Mabilis ang kilos ni Eva at umiwas patagilid, pero natalsikan parin siya ng kape sa binti.
Napasinghap siya sa sakit.
Nang makikipagtalo sana siya kay Lea, tumingala siya at nakita si Lea na tatamaan ang glass cabinet sa likot nito. Agad siyang nakakutob at hihilahin niya sana ito ngunit umiwas si Lea nang malapit na niya hawakan.
*crash*
Nasugatan ang braso ni Lea ng salamin. Nag-uunahan pababa ang dugo na kumawala sa mga hiwa dulot ng mga bubog at sa oras na pumatak sa sahig ang mga dugo ng dalaga, ang malamig na boses ni Lyxus ay maririnig mula sa likuran.
"Eva, Anong ginawa mo!?"
Agad na nilapitan ni Lyxus si Lea at ang mga mata nito ay madilim.
"Ayos ka lang ba?"
Agad na umagos ang mga luha sa maliit na mukha ni Lea at nanginginig ang mga labi nito.
"Kuya Lyxus, kasalanan ko lahat. Hindi ko sinasadya matapunan ng kape si Secretary Tuason, akala niya sinadya ko gawin yon, kaya tinulak niya ako. Wag mo siya sisihin."
Nang marinig ito, agad na nanlaki ang mata ni Eva. Hindi niya akalain na sasaktan ni Lea ang sarili nito para i-frame up siya.
"Hindi ko siya tinulak, tumumba siya ng sarili niya." Kaagad na nagpaliwanag si Eva.
Mabilis na pinasadahan ng malamig na mata ni Lyxus si Eva at napatingin ng ilang segundo sa paso sa likod ng binti nito.
Agad na umiwas ito ng tingin.
"Maghaharap tayo pagbalik ko!" Malamig na sinabi nito at nagmamadali itong lumabas kasama si Lea
Napatingin si Eva sa likod ng binti niya at mayroong hindi maipaliwanag na sakit sa mukha niya.
Ito ang lalaking minahal niya sa loob ng pitong taon. Sa pagitan niya at ni Lea, hinding-hindi niya pipiliin na paniwalaan ito.
Pinakalma agad ni Eva ang sarili at napagdesisyunan na hindi niya hahayaan si Lea na magtagumpay sa pinaplano nito. Kahit na nakipaghiwalay siya kay Lyxus, wala na siyang pake sa pakikitungo nito sa kanya pero hindi niya hahayaan ang ganitong klase ng frame-up.
Oras na magsimula ito, mauulit parin ito.
Hinanap niya ang katrabaho na si Honey De Guzman at nakiusap sa kanya na kausapin ang nobyo na nasa technical department para tulungan siya makakuha ng kopya ng video.
Gusto niyang patunayan na inosente siya.
Pagtapos niyang kausapin ito, agad na nakahinga na si Eva ng maayos at nagfocus na sa trabaho.
Wala si Lyxus at Cloud sa conference room at naghihintay ang mga senior executives kaya kinailangan niya pamunuan ang morning meeting.
Isinulat niya ang lahat ng report galing sa iba't ibang departamento sa maayos na pagkakasunod-sunod tsaka inilabas ang ilan sa mga mahirap na proyekto sa linggong iyon para sa diskusyon.
Walang Lyxus Villanueva sa meeting kaya ang paligid ay naging mas maluwag.
Ang lahat ay pinuri si Eva sa kanyang galing at nagbiro na simula ng siya at si Lyxus ay naging magkatrabaho ang lahat ay mas mabilis, napag-isip nila na pwede siyang maging boss lady nila.
Bahagyang napangiti si Eva bilang sagot sa mga papuri ng lahat.
"Magkatrabaho lang kami, wag kayo assuming. Tsaka, malapit na rin ako..." umalis sa trabaho.
Hindi pa niya natatapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng conference room. Si Lyxus ang sumipa dito at naglalabas ng nakakatakot na aura na para bang demonyo na nagmula sa impyerno.
Ang mga matalim na tingin nito ay nakatingin din ng malamig kay Eva.
Ang meeting room na mapayapa at nakakarelax ngayon lang ay naging masikip at nakakasakal.
"Mr. Villanueva," Sabay-sabay na tumayo ang lahat at bumati.
