Share

Her Life He Wrote
Her Life He Wrote
Author: ninashupi

Prologue

KUNG PATAYAN ang pag-uusapan, buhay na buhay ako.

Sa likod ng maalikabok na bintana ay namamataan ko ang isang lalaking nakaputing toga. Hindi toga sa graduation kundi patient gown ng isang mental ospital.

Nakasampa siya sa kama at nakatitig lang sa kawalan. Tanging siya ang nasa kwarto at mukhang naghihintay sa doktor.

Nananatiling nakatali ang kurtina kung kaya hindi naging mahirap para sa akin ang pagsilip. Tila isang opisina ang nasa loob ng kwarto.

May mesa na bunton-bunton ng maraming libro ngunit iyon lamang ang napansin ko maliban sa isang malalim at nakaaawang boses.

"Shanta..." nanginginig na bulong ng lalaki. "Shanta! Shanta! Why can't you be here?"

Isang ngalan ang paulit-ulit niyang binabanggit. Nanaisin ko mang magpakita ay hindi ako basta-basta puwedeng magbasag ng bintana para lang makapasok.

Katahimikan.

Iyan ang nais kong mangyari dahil kung walang katahimikan, madali akong mahuhuli.

Hindi lang 'yon dahil kahit saang anggulo tingnan ay nakasuot ako ng itim na sombrero, panyong nakapulapot sa pisngi ko, at salamin na itinatago ang lihim sa mga mata ko.

"Shanta... I am sure, it was you! Ikaw 'yon. What they're saying is impossible. You're alive!" nanlulumong sambit niya na ikinarindi ng tainga ko.

Kahit pa na sarado ang bintana ay nakalapat ang tainga ko sa jalousie, sapat para mapakinggan ang kanyang boses.

Sa itinatagal ng panahon ay ngayon pa dumating ang araw na ito.

Ang araw na sa tanging isip niya lamang ako naaalala, nahahagkan, ngunit sa totoo ay hindi na ako.

Burado na ako sa mundo at sa alaala ng mga taong minsan ay naging parte ng buhay ko.

"Kage..." bulong ko.

Nais ko siyang lapitan at ikulong sa mga bisig ko. Nais kong iparamdam sa kanya ang maiinit na haplos. Iyong mga haplos na dati ay nakapagtatahan sa pagwawala ko.

Makita ko pa lang ang pagtakip niya ng tainga ay nangingilid na ang luha ko sapagkat ngayong nagwawala siya ay wala rin ang mga haplos ko.

Nanlulumong napasandal ako sa matigas na bato at isang malakas na bugso ng hangin ang umukit sa aking balat.

Umulan ng mga dahon at tila nagtatago ang araw sa likod ng maiitim na ulap. Sa malayong bakod ay nakakandado ang itim na gate, isang tarangkahan para sa mga nakakulong sa kanilang mga isip.

Nakabaligtad ang mga letrang nakakapit sa taas, binubuo ang ngalan ng ospital.

ERAC LATNEM EGDILOOC

At dahil nakatayo ako sa paloob nito, isa na rin akong pasyenteng nasisiraan ng bait. Bagaman hindi literal na inaalagaan ako ng ospital, isa lamang akong buhay na patay.

Nakapanhihindik-balahibong balikan ang mga pangyayari sa pasilidad na ito at napakapamilyar pa rin ang amoy ng ospital.

Bumaling ako sa aking likuran at napagmasdan kong nakaupo na muli si Kagan.

Sa oras na ito, kalmado na siya, wala nang ingay na maririnig, kung kaya walang alinlangan na kumatok ako sa bintana.

"Kagan..." tawag-pansin ko at nilibot niya ang kanyang paningin bago pa nahanap ang pinangalingan ng tunog.

Sa pagkakataon na ibinigay ng langit, mabilis na nagtagpo ang mga mata namin. Mga titig na sa haba ng panahong pinagkaitan ay muling nagkasama rin.

Ito na at malapit ko na siyang mahawakan. Ang mainit niyang palad sa mga pisngi ko at ang malaki niyang katawan na kumukulong sa maninipis kong braso.

"Shanta..." hindi makapaniwalang sambit niya at mabilis siyang napatayo. "You came back?"

Masayang tumango ako at pumorma ang ngiti sa labi niya.

Panandaliang nawala ang takot sa mga mata nito at sa oras na buksan niya ang bintana ay naramdaman naming dalawa ang kasariwaan ng hangin.

Sa kahit anong sitwasyon, babalik ako.

Sumampa ako sa paanan ng bintana at napakapit sa matitigas niyang balikat. "Shanta..." ulit niya.

Tinanggal niya ang aking sombrero saka marahang kinalas ang panyo. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko nang dumapo ang kanyang tingin sa labi ko.

"Kage..."

"I was so worried sick when you left me on the island," aniya at hinawakan ang pisngi ko.

Hindi na ako sumagot at diretso na lang siyang tinitigan. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngunit hindi iyon naging sagabal sa aming dalawa.

Naaliw ako sa kagandahan ng kanyang awra. Nakakalambot ng puso ang mapupungay niyang mata at dahil sa katangusan ng ilong niya ay napasandal ang aking noo sa kanya.

Namutawi ang panandaliang katahimikan na agad namang napalitan ng mga ungol. Naramdaman ko ang kanyang labi at halos matumba ako sa bilis ng kanyang mga h***k.

"I miss you damn, damn much..." bulong ni Kage at tinugunan ko naman 'yon nang buong-buo.

Naramdaman ko ang kanyang dila at tila nawala ako nang panandalian sa mundong ito, na para bang nagkaroon ako ng mga pakpak at hinihigop ng kalangitan.

Parang isang paghahangad ang naging mensahe ng mga iyon.

Isang pananabik na mahagkan siyang muli sa kabila ng mahabang panahon.

Isang pag-aasam na manumbalik ang dating ngiti sa kanyang labi, at muling maangkin ang kanyang kabuoan.

Hindi ko na namalayan kung saan papatungo ang mga h***k niya at napatingala na lang ako sa mahina niyang pagsunggab sa leeg ko.

"Kage..."

Malikot niyang hinaplos ang bewang ko habang pinipigilan akong mahulog sa pagkakasampa ko sa bintana.

Sana siya na lang ang dungawan, para sa kanya na lang ako nakasampa.

Sa gitna ng kasiyahang nararamdaman naming dalawa ay dumarating rin ang lumbay. Tatlong beses na umugong ang katok mula sa pinto at sa isang iglap, naputol ang lahat ng koneksyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status