Share

K-22

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-05-19 18:40:07

AMELIA

Pinagmasdan niya mula sa ibaba si Hendrix. Bumuntong hininga siya at saka hinaplos ang kanyang pisngi. Pagkatapos, sinuklay niya rin ang buhok niya gamit ang palad niya.

"Amelia, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Ligaya sa kanya nang lumabas ito sa kuwarto.

Hinarap niya ang nakatatandang kapatid ni Hendrix. "Wala po, tita. Pinagmamasdan ko lang mula rito si Hendrix. Umalis na rin po pala siya," malungkot niyang sabi.

Tumabi sa kanya si Ligaya at saka ngumiti. "Hanggang kailan mo ba pagmamasdan mula sa malayo ang kapatid ko?"

Tumikhim si Amelia bago ngumiti ng pilit. "Hindi ko po alam, tita. Hindi pa ako umaamin sa kanya ng literal tungkol sa nararamdaman ko pero... pero siguro naman po hindi manhid ang kapatid niyo 'no?"

Pumiksi si Ligaya. Hindi ko alam sa lalaking iyon. Sinasabihan ko na nga siya na mag-asawa na. At iyong babaeng tinutukoy ko na dapat niyang mapangasawa ay ikaw. Pero parang wala lang sa kanya. Mas mainam siguro na umamin ka na sa kanya. Ilang t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
LonelyPen
updated na po! Salamat
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thank you for the update Samarah ingatan mo mabuti c sugar ninong mo baka maagaw ni Amelia hahaha
goodnovel comment avatar
LonelyPen
bembang malala ang batang pasaway HAHAHA
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-103

    VALERIE NAGLAKAD PALAPIT si Chase sa kanya habang siya, nanatilimg nakanganga at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang laki ng pinagbago ng itsura ni Chase ngayon. Kapansin-pansin din ang ganda ng sasakyan niya. "Wow naman! Ang guwapo mo naman sobra! At bakit may magara kang sasakyan? Anong mayroon? Yumaman ka na?" mabilis na sabi ni Valerie. Mahinang tumawa si Chase bago tumango. "Maupo muna tayo sa loob bago ko ikuwento sa iyo ang mga naganap sa buhay ko." Pumasok sila sa loob ng restaurant na iyon at um-order muna ng pagkain si Chase bago nagsimulang magkuwento. "Nagulat din ako sa mga nangyari. Instant eh. Hindi ko akalain na may makukuha pala akong mana mula sa tatay ko. Akala ko, wala talaga siyang pakialam sa akin. Ang sabi sa akin ng attorney, talagang nakatabi na raw ang perang iyon para sa akin. At hindi raw iyon alam ng legal na asawa ng tatay ko. Kaya bago siya mamatay, naka-settled na lahat. Si mama ko ngayon ay malakas na. At may sarili na nga siyang tindahan

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-102

    VALERIE LUMIPAS PA ang kalahating taon, tuluyan na ngang naging CEO si Samuel sa kumpanya ng kanilang pamilya kaya madalas ng busy ang binata. Habang siya naman, patuloy pa rin sa kanyang trabaho bilang kasambahay nito. Kahit papa'no, nakakabangon ng muli ang kanyang tita Anne. Patuloy pa rin ang pagsuporta niya sa kanyang mga kapatid para sa pag-aaral ng mga ito. Malakas na rin ang papa niya kung kaya naman, ganado na siyang nagtatrabaho bilang kasambahay ni Samuel. "Hi, Valerie! I have something for you!" magiliw na sabi ni Samuel nang makauwi siya. Hindi napigilang kiligin ni Valerie sa binigay sa kanya ni Samuel. Hindi lang siya kinilig dahil sa pagsalubong sa kanya ng binata. Kinilig siya dahil palaging ganoon sa kanya si Samuel. "Thank you, Samuel. The best ka talaga!" masayang sabi niya. "Syempre naman. The best ka rin kasi. Ang laking tulong mo sa akin. Uuwi na lang ako ng malinis na ang bahay at may masarap pang ulam palagi. Kaya deserve mo iyan," nakangiting sab

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-101

    SAMUELHINDI NAKATULOG NG MAAYOS si Samuel matapos siyang halikan ni Valerie sa labi. Kung tutuusin, napakabilis at saglit lang na nagdikit ang labi nila pero ang laki ng epekto sa kanya. Pasipa-sipa pa siya sa kama at saka nagpaikot-ikot pa na akala mo, teenager na kinikilig."Bakit niya kaya ako hinalikan? Gusto niya ba ako? May nararamdaman kaya siya sa akin? Tangina! Kinikilig betlog ko sa kanya!" bulalas ni Samuel bago muling sumipa-sipa.At dahil hindi siya nakatulog ng maayos, puyat siyang pumasok sa klase. Nakatulog nga siya saglit. At habang lumilipas ang oras, lalo siyang nasasabik na makita ang dalaga. Gusto niyang tanungin si Valerie kung bakit siya hinalikan nito."Ang tagal kainis!" sambit niya matapos niyang tingnan ang oras.Sa wakas, tapos na ang klase niya. Nagmamadali siyang umuwi. Sa sobrang pananabik niya, naglinis siya ng kanyang bahay. Pinag-aralan niya kung paano magwalis ng maayos. At pagkadating ni Valerie sa kanyang bahay, kulang na lang maubusan siya ng ha

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-100

    VALERIE MASAYANG UMUWI SI VALERIE sa bahay ng kanyang tita Anne. Ngunit wala siyang natagpuang tao roon. Nagtanong siya sa kapitbahay nila at nalamang nasa ospital ang kanyang tiyahin. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Valerie at dali-dalinv nagtungo sa ospital. Labis ang kabang nadarama niya sa mga oras na iyon. At habang nasa jeep siya, panay ang agos ng kanyang luha. Nagdarasal siya na sana, nasa ligtas na kalagayan ang kanyang tiyahin. Pagkadating niya sa ospital, agad niyang hinanap kung nasaan ang room ng kanyang tiyahin. Dali-dali siyang nagtungo doon. At pagkadating niya, nakita niya ang umiiyak niyang pinsan na si Lyka. At sa kama doon, nakahiga ang kanyang tita Anne. Wala na itong mga binti. "Ti-Tita..." garalgal ang tinig niyang sabi. Lumapit sa kanya ang kanyang pinsan at saka siya nito niyakap. Panay ang iyak ni Lyka habang siya ay ganoon din. Ngunit tahimik lang siyang umiiyak. Umaagos lang sa mata niya ang kanyang luha. "Ate Valerie... si mama... si

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-99

    VALERIE "Pasensya ka na talaga, Chase. Ang dami ko kasing gagawin. Sorrry talaga," paghingi niya ng tawad sa binata. "Ayos lang. May next time pa naman. Sana, payagan mo na akong kumain tayo ng magkasama. Kahit diyan lang sa tabi ang mahalaga, masaya naman," malungkot na sabi ni Chase. "Oo promise sa susunod. May biglaang aasikasuhin lang talaga kasi ako. Sige na, Chase. Mag-a-out na ako," sabi niya sa binata bago tipid na ngumiti. Bumuntong hininga siua sabay hawak sa kanyang ulo. Naawa naman siya kay Chase dahil malungkot ang mukha nito. Ngunit nasasayangan naman siya sa offer ng binatang si Samuel lalo pa't malaking pera iyon. Panggastos na ng pamilya niya sa probinsya. Matapos niyang makapag-out, mabilis siyang nagtungo sa sakayan ng jeep patungo sa subdivision kung saan nakatira si Samuel. Mahigpit sa subdivision na iyon lalo pa't mga mayayamang tao ang nakatira doon. Kaya sinabihan ni Samuel ang guard para makakapasok siya palagi nang hindi siya hinaharang ng guard o hin

  • Her Possessive Sugar Ninong (SPG)   K-98

    VALERIE KINABUKASAN, TULALA si Valerie habang nagluluto. Iniisip niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Samuel. Pati na ang sinabi nito sa kanya. Umiling-iling siya. "Tsk. Nakainom lang siya kaya nasabi niya ang bagay na iyon. Trip niya lang ako," bulong niya sa sarili bago nagprito ng itlog. Patapos na siyang magsangag nang bumaba si Samuel. Hinihilot-hilot ni Samuel ang kanyang ulo. Masakit ang ulo niya. Nakatingin lamang siya sa binata at pilit na pinakalma ang sarili. Nagsisimula na naman kasing bumilis ang tibok ng puso ni Valerie sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng soup para matanggal ang hang-over mo. Lasinggero ka talaga, 'no?" pagtataray niya sa binata. Humaba ang nguso ni Samuel. "Hindi naman. Kapag may okasyon lang ako umiinom." "Oo nga kapag may okasyon lang pero sobra-sobra naman ang paglaklak mo. Talagang sasakit ang ulo mo niyan. Nagmaneho ka pa ng lasing. Bahala ka sa buhay mo. Hindi mo masasabi ang disgrasya," saad niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status