Hindi sumagot si Lyxus at naglakad ito papalapit kay Eva. Bawat hakbang nito ay malalaki at ang malamig na kamay nito ay hinablot ang braso ni Eva.
"Sumama ka sakin." Nakakatakot sa lamig ang boses nito
Halos kaladkarin ni Lyxus si Eva palabas ng meeting room. Nang magbaba ito ng tingin, nakita nito ang ilang namumulang pantal at namamaga sa makinis na binti ng dalaga.
"Napaka-tanga mo!" Galit na sigaw nito
Matapos sabihin iyon, yumuko ito at kinuha ang kamay ni Eva. Nang makarating sila sa parking lot, itinulak ni Lyxus ang dalaga papasok sa passenger seat.
Naglabas ito ng hindi pa nabubuksan na ointment galing sa storage box. Ang nagbaba ito ng tingin at ang manipis na labi nito ay nakatikom.
Marahan na pinahidan niya ng ointment ang mga paso sa binti ni Eva.
Mayroong hindi maipaliwanag na tingin ang namutawi sa mata ng binata. Nang makita ni Lyxus ang mukha ni Eva na namimilipit dahil sa sakit at ang labi nito ay namumutla dahil sa pagkagat nito sa labi. Mahigpit na nakakuyom ang mga palad.
Parang naubusan ng lakas ang daliri ni Lyxus ay biglang nanghina. Nang matapos niya lagyan lahat ng namumulang pantal sa binti ni Eva, nagtaas ito ng ulo at tumingin kay Eva na may hindi maipaliwanag na tingin.
"Napaka-tanga mo, sigurado ka bang kaya mong mabuhay nang wala ako?" Mahina itong tumawa
"Ipahid mo yan isang beses sa umaga at isang beses sa gabi. Wag mo muna basain ng dalawang araw, para hindi magkakaroon ng peklat. Pag yan nagkapeklat, wag mo ko sisisihin." Tumayo ito at inihagis ang ointment na hawak nito papunta sa mga hita ni Eva
Ibinaba ni Eva ang kilay, at walang emosyon sa boses nito: "Hindi natin malalaman kung kaya natin mabuhay kung hindi natin susubukan." Walang emosyon na mararamdaman sa boses ni Eva at nagbaba ito ng tingin
Napatingin si Lyxus sa pasaway mukha ng babaeng kaharap at napasinghap sa inis.
"Eva, kung gusto mong magalit, magalit ka lang. Bakit kailangan mo pang idamay si Lea? Di mo ba alam na may depression siya? Sinabi ko na sayo na hindi siya banta sayo. Bakit ba ayaw mong paniwalaan yon?"
Ang saya na nararamdaman sa puso ni Eva ay agad na napawi at malamig na tumingin kay Lyxus.
Isang nanunuyam na ngiti ang lumitaw sa mukha nito.
"Sasabihin ko ulit ito, Lyxus, Hindi ko siya hinawakan, nalaglag siya mag-isa para lang i-frame up ako. Kung di ka naniniwala sakin, patignan mo ang cctv."
"Hindi ako ganon ka-tanga, pero si Lea ay may coagulation disorder at may Rh-negative blood type. Maraming dugo ang nawala sa kanya at walang dugo sa blood bank. Sumama ka sakin at magdonate ng dugo sa kanya. Pinapangako ko sayo na hinding hindi ka gagalawin ng pamilya Evangelista. Dito na matatapos ang usapan na to." Nagtaas ng tingin si Lyxus
Kakaramdam palang ni Eva ng matinding sakit sa puso niya pero ngayon ay mas lalo pang sumakit ito. Sa sobrang sakit ay muntik na niya makalimutan huminga.
Gusto ni Lyxus na dalhin siya para magbigay ng dugo kay Lea.
Kakagaling lang niya sa abortion surgery nung nakaraang linggo. Bukod pa don, nag-suffer pa siya sa anemia dahil sa sobrang pagkawala ng dugo habang inooperahan siya, at hanggang ngayon ay umiinom siya ng gamot para bumalik ang dati niyang kondisyon.
Malamig at madilim na tinignan ni Eva si Lyxus.
