Maraming salamat sa mga sumubaybay at susubaybay pa sa kwento ni Kagan at Shanta. Hanggang sa muli, magkita-kita tayo sa istorya ni Euart at kung papaano siya natuto sa lahat ng nagawa niya. Salamat at hanggang sa muli nating pagkikita. - ninashupi
KUNG PATAYAN ang pag-uusapan, buhay na buhay ako. Sa likod ng maalikabok na bintana ay namamataan ko ang isang lalaking nakaputing toga. Hindi toga sa graduation kundi patient gown ng isang mental ospital. Nakasampa siya sa kama at nakatitig lang sa kawalan. Tanging siya ang nasa kwarto at mukhang naghihintay sa doktor. Nananatiling nakatali ang kurtina kung kaya hindi naging mahirap para sa akin ang pagsilip. Tila isang opisina ang nasa loob ng kwarto. May mesa na bunton-bunton ng maraming libr
Kachina's POV AKO NA ang nagbukas ng pinto. Nakailang lagabag ako dito ngunit walang sumasagot. Dahil sa malakas na katok, naungusan na nito ang sigaw at pag-iyak sa gitna ng pasilyo. Mga bulungan ng mga pasyenteng inaalagan ng ospital na ito. Bagaman nakayayamot isipin na hindi man lang ako pinapasok ni Kagan ay isinantabi ko ito. Sa bagay, kahit na itumba ko ang harang na ito ay hindi niya ako mapapansin, imbes ay matatakot lang siya. Nang makatapak ako sa kwarto at maitaas an
Kagan's POV03 Hunyo 2020KACHINA... Iniwan ako ni Kachina.Gusto kong lunurin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Gusto kong magpalamon sa buhangin. Gusto kong tangayin na ako ng alon para tuluyan na akong malunod at lagutan ng hininga.Marami akong gustong gawin ngunit si Kachina lang nais ko. Siya lang ngunit mas pinili niya ang kinabukasang wala ako."Kachina... Kachina!" matindi ang hinagpis na hiyaw ko. Inubos ko ang aking boses sa abot ng aking makakaya. "Kachina!
"K-KACHINA?" Sinusubukang mamukhaan ang dilag. Nais kong siguraduhing si Kachina 'yon. Hindi niya ako binigo. Bumalot ang ilaw ng pag-asa. Gusto kong kutyain ang mga bituin at pagtawanan din sila dahil mali sila ng inaakala. Sa gitna ng karagatan, muling may nagligtas sa akin. Muling may nais na mabuhay ako. Muling may nagtangkang pahalagaan ako. Tinitigan ko ang maikli niyang buhok na naaninag sa maliit na ilaw na dala ng isla. Naningkit ang aking mata at hindi na nakita ang kamaong sumapo sa bagang ko. "A-aray!" napaatras ako sa tubigan.
ISINUBSOB KO ang aking sarili sa napakalambot niyang leeg. Halos ipitin ko siya sa aking mga braso, hagkan-hagkan ang kanyang kabuoan. At parang may sumasayaw na paru-paru sa tiyan ko. Hindi ito mapakali at kinikiliti ang buong sistema ko. Maging ang puso ko'y hindi na magkarandarapa.Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumiwanag ang buwan at para akong nasisilaw rito. Malapit ko nang mapasamata ang babae ngunit may kung anong tunog ang bumuhay sa huwisyo ko.Naimulat ko ang aking mga mata na nakadungaw sa isang malaking bintana. Sa labas nito ay balkonahe at nakagilid ang mahabang kurtina. Kalmado ang alon sa dagat at sumisilay na ang pagka-lila ng kalangitan dulot ng araw. Bigla akong napaupo sa kama saka ti
ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila. Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko. "Kage!" sigaw ni Kaden. Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala
HABANG nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin muli 'yong babae sa isla. Itago na lang natin siya sa pangalang Neko Ferrucci. Gusto kong matawa sa loob ng kotse pero baka marinig ako ni Eaurt, na katabi ko lang na nagmamaneho. Isa pa, kasalanan ng mga paru-paru 'to. Labis na lang ang pagkiliti nila sa puso ko. Tawa pa sila nang tawa sa tiyan ko! Mga baliw!Bigla akong napangiti. Hindi ko na mapigilan talaga. Baka ang rason kung bakit ko siya nakita kanina ay naka-tadhana kami para sa isa't isa. Itinakda kami ng mga diyos at ng mga paru-paru. At siya ang aking mariposa. Napapailing ako sa tuwa. Nakita kong lumingon sa akin si Euart kaya bigla akong nagseryoso. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi lumuwa ang ngipin ko.Na
PARANG SINUNTOK ng hangin ang baba ko paitaas at napatingala ako kay Papa. Minamataan niya ako na parang nakakatunog sa totoong nangyari sa isla. Ayaw kong pag-usapan 'yon! Tuwing naiisip ko 'yon, nabubuhay ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Parang burger buns na isinampal ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Ako 'yong burger. Sinilip ko ang mukha ni Euart at ang sarap lang kalmutin! "W-wala 'yon, Pa..." ako na ang nagklaro para sa kanila. Pero pati utak ko'y binibiro ako. Weh? Totoo bang wala lang 'yon? Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin ng babae. Neko... Ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala! Sa taong hindi ko alam ang pan