MATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya.
Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili.
“Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke.
“Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo.
Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.”
Napaatras si Esteban sa huling sinabi nito. Napahigpit ang kapit niya sa dalang plastic. Ang pangalang binanggit ng lalaki ay animo’y isang bangungot na kinaiinisan niya.
“Sino ka? Ahh… wala akong pakialam kung sino ka at nag-aaksaya ka lang ng oras na sunduin ako dahil hindi ako sasama sa ‘yo.”
“Flavio po ang pangalan ko. Inutusan ako ng iyong Lola na sunduin ka at ibalik sa mansyon.” Ngumiwi si Esteban sa sinabi ni Flavio.
Marinig pa lang niya na binanggit ng lalaking kaharap ang kanyang Lola ay sumagi na agad sa isip niya na may kailangan ito sa kanya. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang matandang ‘yon na hanapin at puntahan siya kung wala itong malaking kailangan sa kanya.
‘Kailangan niya ako dahil wala ang magaling niyang apo?’ Natawa siya naisip. Hinahanap lang siya kapag may kailangan. Natawa siya ng mapait nang maalala kung paano siya pinagtabuyan ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit ng pang-aalipusta sa kanya na animo’y hindi siya parte ng pamilya.
Matapang at seryoso niyang hinarap ang lalaki. “Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin.” Akmang aalis na sana siya nang lumingon siyang muli sa lalaki. “Pakisabi sa amo mo na mali siya ng nilapitan. Hindi ako babalik sa impyernong kung saan siya naroon.”
Hindi nagsalita si Flavio nang tumalikod na si Esteban. Huminga na lamang nang malalim ang binata dahil sa tigas ng ulo ng isang apo ni Donya Agatha. “Wala nga siyang pinagkaiba sa kapatid niya,” bulong nito sa sarili sabay iling habang pinagmasdan si Esteban na hindi man lang nililingon ang paligid.
SA KABILANG dako, naghihintay ang isang magandang dalaga at bakas sa mukha nito ang inis.
“Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” inis niyang bulong, kanina pa siya nakabihis at hindi pa rin bumabalik ang hinihintay niyang si Esteban.
Siya si Hadrianna Lazaro o kung tawagin ng lahat ay Anna, ang asawa ni Esteban. Tatlong taon na silang kasal, at tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kanilang sitwasyon. Labag sa kalooban niya na ipakasal sa lalaking hindi niya naman talaga kilala sa simula pa lang. Gayunpaman ay sinunod na lamang niya ang gusto ng kanyang Ama at Lolo.
“Ang tagal mo! Saan ka ba galing ha, ma-le-late na tayo, Esteban!” bungad niya sa asawa nang makauwi ito. Pawisan pa ito na tila mukhang hinahabol ng kung ano. “Oh, ba’t ang dungis mo? Ano bang nangyari sa ’yo?”
“Bumili lang ako ng regalo para kay Lola,” sagot naman ni Esteban sa asawa at saka yumuko. Palihim niyang inaamoy ang sarili dahil nahihiya siya sa kanyang itsura.
“Sana ‘di ka na lang nag-aksaya ng oras. Hindi rin naman iyan tatanggapin ni Lola.”
“Wala rin namang masama na bilhan ng regalo ang Lola mo, Anna,” seryosong sagot ni Esteban.
Umiling na lamang si Anna habang nakatingin sa asawa. Naiirita siya sa mga katwiran nito.
“Magbihis ka na at bilisan mo! Naghihintay na silang lahat doon! Ang dungis mo… nakakahiya ka talagang isama!”
Hindi na lamang sumagot si Esteban, nasaktan siya sa huling linyang sinabi ng asawa.
Alam niya namang matagal ng ayaw ni Anna sa kanya at kahit asawa siya nito, iba rin ang trato nito sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa, ni hindi siya makapag-reklamo dahil si Anna na lamang ang tanging naiwan sa kanya ngayon.
Si Anna lang din naman ang tanging taong uuwian niya…
Hindi kinausap ni Anna ang asawa habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kanyang Lola, si Senyora Rosario.Pangalawa ang pamilya nila Anna sa pinaka-mayamang angkan sa buong Laguna. Dahil na rin sa estado nila sa lungsod ay alam na niyang engrade ang magiging party ng Lola niya ngayong araw.
“Huwag kang gagawa ng kalokohan dito, Esteban. Kung wala ka namang alam sa mga bagay-bagay, pwes manahimik ka na lang,” bulong ni Anna kay Esteban. Hindi na lang sumagot si Esteban dahil paulit-ulit na rin naman iyong sinasabi ng asawa sa tuwing may dadaluhan sila ng kasiyahan sa lungsod.
Habang nag-uusap ang iilang tao sa loob mansyon ni Senyora Rosario, mayabang na naglakad ang isang lalaki habang may dala itong regalo. Si Frederick Lazaro, isa sa mga pinsan ni Anna na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin silang mag-asawa.
“Wow! Good evening to you cousin–” Pasimple itong tumingin kay Esteban na hindi rin naman siya pinansin. “--and to your trash.”
“Problema mo?” walang ganang tanong ni Anna sa pinsan at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid.
Imbis na sagutin ni Frederick si Anna, dumapo ang mga mata niya sa dalang regalo ni Esteban. Tinawanan niya ito dahil sa isip niya, sa pagkakabalot pa lang nito ay halata na mumurahin lang ang laman niyon, hindi tulad ng hawak niya.
“What’s this?” Gulat na tumayo si Esteban sa kinaupuan niya nang kunin ni Frederick ang regalo niya. “Magreregalo ka ng b****a kay Lola? Are you that stupid? Itatapon niya lang ito. Nag-aksaya ka lang ng barya mo, Esteban!” Tumawa siya nang nakaka-insulto.
Ngunit hindi natinag si Esteban at pinagmasdan lang niya ang binata na dahan-dahang nilabas ang regalo sa loob ng nilagyan nito.
Unang tingin pa lang ni Esteban sa dala ni Frederick ay alam niya masasabi na niya kung tunay ba ito o peke.
“Look at mine. This is the most fashionable bag in our town. Bagong labas ito mula sa ibang bansa. I bought this from a prestigious shop in Manila.” Ngumisi siya habang pinapakita sa mga tao ang dala niyang bag, nagyayabang.
Palihim na umiling at ngumisi si Esteban saka lumapit kay Frederick. “Sigurado ka bang totoo iyang nabili mo?”
Kumunot naman ang noo ni Frederick dahil sa sinabi ni Esteban. Napalingon na rin si Anna sa kanya.
“Kung titingnang mabuti iyang bag, mukha ngang mamahalin talaga at nagmula sa sikat na brand. But look.” Kinuha ni Esteban ang bag sa kamay ni Frederick na siyang ikinagulat niya pa lalo. “Hindi mo ba napansin na parang dinikitan lang ito ng tag na katulad sa mga original design? Halatang imitation.”
“A-anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?” Umiling si Esteban sa sinabi ni Frederick, halata na sa mukha ng lalaki na kinakabahan ito. Totoo ang sinabi ni Esteban pero ang ipinagtataka niya, kung bakit alam niya ang ganitong bagay. Mas lalo tuloy siyang nainis sa binata.
“Hindi ka ba natatakot na magalit si Lola dahil bibigyan mo siya ng pekeng bag?” asar pa niya lalo kay Esteban.
“Original ang binili kong bag! Sinisiraan mo lang ako sa harap ng mga tao!” giit ni Frederick.
Napangisi lamang si Esteban. Alam niya na isa sa magaling kung tumingin ng mga bags si Senyora Rosario kaya siguradong-sigurado siya na mabubuking si Frederick sa oras na malaman nito na niloloko siya ng sariling apo.
“Wala ka namang alam sa mga ganyang bagay, Esteban. Huwag mong siraan ang anak ko,” saad ng ina ni Frederick nang makalapit na sila kina Esteban kasama ang asawa nito na Tatay ni Frederick.
“Kung umasta ka ay parang ang laki ng ipinagmamalaki mo. Walang-wala ka sa anak ko dahil isa ka lang namang b****a sa pamilya ito,” segunda naman ng Tatay ni Frederick.
Hindi na lamang sumagot si Esteban dahil kung sasabihin niya sa mga taong kaharap niya ngayon na ang Nanay niya ay isa rin sa sikat na fashion designer sa bansa at magaling din ito kumalitis sa kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin sila maniniwala. Pagtatawanan lang din siya ng mga ito.
“ANONG nangyayari dito?”Isang matandang boses ang dumating.
Chapter 1601Sa kabila ng halakhak na lumaganap sa buong bulwagan, hindi nagalit si Anna. Sa halip, isang banayad at mainit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Alam niya sa sarili na ang lahat ng ito—ang pangungutya, ang pagtawa—ay may katumbas na kabayaran. Balang-araw, ang bawat taong nandito ay magsisisi sa kanilang ginawa.Napansin ni Glentong Montenegro ang matatag na anyo ni Anna—walang pagsisisi, walang takot. Tumigil ang halakhakan. Sa loob-loob niya, gusto na niyang ilabas ang lahat ng galit sa katauhan ni Anna at kitlin ang buhay nito.Pero hindi niya magagawa.Hindi ngayon.Dahil kung mawawala si Anna, wala nang pag-asang muling magkaroon ng tunay na Diyos ang kanilang angkan. Kapag tuluyang bumagsak ang posisyon ng Hannah’s lineage, tiyak na ang lahat ng dating kaaway ay magsasama-sama upang pabagsakin siya. Isang bangungot na hindi niya kayang harapin."Themis Dike," aniya nang may bigat sa tinig, "dahil ayaw mong kilalanin ang iyong pagkakamali, ipapadala ka sa Gle
Chapter 1600Mundo ng Walong Direksyon.Sa kanyang pagbabalik sa angkan ng Hannah, sa wakas ay humarap si Anna sa pinuno ng pamilya—ang unang pagkakataon mula nang siya'y umalis.Sa loob ng isang napakagarbong bulwagan, kuminang ang gintong liwanag mula sa mataas na trono. Doon nakaupo ang isang matandang lalaki—si Glentong Montenegro, ang kasalukuyang patriarka ng angkan ng Hannah.Bagamat tila matanda at marupok ang kanyang katawan, ang lakas ng kanyang presensya ay napakabigat. Mula sa kanyang mga ginintuang mata, naglalabas siya ng matinding kapangyarihang pumipigil sa sinumang magpakita ng pagwawalang-galang.Ngunit si Anna, nakatayo sa gitna ng bulwagan, ay hindi natinag. Ang kanyang tindig ay tahimik ngunit matatag—walang yabang, walang takot."Alam mo ba ang magiging kapalit ng ginawa mo?" malamig ang tinig ng matanda, puno ng pagbabanta. Para bang handa siyang kitlin ang buhay ni Anna anumang oras.Tahimik lang si Anna. Hindi siya yumuko. Hindi siya nagsisi. Hindi siya kailan
Chapter 1599"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Zarvok kay Esteban."Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre natatakot ako," sagot ni Esteban, hindi na nagkunwaring kalmado. "Pero may magagawa ba ako?"Totoo namang ito ang pinakamapanganib na ekspedisyong kanyang sinuong—isang sinaunang larangan ng digmaan na lagpas sa kakayahan niyang kontrolin. Isang pagkakamali lang, kahit gaano kaliit, ay maaaring ikamatay nila."Takot ako, pero wala na akong magagawa pa." Matapos sabihin iyon, tahimik na tumalon si Zarvok papasok sa space tunnel. Kahit kamatayan pa ang kapalit, hindi siya uurong—hindi matapos ang libu-libong taong paghahanap.Wala ring dahilan si Esteban para umurong. At kahit gusto man niyang umatras, alam niyang hindi siya pwedeng bumalik nang bigo. Kung hindi siya mamatay sa sinaunang larangan, si Santino Guerrero mismo ang papatay sa kanya.Pagdaan nila sa tunnel, agad nilang narating ang Sinaunang Larangan ng Digmaan.Sa harap nila ay isang malawak, madilim na kapatagan. Ang ihi
Chapter 1598Matapos makuha ni Esteban ang mga guho ng Sinaunang Labanan, hindi niya maitago ang gulat at pagkamangha. Maging si Zarvok, na matagal nang gumagala sa Miracle Palace, ay hindi makapaniwala."Imposible..." bulong ni Zarvok habang lumilipad sa tabi ni Esteban. "Napakalapit lang nito sa akin sa loob ng mahabang panahon... pero kahit kailan, hindi ko naramdaman ang presensya ng guhong ito."Habang nanatili si Santino Guerrero sa Ethereal Sect, naglakbay sina Esteban at Zarvok papunta sa Madilim na Gubat— dahil nandoon ang mismong guho ng sinaunang digmaan.Habang lumilipad sa himpapawid, napabuntong-hininga si Zarvok."Kumusta naman pakiramdam ng biglang nagkaroon ng master?" tanong niya, nakangisi.Ngunit kalma lang ang sagot ni Esteban. Para sa kanya, kahit mukhang nakakababa ng dangal, isa rin itong pagkakataong maaaring magamit sa tamang panahon."Basta hindi niya ako papatayin agad, ayos lang sa akin," sagot ni Esteban. "Hangga’t may silbi ako sa kanya—tulad ng p
Chapter 1597Sa isang iglap, nakalabas na si Esteban mula sa kuweba.Sa di-kalayuan, nandoon sina Master Zed at Sam Bautista, parehong nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan.Para sa kanila, hindi na kailangan ng patunay ang lakas ni Esteban.Ang katotohanang naibukas niya ang pinto ng bawal na lugar ay sapat nang ebidensya ng kanyang kapangyarihan.Ngunit sa kabila ng tagumpay, pakiramdam ni Esteban ay may mabigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Dahil sa loob ng kuweba… isang matandang halimaw sa katawan ni Ace Cabello ang muling nabuhay.Napatingin siya sa nilalang sa kanyang tabi."Ano ba dapat kong itawag sa iyo?" tanong ni Esteban."Alam kong hawak mo ang katawan ni Ace Cabello… pero parang hindi naman tama kung pangalan niya ang gagamitin ko."Sandaling natahimik ang babae.Parang matagal na mula nang may huling tumawag sa tunay niyang pangalan.Pagkatapos ng ilang sandali, isang malamig na tinig ang umalingawngaw:"Ang pangalan ko... ay Santino Guerrer
Chapter 1596Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Esteban ang tunay na banta ng kamatayan. Agad siyang nagtangkang umatras, subalit bago pa man siya makalayo, isang napakalakas na enerhiya ang tumama sa kanyang dibdib.BOOM!Parang hinagis ng dambuhalang kamay, lumipad palayo ang katawan ni Esteban nang walang kontrol, hanggang sa malakas siyang bumangga sa matigas na pader ng kuweba.“Ugh!” Isang alingawngaw ng sakit ang lumaganap, kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa at pag-angat ng alikabok sa paligid.Napakagat siya sa labi. Hindi siya maaaring bumigay. Hindi ngayon.Kaya kahit duguan ang sulok ng kanyang labi at masakit ang bawat paghinga, pilit siyang bumangon.Subalit— Pagtingala niya, naroroon na muli si Ace Cabello sa harapan niya."Tsk." Napangisi si Esteban ng mapait."Bigyan mo man lang ako ng pagkakataong huminga," aniya, pilit na nagpapanatili ng lakas ng loob kahit ramdam na ramdam na ang panghihina.Ngunit halos kasabay ng kanyang huling salita, isa na nama