Tumingin sila sa kakarating lang na matanda, si Senyora Rosario.
Simula noong namatay ang matandang Lazaro, ang Lolo nilang si Senyora Rosario na ang kumontrol sa lahat. Lahat ng desisyon ng angkan lalo na pagdating sa negosyo ay dapat munang dumaan sa kanya. Maraming may gustong mawala ang matanda ngunit animo’y isa itong masamang damo, malakas pa at alam na alam pa ang nangyayari sa paligid niya kaya marami ring takot na kalabanin siya. Wala pa ni isa ang nagtagumpay na pagbagsakin ito dahil alam nila kung kakalabanin nila ito, sila lang din ang mapapahamak.
“Lola…” bati ng mga apo nitong nakalinya na kasama ang kanilang mga pamilya.
“Lola, si Frederick. Mukhang bibigyan ka pa ng pekeng designer bag,” si Anna ang nagsalita na may kaba sa d****b. Tumingin siya kay Frederick nang hawakan nito ang kamay niya.
Kumunot naman ang noo ng matanda at nagtataka sa sinabi ng kanyang apo na si Anna.
“Lola, don’t believe them. Alam mo namang hindi kita bibigyan ng mga cheap na bagay,” mabilis na saad ni Frederick, pinipigilang ipakita sa mga tao ang labis na kaba. Sa oras na malaman ng kanyang Lola niya na totoo ang sinasabi nina Esteban at Anna, tiyak na magagalit ito.
“Sinong nagsabi niyan?” tanong ng matanda.
Tinuro naman ng iilan si Esteban na seryoso lang na nakatingin sa matanda. Malakas ang loob niyang tama siya at papanigan siya ng matanda. Ito rin ang sa tingin niyang dahilan para matanggap siya ng pamilya. Ganoon din si Anna, umaasa siya na kung totoo man ang sinabi ng asawa niya at mapaniwala ang kanyang Lola, tatanggapin na nila si Esteban.
Kahit naman sa loob ng tatlong taon nilang kasal sa papel at pagsasama, may pake pa rin naman siya sa asawa. Hindi niya lang pinapakita.
“Totoo ba?” seryosong tanong ng matanda kay Esteban habang nakatingin ito sa kanya, dahan-dahan namang tumango si Esteban. “Let me see,” saad ng matanda at kinuha ang bag.
Kinabahan na si Frederick dahil kumunot ang noo ng kanyang Lola habang sinusuri ng mabuti ang regalong dala niya. Nagdadasal na rin sa kanyang isipan si Anna na sana totoo nga ang sinabi ni Esteban. Lumingon siya sa asawa na ngayo’y wala namang nababakas na kaba sa mukha na siyang ipinagtaka ni Anna.
‘Totoo ba talagang may alam siya?’ tanong nito sa kanyang isipan.
“What are you talking about? This is real.” Natahimik ang lahat at tanging pagsinghap ang narinig mula sa kanila. Nagulat naman si Esteban sa narinig mula sa matanda. “Sinisiraan mo ba ang aking apo? Anong karapatan mong gawin iyon! Isa ka lang sampid sa pamilyang ito...”
“L-lola, tingnan niyo po nang mabuti. Sigurado akong hindi ito totoo---”
“Are you saying that I am too old? Hindi pa ako bulag para hindi ko malaman ang totoo sa imitation.”
“P-pero…”
“Wala ka talagang kwenta!” Humarap siya kay Anna nang sumigaw ito. “Akala ko pa naman may maibubuga ka kahit simpleng bagay lang, pinapahiya mo lang ako at ang pinsan ko!” Hinampas niya si Esteban na ininda lang din ang sakit ng palad ni Anna.
Palihim na ngumisi si Frederick dahil sa nasaksihan ngunit siya rin ay nagtataka kung bakit iyon ang nakita ng kanyang Lola. Malabo na nga ba ang mata nito o iniligtas lang siya mula sa kahihiyan?
“Mag-sorry ka kay Frederick. Wala kang karapatang ipahiya ang kahit sino sa pamilya ko dahil isa ka lang b****a rito,” saad ng matanda.
Hindi na siya nasaktan sa sinabi nito dahil sanay naman siya ngunit nakaramdam siya ng kirot nang makitang tumulo ang luha ng kanyang asawa na si Anna. “N-nakakahiya ka…” Gusto niyang yakapin ang asawa ngunit umatras ito.
“S-sorry…nagkamali ako.” Umiling si Anna nang lumapit si Esteban sa kanya.
“Kay Frederick ka mag-sorry,” mariing saad ni Anna.
Labag man sa loob ni Esteban ang nangyari, lumingon siya kay Frederick na ngayo’y nakangisi na sa kanya. Tumingin siya sa matanda na walang emosyong nakatingin din sa kanya. Alam niyang nagsisinungaling lang ang matanda. Kung dahil sa katandaan o kalabuan ng mata kung bakit niya iyon nasabi, naiintindihan niya ngunit kung ginawa ng matanda iyon para sa apo niya, siguro nga hindi niya na dapat ipagsiksikan ang sarili na magustuhan ng pamilya ni Anna.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Frederick.
“Sa tingin mo ba kakampihan ka ng Lola ko? Huwag ka ng umasa dahil sampid at b****a ka lang dito na dapat nang itapon,” bulong ni Frederick sa kanya.
“Pasalamat ka, mahal ka ng Lola mo.” Nagulat si Frederick sa ibinulong ni Esteban. “Kasi kung hindi, baka sa labas ka na rin pinag-pipyestahan ng mga bangaw at lamok.”
Lumunok si Frederick. Hindi niya akalain na masasabi iyon ni Esteban na isang b****a lang sa kanyang paningin. Mas lalo siyang nainis sa binata at mas lalong lumala ang kagustuhan nitong patalsikin si Esteban mula sa kanilang pamilya.
“I’m sorry, Frederick. Hindi na mauulit,” seryosong saad ni Esteban sa kanya.
Bumalik siya sa pwesto kung nasaan si Anna. “Sampalin mo na ako,” sabi niya sa asawa.
“Huwag ka nang umasa na magugustuhan ka ng pamilya ko, Esteban. Dahil sa mata nila at sa mata ko, isa ka lang b****a na dapat linisin balang araw. Don’t worry, hindi naman tayo magtatagal pa lalo dahil mawawalang bisa na rin ang kasal natin,” mahabang sabi ni Anna.
“Anna…” Huminto si Anna sa pagtawag ni Esteban sa kanya, “alam mong ikaw lang ang mayroon ako. Ikaw lang magpapabago sa akin,” dagdag niya pa.
Umiwas ng tingin si Anna sa asawa, pinilit niyang huwag maluha dahil sa sinabi ng asawa niya.
Simula pa naman noon, sinabi na ng kanyang Lolo at Ama niya na huwag maliitin si Esteban at siya lang ang magpapabago sa binata ngunit wala naman siyang alam kung sa paanong paraan iyon. Kinasal siya sa lalaking hindi niya kilala ng lubusan. Kahit gaano man niya kagustong hiwalayan ito ay hindi niya magawa dahil iyon ang huling habilin sa kanya ng kanyang Lolo.
“Senyora! May nagpadala ng regalo!” habol hiningang sigaw ng isang lalaki, agad naman napunta ang atensyon ng lahat doon maliban kay Esteban na tahimik lang na nakaupo sa mesa.
“Kanino galing?”
“Montecillo raw po.” Bakas sa mukha ng lalaki ang pagtataka at ng iilan nang marinig ang pangalang iyon. Hindi nila mawari kung bakit magpapadala ang Montecillo ng regalo gayong hindi naman nila ito kasosyo sa kumpanya.
Lumingon naman si Anna kay Esteban na wala pa ring reaksyon nang narinig niya ang pangalang Montecillo. Naalala niya ang sinabi ng kanyang Lolo. May koneksyon si Esteban sa mga Montecillo ngunit bakit wala man lang itong sinasabi? Si Anna lang ang nakakaalam ng bagay na iyon.
“Montecillo.” Napahinto si Esteban at dahan-dahang umangat ang ulo para tingnan kung tama ba ang narinig niya mula sa asawa. “Kilala mo ba ang mga Montecillo?” dagdag na tanong nito.
Kinabahan si Esteban sa biglaang pagtatanong ng kaniyang asawa ngunit hindi niya ito pinahalata. “Narinig ko lamang ang pangalan sa tabi-tabi ngunit hindi ko kilala. Bakit?”
Napailing si Anna.
‘Sinungaling,’ sa isip nito.
Chapter 1601Sa kabila ng halakhak na lumaganap sa buong bulwagan, hindi nagalit si Anna. Sa halip, isang banayad at mainit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Alam niya sa sarili na ang lahat ng ito—ang pangungutya, ang pagtawa—ay may katumbas na kabayaran. Balang-araw, ang bawat taong nandito ay magsisisi sa kanilang ginawa.Napansin ni Glentong Montenegro ang matatag na anyo ni Anna—walang pagsisisi, walang takot. Tumigil ang halakhakan. Sa loob-loob niya, gusto na niyang ilabas ang lahat ng galit sa katauhan ni Anna at kitlin ang buhay nito.Pero hindi niya magagawa.Hindi ngayon.Dahil kung mawawala si Anna, wala nang pag-asang muling magkaroon ng tunay na Diyos ang kanilang angkan. Kapag tuluyang bumagsak ang posisyon ng Hannah’s lineage, tiyak na ang lahat ng dating kaaway ay magsasama-sama upang pabagsakin siya. Isang bangungot na hindi niya kayang harapin."Themis Dike," aniya nang may bigat sa tinig, "dahil ayaw mong kilalanin ang iyong pagkakamali, ipapadala ka sa Gle
Chapter 1600Mundo ng Walong Direksyon.Sa kanyang pagbabalik sa angkan ng Hannah, sa wakas ay humarap si Anna sa pinuno ng pamilya—ang unang pagkakataon mula nang siya'y umalis.Sa loob ng isang napakagarbong bulwagan, kuminang ang gintong liwanag mula sa mataas na trono. Doon nakaupo ang isang matandang lalaki—si Glentong Montenegro, ang kasalukuyang patriarka ng angkan ng Hannah.Bagamat tila matanda at marupok ang kanyang katawan, ang lakas ng kanyang presensya ay napakabigat. Mula sa kanyang mga ginintuang mata, naglalabas siya ng matinding kapangyarihang pumipigil sa sinumang magpakita ng pagwawalang-galang.Ngunit si Anna, nakatayo sa gitna ng bulwagan, ay hindi natinag. Ang kanyang tindig ay tahimik ngunit matatag—walang yabang, walang takot."Alam mo ba ang magiging kapalit ng ginawa mo?" malamig ang tinig ng matanda, puno ng pagbabanta. Para bang handa siyang kitlin ang buhay ni Anna anumang oras.Tahimik lang si Anna. Hindi siya yumuko. Hindi siya nagsisi. Hindi siya kailan
Chapter 1599"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Zarvok kay Esteban."Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre natatakot ako," sagot ni Esteban, hindi na nagkunwaring kalmado. "Pero may magagawa ba ako?"Totoo namang ito ang pinakamapanganib na ekspedisyong kanyang sinuong—isang sinaunang larangan ng digmaan na lagpas sa kakayahan niyang kontrolin. Isang pagkakamali lang, kahit gaano kaliit, ay maaaring ikamatay nila."Takot ako, pero wala na akong magagawa pa." Matapos sabihin iyon, tahimik na tumalon si Zarvok papasok sa space tunnel. Kahit kamatayan pa ang kapalit, hindi siya uurong—hindi matapos ang libu-libong taong paghahanap.Wala ring dahilan si Esteban para umurong. At kahit gusto man niyang umatras, alam niyang hindi siya pwedeng bumalik nang bigo. Kung hindi siya mamatay sa sinaunang larangan, si Santino Guerrero mismo ang papatay sa kanya.Pagdaan nila sa tunnel, agad nilang narating ang Sinaunang Larangan ng Digmaan.Sa harap nila ay isang malawak, madilim na kapatagan. Ang ihi
Chapter 1598Matapos makuha ni Esteban ang mga guho ng Sinaunang Labanan, hindi niya maitago ang gulat at pagkamangha. Maging si Zarvok, na matagal nang gumagala sa Miracle Palace, ay hindi makapaniwala."Imposible..." bulong ni Zarvok habang lumilipad sa tabi ni Esteban. "Napakalapit lang nito sa akin sa loob ng mahabang panahon... pero kahit kailan, hindi ko naramdaman ang presensya ng guhong ito."Habang nanatili si Santino Guerrero sa Ethereal Sect, naglakbay sina Esteban at Zarvok papunta sa Madilim na Gubat— dahil nandoon ang mismong guho ng sinaunang digmaan.Habang lumilipad sa himpapawid, napabuntong-hininga si Zarvok."Kumusta naman pakiramdam ng biglang nagkaroon ng master?" tanong niya, nakangisi.Ngunit kalma lang ang sagot ni Esteban. Para sa kanya, kahit mukhang nakakababa ng dangal, isa rin itong pagkakataong maaaring magamit sa tamang panahon."Basta hindi niya ako papatayin agad, ayos lang sa akin," sagot ni Esteban. "Hangga’t may silbi ako sa kanya—tulad ng p
Chapter 1597Sa isang iglap, nakalabas na si Esteban mula sa kuweba.Sa di-kalayuan, nandoon sina Master Zed at Sam Bautista, parehong nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan.Para sa kanila, hindi na kailangan ng patunay ang lakas ni Esteban.Ang katotohanang naibukas niya ang pinto ng bawal na lugar ay sapat nang ebidensya ng kanyang kapangyarihan.Ngunit sa kabila ng tagumpay, pakiramdam ni Esteban ay may mabigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Dahil sa loob ng kuweba… isang matandang halimaw sa katawan ni Ace Cabello ang muling nabuhay.Napatingin siya sa nilalang sa kanyang tabi."Ano ba dapat kong itawag sa iyo?" tanong ni Esteban."Alam kong hawak mo ang katawan ni Ace Cabello… pero parang hindi naman tama kung pangalan niya ang gagamitin ko."Sandaling natahimik ang babae.Parang matagal na mula nang may huling tumawag sa tunay niyang pangalan.Pagkatapos ng ilang sandali, isang malamig na tinig ang umalingawngaw:"Ang pangalan ko... ay Santino Guerrer
Chapter 1596Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Esteban ang tunay na banta ng kamatayan. Agad siyang nagtangkang umatras, subalit bago pa man siya makalayo, isang napakalakas na enerhiya ang tumama sa kanyang dibdib.BOOM!Parang hinagis ng dambuhalang kamay, lumipad palayo ang katawan ni Esteban nang walang kontrol, hanggang sa malakas siyang bumangga sa matigas na pader ng kuweba.“Ugh!” Isang alingawngaw ng sakit ang lumaganap, kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa at pag-angat ng alikabok sa paligid.Napakagat siya sa labi. Hindi siya maaaring bumigay. Hindi ngayon.Kaya kahit duguan ang sulok ng kanyang labi at masakit ang bawat paghinga, pilit siyang bumangon.Subalit— Pagtingala niya, naroroon na muli si Ace Cabello sa harapan niya."Tsk." Napangisi si Esteban ng mapait."Bigyan mo man lang ako ng pagkakataong huminga," aniya, pilit na nagpapanatili ng lakas ng loob kahit ramdam na ramdam na ang panghihina.Ngunit halos kasabay ng kanyang huling salita, isa na nama