SAMARAH
"Ano ba naman iyan, Samarah! Ang daming natirang pares! Hindi mo ba inaayos ang pagtitinda mo? 'Di ba sinabi ko sa iyong mag-alok ka sa bawat taong dumadaan?" galit na sabi ng kanyang tiyahin. Nakayuko lamang si Samarah. "Pasensya na po, tita. Nag-aalok naman po talaga ako. Sadyang marami lang pong bumibili ng pares sa kabilang kanto." "Oh talaga ba? Parang sinasabi mo na hindi masarap ang pares ni mama?" singit ni Fiona sa usapan. Doon napaangat ng tingin si Samarah. "Ha? Wala akong sinasabing ganiyan. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Sinabi ko lang na maraming bumibili na pares sa kanto dahil nakita ko iyon. Sinilip ko," pagdedepensa ni Samarah sa sarili. "Hay naku, ate Fiona! Ibang klase ka talaga kung mag-isip! Masyado mong pinalalala ang simpleng bagay eh.. Hindi naman mapipilit ni ate Samarah na bumili ang mga tao sa atin ng pares! Nasa kanila kung kanino sila bibili," pagtatanggol ni Flora sa kanya. Inirapan ni Fiona ang kanyang kapatid. "Isa ka pa! Pinagtatanggol mo na naman ang babaeng iyan! Tanga ka kasi! Hindi mo agad maintindihan na iyon ang ibig sabihin ng babaeng iyan! Na hindi masarap ang pares ni mama kaya sa kanto na bumibili ang mga tao!" "Tumigil na nga kayo!" suway ni Rosie sa kanila. Muling yumuko si Samarah. Pinagsalop niya ang kanyang palad habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Ginawa naman niya ang makakaya niya para makabenta ng pares pero bigla talagang humina ito. "Kung ganito lang din naman pala ang mangyayari, mabuti pang humanap ka na lang ng mapapasukan mong trabaho, Samarah. Wala na akong maipapasahod sa iyo. Kapag nakahanap ka ng trabaho, mag-ambag ka na lang sa bahay para may tulong ka naman. Libre ang pagtira mo dito. Kaysa mangupahan ka di ba?" wika ng tita Rosie niya. Nag-angat siya ng tingin. "Sige po, tita. Hahanap po ako kaagad ng mapapasukang trabaho." "Good. Kahit anong trabaho, pasukin mo. Huwag kang maarte. Hindi makakabuhay ang pagiging maarte, Samarah. Kaya kung anong trabaho ang available diyan, pasukin mo." "Tsk. Mabuti naman. Nang makatulong ka dito sa bahay," dagdag pa ni Fiona. "Wow naman, ate! Ikaw nga itong walang tulong sa bahay! Kung tutuusin kayang-kaya mo ng magtrabaho pero ayaw mo! Imbes na tumulong ka kay mama!" bulyaw sa kanya ni Flora. "Hayaan mo na ang ate mo, Flora. Sa susunod magtatrabaho rin ang ate mo," pagtatanggol ni Rosie sa panganay na anak. Ngumisi si Fiona habang si Flora naman ay napairap na lang. "Ewan ko po sa iyo, mama! Imbes na turuan niyong magbanat ng buto si ate, tinuturuan niyo pang maging tamad! Makatapos lang ako ng pag-aaral, maghahanap kaagad ako ng trabaho," tiningnan ni Flora ang kanyang ate. "Wala kang matitikman na kahit magkano sa akin, ate. Magtrabaho ka kung gusto mo!" inis na sabi ni Flora sabay pasok sa kuwarto. Bumuntong hininga si Fiona. "Tingnan mo, mama si Flora, na-brainwash na yata ng babaeng iyan kaya palagi siyang pinagtatanggol. Nakakainis," maarte niyang sabi bago lumabas ng kanilang bahay. Bumaling kay Samarah ang kanyang tiyahin bago humalukipkip. "Ano? Masaya ka ba na nag-aaway silang magkapatid nang dahil sa iyo?" Mabilis na umiling si Samarah. "Hindi po, tita. Hindi po ako kailanman naging masaya kapag nag-aaway sila. Huwag po kayong mag-alala, maghahanap kaagad ako nagtrabaho para makapag-ambag po ako dito sa bahay." "Aba dapat lang! Dalawang taon ka pa lang ng kupkupin kita kaya siguro naman, dapat mong suklian ang pagkupkop ko sa iyo, tama ba?" nakataas ang kilay na wika ni Rosie. Mabilis na tumango si Samarah. "Opo, tita." "Isipin mo na lang ang ginastos ko pambili ng diaper mo at gatas mo, hirap na hirap ako no'n! Maaga pang nawala sa akin ang asawa ko kaya talagang hirap na hirap ako para buhayin ka! Kaya dapat lang na ikaw naman ang kumilos. Gumawa ka ng paraan para magkapera. Hindi iyong ako lang ang kakayod dito. Baka itanong mo kung bakit hindi man lang kita napagtapos ng high school? Alam mo namang hirap na hirap na ako. At isa pa, mas uunahan ko ang mga anak ko kaysa sa iyo. Naiintindihan mo ba iyon?" "Opo, tita," nangingilid ang luhang sabi ni Samarah. First year highschool lang kasi ang inabot ni Samarah. Hindi na siya nakapag-aral pa dahil kailangan na niyang magtinda ng pares. At ang isa pang dahilan, talagang pinahinto na siya ng kanyang tiyahin sa pag-aaral para maging utusan nito. KINABUKASAN, pinuntahan niya ang kaibigan niyang si Dina para magtanong kung ano ang trabaho nito. Simula kasi nang magkaroon ng trabaho ang kaibigan niyang si Dina, naipagawa nito ang kanilang bahay. "Ha? Ano kasi... ahm... huwag mo sana akong huhusgahan," nakangiwing sabi ni Dina. Hindi na sa apartment nakatira si Dina. Muntik pa nga siyang maligaw nang puntahan niya ang tinutuluyan nito. May sarili ng condo unit si Dina. "Ano ba iyon? Ano ba ang trabaho mo? Kailangan ko kasi ng trabaho ngayon para makatulong ako kay tita Rosie sa mga gastusin. Ikaw ang nilapitan ko dahil ikaw lang naman ang kaibigan ko. Natutuwa ako sa mga naabot mo ngayon. Kung maaari sana, ipasok mo ako sa pinagtatrabahuhan mo. Pakiusap, Dina..." wika ni Samarah habang nakikiusap ang mga mata. Mariing pumikit si Dina. "Samarah, alam kong mahuhusgahan mo ako pero wala na akong pakialam pa. Kailangan kong gawin ito para sa pamilya ko. Hindi basta-basta lang ang trabaho ko, Samarah. At hindi ko alam kung kakayanin mo ito." Napalunok ng laway si Samarah. "Ha? Ano ba ang trabaho mo?" Humugot ng malalim na paghinga si Dina. "Isa akong bayarang babae, Samarah. Ang mga nagiging customers ko, mayayaman... mga bilyonaryo... mga taong makapangyarihan.. mga pulitiko. Malaking halaga ang binibigay nila sa akin sa tuwing makikipagtalik ako sa kanila kaya biglaan ang pagyaman ko. Alam kong pandidirihan mo ako pero wala na akong pakialam pa doon. Basta, masaya akong makitang naipagawa ko ang bahay namin, pinapaaral ko ang mga kapatid ko at nabibigyan ko sila ng panggastos." Bahagyang nagulat si Samarah ngunit ngumiti siya at saka hinawakan ang kamay ng kanyang kaibigan. "Hindi kita huhusgahan, Dina. Kahit bayaran kang babae, trabaho pa rin iyan. Gumagawa ka pa rin ng paraan para magkapera. Hindi mo iyan ninakaw. Pinahihirapan mo iyan dahil hindi rin madaling maging bayarang babae. Saan bang club iyan? Gusto ko sanang subukan kung kakayanin ko ba." Namilog ang mata ni Dina. "Sigurado ka ba diyan?" Lumunok ng laway si Samarah bago tumango. "Oo, susubukan ko." "Kung sakaling hindi mo kaya, mayroon namang tinatawag na sugar daddy. Sa akin kasi iba-ibang lalaki ang tinatrabaho ko. Pero kapag mayroon kang sugar daddy, isang tao lang iyon. Siya lang ang tatrabahuhin mo. Kapag nagustuhan niya ang performance mo, ibibigay niya kung ano ang gusto mo." Namilog ang mga mata ni Samarah. "Ah iyon pala ang sugar daddy na sinasabi. Narinig ko na iyan pero hindi ko alam." "Sigurado ka na ba talaga?" pag-uulit ni Dina. Mabilis na tumango si Samarah. "Oo, sigurado na ako. Para makatulong ako kay tita Rosie. Makabawi man lang ako sa pagkupkop nila sa akin." "Ha? Anong makabawi? Hindi ka pa ba nakakabawi sa ginawa nilang pang-aalipin sa iyo? Ginawa ka ngang kasambahay ng tita Rosie mo pati na ng Fiona na iyon!" "Hindi naman. Siguro, natural lang na tumulong ako sa gawaing bahay kasi doon ako nakikitira." Inirapan siya ni Dina. "Ewan ko sa iyo! Masyado kang mabait! Oh siya, balikan mo ako dito sa susunod na linggo. Pumunta ka dito ng ala syete ng gabi." Malawak na ngumiti si Samarah. "Maraming salamat, Dina. Pupunta ako dito ng ganiyang oras at hindi ako magpapahuli. Sana, magkaroon ako ng lakas ng loob para sa trabahong ito. Para yumaman din ako katulad mo." "Hay naku, hindi mo nga ako dapat tularan dahil madumi ang trabaho ko." Mabilis na umiling si Samarah. "Basta, hindi pagnanakaw ang trabaho mo, malinis pa rin iyan. Kaya susubukan ko iyan. Bahala na. Basta, susubukan ko," determinadong wika ni Samarah.VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang pumayag siyang hiramin muna ni Clarisse si Samuel, wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng binata. Palagi nga itong sabik na makasama at makita siya. Kahit na saglit lang na oras silang magkasama, masaya na siya. Kampante kasi siyang hindi maaagaw sa kaniya ni Clarisse si Samuel lalo na kapag nagkukuwento ito sa kanya. Galit na galit ang mukha palagi ni Samuel. Parang gusto ng manakit. Kasalukuyan siyang abala sa pagse-serve ng wings sa Kuya C's Unli Wings. Hapon na ng mga oras na iyon at maraming tao. Nagdagdag pa nga ng isang empleyado si Chase para full force ang man power niya sa store na iyon. Gusto sana siyang kunin ni Samuel at doon na lang siya magtrabaho sa binata pero ayaw niya. Dahil na rin sa utang na loob niya kay Chase. At isa pa, mas maigi ng kay Chase na lang siya magtrabaho para malapit lang din sa kanilang bahay. "Parang bihira na lang yata kayo magkita ni Samuel? Hindi ko na siya nakikita sa CCTV na
CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l
CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang
VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya