Share

Chapter 3

"K-KACHINA?"

Sinusubukang mamukhaan ang dilag. Nais kong siguraduhing si Kachina 'yon. Hindi niya ako binigo. Bumalot ang ilaw ng pag-asa. Gusto kong kutyain ang mga bituin at pagtawanan din sila dahil mali sila ng inaakala. Sa gitna ng karagatan, muling may nagligtas sa akin. Muling may nais na mabuhay ako. Muling may nagtangkang pahalagaan ako.

Tinitigan ko ang maikli niyang buhok na naaninag sa maliit na ilaw na dala ng isla. Naningkit ang aking mata at hindi na nakita ang kamaong sumapo sa bagang ko.

"A-aray!" napaatras ako sa tubigan.

Bumigat ang dibdib ko. Hindi siya si Kachina. Hindi siya nanununtok. Sino ito?

Natikman ko ulit ang dugong lasang bakal noong idapo ng babae sa kabila ang sumunod na sinuntok.

"A-aray! Who the hell are you?!"

Hinawakan ko ang aking labi at nagtatakang tiningala siya. Para bang naalog ang utak ko at nagising sa realidad. Tila ba nawala ang lahat ng mga pantasya ko sa buhay at naging makatotohanan.

Nais kong komprontahin ang babae ngunit hinawakan niya ang aking pulso saka malakas na inakay ako. Kamay-kandila siya pero panlalaki ang pambihirang lakas niya.

"Hold on! Where are you taking me to? Kidnapper!" sigaw ko at pinigilan ang kamay niya.

Bigla naman siyang nadapa sa alon at 'di sinasadyang mahawakan ko siya dibdib.

"Bastos ka!" sigaw ng babae sa akin.

"H-Hindi, ah! It's your fault!" tanggi ko.

Agad ko siyang binitawan at mas lalo siyang natisod at napakapit sa balikat ko.

Holysh*t.

Para akong nilamig bigla at wala sa oras na napatingala sa langit. Kinakapa ko kung umuulan ba pero hindi, walang pumatak sa balat ko. Ngunit ang kakaibang pakiramdam na ito, ang pakiramdam na may dumaan na kidlat sa buong katawan ko ay hindi ko maipaliwanag.

Pinilit ko siyang tingnan at hindi ko na kailangang yumuko pa sapagkat magka-lebel ang mga mata namin. Sa pagkakataon na ito ay kuminang ang mga mata niya at lumitaw ang repleksyon ng buwan sa gitna nito. Mas lalong tumaas ang balahibo ko nang dumampi ang hangin mula sa dagat.

Doon ko na lamang namalayan na ikinulong ko na pala ang pisngi niya sa mga palad ko at yumuko para masdan ang kanyang nakatagong mukha.

"We have the same eyes. Eyes that beg, yearn and suffer. Now, it makes me think... When will it tear with joy? Will we ever find happiness?" bigla ay bulong ko.

Nakakaaliw ang maliit niyang panga kaya napangiti ako. Sa ilalim ng buwan at sa gitna ng karagatan, nasa harapan ko ngayon ang babaeng bumago sa daloy ng buhay ko. Muli, ngumiti ako nang dahil sa taong nagligtas sa akin.

May kung anong kakaibang saya ang bumalot sa katawan ko at nais ko lang pagmasdan at hawakan ang kanyang mukha mula sa aninag ng buwan. Napangiti ako nang labis, nababaliw sa lambot ng kanyang pisngi. Maging ang kanyang maiksing buhok ay dumadampi sa palad ko.

Malabo man ang istura niya sa aking paningin ay nais ko lang manatili sa ganitong posisyon na kung saan nakararamdam ako ng panandaliang kapayapaan.

Kapayapaan na hindi ko nararanasan buong buhay ko. Kung pantasya man ito, nais kong makawala sa totoong mundo.

Hindi gumalaw ang binibini ngunit naka-taas ang balikat nito na tila siya ay nilamig rin. Sa paglapit ko ng ulo sa kanyang mukha ay dagli siyang umatras. Narinig ko pa ang kanyang singhap at tila gininaw ako sa oras na dumampi ang hininga niya sa balat ko pero muli ko siyang hinila papalapit sa akin.

"Let's leave this island. Take me out of this cruel place. Natatakot na ako. Mas nasasaktan ako," marahang bulong ko at napahiga sa gilid ng kanyang leeg.

Gusto kong buhatin niya ako na parang babae papunta sa dalampasigan. Gusto kong maranasan sa maikling sandali na pasan ako ng mundo at hindi ko ito buhat-buhat sa likod ko. Napasinghap ako at naamoy ko ang ilalim ng kanyang tainga.

