MasukLIANAPAIRAP AKO habang nakatingin kay Nelson. Buwis1t talaga ang lalaking ito! Masyadong ususero!"Dalawampu't tatlo po.""Wow! Masyadong tagalog magsalita! Matagal ka na bang nagmamaneho?""Matagal na po. Sa probinsya pa lang ay nagmamaneho na ako ng truck.""Truck?""Oo."Tumango si Nelson at tila may gusto pa sanang itanong pero hindi ko na siya hinintay. Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman sa akin si Nelson.Pagkapasok namin sa sala ay agad akong napatingin sa labas. Nakita kong naglakad patungonsa gate si William. Hindi puwedeng malaman ni Nelson na dito talaga nakatira si William. Sigurado akong kapag nalaman niyang nakatira sa bahay ko ang isang lalaking kakakilala ko pa lang, kung anu-ano na naman ang itatanong niya.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag-type ng mensahe kay William bago pa siya tuluyang makapasok.Lia: [Huwag mong sasabihin na dito ka nakatira. Kapag tinanong ka ni Nelson, sabihin mong malapit lang ang bahay mo rito at bum
LIAPagdating namin sa tapat ng bahay ay agad kong napansin ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Hindi iyon pamilyar sa akin at sigurado akong hindi naman iyon sasakyan ng kapitbahay, dahil halos buong hapon ay wala naman akong napansing bisita sa paligid. Napatingin ako kay William na abala sa pagpasok ng kotse sa garahe….bago ko muling tiningnan ang sasakyang nakaparada sa labas."William, kanino kaya iyong sasakyan na iyan?""Hindi ko alam. Baka may bisita ka.""Pero wala naman akong hinihintay."Ipinarada nq niya ang sasakyan sa garahe at pagkatapos ay bumaba siya para buksan ang pinto ko. Pagkababa ko ay nakita ko na agad kung sino ang nakasandal sa hood ng itim na sasakyan. Nakasuot ito ng itim na polo na nakabukas ang dalawang butones sa leeg at maong na pantalon. Naka-cross ang mga braso niya habang nakatingin sa akin at halatang matagal na siyang naghihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumisi.Si Nelson Lee.Hindi ko alam kung bakit nandito an
LIAKinabukasan ay maaga akong nagising dahil unang araw na ni William bilang driver ko. Pagkababa ko sa kusina ay nadatnan ko na naman siyang naghahanda ng almusal. Parang naging routine na niya ang gumising nang maaga at maghanda ng pagkain bago pa ako bumaba. Hindi ko na rin siya pinigilan dahil sa totoo lang, masarap naman siyang magluto at nakakatamad din kung ako pa ang maghahanda ng kakainin namin tuwing umaga."Good morning," bati niya sa akin habang inilalagay sa mesa ang pritong itlog at sinangag."Good morning. Ikaw na naman ang nagluto?""Syempre naman. May pasok ka ngayon kaya naisip kong maghanda na rin ng almusal mo. Pagkatapos nating kumain, ihahatid na kita sa school para hindi ka mahuli.""Okay. Pero huwag mong isipin na kailangan mong magluto araw-araw. Driver kita, hindi cook.""Alam ko naman. Pero hindi naman mahirap sa akin ang magluto. At saka sanay akong tumulong sa bahay namin. Kapag may ginagawa si Nanay, ako rin ang nagluluto at naglilinis kaya hindi naman a
LIAGABI na nang maisipan akong maligo. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay naisipan kong uminom muna ng tubig bago matulog dahil medyo nauhaw ako. Tahimik na ang buong bahay at akala ko ay natutulog na rin si William dahil hindi ko siya narinig mula nang matapos akong maghapunan. Hindi na rin ako nag-abala pang magsindi ng ilaw sa hallway dahil kabisado ko naman ang bahay ko at alam kong nasa kusina ang refrigerator.Nakasuot lang ako ng tuwalya habang naglalakad palabas ng kuwarto dahil balak ko lang naman uminom ng tubig at bumalik agad. Hindi ko na rin naisip na baka may makita akong ibang tao dahil akala ko ay tulog na si William sa kuwarto niya.Pagdating ko sa kusina ay madilim ang buong paligid. Hindi ko na rin binuksan ang ilaw dahil ang liwanag mula sa maliit na ilaw sa labas ng bahay ay sapat na para makita ko ang refrigerator. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. At akmang bubuksan ko na sana ito nang bigla akong may marinig na boses mula sa madilim na bahagi ng kusin
LIAKinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil may unang klase ako. Pagdating ko sa classroom ay nakita ko agad si Alexa na nakaupo na sa puwesto namin. Pagkakita pa lang niya sa akin ay ngumiti na siya nang malaki at alam kong may itatanong na naman siya. Hindi pa man ako nakakalapit ay hinila na niya ang upuan sa tabi niya para paupuin ako."Finally! Dumating ka rin. Akala ko hindi ka na papasok dahil baka busy ka na sa pag-aalaga sa driver mong nakatira sa bahay mo."Napairap ako bago inilapag ang bag ko sa mesa."Ang aga-aga mo pero nakakairita ka na agad. Hindi ko siya inaalagaan. Nagtatrabaho siya sa akin.""Ah, nagtatrabaho pala. Kaya pala binilhan mo ng damit, sapatos at kung anu-ano pa. Driver lang ba talaga iyan o may iba ka pang pinagkakaabalahan?""Alexa, huwag kang gumawa ng kung anu-anong kuwento. Driver ko talaga siya. Marunong siyang magmaneho ng truck sa probinsya kaya naisip kong kunin ko na siyang driver ko. At saka kailangan din naman niya ng trabaho dahil
LIAMatapos kong pumili ng dalawang pares ng sapatos ay dumaan naman kami sa section ng mga personal na gamit. Kumuha ako ng medyas at iba pang kailangan niya. Nang makarating kami sa men's underwear ay napatingin ako sa kanya at pagkatapos ay sa mga nakadisplay na underwear. "William, kailangan mo rin nito." Tumango siya at saka nagsimulang tumingin sa mga nakasabit na pakete. "Oo nga pala. Anong size ba ang kukunin ko?" "Hindi mo alam?" "Hindi talaga. Noong nasa probinsya pa ako, kapag bibili ako, ipinapakita ko lang sa tindera iyong dati kong gamit tapos siya na ang nagbibigay ng kaparehong size. Hindi ko naman kailangang tandaan." Napatawa ako. "Ikaw pala iyong lalaki na hindi alam ang sariling size." "Hindi ko naman kailangan malaman. Ang mahalaga sa akin noon ay may maisuot." "Sige. Tingin tayo. Large siguro." "Sigurado ka?" "Hindi ko alam. Sa tingin ko lang." "Paano mo malalaman kung hindi mo naman ginagamit?" "William, lalaki ka. Ikaw ang dapat nakakaalam niyan."







