Share

Chapter 155

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-10-06 00:13:52

“Ang sabi ni Spencer, si Inna raw ang isa sa nakakalaro nila sa playground maliban kay Marlo, anak ni Janice. Naitanong ko na kay Janice kung may kilala siyang Inna, pero ang sagot niya, wala siyang kilalang ganoon. Sa paglalaro raw ng mga bata sa playground sa likuran, si Edcil naman ang madalas nilang kasama,” kwento ko sa asawa ko sa cellphone habang naggigisa ng bawang at sibuyas para sa ulam na lulutuin ko para sa tanghalian namin.

Kanina pa kami nag-uusap habang nasa opisina pa siya. Nang matapos kasi ang office meeting niya, agad siyang tumawag para tanungin ako tungkol sa pinag-usapan namin ni Spencer. Pero limitado lang ang sinabi ko—ayaw ko siyang masyadong mag-alala. Deep inside, I feel something strange about that *Inna* girl. Ayon kay Spencer, bigla na lang daw itong sumusulpot sa playground at hindi nila alam kung saan nanggagaling. Parang multo.

“Sino si Edcil?” tanong niya, medyo seryoso ang tono.

“Pamangkin ni Janice,” sagot ko habang hinahalo ang kawali, pilit na ina
Anne Lars

Itutuloy... Huwag niyo pong kalimutang bumoto o mag-iwan ng komento, o ‘di kaya ay samahan ako hanggang sa pinakadulo ng kuwento 💕

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jane
Omg kumikilos n namn c Catherine, Kung bakit kc d pa yan maipakulong ni sire many yrs na nakalipas eh, thanks po sa update miss a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Author's Note

    Dear readers, nais ko lang pong ipabatid sa inyong lahat ang aking taos-pusong pasasalamat sa patuloy ninyong pagbabasa ng storyang ito. Gusto ko rin pong ipaalam na ang pag-resume ng update para sa librong ito ay magsisimula sa susunod na buwan. Don’t worry, malapit na ring matapos ang kuwentong ito. Kailangan ko lang ihanda ang aking sarili para sa ending, dahil para sa isang author, ang bawat pagtatapos ng fictional story ay parang pakikipaghiwalay sa isang mahal sa buhay. Bilang author, kailangan ko ring maghanda na bitawan ang aking mga characters bago ako magpatuloy sa susunod na love team na aking pagbubuhusan ng atensyon. Sana ay maintindihan ninyo ako. Maraming salamat muli! 💕

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 158

    **Third Person POV**“Wala ito sa usapan natin,” wika ng isang babae sa kausap niyang babae. Kitang-kita ang kaba sa boses niya habang pinapakinggan ang planong inilalahad ng kabilang babae.“Pwede bang pera na lang ang kunin natin? Iyon naman ang pinag-usapan natin, hind ba? Bakit kailangan pang patayin ang mga bata? Bakit kailangan pang patayin si Elise?” tanong niya, nanginginig ang tinig. Napangisi ang kausap na babae, at ramdam niyang nag-iiwan iyon ng panibagong pwersa sa masamang plano na tila wala itong balak na umatras.“Siya ang dahilan kung bakit nagdurusa ako ng ilang taon,” sagot ng babae sa malamig at matatag na tinig. “Pero si Henry ang dahilan kung bakit nauwi ka sa ganitong sitwasyon. Siya ang salarin mo—siya ang dapat gantihan,” tugon naman ng unang babae, mahigpit niyang tinitigan ang kausap.“Huwag kang mag-alala. Ipapatumba ko rin si Henry kapag nagtagumpay tayo sa planong ito. Ikaw na ang bahala sa pera dahil ako— kahit mamatay man ako ngayon ay isasama ko ang m

