VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang pumayag siyang hiramin muna ni Clarisse si Samuel, wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng binata. Palagi nga itong sabik na makasama at makita siya. Kahit na saglit lang na oras silang magkasama, masaya na siya. Kampante kasi siyang hindi maaagaw sa kaniya ni Clarisse si Samuel lalo na kapag nagkukuwento ito sa kanya. Galit na galit ang mukha palagi ni Samuel. Parang gusto ng manakit. Kasalukuyan siyang abala sa pagse-serve ng wings sa Kuya C's Unli Wings. Hapon na ng mga oras na iyon at maraming tao. Nagdagdag pa nga ng isang empleyado si Chase para full force ang man power niya sa store na iyon. Gusto sana siyang kunin ni Samuel at doon na lang siya magtrabaho sa binata pero ayaw niya. Dahil na rin sa utang na loob niya kay Chase. At isa pa, mas maigi ng kay Chase na lang siya magtrabaho para malapit lang din sa kanilang bahay. "Parang bihira na lang yata kayo magkita ni Samuel? Hindi ko na siya nakikita sa CCTV na
CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l
CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang
VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya