Kinuha ni Estrella, isa sa mga apo ni Donya Agatha, ang listahan ng mga regalo na nagmula sa pamilya ng mga Montecillo. Nanlaki ang mata nito habang nanginginig ang kamay nang makita kung ano ang mga regalo.
"Beach Resort…" aniya. “At may titulo!”
"Susi ng isang Bugatti La Voiture Noire..."
Habang nakikinig sa listahan ng mga regalo ay hindi maiwasan na magtinginan ng mga taong naroon. Paanong hindi? Ang mga regalo para kay Donya Agatha Lazaro ay tila regalo sa babaeng ikakasal noong sinaunang panahon.
“And cash gift… 500 million,” hindi makapaniwala nitong bigkas na halos himatayin sa nakitang halaga.
Napatulala ang lahat ng miyembro ng pamilya Lazaro. Nang mailagay sa harap nila ang itim na bag na puno ng limpak-limpak na pera. Natahimik ang buong sala kung nasaan ang pamilyang Lazaro. Mabilis at mabigat na paghinga lang ang narinig sa buong silid.
Para sa isang Elite na pamilya tulad ng pamilyang Lazaro, ang ganitong kalaking halaga ng pera ay halos isang milagro at malaking tulong para sa kanilang kumpanya.
Si Donya Agatha ay napatayo ng wala sa oras at marahan itong lumakad nang pasuray-suray sa harap ng maraming tao.
"Ano ang iyong pangalan at sinong babae mula sa pamilyang Lazaro ang iniibig mo?" tuwang-tuwang tanong ng Donya sa lalaking nakasuot ng asul na longsleeve at itim na trouser.
Namumula sa pananabik ang ilang nakababatang babaeng pinsan niya na walang asawa mula sa pamilyang Lazaro. Bagama't hindi nila alam kung sino ang kabilang partido, dapat isang mayamang pamilya ang mapangasawa ng mga babae sa angkan ng mga Lazaro, dahil lahat sila ay nangangarap ng mga bagay. Maaari din silang magkaroon ng mga kamangha-manghang regalo sa kasal.
Kumakabog ang d****b ni Anna dahil sa kaba nang marinig ang sinabi ng Donya. Maputla ang mukha niya. Dahil siya ang nag-iisang babae mula sa pamilyang Lazaro na nagpakasal sa isang mahirap at ‘di kilalang lalaki. Ibig sabihin, lahat ng pinsan niya ay may pagkakataon, ngunit wala siya ay wala.
"My name is Flavio,” aniya at bahagyang sumulyap kay Anna. Walang bahid ng emosyon ang mukha. “I'm only responsible for giving gifts. I’ll go ahead." Yumuko ito nang marahan sa harap ng Donya at walang sabing tinalikuran ang mga babaeng nagpapahayag ng interes sa binata.
Lahat ng tao sa pamilyang Lazaro ay tumingin sa mga regalong handog ng mga Montecillo at sa itim na bag na may 500 milyong pera. Marami na ang nagsimulang maglaway. Kakaiba ang pamamalakad sa pamilya ng mga Lazaro. Patakaran na ang bawat isa sa kanila ay marapat na maikasal sa mayamang pamilya upang mas lumawak pa ang kanila koneksyon at mapalago ang kompanya.
Marahas na tumayo si Marcella, "Dahil ako ang pinakamatanda at pinakamagandang babae sa pamilyang Lazaro, ako na ‘to, Lola," sabi nito na mayroong perpektong pigura na humahakab sa pulang bestida.
Matinis na tumawa si Estrella at umayos ng upo, “Masyadong mataas ang tiwala mo sa sarili mo, Ate Marcella. Sa ngayon, tanging Montecillo lang ang maaaring magdesisyon kung sino ang pipiliin. Dapat ba akong maging mainipin?" Ngumisi ito ng nakakaloko.
Kinuha ni Felicia ang magasin sa lamesa, "Oo, lahat tayo ay may pagkakataon ngunit, paano ka?” Lumipad ang mapanghamong tingin nito kay Anna na walang imik. “Sa tingin ko, itong mayamang tagapagmana ng mga Montecillo ay nagpakamisteryoso dahil sa akin."
Ilang nakababatang babae ang nagpalitan ng maaanghang na salita dahil sa misteryosong Montecillo.
“‘Wag na kayong mag-away, may pag-asa kayong lahat, pero sayang lang, may makakapanood lang na sabik," nang sabihin ito ni Frederick, sinadya niyang sumulyap kay Anna.
Alam ng lahat ng naroroon kung sino ang tinutukoy ni Frederick kaya nagtawanan ang mga naroon.
"At least nabawasan ang ating kakompetensiya." Natatawang lintaya ni Geneva.
Ngumisi si Laura kay Anna at tiningnan si Esteban, "All yours, b****a. Kung hindi dahil sa'yo, may isa pa kaming kalaban sa Montecillo."
Ibinaba ni Esteban ang kanyang ulo na may ekspresyong hindi mabatid. Malungkot, kahit na may bakas ng kahindik-hindik na sakit, hindi alam ng mga taong ito kung sino ang pamilyang Montecillo, ngunit siya alam na alam niya. Kilalang-kilala higit sa kanino man.
Hindi matukoy ni Esteban kung bakit may mga ganitong klase ng pamilya, hindi magkasundo. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng ikasal siya kay Anna.
‘Kailangan ko na ba si Desmond Montecillo?’
"Huwag kayong mabahala, itatago ko muna ang mga bagay na ito. Kapag personal na magpakita ang lalaking nagbigay ng regalo, alam ko kung sino ang papabor sa kaniya, at kung kanino ko ibibigay ang mga dote na ito," pagtatapos ni Donya Agatha sa diskusyon.
Matapos ang tanghalian sa mansyon ng mga Lazaro, ang pamilya ni Anna ay umalis nang hindi hinihintay si Esteban, dahil ang insidenteng nangyari sa pagitan nito at ni Frederick ay mas lalong nagpaliit sa kanila at naglubog sa kahihiyan.
Simula nang naging miyembro ng pamilya si Esteban ay wala itong inilabas na pera para sa kanilang kasal o ano pa man tulad ng dote. Paanong hindi siya maiinggit sa kanilang mga kamag-anak kapag nakita nila ang napakalaking halaga ng perang handog ng mga Montecillo? Natawa na lang si Anna sa naisip. Habang buhay siyang mamaliitin ng pamilya niya dahil walang kwentang lalaki ang kaniyang naging asawa niya, ayon sa kaniyang Lola Agatha.
Patakbong pumasok ng kaniyang silid si Anna at doon nagkulong. Dumapa siya sa kama at hinayaang maglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit mas mahalaga ang pera kaysa pamilya. Mabait ang kaniyang Lolo Placido na siyang asawa ni Lola Agatha dahil tulad nila, isang kasunduan lang din ang kasal ng dalawa.
Galit na hinagis ni Isabel ang dalang maliit na bag sa kama at hinarap si Alberto na siyang ama ni Anna.
“Tingnan mo ang pagpapahiyang ginagawa ng pamilya mo sa anak ko! Kailan ka ba magkakaroon ng lakas ng loob na ipagtanggol kami?” sigaw nito.
Walang imik si Alberto habang pinagmamasdan ang asawa na puno ng pagsisi ang mukha.
"Kung hindi ka sana pumayag sa kagustuhan ni Papa na ipakasal siya kay Esteban, hindi mangyayari ito! Hindi sana maghihirap si Anna sa palamunin niyang asawa!” Umagos ang luha sa mga mata ni Isabel. Nasasaktan man sa estado ng asawa at pamilya ay hindi niya kayang suwayin ang kaniyang Mamang si Agatha.
Napalapag ito sahig at itinakip ng dalawang kamay ang kanyang mga mata.
"Ang tanga-tanga ko dahil pumayag akong ipagkasundo sa’yo, bulag talaga ako noon. Akala ko mabubuhay ako ng maayos sa pamamagitan ng pagpapakasal sa pamilyang Lazaro pero hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa banging kinasasadlakan ng pamilya mo. Ikaw ang panganay na anak na lalaki ngunit hindi sa’yo balak ipamana ang kahit isa sa mga ari-arian niyo dahil hinayaan mong ikasal si Anna kay Esteban.”
