SAMARAH
"Ano na, Samarah? Wala ka pa ring nahahanap na trabaho? Ano? Lumalaki na ang gastos ko sa iyo! Ang mahal ng bilihin! Halos hindi na tayo nangangalahati sa nabebentang pares tapos sahod mo pa!" pagrereklamo ng kanyang tiyahin. "Pasensya na po, tita. Hindi pa tumatawag ang kaibigan kong si Dina pero pupunta po ako doon sa Linggo. Kahit huwag niyo na po akong sahuran. Ganoon pa rin po ang gagawin kong pagbabantay dito sa paresan. Kahit libre na lang po ang pagkain ko mula almusal hanggang hapunan. Ayos na po sa akin iyon," wika ni Samarah bago tipid na ngumiti. Ngumuso si Rosie bago nag-iwas ng tingin. "Okay sige. Sinabi mo iyan, ha. Hindi na kita sasahuran. Pero libre na ang pagkain mo dito. Mainam ng makatipid ako kahit papaano. Okay sige, mamayang ala syete, ikaw na ang papalit sa akin dito." "Sige po, tita. Marami pong salamat," masayang sabi ni Samarah. "Basta, kailangan mong humanap ng trabaho, Samarah. Dahil kung hindi, pasensyahan na lang tayo. Mapapalayas kita dito sa bahay. Hindi na kita kaya pang buhayin. Kaya kung ayaw mong palayasin kita, humanap ka ng trabaho." Napalunok ng laway si Samarah at nakaramdam ng takot. "Opo, tita. Hahanap po ako agad-agad." Abala sa pagtitiklop ng damit si Samarah nang puntahan siya ni Fiona sa maliit niyang kuwarto. "Hoy, ikaw bakit nakialam ka sa shampoo ko? Anong karapatan mong kumuha ng shampoo sa akin? Wala ka bang pambili? Hindi ko na kasalanan kung wala kang pambiling shampoo! Huwag kang makikialam ng gamit ko!" sigaw ni Fiona sa kanya. Napayuko si Samarah. "Pasensya ka na, Fiona. Naubos na kasi iyong shampoo ko kanina. Huwag kang mag-alala, papalitan ko na lang din kaagad ng bago. Pagkatapos ko dito, bibili ako sa tindahan." "Dapat lang na palitan mo dahil pakialamera ka! Ang kapal ng mukha mo! Huwag na huwag kang makikialam sa mga gamit ko dito sa bahay! Isa pang kumuha ka ulit ng shampoo sa akin, sasabunutan talaga kita! Punyetang ito!" galit na sabi ni Fiona bago padabog na isinara ang pinto. Humugot ng malalim na paghinga si Samarah bago pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Inalis na lamang niya sa kanyang isipan ang sinabi ni Fiona dahil mali naman talag siya. Mali ang ginawa niyang pangingialam sa gamit nito. Muling bumalik si Samarah sa condo unit ni Dina. May inihanda ang kaibigan niyang kanyang susuotin patungo sa bar. Nakaramdam ng pagkaasiwa si Samarah sa suot niya pero buo na ang pasya niya. Susubukan niya ang trabaho ng kanyang kaibigan para magkapera din siya ng malaki. "Ano? Handa ka na ba?" tanong sa kanya ni Dina habang nasa loob sila ng sasakyan nito. Mabilis na tumango si Samarah matapos ang ilang ulit na paglunok ng kanyang laway. "Oo.... handa na ako," matapang niyang sabi. Nakarating lang sila kaagad sa club na sinasabi ni Dina sa kanya. Nalukot ang mukha ni Samarah nang makapasok sila sa loob ng club na iyon. First time niyang makapasok sa ganoong lugar. Maraming nagsasayawan doon na mga babae at halos kita na ang kaluluwa. Maraming alak. Patay sindi ang ilaw na mayroong maingay na tugtugin. "Nakikita mo ang mga matatandang iyan? Mga mayayaman ang mga iyan. Kalimitan sa kanila, mga bilyonaryo. Mga mayayamang negosyante," wika ni Dina bago itinuro ang mga matatandang lalaki kung saan may nakapatong na mga babae sa kanila. Napangiwi si Samarah dahil hindi kaaya-aya ang mga itsura nito. Malalaki ang tiyan at hindi talaga guwapo. "Ahm.... hindi naman sa ano ha.... mapanghusga pero ganiyan ba ang customer na dapat kong lapitan?" alanganin niyang tanong. "Oo. Bakit?" Muling tiningnan ni Samarah ang mga matatandang lalaki bago tumingin kay Dina. "Ano kasi... hindi naman sa mapanglait pero bakit walang guwapo sa kanila? Ayon kasi sa nabasa ko, mga guwapo raw ang mga bilyonaryo sa ganitong lugar. Iyong kahit nasa edad 40's na, guwapong-guwapo at baby face.... higit pa roon, may magandang pangangatawan." Mahina siyang binatukan ni Dina bago tumawad. "Gaga ka! Saan mo naman nabasa iyan? Sa mga nobela? Kathang isip lang naman ang mga iyan! Sa totoong buhay, bihirang makahanap ng matandang guwapo at maganda ang katawan. Kaya nga ilang beses kitang tinanong kung sigurado ka bang talaga. Teka, maupo na tayo dito." Umupo sila sa table malapit sa dance floor. Sumenyas sa waiter si Dina para bigyan sila ng alak sa kanilang table. Palinga-linga si Samarah. Malikot ang kanyang mga matang tingin nang tingin sa mga lalaking naroon. "Kalimitan sa mga guwapo ditong binata, mga walang pera iyan. Mga papogi lang ang alam para madaling makabingwit ng libre tira. Ang tunay na mayayaman dito ay ang tinuro ko sa iyong mga matatanda. Iyan ang target ng mga katulad ko dito sa lugar na ito. Teka, maiwan muna kita sandali dito. Lalapitan ko lang iyong matandang iyon. Paborito kong customer sa lahat dahil galante," nakangising wika ni Dina bago nilapitan ang isang matandang lalaki. Kumandong si Dina sa matandang lalaki at saka hinaplos ang pisngi nito. Hinawakan naman ng matandang lalaki si Dina sa kanyang puwétan. Napangiwi si Samarah. Tinuon niya ang tingin niya sa alak na nilapag sa kanilang table. Kumuha siya ng baso at saka iyon nilagyan ng yelo bago nagsalin ng kaunting alak. "Ang ganda mo naman, miss..." wika ng isang lalaking naupo sa kanyang harapan. Napalunok ng laway si Samarah. Panot at malaki ang tiyan ng matandang lalaking nasa kanyang harapan. Kumikinang ang gintong kwintas nito na makapal, bracelet pati na rin ang suot niyong singsing na madami sa magkabilang daliri nito. Doon pa lang, masasabi na ni Samarah na mayamang lalaki ang nasa harapan niya. "Hello po, magandang gabi. Salamat po sa papuri," nakangiwi niyang sabi. Malawak na ngumiti ang matanda. Nanlaki ang mga mata ni Samarah nang makita ang ngipin nitong naninilaw. "Ang galang mo naman, miss. Ngayon lang kita nakita dito. First time?" Nakatitig pa rin si Samarah sa ngipin ng matandang lalaki. "Opo. First time po. Ahm.... iyong ngipin niyo po ba, ginto rin?" Namilog ang mata ng matanda bago natawa. "Hindi, miss. Ngipin ko talaga iyan." Napalunok ng laway si Samarah. "Ganoon po ba? Dilaw po kasi masyado. Akala ko gold." Tila napahiya ang matanda kaya kumamot ito sa kanyang ulo. "Didiretsuhin na kita, alam ko kaya ka nandito ay dahil gusto mong magkapera, tama?" Mabagal na tumango si Samarah. "Opo." "Kung ganoon, o-offer-an kita ng one hundred thousand kapalit ng isang gabi. Kung virgin ka pa, gagawin ko itong five hundred thousand. Deal?" nakangising wika ng matandang lalaki. Maraming beses na lumunok ng laway si Samarah. Napakalaking pera na makukuha niya kung sakaling magpapagalaw siya sa matandang lalaki dahil virgin pa siya. Pero hindi niya alam kung makakaya niya bang sikmurain ang matandang lalaki lalo pa't hindi ito guwapo at napakadilaw pa ng ngipin. "Ah... teka lang po. Pag-iisipan ko muna. Tatanungin ko muna ang kaibigan ko," wika niya bago tumayo. Hinawakan siya sa kamay ng matanda para pigilan. "Gagawin kong isang milyon kapag virgin ka pa. Sa nakikita ko kasi halatang wala ka pang karanasan sa pakikipag-séx." "Wala pa po talaga kaya pag-iisipan ko po muna," aniya bago binawi ang kanyang kamay at saka mabilis na lumabas ng club na iyon. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Lumakad siya ng kaunti palayo sa club na iyon at saka sumandal sa pader. 'Grabe, parang hindi ko yata kayang makipagtalik sa ganoong lalaki! Akala ko pa naman, mga guwapo sila at malaki ang katawan! Hindi pala! Sinungaling pala iyong nabasa kong libro!' bulalas ni Samarah sa isipan. Hindi alam ni Samarah na sinundan siya ng matandang lalaki. Bigla siyang hinawakan nito sa kamay at saka hinila. "Ano? Bakit nandito ka? Aalis ka na? Iyong offer ko sa iyo, tatanggihan mo? Magkano ba ang gusto mo? Dalawang milyon? Oh sige. Ibibigay ko. Sumama ka na sa akin!" desperadong wika ng matanda at saka siya pilit na hinihila. Nagpumiglas si Samarah. "Ayoko po! Hindi ko naman tinanggap ang offer niyo! Bitawan niyo ako! Tulong!" sigaw ni Samarah. "Ang arte mong babae ka! Huwag ka ng magpakipot diyan dahil putá ka rin naman!" sigaw pa ng matandang lalaki. "Bitawan niyo ako! Ayokong sumama sa inyo!" naluluha ng sigaw ni Samarah. May isang lalaking inutusan ang matanda para halihin si Samarah papasok sa sasakyan. Hindi na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Samarah sa mga oras na iyon. Pero bigla na lang bumulagta ang lalaki at sumunod na ring natumba ang matandang lalaki. "Hindi yata tamang pinipilit mo ang babaeng ayaw makipagtalik sa iyo, tanda." Nanlaki ang mga mata ni Samarah sa biglang pagsulpot ng isang matangkad na lalaking mayroong malaking katawan. Nagtago siya sa likuran ng lalaking iyon at saka humawak sa damit nito. "Tulungan niyo po ako, sir! Pinipilit po ako ng matandang iyan na sumama sa kanya!" pagsusumbong niya sa lalaki. Tumingin sa kanya ang lalaki at nagulat siya nang makita ang mukha nito. Makalaglag panty ang kaguwapuhan ng lalaking ito na mayroong kulay asul na mata.VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang pumayag siyang hiramin muna ni Clarisse si Samuel, wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng binata. Palagi nga itong sabik na makasama at makita siya. Kahit na saglit lang na oras silang magkasama, masaya na siya. Kampante kasi siyang hindi maaagaw sa kaniya ni Clarisse si Samuel lalo na kapag nagkukuwento ito sa kanya. Galit na galit ang mukha palagi ni Samuel. Parang gusto ng manakit. Kasalukuyan siyang abala sa pagse-serve ng wings sa Kuya C's Unli Wings. Hapon na ng mga oras na iyon at maraming tao. Nagdagdag pa nga ng isang empleyado si Chase para full force ang man power niya sa store na iyon. Gusto sana siyang kunin ni Samuel at doon na lang siya magtrabaho sa binata pero ayaw niya. Dahil na rin sa utang na loob niya kay Chase. At isa pa, mas maigi ng kay Chase na lang siya magtrabaho para malapit lang din sa kanilang bahay. "Parang bihira na lang yata kayo magkita ni Samuel? Hindi ko na siya nakikita sa CCTV na
CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l
CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang
VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya