Share

Chapter 3

Author: Lady Rosé
last update publish date: 2026-09-27 11:21:07

One and a half years later, Taguig City, Metro Manila, Philippines

IT was half past five in the morning. Twenty-four-year-old Rebecca Cervantes was quietly walking home to her apartment. The morning breeze was gently caressing her skin. She folded her arms when she felt the cold. Hindi niya napigilan ang mapahikab dahil sa antok habang nilalakad niya ang tila napakahabang daan pauwi sa kaniyang apartment. Kagagaling niya lamang sa kaniyang shift sa trabaho at wala pa siyang tulog. Bumibigat na rin ang talukap ng kaniyang mga mata, tanda na kailangan na niyang magmadali para makauwi na siya.

“Ate!” tawag ng isang lalaki. 

Agad na napakunot ang noo niya. ‘Ako ba ang tinatawag?’ takang tanong niya sa sarili. Mabigat ang mga paa na napalingon siya sa nagsalita.

Isang lalaki na may napakaamong mukha ang kaniyang nakita. May bitbit itong napakalaking backpack na mukhang punong-puno ng mga gamit. Nahihiya itong ngumiti sa kaniya. 

“Ate, pwede po magtanong?” wika ng lalaki. Napakamot pa ito sa batok na tila naiilang. Tinitigan niya ito nang matiim. Mukhang disente naman ito at hindi makabasag pinggan.

‘He looks harmless and hot!’ sabi niya sa isip.

“What do you need?” tanong niya sa pormal na boses. Seryoso rin ang kaniyang mga mata na nakatingin dito.

Nakita niya ang paglunok nito ng laway. Pansin niya rin ang pamumutla nito na tila ba natakot sa kaniya. Nagsalubong naman ang kaniyang kilay. Mukha ba siyang nakakatakot?

Napahinga naman nang malalim ang lalaki at pinilit isantabi ang nerbiyos na nararamdaman. Kinuyom nito ang nanginginig na mga kamay at pilit na nagsalita.

“Ah… magtatanong lang po sana ako kung may alam po kayo kung saan pwedeng mangupahan dito? Bagong salta lang po kasi ako dito sa Taguig at hindi po ako pamilyar sa lugar. Sana po ay matulungan ninyo ako,” magalang nitong pakiusap. 

Napabuntong hininga si Eca dahil sa narinig. Gusto nang pumikit ng mga mata niya pero heto at mukhang maaabala pa yata ang plano niyang pagtulog agad. Isa siyang call center agent sa isang pribadong kumpanya rito sa Taguig kaya magdamag siyang gising at pagod na pagod na siya ngayon. 

“Nagmamadali ako,” sambit niya. Wala siyang balak na magsayang pa ng oras. May shift siya mamaya at kailangan niya ng kompletong tulog. Nakita niya kung paano ito nataranta sa sinabi niya.

“P-Pero…” may pagtutol siyang narinig sa boses nito bago ito dahan-dahang napayuko na tila sumusuko na. “Sige po. Pasensiya na po sa abala,” sabi nito na bakas ang lungkot sa boses. Tumingin ito sa kaniya na tila hiyang-hiya pero mababakas pa rin ang lungkot sa inosente nitong mga mata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nahahabag siya sa hitsura nito. Hindi niya rin maihakbang ang kaniyang mga paa para umalis sa harapan ng lalaki.

“Bakit ka naghahanap ng mauupahan?” tanong niya rito. Pinagmasdan niya ang pagtaas-baba ng Adam’s apple nito bago magalang na sumagot.

“Pinalayas po kasi ako sa dati kong inuupahan kasi hindi po ako nakapagbayad ngayong buwan,” nahihiyang sagot nito na hindi makatingin sa kaniya.

“Are you a student? Where are your parents?” sunod niyang tanong. Mukha kasing bata pa ito at papasa na estudyante pa.

“Opo. Fourth year na po ako ngayong taon sa kursong Civil Engineering. Ang tatay ko po ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi po siya nakapagpadala ngayon kaya po ako pinalayas ng dati ko pong landlord,” kumakamot sa batok nitong sabi. Iniiwasan din nitong tumingin sa kaniya. Halatang nahihiya itong magkwento.

Hindi na siya nagtanong pa kasi mukhang hindi naman ito komportable. “Sumunod ka,” sabi na lang niya sa lalaki. Mukhang wala siyang ibang pagpipilian. Dinala niya ang lalaki sa inuupahan niya. Hinanap niya muna ang may-ari para ipaalam na may bagong mangungupahan. 

“May kailangan ka ba, ‘Neng?” tanong ni Mang Yusop, ang may-ari ng apartment na inuupahan niya.

“May naghahanap po ng mauupahan na kwarto,” imporma niya sa matanda.

Lumawak naman ang ngiti ni Mang Yusop. Dagdag pera na naman sa kaniyang kabuhayan.

“Ganoon ba, ‘Neng? Aba’y magandang balita iyan. Sino ba ang naghahanap?” tanong ng matanda 

Sinenyasan niya naman na lumapit ang lalaki na hindi niya pa pala alam ang pangalan. Nalimutan niyang tanungin kanina. Pero hindi na iyon mahalaga. Natulungan na niya ito. Pwede naman na siguro siyang matulog ‘di ba? Pagod na pagod na talaga siya.

“Siya po ang naghahanap, Manong,” sabi niya sa matanda nang tuluyang makalapit na ang lalaki.

“Napakagwapo naman nito, Ineng. Boyfriend mo ba ito?” tuwang-tuwa namang tanong ng matanda.

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng lalaki sa biro ni Mang Yusop. Napansin din niya ang pamumula ng mga tainga nito. Halatang hiyang-hiya na.

‘What a shy baby,’ natatawa niyang wika sa sarili. “Hindi ko po siya boyfriend, Manong. K-Kapatid po siya ng kaibigan ko,” nasabi na lang niya para huwag na magtanong pa ang matanda. 

Sigurado siya na magtatanong ito nang magtatanong kung sasabihin niyang nakita niya lang ang lalaki sa daan at dinala ito roon. Kilala siya ni Mang Yusop. Hindi niya gawain ang ganoon. Hindi niya nga rin alam kung bakit niya tinutulungan ang lalaki na hindi niya naman kilala.

Naramdaman niya ang nagtatakang titig ng lalaki sa kaniya. Ramdam niya na gusto siya nitong tanungin kung bakit niya nasabi iyon.

“Ah, siya ba ‘yong sinasabi mo noong nakaraan na makakasama mo sa apartment? Welcome, Hijo. Ano bang pangalan mo?” Bumaling si Mang Yusop sa lalaki. 

Gusto sanang tumutol ni Eca sa sinabi ng matanda kaya lang bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki kanina na napalayas ito sa dati nitong inuupahan dahil hindi ito nakapagbayad. Malamang sa malamang na wala rin itong pera ngayon. Wala itong pang-down sa kwarto na uupahan nito. Hindi papayag si Mang Yusop kung iyon ang mangyayari. Kaya hindi man siya sang-ayon ay hindi na lang siya nagsalita.

“Ako po si Hiro Del Fuentes,” magalang na sagot ng lalaki. Hiro pala ang pangalan nito. Mabilis na napasulyap sa kaniya ang lalaki bago nakipagkamay sa matanda. Mababakasan ng pagtataka ang mga mata nito nang sumulyap ito sa kaniya.

“Ilang taon kana ba? Nag-aaral ka pa ba?” magiliw na tanong ng matanda.

“Dalawampu’t isang taong gulang na po ako at graduating na po ako pakatapos ng school year na ito,” magalang nitong sagot at tipid na ngumiti.

“Oh siya sige at kukunin ko lamang ang susi sa magiging kwarto mo,” sabi ng matanda at pumasok sa loob ng bahay nito.

