Share

Chapter 4

Author: Lady Rosé
last update publish date: 2026-09-27 11:23:03

“ITO na ang mga susi, Hijo. Ang isa sa main door, at ang isa naman ay sa kwarto mo,” wika ni Mang Yusop at binigay ang susi kay Hiro.

Tila nagtataka naman si Hiro na tiningnan siya. Ang apartment kasi na inuupahan niya ay tila bahay na may dalawang kwarto. Siya lang mag-isa roon at naghahanap talaga siya ng makakasama para may kahati siya sa upa. Iyong binanggit niya kay Mang Yusop noong nakaraan na makakasama niya sana sa apartment ay biglang nag-back out.

“Sige po, Manong. Salamat po. Ako na pong bahala sa kaniya,” sabi naman niya dahil ayaw na niyang magtagal pa roon. Antok na antok na siya.

Eca led the way to her apartment. Nasa likod ito ng bahay ni Mang Yusop. Isang four storey building at nasa second floor ang apartment niya. Isang pamilya ang nangungupahan sa first floor na bihira makita ni Eca dahil na rin sa oras ng kaniyang trabaho.

“Kapag nagpadala na ang Tatay mo, pwede ka nang lumipat ng matitirahan. Pansamantala, dito ka muna,” wika niya kay Hiro.

Binuksan niya ang main door. Bumungad sa kanila ang maliit na sala na may tatlong bamboo seats. Isang mahaba at dalawang single seats. “Ang kwarto mo ay ‘yong nasa kaliwa, katabi ng kusina. Isa lang ang banyo rito. Pero may common CR naman sa baba kung magkakasabay man tayong gagamit. Solo mo ang apartment sa gabi dahil gabi ang trabaho ko. Ayoko lang ng maingay sa umaga, maliwanag?” mahabang litanya niya sa lalaki na tila kindergarten na nakikinig sa kaniya nang mabuti.

Sa bawat sabi niya ng rules ay alertong tumatango ito na tila masunuring bata. Tinitigan niya ito nang mariin bago tinalikuran para pumunta sa kaniyang sariling kwarto na katabi lang ng kwarto nito.

“Ate, Thank you!” pahabol nito bago niya mabuksan ang kaniyang kwarto.

Huminto siya at tiningnan ito. “You’re welcome. If ever you want to go outside, do not forget to always lock the main door,” huling paalala niya rito. Binuksan na niya ang kaniyang kwarto. Papasok na sana siya nang maramdaman niyang may humawak sa kaniyang siko. Nagsalubong ang mga kilay niya. Tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak doon.

“Don’t touch me,” seryoso niyang wika habang nakatingin sa mga mata nito. She felt an electrifying current from his touch, which she couldn’t explain.

Nakita niya kung paano ito namutla. Agad nitong binawi ang kamay na nakahawak sa siko niya at tinago sa likuran nito. Nataranta ito at nakitaan niya ng takot ang mga mata.

“Sorry po, Ate. Hindi ko po sinasadya. Gusto ko lang po sana itanong ang pangalan niyo,” nangangamba nitong paliwanag. Sunod-sunod din ang paglunok nito ng laway na tila ba hindi mapakali.

Tinitigan niya ito nang matagal. Kita niya na naiilang ito at labis na nangangamba habang hinihintay ang kaniyang sagot.

“It’s Eca. Call me Eca from now on. Don’t call me ‘Ate’ because I’m not your sister,” she said and left him there. She shut the door at his face. Sinaksak niya ang electric fan at itinutok iyon sa kaniyang higaan. Nahiga siya at tuluyan na siyang nilamon ng antok.

HINDI na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Hiro. Their plan worked out. Akala niya, uuwi siyang bigo. Napakabait ng dalaga. Tinulungan siya nito kahit hindi siya nito kilala. Tumungo siya sa kabilang silid. Bumungad sa kaniya ang maliit na kwarto. May single bed, study table, at isang stand fan. Mayroon ding built-in cabinet kung saan pwede niyang ilagay ang kaniyang mga damit.

Kinuha niya ang cellphone niya na hindi mamahalin. Nagpadala siya ng mensahe sa butler niyang si Victor. ‘It’s okay now, Victor. Thank you po. I’ll give you an additional bonus this month.’

Nag-umpisa na siyang mag-ayos. Pino at maingat ang kaniyang kilos dahil alam niyang natutulog na si Eca sa kabilang kwarto at ayaw niyang maistorbo ang pamamahinga ng babae.

“Eca…” matamis ang ngiti na sambit niya sa pangalan ng dalaga.

TUMUNOG ang alarm ni Eca. Hudyat na kailangan na niyang bumangon at maghanda sa pagpasok sa trabaho. Pinatay na niya ang alarm at nagkusot ng mga mata. Naupo siya sa kama at kumurap-kurap para mawala ang antok. Nang mahimasmasan ay kinuha na niya ang bihisan at tuwalya bago lumabas sa silid.

“Gising ka na pala. Tara, kumain po muna tayo ng hapunan,” wika ng isang lalaki.

Napatalon sa gulat si Eca. Matagal bago rumehistro sa kaniya ang nangyayari. Nakalimutan niya na may pinatuloy pala siya sa apartment niya kaninang umaga. At heto nga ito ngayon, inaalok siyang kumain. Nakaupo ito sa bamboo seat at nakatitig sa kaniya ang masigla nitong mga mata.

“Huwag mo nga akong ginugulat, Hiro,” paangil niyang sabi rito. Para siyang aatakihin sa puso kanina.

Bigla naman itong na-guilty. “Pasensya na po, Ate,” nahihiya nitong wika. Hindi na naman ito makatingin nang diretso sa mga mata niya.

“Didn’t I tell you not to call me Ate?” nakataas ang kilay niyang sabi rito. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito at humingi agad ng tawad sa kaniya. She rolled her eyes at him.

“Kain po tayo? Hinintay talaga kita magising para sabay tayo kumain. Nagluto po ako,” marahan nitong wika habang nakatitig sa kaniya ang inosente nitong mga mata.

Pansin niya ang mga daliri nito na hindi mapirmi. Pinaglalaruan nito ang mga iyon dahil sa kaba. Hindi siya sumagot. Bumalik siya sa loob ng kaniyang kwarto. Bigla naman ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni Hiro sa ginawang iyon ng dalaga. Napayuko siya at uminit ang sulok ng mga mata.

Nabasa ang sahig dahil sa pagtulo ng mga luha niya. Ilang segundo ang lumipas. Naramdaman niyang may humawak sa baba niya at inangat iyon. Pinigilan ni Eca ang matawa dahil sa hitsura nito. Mugto ang mga mata, namumula ang ilong, at nakanguso ito ngayon. Puno ng luha ang mga pisngi at mata nito.

“You’re such a baby,” seryoso niyang wika habang pinagmamasdan ang tila inapi nitong mukha. “Stop crying and let’s eat,” sabi niya at tinalikuran ito. Nauna na siyang pumunta sa kusina.

Pagdating niya roon ay nakita niya ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Pritong itlog at tuyo. May kanin din. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang nakasunod na si Hiro.

“Saan ka kumuha ng mga iyan?” tukoy niya sa mga pagkain sa lamesa. Sa pagkakatanda niya kasi ay wala siyang stocks ng pagkain. Bukod sa hindi siya madalas kumain sa apartment niya, wala rin siyang pang-grocery dahil petsa de peligro na. Dalawang araw pa bago ang araw ng sahod niya.

“Ah, stocks ko po ‘yan sa dati kong apartment. Niluto ko para makakain ka bago umalis,” nahihiya nitong paliwanag. “Gusto kong pasalamatan ka sa pagtulong mo sa’kin kanina. Ito ang naisip kong gawin. Pasensya na po iyan lang ang nailuto ko,” hinging paumanhin nito. Namumula rin ang magkabila nitong tainga dahil sa hiya.

“You don’t need to do this but thanks. Let’s eat now, baby,” nakangiti niyang sabi rito. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi na niya ito pinansin. Nagsandok na lamang siya ng kanin at ulam sa plato niya. Mukhang matagal pa kasi bago ito maka-recover.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Innocent Baby   Chapter 11

    “MAY ipon ka na, ‘Teh?” tanong sa kaniya ni Julia.Nangunot naman ang noo niya. “Ipon para saan?” tanong niya rito pabalik.“Sa lupa. Narinig ko nag-uusap sina mama at papa noong nakaraang gabi. Naniningil na raw si Tita,” sabi nito. Napatango-tango naman si Eca.“Wala pa. Kaunti pa lang. Alam mo namang marami akong binayaran na utang saka ‘yong tuition din ni Jana,” sagot niya rito. “Baka sa December pa ako makapagbigay,” dagdag niya pa. “Hati tayo. Two hundred fifty thousand ‘yong sanla nina mama sa lupa. Sabi raw may tira pa 'yon kay tita. Mga nasa twenty thousand pa raw. Kaya ‘yong naibigay kina mama nasa mahigit two hundred twenty thousand lang,” sabi ng kapatid.“Huwag na nilang kunin ‘yong tira. Ang hirap maghanap ng pera,” sambit ni Eca. Nai-stress na kasi siya sa bayarin. Hindi niya alam kung saan kukuha.Marami siyang naging trabaho para lang kumita. Dahil maraming bayarin. Bukod doon ay naging tanga rin siya sa pag-ib

  • Her Innocent Baby   Chapter 10

    ECA packed her backpack with things she needed for a one day stay at their house. She missed her family, especially her two naughty siblings who were still in elementary school. Linggo ngayon kaya paniguradong kompleto sila sa bahay.It was just three in the morning pero buhay na buhay pa rin siya. Marahil ay nasanay na ang body clock niya sa uri ng trabaho na mayroon siya. Paniguradong mamaya pa siya aantukin. Naligo at nagbihis na siya ng simpleng shorts at t-shirt. Siniguro niyang wala siyang naiwan bago lumabas ng apartment.Madilim pa sa labas at wala pang dumadaan na tricycle. The cold wind greeted her. Dahil malapit lang naman sa apartment niya ang terminal ng bus, nilakad na lang niya iyon. Kaunti lang ang mga pasahero kasi maaga pa. Bumili muna siya ng kape para mainitan ang kaniyang sikmura. Nang maubos niya ang kape ay siya namang pag-alis ng bus. Isang oras ang naging biyahe niya pauwi dahil wala pang traffic.Binuksan niya ang flashlight ng ce

  • Her Innocent Baby   Chapter 9

    BIGLANG nagliwanag ang mukha ni Hiro sa narinig. Sa tuwa nga nito ay napatayo ito at niyakap siya nang mahigpit. Nabigla siya sa inakto ng binata. Talagang nanlaki ang mga mata niya. Mahigpit ang pagkakapulupot ng mga bisig nito sa likod at baywang niya kaya dikit na dikit ang malambot niyang katawan dito.“Yes! I really thought that you got mad at me, po. Thank God, I was just overthinking,” masigla nitong wika habang nakakulong pa rin siya sa mahigpit nitong yakap.“Hiro…” wika ng dalaga. She balled her fists to prevent them from touching his body. She wanted to run her fingers over his skin. She was already tempted to feel its softness against her palms. Nagiging mahalay na talaga siya. Hindi naman siya ganito dati eh. She didn't know what happened now. Parang nag-level up yata ang kalandian niya sa katawan. “Hmm?” sagot ni Hiro. Walang pagsidlan ang sayang nadarama niya ngayon.“Do you love your arms?” malambing na tanong ni Eca habang pilit

  • Her Innocent Baby   Chapter 8

    “C’MON! We still need to go to the wet market,” wika ng dalaga saka siya tinalikuran. Kaya nakangusong sumunod siya rito. Maya’t maya ang pagsulyap niya sa kamay nito. Gusto niya talagang hilahin pabalik sa buhok niya.Sa wet market ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Eca ang paninitig ng mga nakakasalubong nila sa kasama niya. Halos magkandahaba-haba na nga ang mga leeg ng kababaihan masundan lang ng tingin ang gwapong binatang nakasunod lagi sa kaniya.“Ate, kalahating kilo nga po nitong hipon,” sabi niya sa tindera na sa kasama niya nakatitig. Nairita siya bigla. Para kasing nagdi-day dream pa ang babae at hindi agad kumilos para asikasuhin ang gusto niyang bilhin. “Ate, huwag niyo masyadong titigan ang kasama ko baka matunaw siya bigla,” naiinis na wika ni Eca at sinukbit ang kamay sa braso ng binata. Nagulat si Hiro sa paghawak ni Eca kaya nawala ang pagkakanguso niya. Pinigilan niyang mangiti kasi ang lapit ng dalaga sa kaniya. He always liked it whenever she held him.“Pasensya

  • Her Innocent Baby   Chapter 7

    “DITO na lang ako, Ate. H-Hindi naman po ako p-pasaway eh,” nagmamakaawang wika ni Hiro. Ayaw niya talagang umalis. Noong sumama siya kay Eca, wala na siyang intensyon na iwan pa ito. Hindi na siya lilipat ng tirahan pa. “Magbibigay po ako ng ambag sa upa, pangako 'yan. Huwag mo na po akong paalisin. Wala akong pupuntahan. Ateee…” dagdag pa niya. Nagpapaawa niyang tiningnan ang dalaga. Nakanguso pa siya para cute.Nanlaki naman ang mga mata ni Eca. Kulang nalang kasi ay lumuhod si Hiro sa harapan niya. Kahabag-habag na kasi ang hitsura nito at hindi lang iyon. Para itong nagpapa-cute? Mukha naman effective ang pagpapa-cute nito kasi napako na ang mga mata ni Eca sa nakausli nitong labi.Napalunok si Eca dahil kung ano-ano na ang naiisip niya. Tinampal niya nang mahina ang mukha nito para mawala ang pagkakanguso nito sa kaniya.“Tumigil ka nga sa kaiiyak. Ang pangit mo na, hindi ka na gwapo. Hindi naman kita pinapaalis. I was just asking you. I didn’t know that you will misunderstood t

  • Her Innocent Baby   Chapter 6

    HINDI naman makagalaw si Hiro sa kinatatayuan niya. Namumula ang buong mukha niya hanggang leeg. Tila nga nanuyo ang lalamunan niya sa nangyari kanina dahil sa kaba. Ramdam niya pa rin ang ginawang marahang paghaplos ni Eca sa buhok niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa. Hindi niya mapigil ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi dahil doon. Naririnig niya pa rin ang malakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya tuwing tinatawag siya nitong baby. “Anong oras ba ang klase mo, Hiro?” Nabalik siya sa diwa niya nang marinig ang tanong na iyon ni Eca mula sa sarili nitong kwarto. Nagkukumahog naman siyang ayusin ang sarili at lumapit sa pinto ng dalaga. Nakita niya itong pinaplansta ang polo niya. Napangiti siya at lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa dalaga.“Uy Hiro! Tinatanong kita,” untag nito sa kaniya. Napatikhim siya bago sumagot. “Eight o’clock pa naman po ang klase k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status