"Lyxus, paano kung sabihin ko na hindi ako makakapagdonate ng dugo ngayon? Anong gagawin mo? Pipilitin mo ko?" Pagmamatigas nito
"Walang problema sa medical report mo. Hindi naman gaano makakaapekto sa katawan mo ang magdonate ng 400cc ng dugo. At saka, si Lea ang apple of the eye ni Ramon Evangelista. Kahit na responsable ka o hindi, kung kakalabanin mo ang pamilya Tuason dahil dito, kahit ako hindi makikialam." Malamig na tumingin si Lyxus sa dalaga
Napangiti si Eva sa sarili.
Nang makunan siya at nawalan ng maraming dugo, hindi man lang sinagot ng binata ang telepono. Nagkaroon lang ng maliliit na hiwa si Lea, pero nagpakaba ito ng sobra sa kanya at tinakot pa siya nito gamit ang pamilya Tuason.
"Lyxus, hindi makakasakit sa katawan ang 400cc, pero pano naman ang 2000cc? May lungkot sa mga mata na tumingin si Eva kay Lyxus
Kumunot ang noo ni Eva sa nadinig."Kung sino man ang nobya niya, wala na akong kinalaman dun. Matagal na kaming hiwalay.""Ipapadala ko sayo yung video para makita mo pero ipapaalala ko lang ah, hindi ka pwede magpauto ulit sa kanya."Nang matanggap ni Eva ang video, kaagad niya yon pinanood.Si Lyxus na nakasuot ng itim na suit ay nakaupo sa upuan nito mismo sa opisina habang iniinterview at ang unang bahagi ng interview ay tungkol sa economic development. Nang malapit nang matapos ang interview ay tsaka na nag-iba ng topic ang host."Marami pong tao ang nag-aalala sa ulo niyo po Mr. Villanueva, maaari po ba kayo magkwento kung anong nangyari dyan?""Ginalit ko ang nobya ko, kaya ayon, nahampas niya ako ng malakas." Kalmadong nakatingin si Lyxus sa camera"Mr. Villanueva, maaari po bang bigyan niyo po kami ng clue kung sino ang tinutukoy niyo?" Masayang tanong kaagad ng hostMay liwanag sa mga mata ng binata at napangiti ito ng mahina."Hindi ko pa siya nababawi ulit, kaya hindi ko
Napatigil ang daliri ni Eva sa pagpindot ng end button at nakaramdam siya ng sakit sa mga oras na yon.Sa isip-isip ni Eva, 'Kung sana sinabi mo yan bago tayo naghiwalay, baka umiyak ako sa tuwa.'Bumalik sa isipan ni Eva ang mga araw na mahal na mahal pa niya ang binata at tanging ito lang ang gusto niyang makasama, wala nang iba. Siya pa mismo ang nagkusa na magpropose dito para lang makalimutan ni Lyxus ang takot niya sa kasal, na kahit ang singsing na pinasadya ni Eva ay siya mismo ang magdesenyo.Subalit hindi niya inaasahan na lahat ng pagsisikap niya ay susuklian lang ni Lyxus ng salitang, 'Isang laro lamang ito sa pagitan natin na tanging katawan lang ang kasali at hindi ang puso.'Hinding-hindi niya rin makakalimutan ang audio recording na ipinarinig sa korte at ang pagkakasabi ni Lyxus na isa lamang siyang canary na laruan nito. Pakiramdam niya, ang kahalagahan niya bilang babae at ang pagmamahal niya ay walang awang tinapak-tapakan lang ng binata."Mr. Villanueva, kailangan
Alas nuebe ng umaga sa opisina ng kompanya ng mga Villanueva.Nakahanda na lahat ng ilaw at mga camera pati ang mga host na magtatanong."Mr. Villanueva, gusto mo ba magsuot ng sumbrero at magpalagay ng makeup? Mas magiging maganda iyon sa harap ng camera." Tanong ng hostNang marinig ito, malamig na tinignan ni Lyxus ang nagtanong."Sa tingin mo, pangit ako?""Hindi naman po, ikaw na nga ang pinakagwapo sa lungsod natin pero yung gauze po na nasa ulo niyo, medyo agaw eksena po. Ang alam ko po kase, ang tema natin ay tungkol sa ekonomiya matapos ang pandemya at sa itsura niyo po, mukhang kakaligtas niyo palang po mula sa isang sakuna." Pinagpawisan ang host ng malamig"Pinilit akong magtrabaho para sa financial recovery ng kompanya namin, na naging dahilan para mawalan ako ng oras sa nobya ko, kaya eto nahampas niya ako. May problema ba don?"Ang lahat ng tauhan na nandoon ay nagulat na para bang nakadinig ng isang pasabog na balita.Sa isip-isip ng mga tao doon, 'May nobya ang CEO n
