Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.
“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.
Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.
“Mabuti’t pumayag kang makipagkita sa aki---”
“Bilisan mo na lang kung ano ang pakay mo, Yvonne.” Nagulat si Yvonne dahil sa pagtawag ng kanyang anak.
“What are you saying? Ina mo pa rin ako, Des—”
“Esteban…Esteban ang pangalan ko, tawagin mo akong Esteban.” Mas lalo pang nagulat ang ina dahil sa narinig mula sa anak.
Hindi niya akalain na pati pangalan ng anak ay pinalitan nito. Habang pinagmasdan niya ang kanyang anak na hindi maayos ang suot, sumisikip ang d****b niya ngunit hindi niya ito pinapakita dahil alam niyang ayaw ni Esteban na nagpapakita ito ng awa sa kanya.
“A-anak…”
“Cut the crap, Yvonne. What do you need right now? Ilang taon na ang lumipas at ngayon mo pa gustong magpakita sa akin?” galit na tanong ni Esteban.
Seryoso lang siyang nakatingin sa ina na halatang hindi nababakas sa kanyang pakiramdam ang galak nang makita si Yvonne. Galit siya sa ina dahil sa nangyari sa kanya simula noong bata pa lang siya at hanggang sa lumaki siya. Kinamumuhian niya ang kanyang ina at dahil doon nasaktan si Yvonne kahit hindi niya ipakita.
“Ang mga nangyari noong tatlong taon ang nakalipas ay desisyon ni Mama---”
“Na hindi kayo gumawa ng paraan para hindi matuloy,” putol niya sa sinasabi ng ina. Umiling si Yvonne.
“Nagkakamali ka, Des…Esteban. Wala lang akong lakas na lumaban sa mga Montecillo.” Napailing si Esteban sa narinig. Wala ng saysay kung magpapaliwanag ba ang ina dahil nangyari na.
“Anong kailangan mo? Anong kailangan niya?” diretsong tanong ni Esteban, huminga nang malalim si Yvonne at diretsong nakatingin sa anak.
“Balak niyang magtayo ng bagong kompanya sa bayan at…ikaw ang kailangan niyang mamamahala no’n.”
Nakikinig lang si Esteban, tama ang nasa isip niya. Malaki ang pangangailangan ng pamilya. “Is this a test for me? Tapos na ba ang exam na ginagawa niya para sa akin? Nakapasa ba ko sa loob ng tatlong taon na wala kayo sa tabi ko? Oh, sandali. Hindi lang pala sa loob ng tatlong taon, simula noong bata pa lang ako. Wala na kayo sa tabi ko.”
“Anak, hindi totoo iyan.”
Tumawa si Esteban nang bahagya dahil sa pagdadahilan na naman ni Yvonne. “Naalala mo noong birthday naming dalawa ng kapatid ko, pangalan niya lang ang nasa cake samantalang ako, nasa gilid nakatingin sa masasaya niyong mukha habang masayang pinagmasdan ang kapatid ko. Yvonne, limang minuto lang ang agwat naming dalawa pero bakit hindi ko naramdaman na anak niyo rin ako,” mahabang sabi ni Esteban, sumisikip ang d****b niya sa pagkukuwento.
Umiwas ng tingin si Yvonne dahil naalala niya rin ang nangyari noon. “At noong pinalayas ako, tatlong taon na ang nakalipas. Umaasa akong ipaglalaban mo ako dahil nga anak mo rin ako at apo niya ngunit tanging asa lang pala ang nangyari.”
“Magpapaliwanag ako.”
“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, gusto ko lang sabihin sa’yo na wala kang kwentang ina at wala siyang kwentang Lola. Kahit anong gawin kong galing sa bahay at sa klase, hindi niyo pa rin ako nakikita. Tanging siya lang.” Umiwas ng tingin si Esteban at huminga nang malalim. “Kung nandito ba siya ngayon at hindi nakakulong, pupuntahan mo qko?”
Hindi na napigilan ni Yvonne ang luhang kanina pa gustong kumawala, “P-patawad…”
“Gagawin ko ang gusto ninyo hindi para sa pamilya ninyo kundi para sa asawa ko, ayaw ko nang maranasan niya ang kalupitan ng mundo. Huwag ninyong isipin na dahil sa inyo kung bakit ako papaya sa gusto ninyo, matagal na kayong hindi parte ng buhay ko.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo na siya at lumabas na ng hotel. Pinunasan ni Yvonne ang luhat at kinalma ang sarili, kinuha niya ang telepono at may tinawagan.
“He agreed, Mom.”
“Mabuti, at dapat huwag niya akong biguin dahil hindi niya alam ang gagawin ko sa oras na pumalpak siya.”
Hindi na lamang nagsalita si Yvonne dahil naisip niya na naman ang sinasabi ng kanyang bunsong anak kanina na tumatagos sa kanyang d****b ang sakit. Hindi niya maipagkaila na nagkulang siya bilang ina nito.
Kinabukasan, isang mabigat na balita ang nalaman ng buong Laguna. Tungkol sa bagong kompanya na itatayo ng pamilya Montecillo. Ito ay naghahanap ng bagong kasusyo para sa bagong kompanya na itatayo kaya ang mga mayayamang tao sa Laguna ay nagbabalak na magpresinta. Desmond Estate Corporation ang pangalan ng bagong kompanya. Nagtataka ang mga tao kung bakit kakaiba ang pangalan ng bagong kompanya, hindi nila mawari kung ano ang meron dito. Kahit maraming nagtatayuan na mga bagong kompanya o negosyo at maraming nanghihinang negosyo rin, naniniwala ang tao na ang Lugar nila ay maggiing isa sa pinakamagandang City.
Ang pamilya Lazaro ay nagtatayo ng mga materyales para sa mga building kaya ang inakala nila ang pamilyang Montecillo ay magbibigay ng malaking halaga sa pamilya nila para sa negosyo. Ang mga kababaihan ng pamilyang Lazaro na hindi pa kasal ay hindi makatulog dahil sa galak na narinig, lahat sila ay gustong magpakasal sa isang Montecillo kahit hindi pa nila ito kilala. Sino ba naman ang aayaw sa isang mayamang estranghero kung ikakasal sila? Sa pagkakataon na iyon maranasan nila ang mga bagay na gusto nilang maranasan.
Araw ng Lunes, dumalo lahat ang pamilya Lazaro para pag-usapan ang malaking balitang natanggap nila. Sa harap na upuan, kinikilalang Board of Director, nakaupo si Donya Rosario na nakatingin sa angkan niyang halatang marami ring iniisip. “Listen everyone,” panimula niya. “Sa panahon ngayon, dumami na ang competitors natin. Imagine if we’re going to lose this opportunity na pagbutihing paangatin ang negosyo, tayo na ang mangunguna sa lugar natin.”
“Ma, pagod tayong lahat. Hindi pa nga natin kilala ang may-ari ng bagong kompanya.”
“Exactly, ngayon pa lang ay alamin na natin kung paano makukuha ang loob ng may-ari ng bagong kompanya.”
Takot ang pamilyang Lazaro na pumalpak at sa oras na mangyari iyon, ikakahiya sila sa buong bayan.
Yumuko si Anna nang maramdaman niyang tumingin sa kanyan ang pinsan nitong si Frederick na nakangisi na, “Lola, marami tayong ginagawa sa kompanya. Look at Anna, wala naman siyang ginagawa why not give her the opportunity to know the owner of the new company.”
Natahimik ang lahat. “Yes, wala rin naman siyang magagawa.”
“Hindi rin naman pwedeng gawin na lang siyang pabigat sa kompanya since lahat tayo rito ay nagsasakripisiyo. Dapat lang ay siya rin. Work harder.”
“Okay, let her do this pero…” Yumuko ulit si Anna dahil naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone nito. Nang makita niya ang pangalan ng taong nagpadala sa kanya ng mensahe, napangiti siya. Si Esteban. Simple lang naman ang nasa mensahe.
‘Huwag mong sayangin ang opportunity, ilaban mong makipag-ugnayan sa bagong kompanya.’
Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon ni Esteban, ang lahat ng kamag-anak niya ay nahihiya sa gagawin. Gagawin niya ba ito?
“Anna, payag ka ba?” tanong ng matanda na hindi tinitignan ang dalaga.
Hindi pa nagagawa ni Anna ang ganitong klaseng trabaho kaya hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ang hamon o hahayaan na lang din. Huminga siya nang malalim at diretsong tumingin sa matanda.
“Gagawin ko,” saad nito.
Ngumisi si Frederick at tumingin kay Anna, “Huwag kang tamad-tamad, kapag nasayang mo ang pagkakataon na makilala at makipag-ugnayan sa may-ari malalagot ka.”
“Yeah, isa itong opportunity para sa’yo ngunit huwag ka muna magsaya dahil hindi mo pa nagagawa.”
“How about, pasundan natin siya para malaman talaga na ginagawa niya ang ipapagawa sa kanya?”
Habang pinapakinggan ni Anna ang mga nagmula sa mga bibig ng mga kamag-anak niya, galit ang umibabaw sa kanya. Hindi niya inakala na hanggang ngayon mababa pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya. Parte rin naman siya ng pamilya ngunit iba ang trato nito sa kanya na para bang ibang tao.
“Actually, that’s a good idea. Bantayan siya.”
Tumango-tango ang matanda na tila sumang-ayon sa mga gusto ng mga tao, “Kung ganoon, magsama ka ng ibang tao para gawin ito at ibalita sa amin lahat-lahat.”
Hindi niya kaya ang mga sinasabi ng mga ito, ikinuyom niya ang mga kamao at humarap sa kanilang matapang. “Huwag kayong mag-alala, kaya kong gawin mag-isa iyon at hindi ako tatamad-tamad.” Tumingin siya kay Frederick na may ngiti sa labi.
Nang sabihin niya iyon ay natahimik ang mga tao, ngunit may isang pinagtatawanan siya. “Hindi ka ba nag-iisip? Lahat ng nagawa namin ay gagawin mo, sa tingin mo ba ay kaya mo?” tanong ni Frederick.
“Nakakatawa, ito ang pinakanakakatawang birong narinig ko mula sa’yo,” sagot niya naman sa pinsan.
Baliktarin man ang mundo, isa pa rin siyang Lazaro at kung mawala man ang Lola nila ay paniguradong may makukuha itong mana kahit kaunti lamang.
“Well, nanggaling na rin sa’yo mismo na kaya mo. Paanong kung hindi mo magawa?” mapang-asar na tanong ni Frederick. “Kung nagawa mo, pagsisilbihan kita, Ipagtitimpla ng tsaa at tubig and will call you, Ate Anna.”
“Okay,” simpleng sagot ni Anna sa pinsan.
“Pero kung hindi mo nagawa, itatapon sa labas ng pamilya ang basurang si Esteban.”
Narinig ni Josefena ang malalim na buntong-hininga mula sa kanyang dibdib bago siya tuluyang lumingon pabalik.Sa loob ng malaking bulwagan, nakaupo si Feran habang umiinom ng tsaa. Nang makita niyang maagang bumalik si Josefena, agad kumunot ang kanyang noo. “Josefena, parang hindi ka dapat bumalik nang ganito kaaga, hindi ba?” malamig niyang tanong.Alam ni Feran na ipinakiusap niya kay Josefena na tulungan si Esteban na makapasa sa unang hakbang ng pagsasanay. Kaya’t hindi niya inasahang babalik ito agad.“Si Esteban ay pumunta sa Ciyun Cave,” mahinahon na sagot ni Josefena.Pagkarinig ng mga salitang iyon, nabitawan ni Feran ang hawak niyang tasa ng tsaa. Nahulog ito sa sahig at nabasag. “Ano?! Pumunta siya sa Ciyun Cave?” nanlaki ang mga mata ni Feran at bahagyang namutla ang kanyang mukha.“Sinabi ni Kino na si Esteban ay nagtatrabaho sa gulayan kaninang umaga, pero palihim daw niyang nilabag ang pagbabawal, gustong magpahinga at magtago, at sa huli raw ay aksidenteng nakapaso
Nang maramdaman ni Esteban ang malamig na kilabot na dumaan sa kanyang katawan, kusa siyang umatras ng ilang hakbang. Sa kanyang pag-atras, bigla niyang nahawakan ang kung anong matigas at kakaiba. Pagtingin niya, mga puting buto pala iyon. Agad niyang nabitawan ang mga buto at mabilis na napatitig sa nakakatakot na nilalang sa kanyang harapan.Ngunit habang tinititigan niya ito, unti-unti siyang kinilabutan sa kakaibang pamilyar na naramdaman. Hindi ito halimaw.Hindi pa patay si Loren.Nasa harapan niya ito ngayon, ngunit mas nakakatakot ang itsura nito kaysa dati. Halos lahat ng buhok nito ay nalagas at nagkalat sa ibabaw ng batong lamesa, kaya’t lumitaw ang ulo nitong puno ng peklat. Dahil wala nang takip na buhok, mas lantad ang itsura ng mukha—kalahati nito’y buto na lamang, at kalahati nama’y parang natuyong laman.Nang mapansin ni Loren ang pagkagulat ni Esteban, bahagya siyang napalingon sa isang tabi, pilit na itinatago ang bahagi ng kanyang mukha na puro buto, at ipinakita
Umiling si Esteban na may halong inis at pagkabigo. “Sa tingin mo ba gusto ko talagang pumunta rito? I was sold to Sifeng as a slave.”“Slave? Ginawang alipin ang apprentice ni Qurin?” Mariing napakunot ang noo ng babae, halatang nag-uumapaw ang galit sa kanyang tinig. “That Feran is such a cheap woman… hindi siya dapat mamatay nang madali.”Hindi maintindihan ni Esteban kung bakit ganoon ang pagkamuhi nito. “Sino ba si Feran?” tanong niya.“Halika rito,” malamig na utos ng babae mula sa loob.Saglit na nag-isip si Esteban. Alam niyang hawak niya ang Pangu Axe, kaya hindi siya ganoon kakabado. Kahit pa delikado, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya’t nagpasya siyang pumasok.Habang lumalalim siya sa kweba, mas lalo itong dumidilim at nagiging mamasa-masa ang paligid. Ramdam niya ang malamig na simoy na tila gumagapang sa kanyang balat.Biglang nagliwanag ang ilang apoy sa paligid. Tatlong metro sa unahan, may nakatayong malaking batong altar. Doon ay nakaupo ang isang kakaibang ni
Narinig ni Josefena ang pangalan ni Esteban mula kay Kino, pero nag-aatubili itong sumagot. Nauutal pa itong nagkunwaring kalmado, pero halatang nag-papanic.“Esteban? Ah, nasa hardin siya, nagtatrabaho,” palusot niya, habang pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang mukha.Hindi naniwala si Josefena. Alam niyang hindi dapat ganoon kasimple ang sagot. Kaya malamig niyang utos, “Puntahan mo siya. Tawagin mo siya rito.”Nagulat si Kino. “Call him back? Right now?”Sumeryoso ang mukha ni Josefena, malamig at walang pasensya. “Gusto mo bang hintayin ko pa matapos kang kumain bago ka kumilos?”Pinilit pang ngumisi si Kino, “Hehe… elder martial sister, kung gusto mo, pwede rin naman ako—” Hindi na niya natapos ang salita dahil bigla nang nakatutok ang espada ni Josefena sa kanyang leeg.“Hindi mo pa ba ako tatawagin?” malamig na sambit ni Josefena.Napilitan siyang tumango. Agad siyang lumingon kay Haran na nakatayo lang sa tabi. Napansin niya ang kumplikadong tingin ng kasama niya—nandoon ang p
Kahit na ganito ang sitwasyon, kailangan pa rin dalhin ang pagkain. Sadyang si Kino ang nag-utos na siya mismo ang maghatid. Kung mabigo siya, siguradong may kapalit itong parusa pagbalik niya.Umiling si Esteban at kinuha ang basket. Mabigat ang loob niya, ngunit wala siyang magagawa kundi maglakad papunta sa kuweba.Pagpasok niya, agad bumungad ang matinding dilim. Pagdating pa lang sa limang metro, hindi na makita ang sariling mga daliri. Paminsan-minsan, may tunog ng patak ng tubig na umaalingawngaw, kasabay ng malamig na simoy na galing sa loob.Mabilis siyang nag-conjure ng isang maliit na apoy gamit ang enerhiya. Sa wakas, kahit papaano, may liwanag na tumulong sa kanya. Ngunit sa pag-ilaw ng paligid, tumambad ang nakakatindig-balahibong tanawin: ang sahig ay punô ng mga kalansay ng tao, nakakalat sa lahat ng dako. Sa magkabilang pader, nakaukit ang mga bakas ng kamay—mga desperadong marka ng mga taong namatay dito, mga huling bakas ng kanilang paghihirap.Bawat guhit, simbolo
Kinabukasan nang umaga, tulad ng nakaraang mga araw, maaga nang nagbitbit ng timba si Esteban upang sumalok ng tubig. Habang naglalakad siya, nasalubong niya si Flashy na tila may gustong sabihin ngunit napapaurong din. Napansin ni Esteban ang kanyang kakaibang kilos kaya tumigil siya."Ano’ng problema, Flashy? May sasabihin ka ba?" tanong ni Esteban.Nagkibit-balikat si Flashy, pilit na ngumiti at sabay sabi, "Wala naman… malapit nang lumalim ang araw. Bilisan mo na lang ang trabaho. Ah, oo pala, huwag mong kalimutang diligan nang ilang beses ang mga pananim sa Dongyuan garden ngayong araw." Habang nagsasalita, medyo nag-aalala siyang napatingin sa silid ni Kino."Ha? Ilang beses?" nagtatakang balik ni Esteban.Alam ni Esteban kung gaano kalaki ang taniman sa Dongyuan. Ilang araw na ang nakaraan, isang bahagi pa lang ng taniman ang kaya niyang tapusin sa maghapon. Kung lahat ay didiligan nang paulit-ulit, tiyak na aabutin siya ng isang linggo. Maliwanag na may gustong ipahiwatig si F