“Here, take this. Baka makalimutan kong ibigay sa ’yo,” ani Dad habang iniabot niya sa akin ang isang puting sobre. Tiningnan ko iyon, harap at likod, sinusubukang alamin kung kanino galing, pero walang nakasulat. Nasa harapan ako ng salamin, suot ang wedding gown, habang abala sina Gina at Leila sa pagtatali ng likuran nito. “Buksan mo,” ani Dad. Kaagad ko iyong pinunit at binuksan. Pagkasilip ko sa loob, isang invitation card. Invitation card para sa isang birthday celebration. Muling naibaling ang tingin ko sa aking ama. It’s Chairman Severino’s birthday invitation card. “Inimbita ka niyang dumalo,” aniya. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko, pilit itinatago ang bigat ng pakiramdam. Alam kong hindi lang basta selebrasyon ng kaarawan iyon ni Severino. Sa gabing iyon, iaanunsiyo niya ang kasal nina Sire at Catherine next month. Nalaman ko mismo kay Gabriel na iyon ang mangyayari. Hindi man nakasulat sa programa, pero iyon daw ang sorpresa—ang tinatawag nilang grand announcem
“Ma’am Elise, paparating na po ang daddy ninyo,” sabi ni Gina, dala-dala ang isang basong tubig na ipinakuha ko sa kanya. Nasa kama pa rin ako, nakahiga, at tila walang ganang bumangon. Napilitan akong umupo, marahan kong iniangat ang sarili at naupo sa gilid ng kama. Mabilis kong inayos ang magulo kong buhok, balak ko sanang bumaba para kunin ang vitamins na iinumin ko, pero agad nagsalita si Gina. “Ako na po ang kukuha ng vitamins ninyo, Ma’am,” wika niya bago mabilis na tumungo sa drawer. Kinuha niya ang bote ng vitamins at iniabot iyon sa akin. Kaagad ko naman itong ininom kasabay ng tubig na dala niya. Nakarating ako rito sa mansiyon nang wala si Daddy. May nilakad daw siya, pero hindi sinabi kung saan. Noong isang araw pa raw may inaasikaso si Dad sa Metropolis, pero ni minsan ay hindi siya dumalaw sa Penthouse. Lagi niya lang akong tinatawagan—tatanungin kung kumusta ako, kung may kailangan ba ako, o kung may gusto akong bilhin o kainin. Pareho kaming napatingin ni Gina sa
**Yeon Na** “Gusto kong marinig ang sagot ngayon din, Sire. Mismo sa oras na ito. Sino ang pinipili mo sa aming dalawa?” hindi papipigil na tanong ni Chairman Severino. Gusto kong hawakang muli ang kamay ni Sire pero hindi ko magawa. Labis rin kasi ang panginginig ng aking mga kamay at ang takot na sumibol sa aking dibdib kanina ay mas lumala pa. Habang nakatitig ako sa kanyang mukha, kitang-kita ko ang pagkatulala niya. Tila natuod siya sa kondisyon ng kanyang lolo. “Alam mong hindi ako nagbibiro. Sumagot ka na ngayon din at ayaw ko nang mag-aksaya pa ng oras,” dagdag pa ng matanda, patuloy na diniin ang kanyang apo na magdesisyon na hangga't maaga pa. Napatingin siya sa akin, at ako nama’y labis-labis ang kabog ng dibdib. Pinanghahawakan ko ang pangako niyang iiwan niya ang lahat para sa akin, pero hindi ko maiwasang isipin ang mga kapatid niyang madadamay kapag ako ang pinili niya. “I-Ikaw...” saad niya, nanginginig ang mga labi. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang naka
“Pero sabi sa akin ni Catherine ay anak lamang siya ng isang pobreng mag-asawa na nakakulong dahil sa patong-patong na kaso ng panloloko,” saad ng matanda, halatang pinipilit ang sarili na hindi maniwala. “Minsan siyang naging anak-anakan ng taong pobre, pero hindi na ngayon,” tuloy ni Sire, buong-buo ang loob na ipagtanggol ako. “Kung ganoon… pinili mo lamang siya dahil mas mayaman siya kaysa kay Catherine, tama ba ako?” ani Chairman, bago siya mapangising tila may binabalak na bagong paraan ng paninira. “Even if she is poor, I will still choose her over Catherine. Hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao ay minahal ko na siya. Kaya, please lang… sapat na po ba na anak siya ni Conrado para huminto ka na sa pagpipilit na itulak ako kay Catherine?” aniya, seryoso at diretso. “Hindi. Hindi sapat iyon,” agarang tugon ng matanda. Bahagyang muling napaawang ang bibig ko. Pareho kaming natigilan ni Sire bago muling umigting ang titig niya sa kanyang lolo. “Bigyan niyo ako ng isa
**Yeon Na** “Gabriel,” usal ko sa pangalan niya, may diin ang boses, sabay bigay ng matalim na tingin sa kanya. Ramdam kong kinabahan siya dahil sa titig ko. “You both lied,” dagdag ko pa, mariin ang bawat salita, halos mabasag ang katahimikan ng paligid. “S-Sire will explain everything! Siya ang nakiusap sa akin na magsinungaling sa’yo,” mabilis na saad ni Gabriel, halos nauutal sa kaba. Sabay turo niya kay Sire, walang alinlangang inilaglag ang kaibigan para mailigtas ang sarili. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Sire, tagos ang nakamamatay na titig ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya. “Fine. Ako na ang unang magpapaliwanag,” pagsuko niya, malamig ang boses ngunit ramdam ang kaba sa ilalim nito. Ibubuka niya na sana ang kanyang bibig para magpaliwanag, ngunit biglang bumukas ang elevator. “Sa kotse na lang ako magpapaliwanag,” dagdag pa niya. Mauuna na sana akong lumabas ng elevator pero muli niya akong hinila palapit sa kanya, mahigpit ang kapit ng kanyang
“We need to go now,” nagmamadali kong aya kay Lora nang tuluyan naming natanggal ang damit ni Elidio. “Sandali,” ani Lora kaya natigilan ako. Papunta na sana ako sa pinto para tuluyan na naming iwan si Elidio. Nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sexy red lingerie at inilapag iyon sa mukha ni Elidio, na halos wala nang malay sa kama. “Para maniwala siya na may nangyari,” aniya, natatawa pa habang iniayos ang strap ng bra niya. “Lokaret ka rin pala, Lora. Paano na ’yan, wala ka nang panty,” saad ko sa kanya, pilit pinipigilan ang tawa ko. “Just fine. Presko nga eh,” sagot niya, nakataas pa ang kilay. Hindi ko na napigilan, napalakas talaga ang tawa ko. Bago ko binuksan ang pinto, hinintay ko munang maisuot ni Lora ang coat ni Elidio. Wala siyang choice kundi isuot iyon para matakpan ang napunit na dress na halos lantad na ang balat niya. Pagkalabas namin ng kwarto, nagmamadali kaming naglakad patungo sa elevator. Malinaw ang tunog ng suot naming high heels