Share

CHAPTER 2

Aвтор: Starriala
last update Последнее обновление: 2025-08-04 10:36:21

Nasa taxi na si Selene, pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa opisina kanina. May fiancée na si Damon. Paulit-ulit na umuukit sa kanyang isip ang mga salitang iyon, parang bangungot na muling sumugat sa pusong sugatan. Limang taon na ang nakalipas nang bigla siyang iwan nang walang paliwanag. Ngayon, nakita niya si Damon, successful, powerful, at engaged. Lalo lang lumakas ang sakit sa pag-iisip na naka-move on na siya, habang siya’y nakakapit pa rin sa mga alaala nila.

Naalala niya bigla ang daan na lagi nilang tinatahak noon sa college. May maliit at lumang café sila na madalas puntahan sa likod ng park. 

“Even if I have nothing now, I swear, Elene... I’ll work hard. I’ll become the biggest investor in the country. I’ll give you the life you deserve.”

Naalala niya na ngumiti lang siya, hindi niya sinabi na may kaya ang pamilya niya. Ayaw niyang layuan ito ng lalaking minamahal niya dahil hindi sila pareho ng estado sa buhay

Ngayon, iniisip niya kung ang desisyong iyon ba ang naging dahilan ng lahat ng ito. 

Kinabukasan, kumalat agad ang mga usap-usapan sa opisina tungkol sa bagong empleyado,  isang baguhan sa interior design na wala pang patunay ng galing o karanasan. 

“Sino ba ‘to? Paano siya makakasabay sa mga eksperto dito?” bulong ng isa. “Wait, narinig mo ba? She’s always used her looks to climb up,” sagot ng isa pa, halatang may halong duda at pag-aalinlangan. Napuno ang opisina ng mga matang nakamasid at mga komentong pilit naghahanap ng kahinaan sa bagong dating.

Napalingon si Marion, isa sa mga matagal nang interior designer, “Sa itsura niyang iyan, mukhang totoo naman na ginagamit niya ang alindog niya to earn a position na ilang taon muna nating pinaghirapan.”

Gusto sanang tumutol ni Selene pero hindi niya na ginawa. Gusto niyang magsimula ulit at ayaw niyang masira ang pangalan dahil lang dito. 

“Sa conference room, now.”

Natigil ang bulungan nang marinig ang Design manager ng team. Isa-isang pumasok ang mga empleyado at nagulat nang makita ang presentasyon sa harap nila.

Ang Design Manager, si Mr. Garcia, ay nakatayo sa harap ng projector, hawak ang remote control. "Team, nais kong ipakita sa inyo ang isang malaking proyekto na ipinagkatiwala sa atin ng client. Isang proyekto na hindi lamang magpapataas sa ating portfolio, kundi magdadala ng mga bagong oportunidad."

Mabilis na binanggit ng iba’t ibang designer ang pangalan ni Marion, siya ang pinakamatagal at may pinakamaraming experience sa team. Sa loob ng ilang taon, siya ang naging pangunahing designer ng mga malalaking proyekto, at wala nang ibang nagtangkang kumalaban sa kanyang pamumuno.

“May mga tanong ba?” pagsingit ni Mr. Garcia sa assumptions ng kaniyang buong team. “Pero bago kayong mag-isip, nais ko munang ipaliwanag, sa pagkakataong ito, lahat ng designer ay inaanyayahang mag-submit ng kanilang proposal para sa design ng proyekto. Hindi lang isang tao, kundi bawat isa sa inyo ay may pagkakataon na magbahagi ng kanilang ideya. Kailangan nating mag-collaborate.”

Nagkatinginan ang mga designer, at ang lahat ng mata ay napadako kay Marion. Sa palagay ng marami, siya na lamang ang tamang tao para sa trabaho. Hindi inaasahan na magiging ganito ang magiging sistema ng proyekto.

“Pero, sir,” magalang na tinuran ni Marion, “mukhang ako po ang may pinaka-angkop na karanasan para dito. Kung pwede lamang, baka mas madali kung ako na lang ang magtuloy ng proseso. Alam ko po ang nais ng client at paano ito mapapaayos.”

Tumingin si Mr. Garcia sa kanya, medyo seryoso, at may kasamang pag-aalala. “Marion, nauunawaan ko ang iyong posisyon, at pinahahalagahan ko ang iyong mga taon ng serbisyo. Ngunit ang kagustuhan ng client ay malinaw. Ang nais nila ay makita ang iba pang perspektibo ng ating team. Walang sino man sa atin ang dapat magtakda ng hangganan. We need everyone’s ideas.”

Nagpahid si Marion ng pawis sa noo. Alam niyang may mga pagkakataon na ang client ay nais ng fresh perspective. Pero sa loob-loob niya, hindi niya matanggap na hindi siya ang pipiliin. Matagal na niyang pinaghirapan ang kanyang lugar sa kumpanya, at ang ganitong uri ng diskarte ay tila isang pagsubok sa kanyang awtoridad.

“Meeting adjourned.” 

Nang akmang tatayo si Selene ay hinarangan siya ng folder ng manager. “Ikaw si Elene tama ba?”

“Yes manager,” confident niyang sambit.

“Magaganda ang mga design na ipinasa mo sa aplikasyon mo. Ang fresh at modern ng dating nila, kaya’t umaasa akong makikita ko rin ang ganoong klase ng ideya para sa proyektong ito.”

“Makakaasa po kayo,” masiglang sambit ni Selene na puno ng pag-asa.

“Siya nga pala, bago ka bumalik, idaan mo nga muna itong portfolio kay Mr. Thorne. Kanina pa niya ito hinihintay eh.”

“P-po, sa opisina po ng CEO?” nauutal na sumbat ng dalaga.

“Oo, heto na, nagmamadali kasi ako’t may kliyente pa tayo sa baba.”

Hindi na nakatutol si Selene nang ilagay ng manager ang folder sa mga kamay niya. 

Akala niya’y hindi na ulit niya makikita ang CEO ng kompanya dahil mababa lang naman ang ranko niya. Pero bakit ngayon, may ganitong pangyayari?

Ngunit wala itong nagawa dahil mukhang mahalaga ang portfolio na ibinilin sa kaniya. 

Narating na niya ang malaking pintuan ng opisina nito pero bago ito pumasok ay inihanda muna niya ang sarili niya. 

Kumatok muna ito bago pumasok pero kahit anong paghahanda niya’y hindi pa rin siya handa sa nakita niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Billionaire Ex, Her Babies' Father   CHAPTER 5

    Mabilis na kumalat ang chismis sa SVT matapos matanggal si Selene sa major project. Lahat ay may kanya-kanyang kwento, may dagdag, may bawas.“Balita ko si Mr. Thorne ang nagtanggal sa kanya?”“Oo, galit na galit daw siya rito.”“Nakakapagtaka nga eh, bakit kailangang mangialam si sir dito?”“Baka may nagawa siyang lubos na ikinagalit ni Mr. Thorne. Remember, the gossip about her being a slut?”Habang si Selene ay nilulunod ng panghuhusga, si Marion naman ay tila lumulutang sa ulap. Siya ang pumalit kay Selene sa proyekto at hindi siya nag-aksaya ng panahon para ipagdiwang ito.“Naku, sa akin naman Talaga dapat ang project, umepal lang ang baguhang ito,” pagpaparinig ni Marion.“Tama ka, di hamak na may mas marami kang experience dito,” pagtugon ng isa pa nilang kasamanahan.Nginitian na lamang siya ni Marion at lumabas para kitain ang kanyang savior. “I got the project.”"Special thanks to—" bungad ni Marion, pero agad siyang pinutol ng babaeng nakatalikod, walang kaemosyon-emosyong

  • Her Billionaire Ex, Her Babies' Father   CHAPTER 4

    Matamlay na pumasok si Selene sa kanilang opisina pero hindi inasahan ang magandang balitang naghihintay sa kaniya. “Hindi pala talaga siya nangopya?”“Oo, may expert na dumating kahapon pagkatapos ng showcase tapos nakompirma na pareho lang ang istilo nila pero hindi sila magkaparehong-magkapareho.”“Pero bakit kaya biglang may dumating na eksperto? Napahiya tuloy si Ms. Vellor kahapon.”“Attention.”Natigil ang bulungan nang dumating si Mr. Garcia na nakangiti't may hawak na folder. “The client was pleased by the showcase yesterday. Although, there were some unexpected events,” sambit ng manager bago tumingin sa kinaroroonan ni Selene. Agad naman itong tumungo ngunit napataas agad ang ulo pagkarinig sa sumunod nitong sinabi. “Selene's HavenHue gained the client's attention and he decided to go with it. So, congratulations Selene on your first contract.”Nagpalakpakan ang lahat dahil alam nilang deserve ng dalaga ang pagkilala. Maliban nalang kay Marion na nakatingin nang matalim

  • Her Billionaire Ex, Her Babies' Father   CHAPTER 3

    Akala ni Selene ay handa na siyang haraping muli ang CEO ngunit hindi pala niya napaghandaan ang nakita niya.Si Aestra, secretary at fiancée ni Damon, nakaupo sa kandungan nito habang nagtatawanan sila at bumubulong sa tenga niya. Hindi siya itinulak ni Damon. In fact, he brushed a lock of her hair behind her ear, his smile became cold and calculated nang makita si Selene na nakatayo roon.“Oh,” sabi ni Damon, “Didn’t see you come in.”Sumikip ang dibdib ni Selene. Pinilit niyang ngumiti nang magalang at lumapit sa mesa ng CEO.“Pina-pinabibigay ni Mr. Garcia,” nagpipigil nitong sambit.“Put it there.” Sambit ng binata at saka tiningnan ang center table sa di kalayuan.Pagtalikod ng Selene ay hindi nakalampas sa pandinig niya ang giggle ng babaeng nakaupo pa rin sa lap ng CEO. “Ano ba honey. Alam mo namang namamanhid pa rin ang balakang ko dahil sa ginawa mo kanina.” Sinubukan ni Selene ‘yung lahat para di ito pansinin, pero ang tanawin na hawak niya ang ibang babae, winawasak nto a

  • Her Billionaire Ex, Her Babies' Father   CHAPTER 2

    Nasa taxi na si Selene, pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa opisina kanina. May fiancée na si Damon. Paulit-ulit na umuukit sa kanyang isip ang mga salitang iyon, parang bangungot na muling sumugat sa pusong sugatan. Limang taon na ang nakalipas nang bigla siyang iwan nang walang paliwanag. Ngayon, nakita niya si Damon, successful, powerful, at engaged. Lalo lang lumakas ang sakit sa pag-iisip na naka-move on na siya, habang siya’y nakakapit pa rin sa mga alaala nila.Naalala niya bigla ang daan na lagi nilang tinatahak noon sa college. May maliit at lumang café sila na madalas puntahan sa likod ng park. “Even if I have nothing now, I swear, Elene... I’ll work hard. I’ll become the biggest investor in the country. I’ll give you the life you deserve.”Naalala niya na ngumiti lang siya, hindi niya sinabi na may kaya ang pamilya niya. Ayaw niyang layuan ito ng lalaking minamahal niya dahil hindi sila pareho ng estado sa buhayNgayon, iniisip niya kung ang desisyong iyo

  • Her Billionaire Ex, Her Babies' Father   CHAPTER 1

    Tumayo si Selene sa harap ng matayog na gusali ng SVT, mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Pero alam niyang ito ang kaniyang pagtakas, mula sa kanyang ama, mula sa bigat ng responsibilidad sa kumpanyang nais nitong ipamana sa kanya. Ayaw niyang maging tagapagmana ng Avenir Corporation. Dahil ang pananatili roon ay magbabalik lamang ng mga alaala noong buhay pa ang kanyang ina. Bukod pa rito, nais niyang bumuo ng sariling pangalan lalo na sa mundo ng interior design.Kaya muling ginamit ni Selene ang pekeng identidad na limang taon na niyang nilimot. Kailangan, para hindi siya makilalang anak ng isa sa pinakamayaman sa Mayanka. Nag-apply siya sa isa sa pinakalamalalaking kompanya ng design, umaasang makapagsimula muli."Elene Crawford," mahinang sambit niya habang binabasa ang pangalan sa folder, pangalan ding ginamit niya noon para makapasok sa art school. Hindi niya akalaing magagamit pa ito muli, matapos ang lahat. Ngunit mabilis niyang nilimot ang mga alaala at dumiretso sa reseps

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status