Kaagad na nakuha ni Eva kung ano ang ibig sabihin ni Lyxus na libangin siya."Ano bang binabalak mo, Lyxus? Bitawan mo nga ako!" Hinampas niya ng malakas ang binata sa dibdibAng mabilis na paghinga ni Lyxus ay mas lalo pang bumilis habang nakayakap siyang muli kay Eva at naaamoy niya ang pabango ng dalaga. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Binalewala niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kamay niya na natatamaan ni Eva at yumuko para angkinin ang labi ng dalaga.Nang magdidikit na ang labi ng dalawa, nakaramdam ng matinding hiya si Eva nang maisip niya ang malinaw na pagkakasabi ng binata sa kanya na ayaw na nito sa kanya at hindi nito kailanman minahal siya.Sa isip-isip ni Eva, "Bakit ba kapit na kapit ka padin sakin?"Gusto ni Eva na umiwas at sa sobrang desperasyon na makawala, kinuha niya ang baso na nasa tabi ng hospital bed at ipinukpok iyon sa ulo ng binata.Si Eva na kasing lambot ng kuting ay napalakas ang hampas sa ulo ni Lyxus ni Lyxus, dahilan para may lumabas na
Sabay na napatingin si Eva at ang ama niya kay Lyxus na uminom ng tsaa habang may maliit na ngiti sa labi.Sa isip-isip ni Eva, 'Talagang nagawa mo pang uminom ng tsaa ah'May makikitang sinseridad sa mata ni Lyxus, subalit, binura ni Eva ang litrato at tumingin sa ama habang nakangiti."Dad, sa tingin ko itong judge may itsura. Kung magiging kami, lagi kaming may mapag-uusapan na kasama rin sa field namin. Ikaw na po mag-arrange ng blind date.""Sige, tatawagan kita pagtapos ng hapunan at nakauwi ka na. Kilala mo tong lalake na to nung bata pa siya at ikaw lang ang nagustuhan niya." Masayang ngumiti ang ama ni Eva, tsaka magalang na tumingin kay Lyxus"Lyxus iho, naiintindihan ko ang gusto mong iparating pero ilang beses ka na rin pumalya at ayoko na makita ulit ang anak ko na nasasaktan. Mas maigi pa na kung magiging masaya nalang kayo para sa isa't isa.""Tito Ivan, a..."Gusto pa sana magsalita ni Lyxus pero napahinto siya nang magsalita ang ama ni Eva."Bilisan na natin maghapuna
Umiling kaagad si Cloud."Hindi po, nasa public ospital po kayo."Nagngalit ang ngipin ni Lyxus sa inis.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Hindi ba siya natatakot na baka mapatay ako ng pekeng doktor dito?'Hindi akalain ng binata na ganito pala kasama ang dalaga sa kanya at hindi man lang siya nito pinagbigyan na makipag-ayos.Nang makita ni Cloud na namumula ang mata ng boss niya sa galit, hindi siya nakaramdam ng awa dito at sikretong nakaramdam ng saya dahil kahit ilang beses niya paalalahanan ang boss niya, hindi nito sineseryoso ang sinasabi niya.Sa isip-isip ni Cloud, 'Aabangan ko ang araw na hahabulin mo ang asawa mo hanggang sa kamatayan.'"Boss Lyxus, baka naman masyado lang busy si Miss Eva. Pumunta siya sa De Ayala Group kasama si Sir Jaze para pumirma ng kontrata ngayon. Parehas silang nakaayos ngayon at lumabas din sila sa tv. Maraming tao ang nagsasabi na bagay sila. Hahanap lang ako ng video para mapanood mo." Kunwaring dinadamayan ni Cloud ang boss niya na para bang hindi niya