Nilapitan ni Alberto ang kanyang asawa at ikinulong sa mga bisig.
“Ang sabi ng Papa mo ay pakasalan lang kita at hindi ko na kailangang alalahanin ang iba pa. Ngunit ano itong impyernong kinalalagyan natin ngayon? Nakatira sa malawak na villa ang buo mong pamilya malapit sa mansion pero bakit tayo hindi?”“I'm sorry…” Hinagod nito ang likuran ng asawa. “Patawarin mo ako, Isabel…”
“Wala kang kwentang asawa. Alam ng Dios kung anong pait ang buhay na dinanas ko at ng anak ko sa pamilya mo!" Itinulak ni Isabel si Alberto dahilan upang mapaupo ito sa sahig.Kuyom ang kanyang kamay at napayuko na lamang, hindi siya tumanggi sa kahit anong paratang at masasakit na salita ang ibato sa kaniya ng asawa. Alam niya sa sarili niyang wala siyang silbi na hindi niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa malayo sa anino ng kanyang pamilya. Hindi niya kayang magalit sa harap ni Isabel dahil labis niya itong mahal.
“Kahit hindi na ako, Alberto. Bigyan mo lang ng kalayaan ang anak natin…” Tumingin si Isabel sa asawa.
Umiling si Alberto, “Alam mong hindi ko pwedeng gawin ‘yan.”
Tumayo si Isabel, "Wala akong pakialam! Hayaan mong hiwalayan kaagad ni Anna ang basurang Esteban na iyon, gusto ko lang mamuhay ng tahimik at magandang buhay kasama ka at anak natin."
"Binalaan ako ni Papa na hindi ko sila papayagang mag-divorce, at alam ito ng buong Laguna,” mahinang usal ni Alberto. “Hindi biro ang diborsiyo, Isabel. Tatlong taon pa lang sila kasal…”
Nagsimulang hampas-hampasin ni Isabel ang kama habang nakaupo. Napaluha na lang siya habang naririnig ang sinasabi ng asawa. "Alberto, hindi ka ba naaawa kay Anna na siyang tampulan ng tukso ng iyong pamilya? Bakit ba ako nabulag sa pagmamahal ko sa’yo? What did I do with my past life upang pasakitan ako ng ganito? Gusto mo bang sirain ang pamilya natin alang-alang sa mukha ng pamilyang Lazaro at sirain ang buhay ni Anna habang nakatali sa walang kwenta niyang asawa? Araw-araw na tumatakbo si Anna sa construction site na pagmamay-ari ng pamilya mo, hindi ka ba naaawa sa kaniya? Siya ay isang babae na dapat ay sa bahay lang, pero marumi at nakakapagod na trabaho ang naging buhay niya dahil hinahayaan mo siyang apihin at alipustahin ng lahat ng kamag-anak mo. Kung hindi ka naawa sa akin… pakiusap maawa ka sa anak mo!”
Dahil hindi nagpakasal si Anna sa isang mayamang angkan ay itinuring silang pinakamababa sa pamilyang Lazaro. Ang mga pinsan nito ay nasa loob ng opisina habang si Anna ay inilagay sa field. Hindi maitago ni Albert ang sakit sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang hinaing ng asawa. Alam niya sa sarili na wala siyang magawa. Dahil habilin ng kaniyang Papa na huwag hahayaang paghiwalayin ang dalawa kahit anong mangyari dahil ito ang isa sa mga pinahahalagahan ng pamilyang Lazaro na sagrado ang kasal at hindi papayagan ang sinuman na mag-divorce o kahit annulment. Habambuhay na mapapahiya ang pamilyang Lazaro sa oras na magkaroon ng failed marriage.
Marahang naglakad si Esteban papasok sa bahay ngunit narinig niya ang sigawan mula sa bahay. Sumandal siya sa may hamba ng hagdan at bahagyang itinaas ang kanang paa. Naglabas ito ng sigarilyo at humithit mula roon. Pinaglaruan ni Esteban ang usok habang nakatitig sa kawalan. Matapos humihit ng sigarilyo, inayos niya ang pagkakatindig at handa ng umakyat sa ikalawang palapag ng bahay, ngunit narinig niya ang medyo paos na boses ni Anna sa kung nasaan ang magulang.
"H-hindi ko siya hihiwalayan," matapang nitong sabi sa mga magulang.
Kitang-kita ni Esteban mula sa ibaba ng hagdaan ang pamumula ng mata ng asawa. Nagtiim ang bagang niya sa nakita.
Lumapit si Isabel kay Anna at hinawakan ang kamay nito, "Anak, nababaliw ka na ba?! Will you keep your useless agreement with your Grandfather for the rest of your life?"
"Hindi ako baliw, Mama.” Ngumiti si Anna sa ina. “Sa loob ng tatlong taon, bagama't wala siyang ginawang pagbabago, hindi siya nagrereklamo sa bahay. Wala tayong narinig tungkol sa pagwawalis at pagluluto niya rito para sa atin at sa pamilya ni Papa. Yes, I look down on him, but I don't hate him."
Hindi makapaniwala si Isabel sa kanyang narinig. Nanlalaki ang mata niya habang umiiling.
Dahan-dahan na umakyat si Esteban ng hagdan habang patuloy na nakikinig sa sinasabi ng asawang si Anna.
"At hindi papayagan ni lola na maghiwalay kaming dalawa. Mas mahalaga ang reputasyon ng pamilya kaysa sa kahit ano pa man… at mahal ko po si Esteban," mahina nitong sambit.
Nang makarating sa may pinto si Esteban ay huminga ito nang malalim at napangiti. Ngayon lang niya nalaman na siya ang nasa puso ni Anna kahit hindi maganda ang trato ito sa kaniya. Ang nararamdaman niya sa asawa ay matagal niyang tinago. He never imagined the day that he would hear this from the woman he loves. It turns out that the extreme of hatred generates love.
"Anak, I’m so sorry…" sabi ni Albert sa anak sabay buntong hininga, hindi makatingin ng deretso kay Anna.
Umiling si Anna habang pinipunasan ang luha sa kaniyang mga mata, "Hindi ka nagkamali, Papa. Tama kayo ni Lolo, na darating ang araw na mahuhulog ang loob ko sa kaniya kahit anong pigil ko..."
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay pilit niyang itinatatak sa isip niya na hihiwalayan niya si Esteban sooner or later. Ngunit hindi kasama sa plano niya ang mahalin ang asawa. Nang isipin niyang darating ang araw na maghihiwalay sila ay naramdaman niya ang pagkirot sa kaniyang puso. Hindi pa sila nagkahawak-kamay, at nagpanatili pa nga ng isang tiyak na distansya sa publiko. Ngunit ang lalaking ito, na natutulog sa ilalim ng kanyang kama sa loob ng tatlong taon, ay isang relasyon na hindi magagawa ng ibang kalalakihan.
"I’ve fallen in love with your most enigmatic son-in-law…” Kagat-kagat ang kaniyang mapupulang labi na tila nagpipigil ng ngiti.
Naglakad si Esteban patungo sa loob ng kwarto ng kaniyang biyanan na ikinagulat ng mag-asawa. Hinila ni Esteban ang palapulsuhan ni Anna. Inabot ang magkabilang pisngi at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata saka sinubsob sa malapad nitong d****b ang mukha ng asawa.
“I’m here… irog kong magayon,” bulong nito at hinalikan ni Esteban ang buhok ni Anna.
Napangiti si Anna sa ginawa ni Esteban at may naalala siya bigla sa isa sa usapan nila.
"Esteban, you stated that I was the one person who could change you. Bakit ako?" naguguluhan nitong tanong.
Naramdaman ni Anna ang dalawang braso ni Esteban na pumalibot sa kaniyang bewang. "Hmm, sort of."
Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi, "Ayoko nang minamaliit, ayoko nang maging biro sa iba, gusto kong pagsisihan lahat ng mga taong mababa ang tingin sa akin, sa atin."
Tumingala si Anna upang pagmasdan ang ekspresyon ni Esteban. Ngunit tila yata tinakasan siya ng kaniyang sarili nang makita ang kulay itim na itim at malamig na mga mata ng asawa. Ito ang unang beses niyang tiningnan si Esteban ng malapitan.
"Mabuti," maigsi na sagot ni Esteban at mabilis na hinalikan ang labi ng asawa saka tumalikod at walang lingong umalis ng kanilang bahay.
Narinig ni Josefena ang malalim na buntong-hininga mula sa kanyang dibdib bago siya tuluyang lumingon pabalik.Sa loob ng malaking bulwagan, nakaupo si Feran habang umiinom ng tsaa. Nang makita niyang maagang bumalik si Josefena, agad kumunot ang kanyang noo. “Josefena, parang hindi ka dapat bumalik nang ganito kaaga, hindi ba?” malamig niyang tanong.Alam ni Feran na ipinakiusap niya kay Josefena na tulungan si Esteban na makapasa sa unang hakbang ng pagsasanay. Kaya’t hindi niya inasahang babalik ito agad.“Si Esteban ay pumunta sa Ciyun Cave,” mahinahon na sagot ni Josefena.Pagkarinig ng mga salitang iyon, nabitawan ni Feran ang hawak niyang tasa ng tsaa. Nahulog ito sa sahig at nabasag. “Ano?! Pumunta siya sa Ciyun Cave?” nanlaki ang mga mata ni Feran at bahagyang namutla ang kanyang mukha.“Sinabi ni Kino na si Esteban ay nagtatrabaho sa gulayan kaninang umaga, pero palihim daw niyang nilabag ang pagbabawal, gustong magpahinga at magtago, at sa huli raw ay aksidenteng nakapaso
Nang maramdaman ni Esteban ang malamig na kilabot na dumaan sa kanyang katawan, kusa siyang umatras ng ilang hakbang. Sa kanyang pag-atras, bigla niyang nahawakan ang kung anong matigas at kakaiba. Pagtingin niya, mga puting buto pala iyon. Agad niyang nabitawan ang mga buto at mabilis na napatitig sa nakakatakot na nilalang sa kanyang harapan.Ngunit habang tinititigan niya ito, unti-unti siyang kinilabutan sa kakaibang pamilyar na naramdaman. Hindi ito halimaw.Hindi pa patay si Loren.Nasa harapan niya ito ngayon, ngunit mas nakakatakot ang itsura nito kaysa dati. Halos lahat ng buhok nito ay nalagas at nagkalat sa ibabaw ng batong lamesa, kaya’t lumitaw ang ulo nitong puno ng peklat. Dahil wala nang takip na buhok, mas lantad ang itsura ng mukha—kalahati nito’y buto na lamang, at kalahati nama’y parang natuyong laman.Nang mapansin ni Loren ang pagkagulat ni Esteban, bahagya siyang napalingon sa isang tabi, pilit na itinatago ang bahagi ng kanyang mukha na puro buto, at ipinakita
Umiling si Esteban na may halong inis at pagkabigo. “Sa tingin mo ba gusto ko talagang pumunta rito? I was sold to Sifeng as a slave.”“Slave? Ginawang alipin ang apprentice ni Qurin?” Mariing napakunot ang noo ng babae, halatang nag-uumapaw ang galit sa kanyang tinig. “That Feran is such a cheap woman… hindi siya dapat mamatay nang madali.”Hindi maintindihan ni Esteban kung bakit ganoon ang pagkamuhi nito. “Sino ba si Feran?” tanong niya.“Halika rito,” malamig na utos ng babae mula sa loob.Saglit na nag-isip si Esteban. Alam niyang hawak niya ang Pangu Axe, kaya hindi siya ganoon kakabado. Kahit pa delikado, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya’t nagpasya siyang pumasok.Habang lumalalim siya sa kweba, mas lalo itong dumidilim at nagiging mamasa-masa ang paligid. Ramdam niya ang malamig na simoy na tila gumagapang sa kanyang balat.Biglang nagliwanag ang ilang apoy sa paligid. Tatlong metro sa unahan, may nakatayong malaking batong altar. Doon ay nakaupo ang isang kakaibang ni
Narinig ni Josefena ang pangalan ni Esteban mula kay Kino, pero nag-aatubili itong sumagot. Nauutal pa itong nagkunwaring kalmado, pero halatang nag-papanic.“Esteban? Ah, nasa hardin siya, nagtatrabaho,” palusot niya, habang pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang mukha.Hindi naniwala si Josefena. Alam niyang hindi dapat ganoon kasimple ang sagot. Kaya malamig niyang utos, “Puntahan mo siya. Tawagin mo siya rito.”Nagulat si Kino. “Call him back? Right now?”Sumeryoso ang mukha ni Josefena, malamig at walang pasensya. “Gusto mo bang hintayin ko pa matapos kang kumain bago ka kumilos?”Pinilit pang ngumisi si Kino, “Hehe… elder martial sister, kung gusto mo, pwede rin naman ako—” Hindi na niya natapos ang salita dahil bigla nang nakatutok ang espada ni Josefena sa kanyang leeg.“Hindi mo pa ba ako tatawagin?” malamig na sambit ni Josefena.Napilitan siyang tumango. Agad siyang lumingon kay Haran na nakatayo lang sa tabi. Napansin niya ang kumplikadong tingin ng kasama niya—nandoon ang p
Kahit na ganito ang sitwasyon, kailangan pa rin dalhin ang pagkain. Sadyang si Kino ang nag-utos na siya mismo ang maghatid. Kung mabigo siya, siguradong may kapalit itong parusa pagbalik niya.Umiling si Esteban at kinuha ang basket. Mabigat ang loob niya, ngunit wala siyang magagawa kundi maglakad papunta sa kuweba.Pagpasok niya, agad bumungad ang matinding dilim. Pagdating pa lang sa limang metro, hindi na makita ang sariling mga daliri. Paminsan-minsan, may tunog ng patak ng tubig na umaalingawngaw, kasabay ng malamig na simoy na galing sa loob.Mabilis siyang nag-conjure ng isang maliit na apoy gamit ang enerhiya. Sa wakas, kahit papaano, may liwanag na tumulong sa kanya. Ngunit sa pag-ilaw ng paligid, tumambad ang nakakatindig-balahibong tanawin: ang sahig ay punô ng mga kalansay ng tao, nakakalat sa lahat ng dako. Sa magkabilang pader, nakaukit ang mga bakas ng kamay—mga desperadong marka ng mga taong namatay dito, mga huling bakas ng kanilang paghihirap.Bawat guhit, simbolo
Kinabukasan nang umaga, tulad ng nakaraang mga araw, maaga nang nagbitbit ng timba si Esteban upang sumalok ng tubig. Habang naglalakad siya, nasalubong niya si Flashy na tila may gustong sabihin ngunit napapaurong din. Napansin ni Esteban ang kanyang kakaibang kilos kaya tumigil siya."Ano’ng problema, Flashy? May sasabihin ka ba?" tanong ni Esteban.Nagkibit-balikat si Flashy, pilit na ngumiti at sabay sabi, "Wala naman… malapit nang lumalim ang araw. Bilisan mo na lang ang trabaho. Ah, oo pala, huwag mong kalimutang diligan nang ilang beses ang mga pananim sa Dongyuan garden ngayong araw." Habang nagsasalita, medyo nag-aalala siyang napatingin sa silid ni Kino."Ha? Ilang beses?" nagtatakang balik ni Esteban.Alam ni Esteban kung gaano kalaki ang taniman sa Dongyuan. Ilang araw na ang nakaraan, isang bahagi pa lang ng taniman ang kaya niyang tapusin sa maghapon. Kung lahat ay didiligan nang paulit-ulit, tiyak na aabutin siya ng isang linggo. Maliwanag na may gustong ipahiwatig si F