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 157

    A gentle tap of a hand caressing my back. I look at my husband. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa, naghihintay ng magandang balita tungkol sa nangyayari sa mga anak namin. “You should sleep na, Yeon Na. It’s already 1 a.m. Kahit maikling idlip lang, hindi ka man lang natulog,” ani ng asawa ko sa mahinang tinig. “I can’t sleep. Iniisip ko pa rin ‘yung oras na pinabayaan ko sila sa sala, kaya sila natangay ng babaeng iyon,” sagot ko, bakas pa rin ang paninisi sa sarili. Ilang beses siyang napabuga ng hangin. “Hanggang kailan mo ba sisisihin ang sarili mo, wifey?” “Hangga’t hindi sila nakikita, Sire. Ako ang nagbantay sa kanila dito—ako lang mag-isa. Sino ba dapat ang sisihin ko? Ang halaman?” pabalang kong tugon, halatang may inis pa rin sa boses ko. Muli niya akong hinila palapit hanggang sa mapasandal ako sa kanya. Pinabayaan ko na lang ang sarili kong humilig sa dibdib niya. Napatingin ako sa mukha niya nang marinig ko siyang may binubulong. Nakatingin siya sa malayo habang mahin

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 156

    “Pauwi na ako diyan. You need to calm down,” ani Sire sa akin sa telepono, sa isang kalmadong boses, habang ako naman ay hindi pa rin mapigilan ang paghikbi. Alam kong labis din siyang nag-aalala para sa mga anak namin, pero pinipilit niyang kumalma dahil kanina pa ako nanginginig sa takot—humihikbi sa sobrang pag-aalala na baka may nangyari na sa mga bata.“Paano ako kakalma, Sire? Our kids have been kidnapped! Paano kung may masamang nangyari sa kanila? Paano kung… hindi na natin sila makita pa?” halos pasigaw kong wika, nanginginig ang tinig.Ilang segundo siyang natahimik bago muling nagsalita.“Hintayin mo ako diyan. Malapit na ako sa bahay,” sabi niya, mababa ang tono.“Oo.Nandito lang ako. Inaantay ko rin si Dad na dumating. Please, come home as fast as you can. The police have already started searching,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili.“Okay,” tugon niya bago ibaba ang tawag.Napaupo ako sa sofa, natulala sa kawalan. Parang nabingi ako sa katahimikan ng bahay... wala n

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 155

    “Ang sabi ni Spencer, si Inna raw ang isa sa nakakalaro nila sa playground maliban kay Marlo, anak ni Janice. Naitanong ko na kay Janice kung may kilala siyang Inna, pero ang sagot niya, wala siyang kilalang ganoon. Sa paglalaro raw ng mga bata sa playground sa likuran, si Edcil naman ang madalas nilang kasama,” kwento ko sa asawa ko sa cellphone habang naggigisa ng bawang at sibuyas para sa ulam na lulutuin ko para sa tanghalian namin.Kanina pa kami nag-uusap habang nasa opisina pa siya. Nang matapos kasi ang office meeting niya, agad siyang tumawag para tanungin ako tungkol sa pinag-usapan namin ni Spencer. Pero limitado lang ang sinabi ko—ayaw ko siyang masyadong mag-alala. Deep inside, I feel something strange about that *Inna* girl. Ayon kay Spencer, bigla na lang daw itong sumusulpot sa playground at hindi nila alam kung saan nanggagaling. Parang multo.“Sino si Edcil?” tanong niya, medyo seryoso ang tono.“Pamangkin ni Janice,” sagot ko habang hinahalo ang kawali, pilit na ina

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 154

    “Mommy, ako naman ang kargahin mo! Lagi na lang si Shiloh!” reklamo ni Spencer, nakabusangot pa ang labi.“Wait lang, anak,” ani ko habang dahan-dahan akong bumaba para ilapag si Shiloh. Pero ayaw niyang bumitaw, mas lalo pa siyang kumapit na parang tuko. Niyakap niya ang batok ko, isiniksik ang mukha sa leeg ko at tumangging ipasayad man lang ang paa sa sahig.Hay naku naman… ito talaga ang palagi naming laban—ang agawan sa atensyon ko. Kung minsan, napapaisip ako kung sana pwede na lang magpa-clone ng katawan para matugunan silang tatlo nang sabay-sabay. Pero pagdating kay Sire? Deadma silang lahat, ayaw man lang kahit magpakarga o magpalambing. Para bang invisible sa buhay nila ang daddy nila.“Sorry, wifey,” paumanhin ni Sire mula sa likuran, nakasunod lang at hindi alam kung paano makikialam. Napalingon ako at nakita ko ang itsura niya, halos nagiguilty habang nakamasid sa akin na parang binagyo na ng tatlong makukulit na bata. Isa sa braso ko, isa sa leeg ko, isa sa laylayan ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status