya ang laman nito“Ang aga-aga, umiinom ka na ng alak,” pagpapatuloy ko habang sinisimulan kong i-button ang damit niya.“You don't need to button my shirt. I feel hot and sweaty,” saway niya sa akin kaya napahinto ako saglit.“Yeah, I know you're hot,” sabi ko naman, halos pabulong lang. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa akin while I continued buttoning up his shirt.“You too. You're fvcking hot,” puri niya sa akin sa isang namamalat na boses bago siya napakagat sa kanyang pa