“Ate… bakit niyo po sinabi na kapatid ako ng kaibigan niyo? Hindi ba po masama ang magsinungaling?” marahang tanong nito habang inosenteng nakatingin sa kaniya.

Natawa siya sa huling sinabi nito. Masama raw magsinungaling. Ano ito, bata? “May pera ka ba?” tanong niya rito habang nakataas ang kilay.

Umiling ito. “Wala po.” Nakanguso ito bago lumingon sa ibang direksyon. Napansin niyang namumula ang mga tainga nito. 

‘Nahihiya na naman ang bata. Cute!’ naaaliw niyang sambit sa isipan. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Her Innocent Baby   Chapter 11

    “MAY ipon ka na, ‘Teh?” tanong sa kaniya ni Julia.Nangunot naman ang noo niya. “Ipon para saan?” tanong niya rito pabalik.“Sa lupa. Narinig ko nag-uusap sina mama at papa noong nakaraang gabi. Naniningil na raw si Tita,” sabi nito. Napatango-tango naman si Eca.“Wala pa. Kaunti pa lang. Alam mo namang marami akong binayaran na utang saka ‘yong tuition din ni Jana,” sagot niya rito. “Baka sa December pa ako makapagbigay,” dagdag niya pa. “Hati tayo. Two hundred fifty thousand ‘yong sanla nina mama sa lupa. Sabi raw may tira pa 'yon kay tita. Mga nasa twenty thousand pa raw. Kaya ‘yong naibigay kina mama nasa mahigit two hundred twenty thousand lang,” sabi ng kapatid.“Huwag na nilang kunin ‘yong tira. Ang hirap maghanap ng pera,” sambit ni Eca. Nai-stress na kasi siya sa bayarin. Hindi niya alam kung saan kukuha.Marami siyang naging trabaho para lang kumita. Dahil maraming bayarin. Bukod doon ay naging tanga rin siya sa pag-ib

  • Her Innocent Baby   Chapter 10

    ECA packed her backpack with things she needed for a one day stay at their house. She missed her family, especially her two naughty siblings who were still in elementary school. Linggo ngayon kaya paniguradong kompleto sila sa bahay.It was just three in the morning pero buhay na buhay pa rin siya. Marahil ay nasanay na ang body clock niya sa uri ng trabaho na mayroon siya. Paniguradong mamaya pa siya aantukin. Naligo at nagbihis na siya ng simpleng shorts at t-shirt. Siniguro niyang wala siyang naiwan bago lumabas ng apartment.Madilim pa sa labas at wala pang dumadaan na tricycle. The cold wind greeted her. Dahil malapit lang naman sa apartment niya ang terminal ng bus, nilakad na lang niya iyon. Kaunti lang ang mga pasahero kasi maaga pa. Bumili muna siya ng kape para mainitan ang kaniyang sikmura. Nang maubos niya ang kape ay siya namang pag-alis ng bus. Isang oras ang naging biyahe niya pauwi dahil wala pang traffic.Binuksan niya ang flashlight ng ce

  • Her Innocent Baby   Chapter 9

    BIGLANG nagliwanag ang mukha ni Hiro sa narinig. Sa tuwa nga nito ay napatayo ito at niyakap siya nang mahigpit. Nabigla siya sa inakto ng binata. Talagang nanlaki ang mga mata niya. Mahigpit ang pagkakapulupot ng mga bisig nito sa likod at baywang niya kaya dikit na dikit ang malambot niyang katawan dito.“Yes! I really thought that you got mad at me, po. Thank God, I was just overthinking,” masigla nitong wika habang nakakulong pa rin siya sa mahigpit nitong yakap.“Hiro…” wika ng dalaga. She balled her fists to prevent them from touching his body. She wanted to run her fingers over his skin. She was already tempted to feel its softness against her palms. Nagiging mahalay na talaga siya. Hindi naman siya ganito dati eh. She didn't know what happened now. Parang nag-level up yata ang kalandian niya sa katawan. “Hmm?” sagot ni Hiro. Walang pagsidlan ang sayang nadarama niya ngayon.“Do you love your arms?” malambing na tanong ni Eca habang pilit

  • Her Innocent Baby   Chapter 8

    “C’MON! We still need to go to the wet market,” wika ng dalaga saka siya tinalikuran. Kaya nakangusong sumunod siya rito. Maya’t maya ang pagsulyap niya sa kamay nito. Gusto niya talagang hilahin pabalik sa buhok niya.Sa wet market ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Eca ang paninitig ng mga nakakasalubong nila sa kasama niya. Halos magkandahaba-haba na nga ang mga leeg ng kababaihan masundan lang ng tingin ang gwapong binatang nakasunod lagi sa kaniya.“Ate, kalahating kilo nga po nitong hipon,” sabi niya sa tindera na sa kasama niya nakatitig. Nairita siya bigla. Para kasing nagdi-day dream pa ang babae at hindi agad kumilos para asikasuhin ang gusto niyang bilhin. “Ate, huwag niyo masyadong titigan ang kasama ko baka matunaw siya bigla,” naiinis na wika ni Eca at sinukbit ang kamay sa braso ng binata. Nagulat si Hiro sa paghawak ni Eca kaya nawala ang pagkakanguso niya. Pinigilan niyang mangiti kasi ang lapit ng dalaga sa kaniya. He always liked it whenever she held him.“Pasensya

  • Her Innocent Baby   Chapter 7

    “DITO na lang ako, Ate. H-Hindi naman po ako p-pasaway eh,” nagmamakaawang wika ni Hiro. Ayaw niya talagang umalis. Noong sumama siya kay Eca, wala na siyang intensyon na iwan pa ito. Hindi na siya lilipat ng tirahan pa. “Magbibigay po ako ng ambag sa upa, pangako 'yan. Huwag mo na po akong paalisin. Wala akong pupuntahan. Ateee…” dagdag pa niya. Nagpapaawa niyang tiningnan ang dalaga. Nakanguso pa siya para cute.Nanlaki naman ang mga mata ni Eca. Kulang nalang kasi ay lumuhod si Hiro sa harapan niya. Kahabag-habag na kasi ang hitsura nito at hindi lang iyon. Para itong nagpapa-cute? Mukha naman effective ang pagpapa-cute nito kasi napako na ang mga mata ni Eca sa nakausli nitong labi.Napalunok si Eca dahil kung ano-ano na ang naiisip niya. Tinampal niya nang mahina ang mukha nito para mawala ang pagkakanguso nito sa kaniya.“Tumigil ka nga sa kaiiyak. Ang pangit mo na, hindi ka na gwapo. Hindi naman kita pinapaalis. I was just asking you. I didn’t know that you will misunderstood t

  • Her Innocent Baby   Chapter 6

    HINDI naman makagalaw si Hiro sa kinatatayuan niya. Namumula ang buong mukha niya hanggang leeg. Tila nga nanuyo ang lalamunan niya sa nangyari kanina dahil sa kaba. Ramdam niya pa rin ang ginawang marahang paghaplos ni Eca sa buhok niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa. Hindi niya mapigil ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi dahil doon. Naririnig niya pa rin ang malakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya tuwing tinatawag siya nitong baby. “Anong oras ba ang klase mo, Hiro?” Nabalik siya sa diwa niya nang marinig ang tanong na iyon ni Eca mula sa sarili nitong kwarto. Nagkukumahog naman siyang ayusin ang sarili at lumapit sa pinto ng dalaga. Nakita niya itong pinaplansta ang polo niya. Napangiti siya at lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa dalaga.“Uy Hiro! Tinatanong kita,” untag nito sa kaniya. Napatikhim siya bago sumagot. “Eight o’clock pa naman po ang klase k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status