Share

Chapter 3

Lunes.

Ngayong araw ang simula ng pasukan kaya mas minainam kong gumising nang maaga. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Matapos ang halos isang oras na pagliligo ay nagbihis 'ko.

Nagtungo ako sa kusina saka nagtimpla ng tsaa at nagluto ng umagahan. Tanging hotdog at omelette lang ang niluto ko. Nang matapos akong kumain, hinugasan ko ang mga gamit na pinagkainan ko saka nag-toothbrush. 

Nang maisaayos ko na ang lahat at wala na akong nakalimutan, isinukbit ko ang bag sa balikat ko at saka isinuot ang aking eyeglass. 

Lumabas na 'ko ng bahay saka binuksan ang gate para ilabas ang motor ko. Nang masigurado kong ayos na ang lahat, saka ako sumakay at pinaharurot ang motor paalis. 

Brooooom!!! 

Ilang minuto ang itinagal ng pagbyahe ko at narating ko ang parking lot ng school. Agaran kong inayos ang pagkakagarahe ng motor ko at siniguradong nakalock ito. Bahagya kong inilibot ang mga mata sa parking lot ng school. Hahanga ka sa makikita dahil naghilira ang iba't-ibang uri at kulay ng mga kotse.

'Bigtime!' Tiningala ko ang malalaking letra na nakahubog sa makakapal na bakal na nakapaskil sa itaas ng gate. 

"Sebastian... Academy" mahina kong usal. Pagpasok ko ng gate ay agad na hinarang ako ng guard. 

"Ma'am ID nyo po?" magalang na tanong ng guard. Ibinigay ko naman ang ID na hinihinge nya. 

"Okay na po Ma'am.. Have a nice day ahead!" magiliw niyang sabi. Tanging tungo lang ang itinugon ko saka naglakad papasok. 

Sandali ko pang iginala ang paningin sa kabuuan ng school. Parang paraiso at hindi paaralan ang makikita mo pagkapasok. Nakakamangha sa sobrang ganda! Malaki ang quadrangle nila ang sasalubong pagpasok pa lang. Malinis at maayos ang mga halaman sa paligid na halatang alagang-alaga ng sobra. Sa tingin ko ay may machin na ginagamit dito para mapanatili at maayos ang mga halaman. May dalawang malalaking building na pawang gawa sa bubog ang nakatayo sa magkabilang side, na sa tantya ko ay may labing-dalawang palapag ang bawat isa. Sa gitna ay may kalakihang flagpole na may statue sa likod. May karamihan na rin ang mga estudyante at iba'y pawang mga nakauniporme, ang iba naman ay hindi na tulad ko.

Nagsimula akong maglakad patungo sa kaliwang building para hanapin ang room ko. Dahil transferee ako, isa ako sa hindi nakauniform. Ang iba ay nakasibilyan din na sa tingin ko ay mga transferees din at freshmen. 

Sa bawat hakbang na ginagawa ko, nakikita ko ang bawat matang humahagod sa buong katawang lupa ko. Makikita mo ang bawat tingin nila na nanunuri, nandidiri at nagtataka kung bakit may isang kagaya ko na nasa ganitong klase ng school. 

'Psh!' 

Hindi ko pinanasin ang alin man sa mga mapanghusgang mga tingin na iyon. Sa bawat room na madaanan ko, tinitingala ko ang pahabang karatula na nakapaskil sa taas ng pinto para hanapin ang room 4A.

"Girls! Look is she. Sobrang baduy ng style nya hah!?" pang-iinsulto agad ng isa. 

"Hahaha oo nga 'no? Ang lakas makanerd ng salamin niya!" 

"Akala siguro e ikinatalino nya ang ganung style!" 

Hindi ko pinansin ang iba pang studyanteng panay ang bulong. Kahit saang school ka yata magpunta at bago ka sa paningin nila, ganito pa ang porma! Hindi na mawawala iyong bulong dito, bulong doon. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. 

'Nasa'n na ba 'yon?' 

Nagpatuloy ako hanggang sa marating  ang dulo ng pasilyo sa ikalawang palapag. Room 4A!

'Anak ng tokwa! May hagdan naman pala dito sa kabilang side!' 

Pagbukas ko ng pinto, natigilan sa pag-iingay ang lahat sa pagbungad ko. Lahat ng tingin nila'y pawang nasa akin.

'Hanggang dito pala, may continuation ang entrada ko' 

Hindi ko pinansin ang naririnig kong bulungan sa paligid ko. Nakapamulsang pumasok ako at naghanap ng pwedeng mauupuan. Marami bakanteng, pero mas pinili ko ang sa may bintana. Nang marating ko ang pinakadulo, ay saka ako umupo at dumekwatro ng panglalaki.

"Grabe! Look at her Lara. Kung umupo akala mo hindi babae. So baduy!" 

"No wonder why she looks like that, look at her clothes! At yung salamin! Mukhang sa.. sa... what do they call to that place? Tiange? So cheap!!" maarteng sabi naman nung isa saka tumingin sa katabi at nagtawanan sila. 

"Baka mamaya stealer yan."

'May mas ilalait pa sila, hintay lang kayo!'

"Alam nyo? Napakaechosera nyong tatlo eh no? Wala na kayong hindi nasabi. Chupi! Aga-agang nakakainit kayo ng ulo." biglang pagsingit at pagtataboy sa kanila ng isang maganda at may katangkarang babae. 

Bumaling sya sa' kin. Nginitian nya ako pero tinignan ko lang sya. Napapahiyang umupo na lang siya sa mesa na nasa unahan ko. Humarap sya sakin at naglahad ng kamay. "Hi? I'm Alexandria Natividad, you are?" 

Saglit kong tinitigan ang kamay niya. "Maruh Velarde." simpleng turan ko. 

"Ah, uhm.. transferred student ka 'di ba?" tanong nya. 

"Hindi ba halata?" sarkastiko kong tanong. 

"Ah, eh hehe.. Sabi ko nga" napapahiyang sagot nya. 

"Oh em giiii!! They are here!!" maya-maya'y sigaw nung isang babae. 

"Waaaaaaahhhhhh!!!!" tili ng mga kababaihan. Pati itong nasa unahan ko nakitili gaya ng iba. 

'Langya ang mga bunganga!'

"Grabe ang gwapo nila 'no?" 

"Correction! They're more handsome now than the last year. Lalo na si DT!" kilig na kilig pa yung isa. 

'Tss!' 

"Good morning classmate! Miss me?" magiliw na bati ng isang lalaking matangkad at medyo singkit. 

"Yeeesss Kevin! We really missed you!!" tiling sagot ng ibang kababaihan. 

"DT ang gwapo mo lalo!" 

"Steve your so handsome too!" 

"Si Kevin din!" 

"Good morning Lexie. Nice to see you again." bati nung Kevin kay Alexandria. 

"Hindi maganda ang umaga ko 'pag ikaw ang babati! Hmmp!" pairap siyang naupo ulit. 

Napakamot na lang sa ulo yung Kevin saka muling ngumiti na bumaling sa kasamahan nito. Todo papuri ang naririnig ko. Kaliwa't kanan. Nakakarindi ang mga lintik! Para silang mga ulol na asong nauulol ng sobra! Tinignan ko ang bawat lalaking bagong dating. Mga gwapo. Hindi maikakaila dahil kitang-kita naman sa mukha nila. 

Matatangkad. Maayos magdala ng uniform, nagagawa nilang mangibabaw sa lahat. May may mga katangian sila na ikinalalamang nila sa karamihan. Pero sa tatlo, iyong may katangkaran ay may lamang sa dalawang kasamahan niya. Kung ano iyon? Hindi ko alam.. At wala akong pakialam!

Pinalis ko ang tingin ko sa kanila saka pikit-matang humalikipkip. Hindi pa din maubos  ang tili ng mga kababaihan. Animo'y nakalunok ng speaker sa sobrang lakas ng mga boses. Daig pa nila ang nasa palengke! Mga presentable ngang tingnan. Pero parang nagtitinda ng gulay sa palengke sa sobrang ingay. 

'Napakaingay!'

Lumipas ang ilang minuto, konting ingay na lang ang naririnig ko hindi tulad kanina, yumayanig sa kasisigaw ng mga babaeng sumobra sa yaman, ewan na lang sa utak. Saglit pa'y naramdaman kong may lumapit sa 'king lalaki. Paano ko nasabi? Sa amoy pa lang ng pabango, masyadong nakakalalaki. 

"You" mahinahon nyang tawag. 

"Ang baduy naman nya!" 

"Yeah! And she's very ugly too." 

'Hanep din sa panlalait ang mga 'to!' 

"How could she have studied here? As far as I know, a capable people only can take an exam here. I don't think she is as rich as we are." 

"I bet she's not! Look at her style! Napakabaduy!" panlalait pa nila. 

'Oh! E kayo na ang mayaman! Mga peste!' 

"Hey! I'm talking to you!?" muling tawag nung lalaki. Pero halatang napipikon na ito. 

"Hey nerd!? Kinakausap ka ni DT! Bingi ka ba or nagpapansin ka lang?" maarteng sabat nung isa. 

Nagmulat ako ng mata at tinignan ang tinatawag nilang DT. 

'Mga sakit sa ulo!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status