Share

Chapter 1

Kachina's POV

AKO NA ang nagbukas ng pinto.

Nakailang lagabag ako dito ngunit walang sumasagot. Dahil sa malakas na katok, naungusan na nito ang sigaw at pag-iyak sa gitna ng pasilyo. Mga bulungan ng mga pasyenteng inaalagan ng ospital na ito.

Bagaman nakayayamot isipin na hindi man lang ako pinapasok ni Kagan ay isinantabi ko ito. Sa bagay, kahit na itumba ko ang harang na ito ay hindi niya ako mapapansin, imbes ay matatakot lang siya.

Nang makatapak ako sa kwarto at maitaas ang paningin ko ay nasilayan ko ang likod niya. Halata ang kusot mula sa kanyang damit at noong lingunin niya ang kung sinong pumasok ay nanlalaki ang mga mata nitong tinignan ako.

Nilapitan ko siya at napaatras naman siya. Napansin kong nakabukas ang bintana ngunit tanging ang bakod ang nakikita ko.

"Hey, babe, what are you looking at?" takhang tanong ko saka hinawakan ang kanyang braso. Magulo ang kanyang buhok at tumutulo ang pawis niya. Hindi naman mainit sa kwarto at mahangin naman sa labas.

"Kagan, tell me what's going on..." kumbinsi ko sa kanya ngunit nilampasan niya ako at sinundan ko siya ng tingin. "Baby, what's the matter?"

"Nandito lang siya kanina... She was here." Bigla ay usal niya at nangunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Hagkan-hagkan ko pa siya. I embraced her wholeness," tugon nito at mag-isang hinaplos ang pisngi. "Hinawakan niya ako rito. I felt her caresses."

"What?" takhang tanong ko at bigla naman siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang balikat ko.

"Have you seen her leave? Nakita mo ba si Shanta? Hindi ba siya napadaan sa 'yo?" sunod-sunod ang katanungan niya at pinigilan ko naman siya.

"Shanta?" Hinawakan ko ang kanyang pisngi at tinitigan ang mga mata niya. Bakas ang naudlot na kasiyahan rito at nakonsensya ako sa pagpapaasa sa kanya.

"What?" muli ay kuwestyon niya. "Do you know her? Saan na siya, dalhin mo ako sa kanya."

Pumorma ang ngiti sa mga labi niya at muling nagliwanag ang mga mata niya, na para bang nabigyan siya ng karampot na pag-asa. Kung ang hanap niya lang pala ay hindi ako, mas maigi nang basagin ko ang kinang ng mga ito.

"Kagan, she's gone." May impit na tugon ko at hindi siya nakaimik pa.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nasubaybayan ang matinding gulat mula sa pagpikit-mulat ng mga mata niya. Masakit man ito para sa kanya pero kailangan niyang tanggapin na yumao na ang luminlang at kumalimot sa kanya tatlong taon nang nakararaan.

"Wala na si Dalshanta," ulit ko kahit pa ilang beses iyong suntok sa buwan.

Iyon ang totoo, iyon ang isipin mo.

"You're crazy..." makapito siyang umiling. "Nandito lang siya kanina, Kachina! Why do you keep lying to me? Kinausap niya ako, paanong wala na siya?"

"Dahil nasunog na ang kaniyang katawan, Kage. She was cremated years ago."

"Liar! Hindi totoo 'yan!" bulyaw niya at tinulak ako.

"May sakit ka kaya ka nandito," nagaalalang sagot ko. "Maaaring isa 'yan sa mga imahinasyon mo kaya gumising ka!"

"Nasa isla pa kami noong isang araw, hindi sunog ang katawan niya! I saw her with my two eyes, so don't you tell me I'm sick. I am not sick, you are!" Madiin na lamang akong napapikit at sinubukan siyang lapitan. "Huwag mo 'kong hahawakan! You're a liar!"

"Kagan..."

"Sinabi kong 'wag mo akong hawakan! Don't you get it? Maybe, you're the one who's crazy! Get off me," babala niya at puwersahang napaatras ako.

May kung anong kumurot sa puso ko at pinilit na isabahala ito sa pamamagitan ng pagsara ng pinto. Napahilamos ako sa aking mukha at napasabunot sa buhok. Naramdaman ko ang init ng pinto nang mapaupo ako.

"Kagan, I am a psychiatrist..." marahang bulong ko. "And I'm here to treat you. You need to recover!"

"Recover? I said I'm not sick. I said no!"

Napatingala ako sa pigura ng lalaking mahal ko. Malambot dapat ang mga tingin niya sa akin pero hindi 'yon ang umukit sa mata niya. Masama niya akong pinakatitigan at dahan-dahan akong napatayo.

"Bakit? Bakit a-ayaw mong gumaling?" gumagaralgal ang boses ko. "Kailangan mong gumaling para sa atin."

Ngunit ako lang yata ang nais siyang gumaling. Kahit bumalik siya sa tamang pag-iisip, maaalala niya kaya ako?

"Who are you, by the way, to act as if you know me very well?"

"A-ano?"

"Wala namang namamagitan sa atin kaya sino ka?"

Kung bangungot ito at isa lamang sa mga bulong ng espiritu ay gisingin niyo na ako, ngayon na. Halos bumagsak ang katawan ko sa narinig kong iyon at napansin ko na lang ang kumaruskos na tubig mula sa mata ko.

"It's me, Kagan..." pinilit kong kumbinsihin siya at tinuro ko pa ang sarili ko. "I'm your girlfriend, but why do you keep looking for your ex? She's long gone, or maybe decomposed!"

Sandali pa siyang natigilan at nakulong sa ere ang bibig niya. Sa tuwing may malakas na emosyon na dumadaloy sa isipan niya ay namumula ang kanyang tainga. At 'yon nga ang nasaksihan ko.

"Have you seen my journal?" walang koneksyon na tanong niya at nagtaka ako.

"S-sulatan mo?"

"Iyong ginto ang kulay, nakita mo ba?"

Naiwang blanko ang utak ko at sinagot siya. "H-hinde..."

Siguro...

Naglakad ako sa likod niya at nilapitan ang bintana. Dumungaw ako sa magkabilang gilid at wala namang kakaiba sa nasilayan ko.

Tanging nakamamangha lamang ang pag-ulan ng mga dahon ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong saya para masdan ang mga ito.

"Dalawang linggo kang nawala Kagan..." sambit ko at batid kong napalingon siya sa akin. "Dalawang linggo kitang hinanap sa dagat! I was so devasted I thought I would lose you again, but I think I just lost you again."

Makailang ulit kong sinuntok ang dibdib ko dahil sa sobrang pagsikip nito. Nahihirapan na akong huminga at halos manakit ang lalamunan ko.

"Hinanap ka namin... hanggang sa matagpuan ka sa isang kubo." Masakit na kuwento ko, "Pero nang pagkamulat mo, halos hindi mo na ako makilala pati ang iyong ina!"

Noong sumabog ang barko, hindi ko na muli siyang nakita. Iyon ang huling araw na hinagkan niya ako, na hinawakan niya ang mga palad ko sabay halik sa mga kamay ko. Halos mabaliw ako sa kakatanong kung saan na nga ba siya napadpad o kung sino ang nakapulot sa kanya ngunit nang siya ay makabalik... iba na ang laman ng kaniyang bibig.

"Puro ka na lang Shanta, Shanta, Shanta!" tumaas ang boses ko at napasuntok sa dibdib niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na patay na siya, patay na siya!"

"She's alive, Kachina! I will hold on to this thought that she's alive. It would be the death of me, if it's true she's gone."

"Tatlong taon na siyang nakabaon sa lupa, 'wag mo nang huhukayin pa. Wala na si Dalshanta, wala na siya!"

"Hindi nga 'yan totoo! You are a big liar!"

"Magpagaling ka na para maalala mo kung papaano ka niya sinaktan!"

"Nandito siya kanina!" sigaw niya at kinalog ang balikat ko. "Kahit saktan pa niya ako makapitong ulit, it doesn't matter to me for as long as she's here!"

Mukhang wala na akong pagpipilian pa. Tumitindi na ang nararamdaman niyang emosyon at hindi maganda ito lalo na at kailangan niya pang magpahinga.

Inaamin kong naging madulas ako sa mga binitawan kong salita. Tinuringan pa naman akong doktor kung papalalain ko lang pala ang sakit ng pasyente ko.

Inilabas ko ang syringe mula sa bulsa ng lab coat ko at pinindot ang dulo nito, sinusubukan kung tatalsik ang kulay tubig na likido. Iyon na nga at gumana nga. Mahigpit kong hinila ang braso niya at kaagyat na nanlaki ang mga niya.

"Tumigil ka. Ilayo mo sa akin 'yan, ngayon na!" pagpupumiglas nito a halos mabitawan ang hawak ko.

"Alisin mo 'yan!"

"Calm down, Kagan. This is for your sake, your own good!"

"Ilayo mo sabi 'yan, ilayo mo!" pilit niya at tumilapon ang syringe sa sahig.

Pupulutin ko na sana ito ngunit pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan sa braso.

"K-Kage, it hurts..." daing ko.

"Kung ayaw mong maniwala, ako ang hahanap sa kanya." May diin na aniya at diretsong tinitigan ako sa mata.

Puno ng emosyon ang mga ito at wala akong ideya sa mga iniisip niya ngayon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasamang karakter sa isang libro, at siya naman ang bida.

"Isa lang siyang ilusyon, Kage, mag-isip ka nang tama!" hindi makapagtimping sagot ko at kapagdakang nasagi ko ang mesa nang itulak niya ako.

"Mas nanaisin kong manatili sa mga imahinasyon ko kasama siya, kaysa bumalik sa realidad at makasama ka."

Tila isang malaking sampal ang mga bitawan niya sa pisngi ko. Mga salitang mas nakatatakot pa kaysa ugong at pag-iyak ng mga pasyente.

Hindi ko na mapigilan ang kaloob-looban ko at halos mabingi ako dahil sa pinakawalan kong hagulgol. Mas umagos ang mga luha ko nang tumakbo si Kagan sa pinto.

"W-where will you go?" takhang tanong ko saka tumayo. "Come back here! Kagan, come back!"

Hinabol ko siya sa may pasilyo at agad na humingi ng tulong sa ibang nars. Agad namang lumapit ang isang lalaki sa akin at tinanong kung anong nangyayari.

"Habulin niyo si Kagan, ipaalam mo rin ito sa iba!" sigaw ko. "Umalis ka na, bilisan mo!"

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa opisina na pala at wala sa huwisyong kinuha ang tinago kong susi.

Nang-iinit ang aking katawan at nais kong sumigaw sa abot ng aking makakaya. May kung anong galit ang sumasaklob sa loob ko at hindi ko mapigilan iyon. Isinukbit ko ang susi sa isang sikretong lagusan. Ipinagawa ko ito sa rasong hindi maaaring makatakas ang isang taong nakakulong dito.

Hindi siya pupuwedeng pumutak sapagkat kung nagkagayon ay mapipilitan akong mas baliwin pa siya. Sinigurado ko munang nakakandado ang taguan na ito maging ang pinto mula sa opisina ko. Hindi ko hinahayaan kahit isang empleyado ang makapapasok o makaalam nito sapagkat teritoryo ko ito at sila ay maparurusahan.

Sinindihan ko ang lampara na kinuha ko sa gilid ng pinto at tinahak ang madilim na lagusan. Hindi kaaya-aya ang amoy dito sapagkat umaalingasaw ang pagkamapanghi. Habang binubuksan ang tarangkahan sa isang kamay ay napapalundag ako sa mga maliliit na hayop na dumadampi sa paa ko.

"Argh!" daing ko.

Imbes na itaboy ito ng babaeng nakaupo sa loob ay nakaturong pinagtatawanan pa ako.

"Ang arte, ang arte!" asar niya at sa kaunting liwanag ay nakita ko ang pagbelat niya. "Buti pa si Shanta, hindi takot, hindi takot!"

"Shut up!" sigaw ko at sa wakas nabuksan rin ang tarangkahan.

Nang makatapak ako sa maduming sahig ay hindi ako nag-atubiling lapitan at sabunutan siya. Halos itilapon ko siya sa isang maliit na bintana sa gilid ng kwarto.

"Isusumbong kita kay Shanta, aray ko, Kachina Demonyita!" lait niya at hinawakan ko ang pisngi niya.

"You, crazy woman, where is the diary?" nangangalit na tanong ko at mas hinigpitan ang pagkakaipit ko. "I need his diary now!"

"Ayaw ko, masama ka!" sigaw niya at dinurahan ako.

"P*tang*na ka talaga!"

Dinaplis ko ang aking palad mula sa makapal niyang mukha. Nandidiring pinunasan ko ito at naduduwal na inamoy ang pagkabulok ng laway niya.

Naupo siya sa maalikabok na sahig at lumuhod ako para higpitan ang kanyang leeg. Nasisiraan na ako ng bait at malapit na lang ay makapapatay na talaga ako ng isang baliw.

Pinagmasdan ko ang kanyang itsura at sabog ang kanyang buhok. Madungis ang pisngi niya at punit-punit ang damit na ipinantapal ko sa kanya.

"Nakakadiri ka..." may impit na kutya ko at halos manhimutok ang ugat sa leeg niya. "Inuulit ko, Benida... Saan ang pinatago kong sulatan ni Kagan?"

Natitiyak kong may pagmamalasakit ang babaeng ito sa kanya kung kaya't sa oras na marinig niya ang pangalan nito ay natutuwa siya.

"Si K-kagan? Nandiyan ba s-siya?"

"Hinahanap ni Kagan ang tala-arawan niya..." ulit ko. "Saan na at ibibigay ko."

Masigla siyang tumango at kinalas ko naman ang pagkakasakal ko sa leeg niya. Mabilis siyang tumakbo at dumapa sa ilalim ng kama nito. May kung anong kinakapa pa siya hanggang sa itaas niya ang kulay ginto na libro sa ere. Napaismid pa ako ng ngiti at matulin na dinakot ito mula sa kanya.

"Ito na nga ba, Benida?"

Bumalik ako sa aking opisina bago ikanandado muli ang tarangkahan at isa pang tarangkahan papunta sa lagusan. Isinantabi ko na rin ang lampara at hayahay na ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan. Itinaas ko ang kulay gintong libro mas mataas kaysa noo ko at binasa ang salitang nakaukit rito.

MY FAVORITE POEM, SHANTA.

"Ang ating istorya sa loob ng isang pantasya, na saklob muli ng isa pang pantasya..."

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito at may kung anong bumabagabag sa akin sa kung anong laman ng libro. May kung anong hindi makapakali sa loob ko at nabuksan ang unang pahina.

Para sa binibining inilagtas ako sa pagkakalunod sa pag-ibig, Shanta.

Napangiwi na lang ako sa babaeng paulit-ulit niyang binabanggit. Pati ba naman sa kanyang tala-arawan ay siya pa rin?

Binuklat ulit sa sumunod na pahina at sa wakas nasiliyan ko ang isang ngalan na nagpangiti at nagpalungkot sa akin.

Kachina... Iniwan ako ni Kachina.

Doon ko naramdaman na nagsimula na nga ang kuwento ni Kagan noong 2020, labing-isang taon nang nakararaan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status