SAMARAH
"Gumising ka na diyan, Samarah! Akala mo yata prinsesa ka para gumising ng tanghali!" sigaw ng kanyang tiyahin na si Rosie. Dahan-dahang iminulat ni Samarah ang kanyang mga mata. Inaantok pa siya pero wala siyang magagawa. Siya kasi ang nakatoka sa pagtitinda ng pares mula ala syete ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Ala singko na siya nakatulog at alas nuebe na ng umaga ngayon. Ilang oras lang ang naging tulog niya. "Ano po ang almusal natin, tita?" tanong ni Samarah sa kanyang tiyahin. "Aba! Ewan ko sa iyo! May usapan na tayo, 'di ba? Lumalaki na ang gastusin ko kaya napag-usapan na nating ikaw na ang sasagot sa almusal mo at tanghalian. Kapag may sobra na ulam sa tanghalian, puwede mong kainin. Kapag wala, eh 'di wala. Hapunan lang ang sagot ko sa iyo. Huwag mong bawasan ang kung anumang pagkain sa ref. Para sa mga anak ko iyan. May sahod ka naman kahit papa'no sa pagtitinda mo ng pares, 'di ba?" mabilis na sabi ni Rosie. Hindi na lang nagsalita si Samarah. Wala naman siyang magagawa kun'di ang sundin si Rosie. Simula nang mamatay ang kanyang ina, ang tiyahin niyang si Rosie ang kumupkop sa kanya. At kahit masama ang ugali nito, ayos lang sa kanya. Dahil para kay Samarah, kung hindi siya kinupkop ng kanyang tiyahin, nasa lansangan siya nakatira ngayon. Dalawang taong gulang pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ina. Hindi niya kilala kung sino ang kanyang ama dahil ang kwento ng kanyang tiyahin, iniwan daw ang kanyang ina ng ama niya matapos malamang buntis ito. Mayaman kasi ang pamilya ng ama niya at hindi tanggap ng pamilya nito ang kanyang ina. "Sige po, tita. Bibili na lang po ako ng almusal ko," magalang niyang sabi bago nagtungo sa banyo upang maghilamos. Bumili na lang siya ng kanin at ulam dahil magtanghalian na rin. Gagastos pa siya kung pati almusal, bibili pa siya. Tinitipid niya ang maliit na halagang sinasahod niya sa pagtitinda ng pares. Tanging gabi lang kasi siya puwedeng makakain ng libre. "Ate Samarah, may tira pa akong sopas. Sa iyo na lang ito," nakangiting wika ng pinsan niyang si Flora. Mabait sa kanya ang pinsan niyang si Flora. Matanda siya ng dalawang taon sa kanyang pinsan. Twenty three years old na siya, si Flora ay twenty one years old, at ang ate nitong si Fiona naman ay twenty two years old. Si Fiona ay mayroong hindi magandang ugali. Nagmana sa tiyahin niyang si Rosie. At ang ugali naman ni Fiona ay nagmana sa ama nitong yumao na. "Salamat, Flora. Pero hindi mo na ako kailangan pang tirahan ng almusal mo. Baka magalit lang ang mama mo sa akin. May pera naman ako kahit papaano," malambing ang tinig na wika ni Samarah. "Ate, hindi ko po iyan itinira sa iyo. Sadyang nabusog lang po talaga ako. At saka, hayaan mo iyan si mama. Parehas talaga sila ng ugali ni ate Fiona. Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila. Ginagawa mo naman ang lahat ng puwede mong gawin para makatulong ka dito. Kulang na nga lang, gawin ka na bilang kasambahay eh. Basta, huwag mo ng lilinisin pa ang kuwarto namin ni ate. Nilinis ko na iyon at palagi kong lilinisin. Kuwarto na lang ni mama ang linisin mo ate," nakangiting wika ni Flora. "Sige, Flora. Maraming salamat sa iyo. Kainin ko muna itong sopas," sambit ni Samarah bago kumuha ng kanin. Nilagyan niya ng katamtamang dami ng kanin ang tinirang sopas ni Flora para sa kanya. Nang sa ganoon, mabubusog siya. Nang matapos siyang