"You smell so good. What's your conditioner? Anong pabango mo?"

"Ano ba! Kasing bigat mo ang elepante! Ikaw naman, hindi ka kaaya-aya sa ilong ko. Amoy alak ka, tumabi ka!" sigaw niyang pilit akong tinutulak.

Sa sandaling iyon ay napagtanto kong hindi iyon si Kachina, hindi ang babaeng hindi ako kayang pangakuan. Kung manipis ang boses ni Kachina, mas malalim ang sa babae. Mas bumaon ako sa balikat niya. Hindi ko makontrol ang aking sarili. Binalot ko ang aking braso sa bewang niya at ilang beses na bumulong sa tainga niya.

"Hik! It's cold, Neko. Make me hot..."

"Bastos ka talaga! Animal ka!" sigaw niya at tinulak ako, nagtatangkang dapuan ako ng isa pang suntok ngunit naharang ito ng aking palad.

"Ops! Stop it, please..." ngiti ko. "Pagod na akong masaktan. Laging ako ang sinasaktan kaya ako na lang ang mananakit sa sarili ko..."

Wala sa oras ay nilapagan ko ng suntok ang bagang ko at bigla akong nadulas. Hindi dahil sa suntok ko kundi dahil sa pagsugod ng tubig sa akin. Sinampal ako ng alon at may kakaibang saya akong naramdaman. Napatingalang inubos ko ang natitirang saya sa puso ko.

"Wahahahaha!" Napahawak ako sa tiyan at pilit na tumatayo mula rito ngunit inaatake ulit ako ng malakas na alon. "Hit me more!"

Ang saya lang habang nahuhulog ako sa malambot na buhangin. Isinandal ko ang aking mga kamay sa likod at mabilisang hinubad ang aking damit. Narinig ko pa ang mura ng binibini at itinapon ko ito sa kanya.

"A-anong ginagawa mo? Hoy!" sinalo ng mukha niya ang damit.

Mas natawa ako nang ibato niya sa dagat ang polo ngunit sumisid ako papunta sa kanya.

"I got you!" sigaw ko at hinawakan ang magkabilang binti nito.

"H-hoy, ano ba! Manyak!" nagpupumiglas siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natumba rin sa tubig. Tumalsik pa iyon sa mukha ko at kumurba ang matinding ngiti sa labi ko.

"Hahahahaha!" natatawa kong tinuturo siya at napaupo sa gitna ng dagat. "You're scared? Takot ka sa tubig. Are you a cat?!"

Pareho na kaming basa ngayon. Basang-basa na halos naliligo na kami sa ulan. Sumilaw ang buwan sa aking mukha at para bang kuminang ang aking mga ngipin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko ngayon sapagkat ang alam ko lang ay natutuwa ako sa pagka-inis ng babae.

"P-pusa pala ah!" asik niya saka tumayo at inipit ang pisngi ko.

Bigla na lang ay napasilip ako sa kanyang dibdib. Bakat ito sa basa niyang damit at halos manlumo ako sa laki nito. Kahit na gumagalaw ang aking paningin ay hindi ko maiwasang masdan ang galit sa mukha niya.

"You're as pale as the moon's surface but as bright as it is at night. You deserve to be called my light."

Napakainit ng kanyang palad na talo pa ang sumisimoy na hangin na pumaparoon sa karagatan. Nagsayawan ang mga puno ng buko at sumilay ang repleksyon ng buwan sa tubig. Sa oras na ito ay halos napawi ang lahat ng sakit sa puso ko. Parang mas gumaan ito dahil sa alam kong may kasama ako, na hindi ako nag-iisa sa islang ito.

Hinila ko ang makinis na braso ni Neko at kumawala naman ang palad niya sa pisngi ko. Saka ko siya inihiga sa buhangin. Pumatong ako sa kanya at pumalo ang naghihimagsik na alon sa aming dalawa sanhi para maglapat ang mga labi namin.

Nagulat ako at hindi alam ang gagawin subalit sa naramdaman kong lambot ng kanyang mga labi ay iginalaw ko ito. Dahan-dahan ko siyang hinalikan at ibinuka ang kanyang bibig maramdaman ang loob niya.

Umeepekto na yata ang alak pero kung iyon nga ang nangyayari, mas hibangin pa ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at idiniin ang aking labi sa kanya. Bigla pa siyang nawala sa sarili at dinig ko ang mahina ngunit nasisiyahan niyang ungol na nagpapahiwatig na nais pa niya.

Mas lalo akong pumatong sa kanya at ipinulupot naman niya ang kanyang braso sa aking leeg. Napakainit nito sa katawan at mas lalong bumilis ang aking mga halik.

Nawawala ako sa katinuan at halos umahon-sumisid ang nangyari sa tuwing mapapalakas ang aking sunggab. Hindi ko mapakawalan ang kanyang labi at mariing ipinasok ko ang aking dila sa kanyang bunganga saka kinagat ang ibaba ng labi niya.

Sa tuwing aalon palayo ang tubig, hihiwalay ako sa halik. At kapag bumabalik ito, nilalandas ko ang kanyang labi.

Maraming natural na bagay ang nanunuod sa amin. Maski ang buwan ay mas lumiwanag para masilayan ko ang kanyang ngiti. Tumigil ako sa paghalik para masdan ang kanyang mukha ngunit sa pagmulat nito ay maging siya ay naguguluhan sa nangyayari.

Nang siniguro ko sa kanyang magiging masaya ang gabi na ito, mabilis niya akong itinulak saka tumayo. Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at may pigil roon. Umahon siya papunta sa dalampasigan. 

"Neko!" tawag-pansin ko saka tumakbo sa kanya.

Hindi niya ako nilingon imbes isinuot ang jacket na noon pa'y kinalas niya. Tumakbo ako sa kanyang harapan at iniharang ang mga braso para pigilan siya.

"W-where will you go?" takhang tanong ko pero tinulak niya ako. "Neko, s-sandali lang..."

Tumakbo ako at hinarang siyang muli.

"I'm sorry..." sambit ko.

Tumapat ang ilaw sa kanya at nasaksihan ko kung gaano ka-pula ang pisngi ng babae ngayon. Para itong makopa, ay hindi. Tila isa itong rosas na kakabuka lang. Sariwa at mabango.

Sinamaan niya ako ng tingin ngunit hindi ko ikinabahala iyon. Kinilatis ko ang kanyang mukha. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong.

"H-hindi ko sinasadyang halikan ka..." sagot ko pero hindi nakonsensya roon. Nasiyahan pa nga ako kaya bakit ako magsisisi.

Hindi niya pa rin ako sinagot at nilagpasan muli ako. Nabasa siguro niya sa mukha ko na gusto ko pa siyang hagkan, halikan, at sunggaban. Sa pagkakataon na iyon ay hinabol ko siya hindi para harangin kundi para ikulong sa braso ko.

Niyakap ko siya mula sa likod at tila nasisiraan na talaga ako. Hinawi ko ang kanyang maiksing buhok para maglapat ang leeg naming dalawa. Hindi na ako nahiya sapagkat wala pa rin akong saplot at nakabalandra ang katawan ko sa likod niya.

"Don't leave me." Agad na tumaas ang mga balahibo niya. "Kapag umalis ka, m-magpapakalunod ulit ako."

"Noong ipinanganak ka ba'y naiwan sa matres ng nanay mo 'yang utak mo?" bigla ay tugon niya sabay siko sa tagiliran ko.

"A-aray, kanina ka pa, ah!" bulyaw ko.

Sumandal ako sa kanyang balikat at nakatingalang ngumuso sa kanya. "It won't happen again. Huwag ka lang umalis, huwag mo 'kong iwan dito. Wala akong kasama, I'm all alone again."

"At bakit ko gagawin 'yon? Sino ka ba?" nanlilisik ang mata niya pero mas lalo akong nagmakaawa.

"You revived me kaya samahan mo ako rito kahit saglit lang," marahang paliwanag ko at nilingon ang linya sa pagitan ng langit at karagatan. "Dito sa isla, t-takot akong mag-isa. Puwera na lang noong oras na umahon akong may kasama na."

Kumawala ako sa pagkakayakap ko at hinintay ang kanyang sagot. Kinakabahan tuloy ako baka hindi ito umepekto sa kanya. Mas lalo pa yatang tumulo ang pawis sa dibdib ko noong lingunin niya ako.

Bigla na lang siyang lumapit at napaatras ako. Bigla na naman siyang naglakad at napaatras ulit ako. Nakatatakot ang kanyang mata at napapalunok ako. Maski buhangin ay naramdaman ang pagnginig ng binti ko at sa isang iglap ay tumalsik na naman ang mukha ko.

"Gusto mo na bang mamatay ha?" nanghahamon na tanong niya.

"Ano..."

Isang kamao muli ang nagpalipad sa bagang ko.

"What the-!"

"Humarap ka nga roon!" turo niya sa dagat at parang tuta na sumunod ako.

Kinapa ko pa ang pisngi ko at napadaing sa maliit na sugat. "Holysh*t! Are you c-crazy?"

"Masakit?" tanong pa niya.

Umupo siya sa tabi ko at hinubad ang jacket niya. Iniyakap niya ito sa akin habang nakatungangang pinagmamasdan ko siya, sinusundan ng tingin.

"Baliw ka..." biglang aniya.

"Huh?"

"Hamoy alak ka, nakakahilo."

Kahit masakit sa damdamin 'yon, isinandal ko pa rin ang ulo ko sa balikat niya. Para na yata akong nababaliw sa amoy niya. Maging ang jacket na bigay niya ay nangangamoy bulaklak.

Agad akong kumalas saka nakapambatang umupo nang maalala si Kachina. Kinusot ko ang aking mata at sa pagmulat ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin.

"Bakit ba madali lang sa 'yong magpakamatay?" nahulog ang panga ko sa tanong niya.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko saka kinilatis ang natamong sugat doon. "Pati boteng walang kamalay-malay pinagtripan mo. Saan na ba ang mga bubog at ibabaon ko sa palad mo."

"N-nagmamalasakit ka ba talaga?" naiinis kong tanong at sinubukang hilain ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Ang estupido lang..." aniyang may kinuha sa bulsa. Itinaas niya ang basang panyo at ipinulupot sa sugat ko. "Sa susunod, 'wag kang tanga. Kaya ka nasasaktan, ang kitid kasi ng utak mo."

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko lang siya at bigla namang napalundag ang kaluluwa ko nang balingan niya rin ako.

"Ano bang nangyari sa 'yo at naglalakad ka sa tubig? Bakit hindi ka na lang tumakbo saka tinuluyan ang sarili mo?"

"S-sinusundan ko 'yong buwan."

"Buwan?"

"A-ayaw nito kasing magpahabol sa 'kin," tugon ko at bigla na lang siyang tumawa nang mahina.

"Ayaw ng buwan? Estupido..." angil niya saka binato ang kamay ko.

Sinilip ko ang kanyang mukha pagkatapos nun ay biglang may kumurot sa puso ko nang hindi siya matuwa sa mga kabalbalan ko. Doon ko na lang nakusot ang mata ko at pinigilan ang mga luhang gustong kumawala. Narinig ko na lang ang pahikbi-hikbi ko at ang parang batang pag-iyak ko.

"The girl I like doesn't like me back. Lilipad na siya sa ibang b-bansa. Iiwan niya ako! Anong gagawin ko, Neko?!"

"G-galat ka! Ba't ka umiiyak?" gulat na tanong ni Neko at hinawakan ako sa balikat.

"M-matagal ko na siyang gusto, kababata ko pa siya pero wala siyang nararamdaman sa 'kin!"

"Ano ba!" singhal niya saka binawi ang palad. "Ang isip-bata mo!"

"S-sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ikaw ako!"

"Huwag ka ngang maingay!"

"No, I won't stop crying!"

"Namnamin mo 'to!" sigaw niya.

"Aray! Ano ba!"

Sa huling pagkabalik ng huwisyo, nakahawak na ako sa pisngi.

"Y-your slaps are... damn heavy."

"Talaga."

Babawian ko na sana siya ngunit bigla na lang nagbago ang awra sa mukha niya. Sinilip ko ang kanyang mga mata subalit nawala ang kinang ng buwan. Napansin ko pang tumingala siya saka pumuwing, tila nagpipigil ng luha. Do'n ko namalayang mas tumabi ako sa kanya, sinusubukan siyang maunawaan.

"Neko..." bulong ko.

Nakita kong nagpunas siya ng luha bago lingunin ako. Sa pagtagpo ng aming paningin ay napakalapit namin sa isa't isa. Maging ang paghinga ay dama naming dalawa.

"And you... Bakit ka nandito?" tanong ko.

Tumagal nang ilang minuto at wala pa rin siyang sagot. Tinitigan niya lang ako at hindi umimik.

"Are you okay?" ulit ko.

"Yakapin mo ako," bigla ay usal niya.

"Huh?"

"Wala."

Inilayo ang tingin pero narinig ko iyon, nais ko lang na ulitin niya. Ikinulong ko siya sa aking braso at nagulat siya sa oras na iyon.

"Yayakapin kita... hanggang sa tuluyang lumubog ang buwan."

Sa gitna ng dalampasigan, may dalawang taong nagtagpo. At isa ako sa mga taong iyon. Ito akong buong nagsusumamo sa isang kumpletong estranghero.

Siya si Neko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status