Share

K-124

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-07 18:27:02

CLARISSE

HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul.

"Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine.

Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?"

Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?"

Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Gie AB
more please
goodnovel comment avatar
LonelyPen
may mga ganyan talagang girlalu eh HAHAH
goodnovel comment avatar
LonelyPen
Di niya kasi lab si Clarisse HAHAHA
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-124

    CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-123

    VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-122

    CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-121

    VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-120

    SAMUEL PAUWI NA SANA SI SAMUEL nang humarang si Clarisse sa kanyang dinadaanan. Nangunot ang kanyang noo. "Bakit?" tanong niya kay Clarisse. Napalunok ng laway si Clarisse. "Puwede ba tayong mag-usap?" Saglit na natigilan si Samuel bago tumingin sa kanyang relo. "May pupuntahan pa ako. Ano ba ang sasabihin mo? Sabihin mo na lang dito." "Saan ka ba pupunta? Pupuntahan mo ba si Valerie? Bakit?" Bumuga ng hangin si Samuel. "Wala na sa iyo kung puntahan ko man si Valerie. At saka 'di ba nag-usap na tayo? Hindi na tuloy ang pinaplano natin noon." Mariing pumikit si Clarisse. "Hindi ako papayag, Samuel. Nangako ka sa akin. Nangako ka! Kung talagang mahal mong talaga ang babaeng iyon, payag akong maging pangalawa. Payag ako sa kanya ka sa umaga at sa akin ka sa gabi." Biglang natawa si Samuel sa sinabi ni Clarisse. "Nababaliw ka na ba, Clarisse? Napakaraming lalaki diyan. Maraming lalaki ang baliw sa iyo kaya dapat, doon ka na lang sa kanila. Mamili ka sa kanila. Huwag mo akong pag-

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-119

    SAMUEL NAKANGITING PINAGMAMASDAN NI Samuel ang picture ni Valerie sa kanyang table. Talagang pina-frame niya pa ang picture ng dalaga palagi niya itong makikita. Para gaganahan siya palagi sa trabaho. "Hello, anak ko! Kumusta ka naman?" wika ng mommy Samarah niya nang dalawin siya nito sa opisina. "Hi, mommy!" tugon niya sa ina bago tinanggap ang mainit nitong yakap. "Ayos lang po ako, mommy. Kayo po?" magalang niyang sabi sa ina. Ngumiti si Samarah. "Ito syempre, ayos na ayos din at super pretty pa rin ang mommy mo! Siya nga pala, ang sabi sa akin ni daddy mo, nagiging good boy ka na ulit. Sana magtuloy na iyan. Teka, sino iyan?" Kinuha ng mommy Samarah niya ang picture ni Valerie at saka tinitigan iyon. Nakalolokong ngumiti ang kanyang ina. "Siya ba ang sinasabi ng kapatid mong si Hector na nililigawan mo?" Ngumiti si Samuel at saka tumango. Nabanggit niya kasi sa kanyang kapatid na mayroon siyang nililigawan at si Samarah iyon. Nananatili pa rin kasing single ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status