kumain, naglinis na siya sa buong bahay. Nagwalis, naglampaso at naghugas siya ng plato. Pagkatapos, saka lang siya nagpahinga sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang oras na lumipas dahil mamaya, magtitinda na siya ng pares. "Mukhang mahina ang benta ng pares natin ngayon dahil may paresan na rin pala sa kanto. Nakakairita! Gaya-gaya ng paninda ang hayop na babaeng iyon! Samarah, galingan mo sa pagtitinda. Alukin mo ang mga dumadaan. Kung puwede mong akitin ang mga customer, gawin mo para walang matitirang pares," wika ng kanyang tiyahin. Pagsapit ng ala syete ng gabi, si Samarah na ang pumalit sa pagtitinda ng pares. Matumal nga dahil kakaunti ang taong bumibili sa kanila ngayon kaya inaalok niya ang bawat dumadaan. "Tsk. Ang ingay mo naman!" inis na sabi ng pinsan niyang si Fiona. "Pasensya na. Kailangan ko kasing alukin ang bawat dumadaan dahil may paresan na pala sa kanto. Kakaunti pa lang ang bumibili sa atin. Utos ng mama mo iyon," tugon ni Samarah sa kanyang pinsan. Inirapan siya nito. "Whatever pares girl! Ayusin mo kasi ang pagtitinda mo diyan nang makabenta ka! Iyan na nga lang ang ambag mo dito sa bahay. Buwisít," sabi ni Fiona bago nagmartsa palabas ng kanilang bahay. Nakasuot ng crop top ang kanyang pinsan na pinaresan ng maikling short. Naka-make up ng makapal ang kanyang pinsan at sa tingin niya, magpapapansin na naman ito sa mga binata sa kanto. Napailing na lamang siya. Sa totoo lang, maraming binata ang nagpapansin kay Samarah pero wala siyang pakialam sa mga ito. Focus lang siya sa pagtitinda ng pares. "Ang gandang tindera naman talaga niyan! Isang pares overload nga," nakangiting wika ng binatang si Lander. Si Lander ay may lihim na gusto kay Samarah. At ang binatang si Lander ay gusto naman ni Fiona. Pero walang nararamdamang kahit ano si Samarah para kay Lander. Kaibigan niya lang ito, kapitbahay. "Pasaway ka talaga. Sandali lang, ha," tumatawang sabi ni Samarah bago inihanda ang pares na order ni Lander. "Tsk. Bakit ba gandang-ganda ka sa babaeng iyan eh mas maganda naman ako sa kanya?" nakapamaywang na sabi ni Fiona habang nakataas ang kilay. Narinig iyon ni Samarah pero patay malisya lamang siya. Tumawa ng mahina si Lander. "Maganda ka rin naman. Lahat naman kayo maganda. Hindi mo dapat ikinukumpara ang sarili mo sa ibang babae, Fiona. At isa pa, bakit hindi ka na lang maghanap muna ng trabaho para may pagkaabalahan ka?" Ngumisi si Fiona. "Saka na dahil nandyan naman si mama." "Ganoon? Aasa ka lang sa mama mo? Kung tutuusin, dapat nga tinutulungan mo ang mama Rosie mo sa pagtitinda ng pares ninyo. O 'di kaya magtrabaho ka para may tulong ka na rin sa pamilya niyo. Sa gastusin ninyo sa bahay," suhestiyon ni Lander. Umirap si Fiona. "Hay naku! Saka na 'no! Hindi naman ako pinanganak para magpakahirap magtrabaho! At saka huwag mo nga akong igaya diyan kay Samarah! Hindi ko kasalanan kung wala na siyang nanay na bubuhay sa kanya. Basta ako, mahal ako ng mama ko. Tapos." Napakamot na lang sa kanyang ulo si Lander. Habang si Samarah naman, inabot na sa binata ang binili nitong pares at saka kinuha ang bayad. "Salamat, Samarah. Papasok na rin ako after ko itong kainin sa bahay. Dito na ako," wika ng binata bago tuluyang umalis. Call center agent si Lander at silang dalawa na lang magkapatid ang nakatira sa maliit nilang bahay. Magkasalubong ang kilay ni Fiona nang tumingin ito kay Samarah. "Papansin ka talaga 'no? Peste ka sa buhay ko! Alam mong gusto ko si Lander tapos nagpapapansin ka sa kanya? Tuwang-tuwa kang sinasabihan ka niyang maganda?" inis na sabi ni Fiona. Mabilis na umiling si Samarah. "Ha? Hindi ako nagpapapansin kay Lander. Never kong ginawa iyon. At isa pa, hindi ako tuwang-tuwa sa mga sinasabi niyang iyan sa akin. Huwag kang mag-isip ng kung ano, Fiona. Wala naman akong gusto kay Lander." "Sinungaling! Guwapo si Lander! Matangkad, malaki ang katawan! Imposibleng hindi ka magkagusto sa kanya! Mahuli lang kitang nilalandi si Lander, kakalbuhin talaga kita! Malandi ka!" sigaw ni Fiona bago lumakad palayo. Bumuntong hininga na lamang si Samarah at tinuon ang tingin sa pares na kanyang paninda. Ni minsan, hindi naman siya nagpapansin sa kahit sinong lalaki. Nasanay na lang talaga siya sa ugali ng kanyang pinsan.Nakaupo si Valerie sa gilid ng kama, nakalaylay ang buhok sa balikat, habang pinapanood si Samuel na nagsasara ng pinto. May kakaibang tahimik na namagitan sa kanila—hindi katahimikan ng pagkawalang masabi, kundi katahimikan ng dalawang taong alam na kung saan patutungo ang gabing iyon. Lumapit si Samuel, mabagal na parang sinasadyang pahabain ang bawat segundo. Tumigil siya sa harap ni Valerie at hinawakan ang kanyang baba, pinapatingala siya. “Tulog na ang mga bata, oras na para paligayahin natin ang isa't isa,” mahina niyang sabi. Sa isang iglap, nagsalubong ang kanilang labi. Una’y marahan, tila nag-aalangan, ngunit mabilis na naging mas malalim, mas mariin. Narinig ni Valerie ang sariling paghinga na humahaba at bumibigat, habang ang kanyang kamay ay kusa nang sumayad sa dibdib ni Samuel, ramdam ang tibok ng puso nito. Dumulas ang mga daliri ni Samuel mula sa panga ni Valerie pababa sa kanyang leeg, patungo sa balikat. Hinaplos niya ang balat na tila tinatandaan ang bawa
Mainit-init ang hapon nang magpasya sina Samuel at Valerie na mag-grocery. Hindi dahil wala na silang pagkain—sa totoo lang, puno pa ang ref nila—pero dahil na rin sa hilig ni Valerie na mag-"check lang" ng sale kahit kadalasan ay nauuwi sa tatlong bag ng hindi planadong binili. "Love, mabilis lang ‘to ha," sabi ni Valerie habang umaayos ng listahan sa phone. "Ayaw mo bang dalhin na rin ‘yung banig at unan? Para kung matagalan tayo, may matutulugan ako sa aisle ng bigas," biro ni Samuel habang naglalakad papasok sa grocery. Tinawanan siya ni Valerie. "Eh kung suntukin na lang kaya kita para makatulog ka?" Natawa si Samuel bago umiling. "Biro lang, love. Ito naman." Mabilis lang silang nakarating sa malaking mall doon. Dumiretso kaagad sila sa supermarket. Kinuha nila ang isang cart, at gaya ng nakasanayan, si Valerie ang may hawak ng listahan habang si Samuel ang designated taga-tulak. Habang nasa aisle sila ng mga de-lata, biglang may boses na tumawag. "Valerie?!" Napa
LUMIPAS PA ANG DALAWANG TAON, mainit ang hapon sa isang maliit na restaurant sa gilid ng baybayin. Sa labas, pinapainit ng araw ang buhangin at pinapalamig ng hangin mula sa dagat ang paligid. Sa loob naman, bahagyang malamig ang simoy mula sa aircon, at humahalo sa amoy ng kape at tinapay ang bahid ng alat ng dagat. Magkaharap sina Samuel at Valerie sa isang mesa na gawa sa kahoy. Nakaipit sa pagitan nila ang maliit na paso ng halaman. Hawak ni Valerie ang menu, pero hindi talaga nagbabasa. Kanina pa siya nagmamasid sa asawa niya. Tahimik si Samuel, gaya ng nakasanayan. May maamo siyang mga mata, at bawat galaw niya ay may kabagalan na parang sinasadya. Pero sa kabila ng katahimikang iyon, alam ni Valerie na marami siyang hindi pa ganap na nauunawaan sa lalaking ito—lalo na’t may mga bahagi ng kanyang nakaraan na hindi basta-basta ikinukwento.Ang mga anak nila ay naiwan sa kanilang lolo at lola. Bale nagde-date silang dalawa ngayon. “Anong gusto mo, love?” tanong ni Samuel haba
Maliwanag ang buong simbahan. Puno ito ng puting bulaklak, malalambot na kurtina, at mga ngiting sabik sa pagdating ng bride. Sa harap, nakatayo si Samuel sa tabi ng pari, naka-three-piece suit na parang lumabas sa magazine cover, pero halatang kinakabahan.Sa gilid, nakangiting binubulungan siya ng best man:“Relax, Samuel. Para ka namang sasabak sa boxing, eh," natatawang sabi ni Shaun.Pero hindi sumagot si Samuel. Kanina pa kasi siya naka-focus sa pintuan ng simbahan, hinihintay ang sandaling makita si Valerie.Nang bumukas ang pintuan, halos huminto ang oras. Naka-gown si Valerie na simple pero elegant, gawa ng designer na minahal niya sa kanyang kabaitan. Lahat ng tao ay humihinga ng malalim, pero si Samuel — para bang iyon lang ang araw na nagkaroon ng kulay ang mundo niya.Habang naglalakad si Valerie sa aisle, naririnig niya ang mahihinang bulong ng ilang bisita:"Ang ganda ng mapapangasa ni Mr. Walker...""Parang artista lang...""Grabe dyosa sa ganda!"Nang makarating si Va
VALERIE LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN mula nang mangyari ang kapalpakang ginawa ni Jess na muntik nang sumira kay Valerie. Ngayon, tuwing papasok siya sa Amber’s Corporation, palaging may bumabati at ngumingiti sa kanya — hindi na tulad dati na may nagbubulungan at nambabastos sa likod. Kahit ang dating supladang si Jess ay hindi na rin nagpapakita sa kumpanya; balita’y nagpunta na ito abroad. Sa kabila ng respeto at atensyon na natatanggap niya, pinili pa rin ni Valerie na manatili sa kanyang posisyon bilang staff. Kahit ilang beses siyang inalok ni Samuel na maging department head o bigyan ng mas magaan na trabaho, lagi niyang tinatanggihan. Pinatitigil din siya ni Samuel sa trabaho doon at sinabing maging assistant na lang ng mommy Samarah niya pero tinanggihan niya iyon. Masaya si Valerie sa trabaho niya bilang staff. “Love, hindi sa ayaw ko, pero gusto ko kasi na may sarili akong kita. Iba pa rin iyong pakiramdam na may naipapasok akong pera sa sarili kong account na ga
VALERIE MAKALIPAS ANG HALOS isang linggo mula sa pagkapahiya ni Jess, tila mas naging tahimik si Jess sa harap ni Valerie. Pero alam ni Valerie na hindi iyon kabaitan — kun'di paghahanda para sa mas malupit na galaw.'Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito? Nadadama kong may pinaplano siyang masama laban sa akin,' sabi ni Valerie nang sundan niya ng tingin si Jess. Biyernes ng hapon, tinawag si Valerie ni department head. “Valerie, ikaw ang maghahanda ng presentation para sa Monday meeting with the investors. Nasa shared folder ang files," mabilis na sabi ng department head. “Noted po,” mahinahong sagot niya bago inikot ang kanyang mata. Kumunot ang noo niya nang mahagip ng kanyang mata si Jess sa loob ng kanilang departamento. Walang ibang staff sa mga table doon dahil ngayon, kausap niya ang head. Pagbalik niya sa desk, binuksan niya ang shared folder… pero halos walang laman. Tanging ilang lumang files na outdated na ang nandoon. 'Hmm… interesting,' bulong niya s